(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan Biyernes ang puspusang konstruksiyon ng Phase 1 ng Philippine National Railways (PNR) Clark Railway Project, na siyang magdudugtong sa Tutuban, Manila at Malolos sa Bulacan. Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa idinaos na groundbreaking ceremony ng naturang proyekto, na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Extension Project. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), target nilang makumpleto ang konstruksiyon ng proyekto sa taong 2021. Sinabi ng DOTr na sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang mas magiging mabilis at maginhawa na ang…
Read MoreDay: February 15, 2019
Opisyal na pahayag ng SAKSI Ngayon sa mapanirang pahayag ng bise alkalde ng Lungsod Quezon:
SA BUTIHING BISE ALKALDE JOY BELMONTE Nakalulungkot pong basahin ang iyong reaksiyon sa lehitimong isyu na inilabas ng aming pahayagan… pero pilit naming inuunawa kung bakit kayo nagkaganyan…normal lang po kasing tugon ‘yan ng lingkod bayan na hindi muna nag-uugnay ang isip at ang mga daliri bago itipa sa facebook ang hinanakit o galit. Mas makatutulong pong i-post din po nyo ang inilabas naming ulat, pati na ang mga dokumentong pinagbatayan ng aming istorya PARA TAUMBAYAN PO ANG MAGPASIYA KUNG FAKE NEWS ANG AMING INILATHALA… O FAKE NEWS ANG INYO…
Read MoreP492-M LOAKAN AIRPORT REHAB SUPORTADO
(NI NOEL ABUEL) SUPORTADO ng ilang senador ang plano ng pamahalaan na paglaanan ng malaking pondo ang rehabilitasyon ng Loakan Airport na magbibigay rin ng magandang pagkakakitaan ng mga residente ng nasabing lalawigan. Ayon kay Senador Sonny Angara, malaking tulong ang P492 milyong pondo na ilalaan sa pagsasaayos ng nasabing paliparan upang makadagdag na tulong sa negosyo at kabuhayan ng mga naninirahan sa Baguio City. Idinagdag pa ng senador na maliban sa kilala ang Baguio City bilang Summer Capital ng bansa ay mahalaga rin na malaman ng marami na ang…
Read MoreTUBIG-ULAN IIPUNIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mabawasan ang baha sa Metro Manila at masiguro na mayroon sapat na supply ng tubig, oobligahin na ang lahat ng institusyon, kasama na ang mga residential communities na magtayo ng pasilidad na pag-iipunan ng mga tubig-ulan. Ito ay matapos makapasa na sa ikalawang pagbasa sa Kamara House Bill 4340 o Rainwater Harvesting Facilities Act, na inakda ng mga mambabatas sa National Capital Region (NCR). Base sa nasabing panukala, ang lahat ng mga bagong institusyon, commercial at residential development projects ay kailangang may itatayong rainwater harvesting facilities…
Read MoreAYUDA SA 5 PINOY SEAMEN SA NASUNOG NA BARKO
(NI DAVE MEDINA) HINDI sinusukuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahanap sa nawawalang limang Filipinong tripulante ng nasunog na Chinese fishing vessel sa Falkland Islands Sa kalatas sa DFA head office ni Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo , patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa London authorities makaraang malaman ang pagkawala ng limang Filipino crewmen ng nasunog na Taiwanese fishing vessel noong isang araw. Sa ipinarating na ulat ng Embassy sa DFA, hindi na nakita pa ang limang crew member ng Taiwanese fishing vessel nang masunog ito…
Read MorePRESYO NG KURYENTE, LANGIS IDETALYE SA PUBLIKO
(NI BERNARD TAGUINOD) KARAPATAN ng mga consumers malaman kung tama ang ibinabayad ng mga ito sa kanilang kuryente at maging sa mga binibiling langis. Ito ang iginiit ni House committee on energy vice chairman Carlos Roman Uybarreta kaya kinalampag nito ang Energy Regulatory Commission(ERC) at Department of Energy (DOE) na ipadetalye na sa mga electric at oil companies ang presyo. “Filipino consumers deserve full transparency. They must know where their hard earned money is going to and what they are paying for,” pahayag ni Urbarreta at magagawa lamang umano ito kun kumilos ang…
Read MoreNUR KAKATAWAN SA BANGSAMORO SA ISLAMIC SUMMIT
(NI TERESA TAVARES) HUMINGI ng go-signal sa Sandiganbayan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang makadalo sa pan-Islamic council summits bilang observer na kumakatawan sa Bangsamoro. Nakasaad sa urgent motion to travel na inihain sa Sandiganbayan Third Division, nais ni Misuari na bumiyahe sa Abu Dhabi, United Arab Emirates mula March 1 hangang March 2 at sa Rabat, Morocco mula March 13 hanggang March 14. Magtutungo si Misuari sa Abu Dhabi para dumalo sa Organization of Islamic Cooperation (OIC) habang ang pagtungo sa Rabat ay para sa Parliamentary Union…
Read MorePLUNDER , GRAFT CASE SA MGA SANGKOT SA P3-B ROW SCAM
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang isang taong imbestigasyon sa Right of Way (ROW) scam sa Region XII partikular na sa General Santos City, inirekomenda na ng House committee on good government ang pagsasampa ng kasong plunder sa mga sangkot sa nasabing anomalya. Bukod sa plunder case dahil P3 billion ang sangkot na halaga ay nakitaan din ng nasabin komite na pinamumunuan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo ng paglabag sa anti-graft and practices act ang opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa nasabing rehiyon at ilang…
Read More105 DAYS MATERNITY LEAVE NAKABITIN SA PALASYO
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGANIB na mauwi sa wala ang 105 days maternity leave na pinaghirapang ipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil sa maling bulong umano na natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang ito. Ito ang pinangangambahan ng grupong Gabriela matapos ilutang umano ni Duterte na posibleng i-veto nito ang nasabing panukala dahil lolobo umano ng P6.4 billion ang gagastusin ng Social Security System (SSS) sa mga manganganak na bibigyan ng ayuda. “The expanded maternity leave bill has gone through exhaustive deliberations with all agencies and stakeholders involved, including…
Read More