SUGATAN SA COTABATO CITY BLAST PUMALO NA SA 32

0

PUMALO na sa 32 ang mga sugatan na isinugod sa iba’t ibang ospital sa naganap na pagsabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City habang 2 ang kumpirmadong patay.

Dead on arrival sa ospital ang dalawang biktima na kinilalang sina Mylove Nataπa at Sidik Kutin.

Tatlo naman ang nasa critical condition na sasailalim sa operasyon.

Sinabi sa report na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City.

Ang mga sugatan ay itinakbo sa Cotabato Medical Specialist Hospital, United Doctors Hospital, Maternity Hospital at Cotabato Regional Medical Center Hospital.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa Cotabato City sa naganap na pagsabog.

Read More

DONNIE NIETES WAGI!

0

(NI VTROMANO)

NAGBUNGA ang sakripisyo ni Donnie Nietes na malayo sa piling ng pamilya sa pagdiriwang ng New Year. Gayunpaman, makulay niyang sinalubong ang 2019 matapos umiskor ng pahirapang split decision win laban kay Japanese Kazuto Ioka, Lunes ng gabi sa Wynn Palace Cotai, Macao.

Sinungkit ni Nietes ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super flyweight crown at maging four-division world champion.

Binigo rin niya ang pangarap ni Ioka na maging kauna-unahang four-division world champion ng Japan.

Ang iskor ng tatlong hurado: 118-110 at 116-112 para kay Nietes at 116-112 para kay Ioka.

Bunga nang panalo, umakyat sa 42 wins at isang talo (23 KOs) ang record ni Nietes, habang natamo naman ni Ioka ang ikalawang tao (23 wins at 13 KOs).

Epektib ang jabs ni Ioka sa mga unang rounds, pero si Nietes ang solido naman ang mga patama ni Nietes.

Sa third at fourth rounds, palitan ng malalakas na suntok ang dalawa, kung saan kukonekto si Nietes sa ulo, at tinarget naman ni Ioka ang katawan o bodega ng Pinoy boxer.

Palitan pa rin ng kumbinasyon sa mga sumunod na round ang dalawang boksingero, hanggang sa 11th round kung saan halos close ang laban.

Sa 12th at final round, naging see-saw battle, ibinuhos nina Nietes at Ioka ang lahat ng lakas upang maiskor at maimpres ang mga hurado.

Dahil din sa panalong ito ni Nietes, nadugtungan pa ang kanyang winning streak na nagsimula noong 2004. (VTRomano) (Photo by: Carlos Costa/Philboxing.com)

Read More

3,448 PAMILYA MAGBABAGONG TAON SA EVACUATION CENTERS

evacuation centers-3
0

(Ni FRANCIS ATALIA)

AABOT sa 3,448 na pamilya ang magbabagong taon sa evacuation centers dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tinatayang 13,468 na apektadong mga residente mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol at ang Eastern Visayas ang mananatili sa 112 na mga evacuation centers.

Ayon sa ulat ng DSWD, tinatayang nasa P395,144 na halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga local government units (LGUs).

Read More

REP. BATOCABE INILIBING NA

batocabe500
0

INILIBING na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe kung saan hindi ramdam ng mga supporters nito ang malakas na buhos ng ulan, Lunes ng hapon. Bago magtungo sa Daraga Public Cemetery, iniikot ang mga labi ng kongresista sailing bareangay sa bayan ng Daraga kung saan ito isinilang.

Nakapayong ang mga supporters ng kongresista na matiyagang naghintay sa gilid ng  kalsada at kahit sa huling sandali ay masulyapan man lang ang mga labi nito. Marami ang nagmamahal sa kongresista na umaasang malulutas din ang kaso nito. Maraming senior citizens, pangunahing tinutulungan ng kongresista, kasama ang people with disabilities (PWDs), ang dumalo sa libing na pawang nakasuot ng t-shit na may katagang Justice For Cong. Batocabe.

Read More

2 PATAY, 27 SUGATAN SA MALL BOMBING

mall
0

DALAWA katao ang iniulat na namatay habang 27 iba pa ang sugatan sa pagsabog na naganap sa harap ng mall sa Cotabato City, Lunes ng hapon.

Isa sa mga nasawi si Jonathan Tasix, 27, tricycle driver at ng Upi, Maguindanao. Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.

Sinabi sa report na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City.

Wasak ang tricyle na posibleng pinagsakyan ng bomba. Cellphone umano ang nagsilbing triggering mechanism sa bomba na gawa sa pako at pulbura.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente habang dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Read More

MAMIMILI DAGSA NA SA BOCAUE

new
0

HINDI inalintana ng mga mamimili ang masungit na panahon sa pagdagsa sa Bocaue, Bulacan para bumili ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Umaga pa lang ay dagsa na ang mga mamimili sa Bocaue kung saan ang presyo ng mga imported na fireworks ay dumoble ng hanggang P20,000 para sa pinakamahal na klase sa merkado. Kabilang sa mabenta ang trompilyo, human candle, lusis at sawa.

Marami ang naniniwala na ang pagpapasabog o pag-iingay sa pagsapit ng Bagong Taon ay nakapagpapaalis ng malas sa buhay o masayang pagsalubong sa panibagong buhay. “Taon-taon po ‘yan para mawala po ‘yung malas,” sabi ng isang mamimil. Ang ibang dumayo ay bumili pa ng bulto-bulto para maniguro na hindi sila mauubusan. Samantala, tiniyak naman ng mga nagbebenta ng paputok na ligtas ang kanilang produkto at sumunod sa lahat ng itinatakda ng batas.

Read More

CAM NORTE NASA STATE OF CALAMITY NA RIN

camnorte1
0

ISINAILALIM na ang Camarines Norte sa state of calamity Lunes dahil sa lawak ng pinsala ng bagyong dulot ni ‘Usman’. Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ng provincial disaster risk reduction and manager council para ideklara sa ilalim ng state of calamity ang probinsiya.  Dumalo sa special session sina Gov. Edgardo Tallado at Vice Governor Jonah Pimentel na namuno sa Sangguniang Panlalawigan. Ang deklarasyon ay magpapahintulot sa local government na gamitin ang kanilang calamity fund.

Read More

ILANG FLIGHTS KANSELADO

airplane
0

KINANSELA ng Manila International Airport Authority (Miaa) ang ilang local flights dahil pa rin sa masamang panahon. Kasamang kanselado ang flights hanggang Lunes ng alas-9 ng umaga ang:

Cebu Pacific

5J 504 Manila-Tuguegarao

5J 505 Tuguegarao-Manila

Makararanas pa ng amihan o monsoon rain at maulap na papawirin ang ilang bahagi ng bansa. Ang  Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin dahil sa northern monsoon. Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang nalalabing bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, ay makararanas ng mas maayos na panahon ngunit may mga pag-ulan habang ang Visayas at Mindanao ay magiging maulap na may mga pag-ulan.

Read More

P2-M SA MAKAPAGTUTURO NG MARIJUANA PLANTATION

marijuana
0

UPANG maengganyong magturo sa mga marijuana plantation sites, magbibigay ng P2 milyong pabuya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera sa a mamamayan na makiisa sa kampanya laban sa marijuana.

Sinabi ni Atty. Joseph Frederick Calulut, ng PDEA-Cordillera, magpapatuloy ang reward system ng ahensiya para matunton ang mga plantation site na kadalasan ay nasa mga liblib na lugar ng Baguio. Magiging confidential umano ang lahat ng pagkakakilanlan ng impormante. Noong nakaraang taon ay tatlong informants umano ang binigyan ng reward ng Cordillera matapos ituro ang tagong plantation site.

Read More