MAGSASAKA UMAARAY NA SA P12 PER KILO NG PALAY

farm19

(NI BERNARD TAGUINOD) NASASAKTAN na nang husto ang mga magsasaka sa Rice Tariffication Law matapos mapako sa P12 ang bilihan ng bawat kilo ng palay kahit kakaunti ang supply dahil sa El Nino. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, karaniwang tumataas ang farmgate price ng palay kapag kokonti ang supply subalit ngayon ay napapako na umano ito sa P12 dahil sa nasabing batas na nagbigay ng otoridad sa mga rice traders na mag-angkat ng bigas na walang limitasyon. Maliban dito, mayroon umano sa mga rice traders ang bumibili ng…

Read More

PASAKIT SA KWARESMA: OIL PRICE HIKE ULIT

oil

(NI ROSE PULGAR) MAY nakaamba na namang taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ang abiso Sabado ng hapon ng ilang kompanya ng langis sa bansa. Ayon sa kompanyang Jetti Petroleum, ang dagdag-presyo ay maglalaro sa P0.50 hanggang P0.55 sa kada litro ng diesel, samantalang nasa P0.90 hanggang P0.95 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina. Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Nabatid, na nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga…

Read More

REMITTANCES NG OFWs SA CHINA BUMABAGSAK

ofws

(NI BERNARD TAGUINOD) PALIIT nang paliit ang mga ipinadadalang pera ng mga  overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa mainland China sa nakaraang dalawang taon sa hindi malamang dahilan. Ito ang nabatid  kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo base na rin umano sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas bagama’t pumalo sa $33.8 Billion ang kabuuang remittances ng mga OFWs noong 2018. “From a high of about $170 million in 2016, OFW money sent from the Chinese mainland to dependents here in the Philippines fell to $70 million in…

Read More

PNP AMINADO SA KIDNAPPING INCIDENTS SA BANSA

kidnapping12

(NI NICK ECHEVARRIA) AMINADO ang Philippine National Police PNP) na may mga kidnapping incident sa bansa lalo na sa bahagi ng Mindanao kung saan nagkukubli ang mga teroristang grupo. Ito ang ipinahayag ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac kasabay ang pagdiddiin na walang dapat ipangamba ang publiko dahil hindi naman nagpapabaya ang mga kapulisan at militar. Sa katunayan umano ay kontrolado aniya ang peace and order sa bansa dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga awtoridad. Tinukoy pa ng tagapagsalita ng PNP ang patuloy na pagbaba ng mga…

Read More

MAYORALTY CANDIDATE SA MARAWI INARESTO SA POLITICAL RALLY

marawi12

(NI JESSE KABEL) INARESTO ng militar si dating Marawi City mayor Solitario Ali makaraang lumutang ito sa ginanap na PDP-Laban political rally sa nasabing lungsod na dadaluhan sana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong  Biyernes sa Mindanao State University. Sa impormasyong ibinahagi ng AFP 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, si Ali na tumatakbo bilang mayor ulit ng Marawi sa ilalim ng local party na PCP-Ompia, ay inimbitahan ng military upang magbigay-linaw sa pagkakasangkot niya sa Marawi siege noong 2017. Sinabi ni Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade, isinalang sa…

Read More

PROBLEMA ULIT SA TUBIG NAKAUMANG SA METRO

angatdam12

(NI ABBY MENDOZA) NGAYON pa lamang ay inaabisuhan na ng  National Water Resources Board (NWRB) ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig at ugaliin din ang pag-iipon sa harap na rin ng inaasahang pagbaba sa critical level ng tubig sa Angat Dam. Ayon sa NWRB bago matapos ang buwan  ng Abril ay bababa ang antas ng tubig sa Angat Dam at kapag nangyari ito ay  apektado ang magiging supply ng tubig sa Metro Manila. Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David na 96 porsiyento ng supply ng…

Read More

PALAWAN HINATI SA 3 LALAWIGAN; PIRMADO NA NI DU30

palawan12

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hahatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan. Sa ilalim ng batas na nilagdaan ng Pangulo noong Abril 5 at isinapubliko lamang nitong Sabado,  ang Palawan ay hinati sa tatlong lalawigan – Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur. Ayon sa Republic Act 11259, ang probinsiya ng Palawan del Norte ay kabibilangan ng munisipalidad ng Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay and El Nido. Ang munisipalidad ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente ay maisasama naman sa…

Read More

PINOY SA LIBYA SAPILITANG IUUWI

libya120

(NI DAVE MEDINA) KASADO na ang sapilitang pagpapauwi sa bansa ng mga Filipino na nasa Libya na napipintong maipit nang lumalawak na military at civil unrest sa naturang bansa. Nauna rito ay itinaas na ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa  Alert Level 4  dahil sa paglala pa ng kaguluhan sa Libya. Tiniyak  ng gobyerno  ng Pilipinas  ang kahandaang magpatupad ng mandatory repatriation simula sa Martes Santo sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya. Samantala, sinabi naman ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III…

Read More

21 KALYE SA MAKATI SARADO SA HOLY WEEK

MAKATISAKSI12

(NI ROSE PULGAR) NASA 21 kalye sa lungsod ng Makati ang isasara  (Abril 14) bilang paghahanda sa tradisyon na pagtatayo ng kubol o tinatawag na kalbaryos para sa Semana Santa. Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, isasara ang mga kalye simula alas-6:00 ng umaga ng Linggo ng Palaspas hanggang alas-10:00 ng gabi sa Linggo ng Pagkabuhay Abril 21. Ang mga isasarang kalye ay ang mga sumusunod Gen. Luna Street (mula P. Burgos Street hanggang Mercado Street) – Enriquez Street (mula Don Pedro Street hanggang Fermina Street) – San Marcos Street…

Read More