(NI JESSE KABEL) INIHAYAG ni Armed Forces of the Philippine Public Information chief Col Noel Detoyato na patuloy pa rin nilang tinututukan ang pagkakadawit ng Abu Sayyaf subgroup na Ajang -Ajang sa naganap na twin explosion sa Jolo Sulu na kumitil ng 21 katao noong Linggo. Ayon kay Detoyato , ito ay dahil sila ang ay pattern of atrocities sa lugar. “ Yung angle ng suicide bomber as a method of delivery and execution, is also strongly considered. Whether there were foreigners involved in the execution, that is still being verified.”…
Read MoreMonth: January 2019
PAGLUSAW SA PCGG, OGCC HINARANG
(NI NOEL ABUEL) NIRATIPIKAN na ng Senado ang bicameral conference committee report sa panukalang bigyan ng mas malaking trabaho ang Office of the Solicitor General (OSG) kasabay ng pagbasura sa panukalang lusawin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC). Sinabi ni Senador Richard Gordon, may-akda ng panukala, hindi inaprubahan ng mga senador ang panukala ng mga mambabatas na lusawin ang PCGG sa kadahilanang bigo umano ito na magampanan ang kanilang trabaho. Magugunitang ang PCGG ang nangunguna sa paghabol sa ill-gotten wealth…
Read MorePUBLIKO ‘OFF-LIMITS’ SA SALN NG MGA PULITIKO
(NI BERNARD TAGUINOD) MANANATILING sarado sa publiko ang buong detalye ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) matapos aprubahan ng kasalukuyang liderato ng Kamara ang dating sistema na ipinatupad ng nakaraang administrasyon ng Kamara. Sa ilalim ng House Resolution (HR) No 2467 na inaprubahan sa plenaryo ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi, hindi pa rin ilalabas sa publiko ang mga importanteng detalye ng mga mambabatas sa kanilang ihahaing SALN. Kapareho ito ng HR 1410 na ipinasa noong panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at dahil kailangang maghain muli…
Read MoreARTIST SKETCH SA BELTRAN SLAY INILABAS
INILABAS na ng Quezon City Police District (QCPD) Huwebes ang sketch ng lalaking posibleng responsable sa pagpaslang sa isang barangay chair sa lungsod. Ayon kay QCPD director Chief Supt. Joselito Esquivel, nagtanggal ng suot na helmet ang suspek kaya nakita ng testigo ang mukha nito. Na-enhance din ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa insidente kaya nakilala ang suspek, ani Esquivel. Nasawi noong umaga ng Miyerkoles si Criselle Beltran, chairperson ng Barangay Bagong Silangan, at driver niyang si Mario Salita matapos silang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin. Bukod sa pagiging…
Read MoreKILALANG PULITIKO ‘TINABLA’ NI KAPITANA
(NI LUISA LEIGHT NIEZ) “ GUSTO na talaga niyang umatras dahil sa pini-pressure daw siya para paatrasin ng isang tao.” Ito ang pinagdiinan kahapon ni PDP mayoralty candidate Bingbong Crisologo nang magtungo sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal, Quezon City. Gayunman, tuloy ang pagtakbo ni Bgy. Captain Criselle ‘Beng’ Beltran dahil na rin sa kahilingan ng maraming umaasang supporters sa kanyang nasasakupan. Ayon kay dating Rep. Crisologo, isang araw bago ma-ambush si Beltran, nag-usap umano sila dahil isang kongresista umano ang kumausap sa kanya para paatrasin siya sa kanyang pagtakbo…
Read MoreBIDDING POWER NG DBM INALIS NA
(NI BERNARD TAGUINOD) INALIS na ang kapangyarihan ng Department of Budget and Management (DBM) na magpa-bidding ng malalaking proyekto sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act (GAA). Ito ang kinumpirma ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sa gitna ng bicameral conference meeting kasama ang mga kinatawan ng Senado sa P3.757 trilyon na 2019 national budget. “This is one of the budget reforms that House conferees on the bicameral committee will push when the discussion on the 2019 budget resumes next week,” pahayag ni Andaya. Magugunita na ibinuko ni…
Read MoreQC ‘DI PA ILALAGAY SA COMELEC HOTSPOT
(NI HARVEY PEREZ, BERNARD TAGUINOD) WALA pang balak ang Commission on Elections (Comelec) na isama sa mga lugar na nasa “hotspots ” at isailalim sa kontrol ang Quezon City,kasunod ng pagpaslang, Miyerkoles ng tanghali sa isang barangay chairna kakandidato bilang congresswoman ng District 2 ng Quezon City. “Wala pang ganyang pagkilos. Kailangan muna ma-evaluate ng PNP ang sitwasyon. Tignan natin kung ano ang rekomendasyon nila,”ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez. Magugunita na pinagbabaril ng mga suspek nakasakay ng dalawang motorsiklo si Barangay Bagong Silangan chair Crisell Beltran, 47,habang nakasakay sa…
Read MoreMILITAR , JOLO ‘BOMBERS’ NAGKASAGUPAAN
NAGKAROON ng sagupaan sa pagitan ng miyembro ng Ajang-Ajang ng Abu Sayyaf group na sinasabing nasa likod ng pagsabog sa Jolo cathedral noong Linggo ng umaga. Sa statement, sinabi ng Armed Forces Western Mindanao Command (Wesmincom) na nagkaroon umano ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 1st Scout Ranger Battalion at may 20 miyembro ng Ajang-Ajang sa ilalim ng Macrin sa Barangay Latih, Patikul, Sulu, bandang alas-7:20 Huwebes ng umaga. Tumagal ng limang minuto ang bakbakan ayon sa Westmincom. Walang inulat na nasugatan sa panig ng militar. Hanggang Huwebes…
Read MoreP38-M SA JOLO BLAST VICTIMS IBIBIGAY NG CHINESE ENVOY
NANGAKO si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na magbibigay ng RMB 5 milyon o aabot sa P38 para sa biktima ng Jolo cathedral blast, ayon kay Foreign Affairs secretary Teddy Locsin. “Chinese Amb Zhao is donating 5 million RMB to the families of the blast victims in the Jolo Cathedral,” sabi sa tweet ni Locsin. “Thank you so much. A friend in our grief is a friend indeed,” dagdag pa ni Locsin. Umaabot na sa 21 katao ang namatay habang halos daan ang nasugatan sa twin blasts na…
Read More