DFA NAKATUTOK SA MGA PINOY SA PARIS FIRE

fire6

(NI ROSE PULGAR) PATULOY na minomonitor  ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang malagim na naganap na sunog tumupok sa isang apartment sa distrito ng Paris kung saan maraming mga Pilipino ang naninirahan. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Paris,nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad upang matukoy kung may mga Pilipino na kabilang sa 10 nasawi at 37 sugatan sa nasabing sunog na tumupok sa walong palapag  ng apartment building sa Erlanger sa ika-16 na distrito nitong nakalipas na Martes. Kasabay nito, ipina-abot ng embahada ang pakikiramay mula kay Ambassador…

Read More

ASEAN GAMES 2019 PINATUTUTUKAN NI PACQUIAO

seagames6

(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin na nag-uusap ang mga ito kaugnay ng gaganaping 30-taong Southeast Asean Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019. Ayon sa Pambansang Kamao, dapat na matiyak na hindi mapapahiya ang bansa sa muling pagho-host ng ASEAN Games. Aniya, naglaan na ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Comittee ng P7.5 bilyon para sa paghahanda at operasyon nh naturang palaro. Gayundin, natukoy na rin ang mga lugar na pagdarausan ng 55 uri ng palakasan kabilang ang…

Read More

BAKAL NG ESTRELLA BRIDGE IDO-DONATE SA PANGASINAN

tulay6

(NI ROSE PULGAR) NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-donate na lamang sa probinsiya ng Pangasinan ang mga bakal na bahagi ng Estrella-Pantaleon Bridge na isasailalim sa rehabilitasyon upang magamit muli ito at makabuo ng isang panibagong tulay. Ang naturang hakbangin ay napagkasunduan sa pagpupulong nitong nakarang linggo nina Executive Secretary Salvador Medialdea; DPWH Secretary Mark Villar;  MMDA Chairman Danilo Lim;  MMDA general manager Jojo Garcia; ng mga opisyal ng  Pangasinan  na sina Governor Amado Espino III, Congressman Amado Espino Jr. at dating  DOTR Usec.…

Read More

MAS ASTANG-DIKTADOR SI GMA

SIDEBAR

Sa mga hindi nakakaa­lala kung paano naging-astang diktador si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo nang pangulo pa siya ng “matatag na Republika,” kailangan lang balikan ang kanyang Executive Order No. 464 na unang ipinalabas noong kainitan ng “Hello, Garci” scandal noong 2005. Matapos pumutok ang isyu ng “Hello, Garci” ay nagkaroon ng imbestigas­yon ang Senado pero bago pa man nito maipatawag ang mga opisyal ng admi­nistrasyong Arroyo na dawit sa iskandalo ay inilabas ng Malacañang ang E.O. 464 na nagbabawal sa mga miyembro ng ehekutibo na dumalo sa mga imbestigasyon nang walang…

Read More

MULI PANG TATAAS ANG PRESYO NG BILIHIN

KAKAMPI MO ANG BAYAN FINAL

Ipinagmamalaki ng Malacañang ang pagbaba ng inflation rate sa 4.4% mula sa antas nito noong Dis­yembre 2018 na 5.6%. Ang inflation ay ang kwentada ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Bumaba ang inflation, pero dapat ba magdiwang sa balitang ito? Una sa lahat, ang 4.4% na inflation rate ay napakataas pa rin. Noong Enero 2018, noong unang ipinatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), ang inflation ay nasa 4% lamang. Sa panahong ito umaaray na ang taumbayan sa presyo ng bilihin at serbisyo. Katunayan, ang bawat pagtaas…

Read More

MAYROONG ITINATAGONG YAMAN ANG MGA KONGRESISTA?

SALIKSIK

NOONG si Rep. Pantaleon Alvarez ang pinuno ng Kamara de Representantes, ang madalas na marinig ng publiko ay mga ideya tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa, pagpapasara ng Court of Appeals (CA), gawing P1 ang badyet ng Commission on Human Rights (CHR), impeachment kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang kayabangan. Tapos, tinanggalan niya ng mga pinamumunuang komite ang mga mambabatas na hindi bumoto sa panukalang batas na magbabalik sa “death sentence.” Ang resulta, nagkaisa ang mayorya ng mga miyembro ng Kamara upang tanggalin si Alvarez sa rurok ng kapangyarihan. Kaya,…

Read More

‘WALANG RECLAMATION PROJECT SA MANILA BAY’

manila by6

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) WALA umanong sinuman ang binigyan ng permiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para magsagawa ng reklamasyon sa Manila Bay. Ito ang tiniyak ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu dahil ang kautusan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang lahat para maibalik ang ganda ng Manila Bay at ipinatutupad lamang ang mandamus order ng Supreme Court (SC) na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay. Gayunman, ibinulgar ni Cimatu na inatasan ni Duterte ang  NEDA na magsagawa ng pag aaral …

Read More

SABOTAHE SA PLEBISCITE NAPIGILAN

lanao6

(NI JG TUMBADO) ITINUTURING ng awtoridad na matagumpay ang ikalawa at huling plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Maguindanao sa kabila ng kaliwat kanang tensyon at kaguluhan na bumalot sa lugar. Bago simulan ang pagbubukas ng mga presinto, ilang lugar ay tatlong magkakasunod na pagsabog ang yumanig nitong araw ng Martes sa ilang bayan ng Lanao del Norte. Batay sa impomasyon mula sa Joint Task Force (JTF) Plebisito, unang naitala ang pagsabog sa likod ng municipal hall ng Kauswagan bandang alas-4:50 ng hapon. Sumunod ang ikalawang pagsabog…

Read More

DIOKNO ISA-SUBPOENA NA NG KAMARA

(NI CESAR BARQUILLA) IPINASA-SUBPOENA na ng House Committee on Appropriations si Budget Secretary Benjamin Diokno matapos hindi siputin ang pagdinig ng komite sa ika-limang pagkakataon. Una nang nag-mosyon si Rep. Vicente Veloso na inaprubahan naman ng komite na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., Dahil dito, inoobliga na si Diokno ng Kamara na humarap sa hearing patungkol sa mga isyu sa national budget at sa DBM. Kaugnay nito, nakahanda naman ang Kamara na magpatawag ng pagdinig kahit naka-break na ang sesyon para sa paghahanda sa kampanya sa 2019…

Read More