‘TAHO GIRL’ SISIPAIN NA PALABAS NG PINAS

taho12

DIRINGGIN na ng Board of Commissioners ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation case na isinampa laban sa Chinese national na nansaboy ng taho sa isang pulis na nakadestino sa MRT 3 Boni Station. Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, ipina-prayoridad umano nila ang kaso at nais nilang mapaalis agad sa bansa si Zhang Jiale, 23, isang fashion design student sa Makati. Una rito siniguro ng BI na dadaan sa tamang proseso ang deportation case laban sa Chinese national. Nakitaan umano ng kanilang legal team ng probable cause ang ginawa…

Read More

RORO CARGO FEE IBABABA

roro1

(NI ABBY MENDOZA) PINAG-AARALAN na ng technical working group (TWG) ng House Committee on Transportation kung paanong maibababa ang halaga ng pagbibiyahe ng mga kalakal sa pamamagitan ng Roll On-Roll Off (RO-RO) system. Sa meeting ng komite, naikumpara ng mga kongresista na mas mura ang direct shipping kaysa sa Ro-Ro sa pagbibiyahe ng produkto mula Mindanao hanggang Metro Manila sa kabila ng sinasabing ang Ro-Ro ang mas murang alternatibo sa shipping. Ayon kay TWG chair Manuel Zubiri  sa anim na providers, ang pinakamurang quotation ng pagbibiyahe ng kalakal mula Bukidnon…

Read More

MASS VACCINATION VS TIGDAS INUMPISAHAN

turok1

(NI KEVIN COLLANTES) SINIMULAN ng Philippine Red Cross (PRC), Sabado ng umaga, ang pagdaraos ng inilunsad na mass vaccination drive sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PRC chair Senador Richard Gordon, sa Corazon Aquino Health Center isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang anim na buwang gulang hanggang limang taong gulang lamang. Paliwanag ni Gordon, una silang nagsagawa nang pagbabakuna sa Maynila dahil ito ang itinuturing na hotspot ng outbreak. Plano rin aniya nilang gawin na ito ng regular upang makaagapay sa pagbabakuna, lalo na at malaki aniya ang immunization gap na…

Read More

KRITIKO SA IBANG BANSA INIMBITAHAN SA PINAS

pco

(NI LILIBETH JULIAN) HINAMON ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga kritiko ng administrasyon mula sa international community na bumisita sa Pilipinas para personal na saksihan ang tunay na kalagayan ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Ito ang tugon ni Andanar sa pagbatikos ng ilang grupo at personalidad mula sa international community kaugnay sa kaso ng pag aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong cyberlibel. Sinabi ni Andanar na mas mabuting personal  na saksihan ng mga kritiko kung paano ang pagtrato sa…

Read More

3 PAGSABOG SA MEDICAL MISSION NG PHIL ARMY

pa16

(NI JESSE KABEL) NIYANIG ng tatlong pagsabog ang medical mission na inilunsad Sabado ng umaga ng  11th Infantry Division ng Philippine Army sa Tanum Elementary School sa Patikul , Sulu. Bagama’t walang nasaktan ay nagkagulo naman at binalot ng sindak ang mga residente sa malapit sa pinagdarausan ng medical mission. Bunsod ng tatlong sunud-sunod na pagsabog ay nagtakbuhan ang mga nahintakutang residente  bago magtanghali habang ginaganap ang  medical mission, pahayag pa ng  Western Mindanao Command (Wesmincom). Ayon kay Wesmincom spokesperson Col. Gerry Besana tatlong 60 mm mortar rounds ang sumabog may…

Read More

NDRRMC, OCD TUTULONG KONTRA TIGDAS         

ndrmmc

(NI BETH JULIAN) TUTULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas. Ayon kay NDRRMC spokesman Director Edgar Posadas, makikibahagi na rin ang kanilang mga tauhan sa information dissemination kaugnay ng immunization program ng pamahalaan. Inatasan na rin ang lahat ng kanilang regional offices na magplano kaugnay ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nilinaw ni Posadas na ang Department of Health (DOH) pa rin ang mangunguna sa pagbibigay ng bakuna laban sa tigdas. “Hindi…

Read More

PROTEKSIYON SA MGA TURISTA OK SA KAMARA

tour

(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na bubuo ng intergovernmental task force para sa proteksyon at assistance sa mga turista sa bansa. Batay sa House Bill 8961 na iniakda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kinikilala ang sektor ng turismo bilang major contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Tourist Protection and Assistance Task Force na mangangasiwa sa pagkakaroon ng directional signages sa tourist facilities, pagpapakalat ng multilingual travel and tourism information at promotional materials. Magkakaroon rin ng…

Read More

MGA PULITIKO DUMALO SA PMA HOMECOMING

pma16

(NI JESSE KABEL) GAYA nang inaasahan, may ilang kandidato rin ang dumalo sa ginanap na homecomming ng pamosong military school ang Philippine Military Academy Biyernes ng umaga sa Fort Del Pilar sa Baguio City. Subalit, umiral ang military discipline sa loob bg hollow ground ng PMA dahil walang sumama o nagpakalat kanilang mga campaign materials sa loob at paligid nalapit sa PMA. Una nang pinaalalahanan ng pamunuan ng PMA at Philippine Military Academy Alumni Association ang lahat ng pulitiko at kanilang Alumni na sasabak sa 2019 Mid-Term Elections Ayon sa…

Read More

WHO: 2.6-M BATANG PINOY PA NANGANGANIB SA TIGDAS

who16

(NI KIKO CUETO) NAGBABALA ang World Health Organization na may 2.6 milyong mga kabataang Pinoy ang nanganganib na magkaroon ng tigdas kasabay ng outbreak nito. Sinabi ni Maricel Castro, technical officer ng WHO expanded program sa immunization, ay nagsabi na base sa kanilang mga record sa mga bata, lalo na ang mga nasa edad na below 5 years old, hindi ito sumailalim sa vaccination. Sinegundahan umano ito ng records mula sa Department of Health (DoH). “Sa pag-aaral natin sa 5 taon na datos na nakalap natin sa DoH, lumalabas na…

Read More