PA MAGPAPASAKLOLO SA ANTI-CYBER CRIME NG PNP

cyber crime 123

(NI NICK ECHEVARRIA) BALAK ng  Philippine Army na lumapit sa  Philippine National Police (PNP) para hingin ang tulong ng Anti-Cybercrime Group nito upang matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng Pinoy Lulszec hacker. Ang Lulszec  ang grupong umaangkin sa pangha-hack sa data base ng Philippine Army at pinalalabas na nanakaw nila ang mga mahahalagang impormasyon pang-militar ng nabanggit na hukbo. Ayon naman kay Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, mga unclassified documents lamang ang nakuha ng Lulszec mula sa mga dump files habang inililipat ito sa isang third party…

Read More

PARA MABILIS ANG USAD; DENGVAXIA CASE PAG-IISAHIN — PAO

deng19

(NI FRANCIS SORIANO) NAGHAIN ngayon ng petisyon ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Supreme Court (SC) para sa paglipat ng venue at konsolidasyon ng mga kaso ng Dengvaxia  kung saan sama-samang diringgin ang mga ito para mapadali ang pag-usad ng kaso. Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta,  ang unang siyam na Dengvaxia case ay inihain sa  iba’t ibang korte  sa buong bansa. Dahil sa iba’t ibang lugar din galing ang mga biktima ng umano’y namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine ay nakalilito ang sistema at kanya-kanya ang kaso. Sa pag-iisa…

Read More

DU30 ‘DI PAPANGALANAN ANG CELEBS SA PDEA WATCHLIST

DUTERTE250

(NI BETH JULIAN) KUNG ang mga pulis at politiko na kasama sa narco list ay pinangalanan ni Pangulong Rodrigo  Duterte, hindi naman ito pabor isapubliko ang listahan ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga. Sa talumpati sa Annual Convention of the Prosecutors League of the Philippines sa Palawan, idinahilan ni Pangulong Duterte na mga pribadong indibidwal ang mga artistang nasa drug wstchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at hindi tulad ng mga politiko na nasa narco list na may hawak na posisyon sa gobyerno. Matatandaan na isinumite ng…

Read More

WALANG POWER INTERRUPTION PERO DAGDAG-SINGIL NAKAAMBA

meralco1

(NI MAC CABREROS) TITIMBANGIN ng Manila Electric Company (Meralco) kung itutulak ng yellow alert o pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon grid ang singil sa kuryente. Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, hindi pa nila matantiya sa ngayon kung may epekto sa singil sa kuryente ang nasabing yellow alert na  kasalukuyang nakaamba sa Luzon. “Sa ngayon, medyo maaga pa na sabihin kung ano ang magiging final impact sa presyo ng kuryente ngayong Abril,” pahayag Zaldarriaga. Nabatid ng Saksi Ngayon sa Independent Electricity Market Operator of Philippines (IEMOP) na…

Read More

MGA NAMBASTOS SA ANAK NI ALBAYALDE, PINASISIBAK

albayalde12

(NI JG TUMBADO) IPINASISIBAK ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa pamunuan ng Clark Development Corporation (CDC) ang kanilang chief security officer at ilang tauhan nito dahil sa pambabastos sa kanyang anak. Bukod sa paghiling ng agarang aksyon ay pinakakasuhan pa ni Albayalde sa Police Regional Office 3 (PRO3) si retired Police Colonel Romeo Ver, chief security officer ng CDC sa Clark Field, Pampanga. Ayon kay Albayalde, hindi umano niya nagustuhan ang inasal ni Ver sa pagpapakita nito ng kabastusan sa kanyang anak na si Kevin. Kwento ng PNP Chief,…

Read More

WB TUTULONG SA PROBLEMA SA BASURA NG PINAS

world bank12

(NI MAC CABREROS) NANGAKO ang World Bank na tutulungan ang Pilipinas sa pagresolba ng lumalalang problema sa basura. Sa Marine Plastic Pollution conference na itinaguyod ng World Bank at Embahada ng Norway sa Pilipinas nitong Abril 4, binanggit ni Agata Pawlowska, portfolio manager ng WB, na walong tonelada ng basurang plastic kada taon katumbas ng isang truck ng basura kada minuto ang natatapon sa karagatan. “If current trends continue, by 2025, there may be more plastic than fish in the ocean, by weight. It needs urgent action,” diin Pawlowska. Inilista…

Read More

DUTERTE SA MGA PISKAL: MAG-ARMAS KAYO!

crime gun 12

(NI BETH JULIAN) KASUNOD ng pagtaas ng bilang ng mga pinapatay na prosecutors sa bansa, pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga piskal na armasan ang kanilang sarili. Sa talumpati sa annual convention ng Prosecutor’s League of the Philippines sa Puerto Princesa City, iminungkahi ng Pangulo na mas magandang klase na magkaroon ng Glock 19 na pistola ang mga prosecutors. “Mas maiging piliin nila ang ganyang klase ng baril dahil hindi mabigat at subok na ito,” wika ng Pangulo. Base sa talaan ng Department of Justice, mula August 2016 ay…

Read More

DU30 WALANG BAKASYON SA SEMANA SANTA

duterte pray12

(NI BETH JULIAN) WALANG planong magbakasyon o magtungo sa ibang lugar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Semana Santa o Holy Week. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na parati lamang kasama ng Pangulo ang kanyang pamilya tuwing holidays. Maging sa pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo ay parati lamang itong nasa bahay kapiling ang kanyang immediate family. Sa April 18, Huwebes Santo, magsisimula ang bakasyon sa paggunita ng Semana Santa hanggang sa Abril 20 sa Linggo ng Pagkabuhay. 77

Read More

PHL, CHINA ‘NAGKASUNDO’ SA TERITORYO

west

(Ni FRANCIS SORIANO) BINASAG na ang katahimikan ng Pilipinas at China matapos ang dalawang araw na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na plantsahin sa diplomatikong paraan ang issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPP). Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Seceretary Teodoro Locsin Jr., maayos na nagpalitan ng opinyon at diskusyon ang kapwa delegado ng mga estado para maiwasan ang banta ng paggamit ng pwersa laban sa isa’t-isa sa naganap na pagpupulong. Dito ay inilatag at pinag usapan ng bawat panig ang kani-kanilang concern matapos lumutang na problema sa West…

Read More