P32/KILO NG BIGAS UMPISA SA MARSO

bigas20

(NI LILIBETH JULIAN) KAUNTING panahon na lamang ang hihintaying ng mamamayan dahil sa darating na Marso ay epektibo nang makabibili sa mababang presyo ng bigas ang publiko sa mga pamilihan. Ito ay matapos ihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaasahang sa kalagitnaan ng Marso ay magkakaroon na ng murang bigas sa merkado. Ayon kay Lopez, mabibili lamang sa halagang P32 kada kilo ang mga imported na bigas kasabay ng panawagan sa sinumang nais mag-import na maaari na silang magsimula. Una nang inanunsyo na magsisimula…

Read More

POLITICAL ADS SA PUV PWEDE — LTFRB

jeep19

(NI JEDI PIA REYES) PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglalagay ng political advertisements o campaign materials sa mga pampublikong sasakyan. Gayunman, nilinaw ng LTFRB na kailangang nakasunod sa mga pamantayang itinatakda ng Commission on Elections (Comelec) ang mga gagamiting campaign material. “LTFRB allows political advertisement placement only in Public Utility Jeepneys (PUJs), Public Utility Buses (PUBs), and taxis as long as it meets the rules and regulations on Election Propaganda set by the Commission on Elections (Comelec), ayon sa LTFRB. Dapat din umanong nakatugon…

Read More

MASS LAYOFF SA NFA; SEPARATION PAY INIHAHANDA

nfa19

(NI ABBY MENDOZA) KINUMPIRMA ni National Food Authority(NFA) Administrator Tomas Escarez na inihahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kumpensasyon para sa mga kawani ng ahensya na mawawalan ng trabaho bilang epekto ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Ayon kay Escarez nasa 400 kawani na nasa regulation at monitoring section ng ahensya ang unang maapektuhan, kasunod ang nasa distribution at procurement, sa kabuuan umano ay hindi pa nya alam ang kabuuang bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa NFA dahil nakadepende pa ito sa aaprubahang restructuring sa…

Read More

FARMERS TUTUTOK SA REGULASYON NG RTA

dufarm

(NI LILIBETH JULIAN) INOOBLIGA na makibahagi sa pagbabantay sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation ng Rice Tariffication Act ang mga rice farmers. Ito ang panghihikayat ng Malacanang sa mga magsasaka dahil mahalagang maging aktibo ang mga magsasaka sa bubuuing IRR para makita at matiyak na hindi mapapasukan ng anumang iregularidad ang pagpapatupad ng batas. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, kakailanganin ang mahigpit na pagbabantay ng mga magsasaka ang pagbuo ng IRR para na rin sa kanilang kapakanan. Dito, tiniyak ni Panelo na hindi kukunsintihin…

Read More

TF BANGON MARAWI PUMALAG SA WASHINGTON POST

marawi19

(NI CHRISTIAN  DALE) PUMALAG ang Task Force Bangon Marawi sa inilathala ng Washington Post na mistulang ghost city pa rin ang Marawi city, ilang taon matapos ang nangyaring pagkubkob dito ng mga terorista. Sinabi ni  Task Force Bangon Marawi City head at HUDCC Chair  Eduardo del Rosario, walang katotohanan ang nasabing ulat at sa katunayan, may trapik na aniya sa  sentro ng  siyudad bunsod ng economic activity, business activity at masyado aniyang marami ng sasakyan ang nagpupunta sa Marawi City “Mukhang masyadong off tangent ito sa katotohanan at kung anong…

Read More

EKSTENSIYON NG ML SA MINDANAO KINATIGAN NG SC

martial law-2

(NI TERESA TAVARES) BALIDO ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon. Ito ang idineklara ng Supreme Court en banc kasabay ng pagbasura sa mga petisyon kontra sa martial law extension. Sa botong 9-4, kinatigan ng mga mahistrado ang desisyon ng pamahalasn na palawigin ang martial law. Nabatid na ang apat na mahistrado na kumontra sa pagpapalawig ng batas militar ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Francis Jardeleza, Alfredo Benjamin Caguioa, at Marvic Leonen. Habang umiiral ang martial law sa Mindanao, suspendido ang privilege of…

Read More

P10-B AYUDA SA FARMERS BARYA LANG

farm19

(NI BERNARD TAGUINOD) MUMO lang ang P10 Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na inilaan para bigyan ng ayuda ang mga magsasaka sa ilalim ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Act. Ganito minaliit ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang nasabing halaga dahil wala pang 10% aniya ito sa subsidy na ibinibigay ng Thailand sa kanilang mga magsasaka ng palay. Ayon kay Casilao, noong 2017 ay umaabot sa $2.2 bilyon o P110 bilyon ang subsidy ng Thailand sa kanilang magsasaka kaya mumo lang umano ang P10 bilyon na…

Read More

PAGBUWAG SA NFA MALABO

rice19

(NI LILIBETH JULIAN) NAPAWI ang takot ng mga opisyal at empleado ng National Food Authority (NFA) sa pangambang mabubuwag ang ahensya kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tarrification Bill na katatapos lamang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Ito ay matapos makita ang nakasaad sa Section 8 ng bagong batas na mananatili pa rin ang NFA dahil inaatasan ang ahensya na panatilihin ang sapat na buffer stock ng bansa at dapat na kukunin lamang ito sa mga lokal na magsasaka. “The NFA shall, in accordance with the rules, regulations…

Read More

EUROPE TRIP HINDI JUNKET — ANDANAR

pco

(NI CHRISTIAN DALE) HINDI junket ang biyahe ng government official delegation sa Europa para sa press caravan. Binigyang-diin ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na side event lamang ang press freedom caravan at ang tunay na pakay ng nasabing biyahe ay upang ipaliwanag ang isyu tungkol sa involuntary disappearances gayundin sa anti-communist terrorist groups at iba pa. Ang biyahe, aniya, ay alinsunod na rin sa isinasaad ng Executive Order 70 na kung saan, inaatasan aniya ang PCOO bilang miyembro ng National Task Force upang magbigay ng communications support sa kampanya…

Read More