FIREWORKS-RELATED INJURIES, UMAKYAT NA SA 55

fire

 (Ni FRANCIS ATALIA) SIYAM na katao ang dumagdag sa bilang ng mga nabiktima ng paputok, ilang oras bago magpalit ang taon. Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 55 ang naitalang kaso ng fireworks-related injuries mula alas-6:00 ng umaga ng December 30 hanggang alas-6:00 ng umaga ng December 31, 2018. Sa nabanggit na mga biktima ng paputok, 50 sa mga ito ay pawang lalaki. Bagama’t umakyat ang bilang, 50 porsyento pa rin itong mababa kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2017 at 75 porsyento itong mas mababa sa 5-year…

Read More

61 NA PATAY KAY ‘USMAN’

camsur

UMAABOT na sa 61 ang bilang ng mga bangkay na nabawi sa iniwang lupit ng bagyong ‘Usman’, ayon sa regional Office of Civil Defense sa Bicol Region. Karamihan sa mga biktima ay mula sa Camarines Sur kung saan 23 ang kumpirmadong nasawi, ayon sa OCD report. Pinakamaraming patay sa landslide ang naitalaga sa Tiwi, Albay na mayroong 12 biktima mula sa Maynonong, Sugod, Gajo at Bariis. Sinabi ng Disaster Risk Reduction and Management Council na posibleng binalewala ng mga residente ang babala ni ‘Usman’ matapos itong ideklarang low-pressure area na…

Read More

ANAK NG MAYOR NA DINUKOT NG ABU LAYA NA

patikul

PINALAYA na ang anak ni Labason Mayor Eddie Quimbo na si Jed, dinukot ng grupo ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu. Si Quimbo ay pinalaya bandang alas-4:14 ng hapon sa bisinidad ng Anuling Village, Patikul. Noong Setyembre 6, 2017 ay dinukot sa Labason si Quimbo ng anim na armadong lalaki at isinakay sa van. Pinalaya siya ng mga Abu Sayyaf sa Patikul at ibinigay sa kanyang kapatid na si Justin. “Si Mister Justin ay kasama ni dating governor Abdusakur Tan. Iniharap ito kay officer-in-charge ng Joint Task Force Sulu sa…

Read More

NIETES AT IOKA BUGBUGAN SA NEW YEAR’S EVE

nietes

HABANG abala ang lahat sa pagpapaputok at pagsalubong sa 2019, makikipagbakbakan naman si three-division world champion Donnie Nietes sa Wynn Palace Cotai Arena sa Macao, Lunes ng gabi. Sa official weigh-in nitong Sabado, tumimbang si Nietes ng eksaktong 115 pounds, habang 114.5 lbs naman ang kasagupang dati ring three-division world champion na si Kazuto Ioka ng Japan. Maghaharap ang dalawa para sa bakanteng WBO super-flyweight crown. Nangako si Nietes na mas magiging agresibo sa laban, upang makaiwas sa nangyaring draw sa huling laban sa kababayang si Ashton Palicte noong Setyembre.…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA ABC PRES, BANTAY-SARADO SA OSPITAL

ABC PREXY KILLER-2

(Ni NILOU DEL CARMEN) BANTAY-SARADO sa ospital ang sinasabing suspek sa pagpatay sa presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Lipa City na si Marlon Luancing na pinagbabaril sa sabungan noong Biyernes ng gabi. Naaresto ang suspek na nakilalang si Venrose Cortez at ang kanyang tatay sa Silang Specialists Medical Center sa Silang, Cavite kung saan ito isinugod ng kanyang tatay matapos na masugatan nang makipagbarilan sa pulis. Sabado ng madaling araw nang ipasok ang suspek sa ospital na ayon sa kanyang tatay ay nabiktima umano ng holdap sa…

Read More

BACO, ORIENTAL MINDORO NASA STATE OF CALAMITY

BACO-1

NASA state of calamity na ang bayan ng Baco sa Oriental Mindoro matapos malubog sa baha ang 90 porsyento ng bayan dahil sa bagyong Usman. Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang paglalagay sa state of calamity sa kanilang bayan na ang ibang lugar ay nasa anim na talampakan ang taas ng baha. Ayon sa report, nakadadaan na sa National Highway na sakop ng Barangay Bucayao at Panggalaan sa Calapan City ang malalaking sasakyan matapos bahagyang humupa ang tubig-baha. Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang isang bata na nalunod sa Barangay…

Read More

DUTERTE NO SHOW SA RIZAL CELEB SA DAVAO

sara1000

HINDI dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-122 commemoration ng martyrdom ni Dr. Jose Rizal sa Davao City. Sa halip, ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kumatawan sa Pangulo sa flag-raising at wreath-laying ceremony, Linggo ng hapon. Sinabi na nagpapahinga ang Pangulo kaya hindi nakadalo sa okasyon. “Maging oportunidad sana ito na kilalanin si Rizal sa paghubog ng ating kasaysayan bilang isang bansa. Magkakasama nating isapuso ang pagiging makabayan sa lahat ng adhikain habang iniaangat ang lipunan para sa nakararaming Pilipino,” sabi ni Duterte. Sa…

Read More

ILONG NG KAISPAR PINADUGO NI PACQUIAO

pac2000

PUKPUKAN sa ensayo sina Manny Pacquiao at Adrien Broner para sa kanilang 12-round WBA welterweight championship sa Enero 19. Katunayan, nitong Sabado (Linggo sa Manila), tatlo ang kaispar ng fighting senator sa loob ng 10 rounds. Dugo ang ilong ni Arnold Gonzales nang tamaan ng kaliwa ni Pacquiao. Habang nakipagsabayan din sa Filipino ring icon sina Lydell Rhodes at George Kambosos Jr. “Nakapagpahinga si Manny nang maayos, kaya magandang-maganda ang kundisyon niya sa isparing,” lahad ni chief trainer Buboy Fernandez. Noong nakaraang Biyernes, maikli ang naging ensayo ng 40-anyos na…

Read More

BILANG NG BIKTIMA NI ‘USMAN’ TUMATAAS

tiwi

SINABI ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga casualty sa lalawigan kung saan umabot na sa 30 base sa pinakahuling report, ayon kay OCD Bicol Director Claudio Yucot. Ang 16 na unang iniulat ay nadagdagan pa ng apat mula sa Sorsogon, dalawa sa Camsur, pito sa Masbate, lima sa Baao, isa sa Garchitorena at isa sa Basud. Nadagdagan ang namatay sa Albay na umakyat na sa walo matapos marekober ang tatlong bangkay sa gumuhong lupa sa Barangay Sugod, Tiwi. Umaabot naman…

Read More