‘MIDNIGHT DEALS’ NG MERALCO MAGPAPATAAS SA SINGIL SA KURYENTE  

meralco8

(NI TJ DELOS REYES) HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong kahina-hinalang  Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas sa singil sa kuryente. Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares at Bayan Muna Representative Carlos Isagani laban sa Meralco na nanamantala sa mga nangyayaring sunud-sunod na power shutdown ng mga planta ng enerhiya. “Hindi ‘yung gagamitin ng Meralco ang nakadududang red and yellow alerts…

Read More

DIAMOND RING SA POST NI JESSY, MAY PAHIWATIG BA?

jessy mendiola

(NI LOURDES C. FABIAN) KUMALAT na naman ang espekulasyon that Jessy Mendiola and Luis Manzano are now engaged dahil sa recent post ng girlfriend ni Luis Manzano where she is wearing a stunningly beautiful diamond ring. Komento nga ng iba, she might be modelling for a jewelry shop pero mas marami ang umaasa lalo na ang kanilang mga avid fans that wedding bells for Jessy and Luis are just around the corner. Kahit si Luis ay nag-comment on her intriguing Instagram post. Bumuhos ang congratulatory comments on her post while others asked her if she is…

Read More

LIDER NG KATUTUBO, DINUKOT, PINASLANG NG ‘NPA’

occidental mindoro12

(NI JG Tumbado) KINONDENA ng isang katutubong komunidad ang ginawang pagdukot at pagpaslang sa kanilang leader na umanoy kagagawan ng New People’s Army (NPA)-Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro. Ayon sa naiparating na reklamo sa Philippine Army Headquarters sa Southern Luzon Command at sa Occidental Mindoro Provincial Police Office (OMPPO), sa harap mismo ng pamilya ng biktimang si Jose Barera, 47, nang puwersahin umanong kunin ito sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Liberty, Barangay Naibsuan ng pitong armadong NPA Biyernes ng gabi. Si Barera…

Read More

‘NEXT SPEAKER DAPAT WALANG MATAAS NA POLITICAL AMBITION’

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maisulong umano ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa natitirang tatlong taon ng kanyang administrasyon, kailangang walang mataas na political ambition ang susunod na House Speaker. Ito ang iginiit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil ngayon pa lamang ay pinag-usapan na ang ipapalit kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 18th Congress. Matatapos ang termino ni Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga  sa Hunyo 30, 2019 kaya out na ito at hindi na kasali sa pagpipilian bilang Speaker sa 18th Congress na magsisimula…

Read More

REKLAMO NG DILG VS 52 BRGY OFFICIALS ‘IBABASURA’ NG COMELEC

comelec12

(Ni NELSON S. BADILLA) SA ‘basurahan’ ng Commission on Election (Comelec) ang bagsak ng mga reklamong isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa 52 opisyal ng iba’t ibang barangay dahil sa ‘aktibong’ pangangampanya. Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, wala namang kasamang mga ‘verified complaint’ ang mga kasong isinampa ng DILG sa Comelec laban sa mga opisyal ng barangay na magpapatunay na nangangampanya ang mga ito, kaya hindi uusad ang kaso. Ang pangangampanya ng mga opisyal ng barangay para sa mga kandidato ay ipinagbabawal ng…

Read More

MABABANG OVERSEAS VOTER TURNOUT INAASAHAN NG COMELEC

comelec james12

(Ni FRANCIS SORIANO) INAASAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang mababang turnout ng boto para sa overseas absentee voting para sa midterm elections. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  pangkaraniwan na umano na mababa ang voter turnout tuwing midterm election kaysa sa presidential election kaya malabo na mas mataas ang voter turnout ngayon kung ikukumpara noong 2016 presidential election. Base sa kanilang tala ay 21% mula sa kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan isasagawa ang overseas voting ang inaasahan ng poll…

Read More

ILANG BAHAGI NG METRO WALANG KURYENTE SA HOLY WEEK

meralco121

(NI KEVIN COLLANTES) KAHIT Mahal na Araw ay tuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga tauhan ng Manila Electric Company (Meralco) ng kanilang maintenance works. Dahil dito, sinabi ng Meralco na asahan na ang pagpapatupad nilang muli ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan kahit ngayong Mahal na Araw, mula Martes Santo, Abril 16, hanggang sa Sabado de Gloria, Abril 20. Batay sa paabiso ng Meralco, sa kanilang Facebook account, nabatid na kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng rotational brownout ay ang…

Read More

300-K MOTORISTA INAASAHAN SA SCTEX, NLEX

sctex12

(NI ELOISA SILVERIO) INAASAHANG daragsa ang may 300,000 motorista, karamihan ay mga turista, sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) na sasamantalahin ang mahabang bakasyon ngayong Semana Santa. Dahil dito, kanya-kanyang paghahanda ang isinasagawa ng mga pamahalaang lokal ng lalawigan ng Bulacan, katuwang ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, para sa kanilang “Oplan Lakbay Alalay” (SUMVAC 2019) at maging ang pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ay handang- handa na rin kasabay ng paglulunsad ng 10th year “Safe Trip Mo Sagot Ko 2019” (SMSK). Tatlong lugar…

Read More

P2P BUS, KARELYEBO NG MRT 3 HANDA NA SA SEMANA SANTA

p2pbus12

(NI JEDI PIA REYES) MAHIGIT 140 P2P (point to point) bus ang nakatakdang ipakalat ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) sa loob ng isang linggo na wala itong operasyon dahil sa isasagawang maintenance. Nauna nang inianunsiyo ng pangasiwaan ng MRT 3 na magpapatupad sila ng maintenance shutdown simula sa Abril 15 (Lunes Santo) hanggang Abril 21 (Linggo ng Pagkabuhay). Babalik ang normal na operasyon ng MRT 3 sa Lunes, Abril 22. Itinakda ng MRT 3 ang drop-off at pick-up points o ang mga lugar na puwedeng magbaba at…

Read More