BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, SUMISIGAW NA NG SAKLOLO KAY GOV. VILMA SANTOS-RECTO

BANTAY OFW

NAKAKAPANLUMO na ang nangyayari sa isa nating kababayan na naging biktima ng Human Trafficking sa UAE at ngayon naman ay inilipat sa Oman. Ang aking tinutukoy ay si B—-a Sibulo na nagmula sa Makokak, Lipa City, Batangas. Magugunita na nitong nakaraan na­ting kolum ay akin nang sinimulan na banggitin ang tungkol sa patuloy na pamamayagpag ng Human Trafficking sa UAE. Tinukoy din natin ang binansagan natin na si Mama G na siyang nambibiktima ng mga Filipina sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo ng mga job hiring sa Dubai at kanya pang ipinagmamalaki…

Read More

NASAAN NGA BA ANG SWERTE?

Psychtalk

CHINESE New Year na naman. Marahil marami na naman ang nagkonsulta sa feng shui para iayos ang mga bahay o opisina. Kung gustong mas makamura, pwede namang bumili ng mga lucky charm sa mga tindahan ng pampaswerte lalo na ng mga naaakma sa Year of the Earth Pig, sa pagbabaka-sakaling darating na ang pinakaaasam na magandang kapalaran  o kaya naman para magtuluy-tuloy ang kasaluku­yang maayos ng buhay. Kung hindi naman ay para kontrahin ang inaakalang malas na dala sa kanya-kanyang buhay ng bagong taon. Taun-taon na lang ay marami ang…

Read More

RIGODON SA PARTIDO IPAGBABAWAL

rigodon

(NI BERNARD TAGUINOD) SA layuning mapatatag ang political party system sa bansa, inayunan na sa committee level sa Kamara panukalang magbabawal sa mga pulitiko na bumalimbing o lumipat ng partido bago at pagkatapos ng eleksyon. Kasama ng panukalang ito sa substitute bill  na inaprubahan ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing tulad ng paglilibre ng buwis sa P1 milyon hanggang P10 milyon  political donations sa mga partido. Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang nagsulong sa panukalang nagbabawal sa mga pulitiko…

Read More

PEKENG PNP RUBBER SHOES KINUMPISKA

POLICE500

(NI JG TUMBADO) NASABAT ng pamunuan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nasa mahigit 100 pares ng huwad na PNP rubber shoes sa inilatag na entrapment operation sa lungsod ng Quezon. Nagkakahalaga umano ang mga nakumpiskang counterfeit shoes ng P170,000 at ibinebenta umano sa hindi miyembro ng pulisya. Kasabay ng operasyon ay ang pagkakaaresto sa tatlong suspek na nakilalang sina Mark Corporal, 33; Lorenzo Celestial, 35, at Rail Ramirez, 25. Ayon kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, ang mga orihinal na pares ng sapatos ay ekslusibo lamang sa…

Read More

SEGURIDAD SA IKALAWANG PLEBISITO HINIGPITAN

bol400

(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY- Tiniyak ng PNP ang seguridad para sa ikalawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law o BOL. Ito ay ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesperson Major Arvin Encinas sa panayam ng PSN/ PM. Mas hihigpitan pa ng mga otoridad ang pinapatupad na seguridad bago paman ang plebisito at all set na, dagdag pa ni Encinas. Nagsagawa na din anya sila ng review activity sa nakaraang plebisito upang maiwasan ang anumang pangyayari. Samantala, abot sa 582 na mga pulis ang naipakalat simula pa Martes ng hapon…

Read More

BOMBA SA MOTORSIKLO SUMABOG SA CHECKPOINT

motor300

(NI JG TUMBADO) PINASABOG ng isang hindi pa kilalang lalaki ang kanyang sinasakyang motorsiklo gamit ang itinanim na improvised explosive device (IED) malapit sa isang police at army checkpoint sa Barangay Tambunan, Talayan, Maguindanao Martes ng tanghali. Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division-Philippine Army, pasado alas 3 ng hapon ng sumabog ang motorsiklo ilang metro ang layo sa isang checkpoint na ipinatutupad ng AFP at PNP sa naturang lugar. Base sa paunang imbestigasyon, papalapit na sana sa checkpoint ang motor lulan  ang isang lalaki nang biglang…

Read More

LGUs SA BUONG BANSA OOBLIGAHIN SA CCTV

cctv3

(NI LILIBETH JULIAN) OOBLIGAHIN ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan na maglagay ng mga CCTV camera partikular sa matataong lugar. Ang mungkahi ng DILG ay kasunod ng naganap na malagim na twin bombing sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu noong Enero 27 na nagresulta sa pagkasawi ng 22 katao at pagkasugat ng higit 100 pa. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, dapat ituring na basic value ng LGUs ang paglalagay ng mga CCTV camera gayundin…

Read More

REP. GARCIA ‘DI PWEDENG UMALIS NG PINAS

GARCIA100

(NI TERESA TAVARES) PINAGTIBAY ng Supreme Court ang kautusan ng Sandiganbayan na nagbabawal kay Cebu Representative Gwendolyn Garcia na makalabas ng bansa.Sa desisyon ng SC Second Division, ibinasura ang petisyon ni Garcia na kumukuwestyon sa hold departure orders (HDO) na inilabas ng Sandiganbayan laban sa kaniya bunsod ng kinakaharap na kasong graft at technical malversation hinggil sa maanomalyang pagbili ng 25 hektaryang lote sa Naga, Cebu nang siya ay gobernador pa. Kumbinsido ang SC na walang merito ang argumento ni Garcia na hindi balido ang mga HDO laban sa kaniya dahil inisyu ang mga ito bago…

Read More

PAG-ANGAT NG EKONOMIYA ‘DI RAMDAM NG PINOY

mili1

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T good news ang pagbaba ng inflation rate sa 4.4% noong Enero mula sa 5.2% noong Disyembre 2018, hindi pa rin masaya ang oposisyon sa Kamara dahil hindi ito ramdam ng mga consumers sa presyo ng mga bilihin. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at maging ang pamasahe at serbisyo publiko kaya walang dapat ipagmalaki dito ang mga economic managers ng gobyerno, “It should not be mistaken for lower prices, as prices of food, fuel and transportation…

Read More