BIG TIME ROLLBACK SA LPG

LPG12
0

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

GOOD news para sa mga ina ng tahanan, nagpatupad ng big time price rollback sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kompanya ng langis sa bansa na epektibo hatinggabi ng Hunyo 1.

Sa abiso ng Petron Corporation , alas- 12:01 ng hatinggabi nagbaba ito ng P6.25 sa presyo ng kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P68.75 na tapyas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito.

Bukod pa rito,may bawas-presyo rin ang Petron na P3.45 kada litro sa auto-LPG na karamihan ito ang ginagamit ng mga namamasadang taxi.

Ang bagong pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan para sa buwan ng Hunyo

Ayon sa kompanyang Petron, noong Abril 1 ay nagtaas ng P1.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul Fiesta Gas katumbas ng P13.20 na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke.

Inaasahan naman susunod din magbaba ng presyo ng LPG ang ilang pang kompanya ng langis na kahalintulad din sa Petron.

 

 

 

 

Read More

JAMESON BLAKE: MAS DARING KAY TONY LABRUSCA

james12
0

(NI JERRY OLEA)

AMINADO si Jameson Blake na mas may edad ang babaeng unang nakatikim sa kanyang katawang lupa.

“It’s OK, typical young experience,” natatawang sambit ni Jameson nang uriratin ang kanyang first time.

Memorable?

“Yeah, a bit. Sakto lang.”

Magtatambal sina Jameson at Iza Calzado sa iWant mini-series na “400 Miles.”

Sa Kapamilya teleseryeng “A Love To Last” (2017) ay ka-triangle ni Jameson sina Julia Barretto at Ronnie Alonte, kung saan si Julia ay gumanap na anak ni Iza.

“Tuhog” ba ito?

Pangako ni Jameson, mas mapangahas siya kesa kay Tony Labrusca sa digital movie nitong Glorious with Angel Aquino, na streaming sa iWant since November last year.

Walang qualms sa nudity si Jameson. Naghubo’t hubad na siya sa 2 Cool 2 Be 4gotten (2016) ng Cinema One Originals, at pinagpiyestahan ang video clip na ‘yon sa Twitter at Messenger groups.

 

Read More

TONELADANG TILAPIA APEKTADO SA TAAL LAKE FISH KILL

tilapia12
0

(NI CYRILL QUILO)

UMABOT na 605 metric tons na isda ang namatay sa Brgy.Boso-Boso ,Brgy.Gulod sa Laurel at Brgy.Bañaga sa Agoncillo,Batangas ang apektado ng fishkill sa Taal Lake nitong Biyernes.

Halos isang linggo nang binabantayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang biglaang pagkamatay ng tilapia sa mga nabanggit na barangay,dahil umano sa pagbaba ng oxygen level na 2.8 parts per million(ppm) matapos ang ilang araw,sumadsad pa ang oxygen level ng .86 ppm dahil sa pabago-bagong panahon.

Maaaring sobrang pagpapakain diumano sa mga isda ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga tilapia.Hangad ng mga namumuhunang negosyante na mapalaki nang maigi ang mga isda at ibebenta sa tamang panahon kung saan maganda ang presyo ng isda.

Nitong Huwebes ay 200 metric tons na isda na ang lumutang sa lake at kinakailangan ng ibaon sa lupa sa loob ng 24 oras upang hindi na maging malansa o makontamina pa ang ilang buhay na isda.

Sa pinagsanib pwersa ng mga kagawarang ng gobyerno, pinagtulung-tulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR ,Department of Natural Resources DENR at Department of Public Works and Highways (DPWH) na maresolba ang krisis kasama ang Local Goverment Unit ng Batangas at Protected Area Management Board para matugunan ang problema.

Samantala, ang mga may-aring lumabag sa patakaran ay papatawan ng karampatang halaga na P10,000-P100,000 kada araw ng Taal Volcano Protected Landscape and Protected Area Management Board(TVPL PAMB).Kinakailangan din magkaroon ng certificate ang mga may-ari ng fish cages at magkaroon ng monthly clean-up sa Taal Volcano.

Ayon kay Regional Director ng DENR Atty. Maria Paz Luna, hindi dapat makaapekto ang pagtaas ng presyo ng isda sa palengke. Maliit na porsyento lamang ang apektado ng fish kill kung kaya’t madami pa ang supply ng tilapia sa bansa.

Read More

CODING SCHEME PAIIRALIN SA LOOB NG CAMP CRAME

crame12
0

(NI JG TUMBADO)

IPATUTUPAD na rin sa punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program sa gitna ng dumaraming mga sasakyan na pumapasok sa loob ng kampo.

Epektibo sa Lunes, Hunyo 3 ay ipinagbabawal na ang mga sasakyan kapag natatapat ng number coding.

Ayon kay Police Lt. Col. Ruben Andiso, hepe ng Operations and Management Division ng Headquarters Support Service, bawal na sa loob ng kampo ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 tuwing Lunes; 3 at 4 tuwing Martes; at 5 at 6 kapag Miyerkoles; 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 kung Biyernes.

Iiral ang nasabing traffic scheme mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi.

Paliwanag ni Andiso, umaabot na sa 5,412 na mga sasakyan ang pumapasok sa Kampo Krame gayong nasa 2,043 lamang ang parking slots sa PNP.

Ang nakapagpaparami umano sa mga pumapasok sa Kampo Krame ay ang mga kumukuha at nagpapa-renew ng lisensya ng baril at ng iba pang serbisyo ng PNP.

Gayunman, nilinaw ng HSS na exempted sa number coding ang mga sasakyan ng pulis na nakatalaga sa National Headquarters, mga marked vehicle ng PNP at AFP, government vehicles na mayroong plaka ng gobyerno, sasakyan na gamit ng mga foreign diplomat, sasakyan na may kargang tao na nangangailangan ng atensyong medikal, media, at mga sasakyan na mayroong Officer’s Row stickers.

Ang sino mang lalabag ay iisyuhan ng ticket ng mga officer na deputized ng lungsod ng Quezon.

Read More

ENVOY NA PINAUWI SA PINAS, BALIK-CANADA NA

canada basura 12
0

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS maibalik  sa Canada ang kanilang  tone-toneladang basura, pinabalik na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng Pilipinas at mga opisyal ng konsulada, na  nakabase sa  nabanggit na bansa.

Ito ay ayon sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na winidraw nito ang order para sa recall ng ambassador at consuls  ng Pilipinas sa Canada.

flights back. Thanks and sorry for the trouble you went through to drive home a point,” pahayag ito ni Locsin sa kanyang official Twitter account.

Nabatid na Biyernes ng umaga, mula sa Subic  Bay Freeport, lumarga na ang container ship, ang  MV Bavaria na naglalaman ng tone-toneladang basura ng Canada at balik na ito sa nabanggit na bansa.

Magugunitang mula taon 2013 hanggang 2014, isang Canadian company, Chronic Inc., ang nagpadala sa Pilipinas ng   mga container van na naglalaman ng non-recyclable plastics, household wastes at  used adult diapers.

Kung saan noong buwan ng Abril ay nagbigay ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterter na kaagad na ibalik ang mga basura ng Canada sa kanilang bansa.

Nitong Mayo 16 ay pinauwi o ni-recall ang ambassador at mga opisyal na konsulada ng Pilipinas sa Canada dahil nabigong maibalik kaagad ang nasabing mga basura.

Read More

GOODBYE SMARTMATIC IPINAGBUNYI SA KAMARA

smart21
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINALAKPAKAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (Comelec) na ibasura ang Smartmatic na nag-supply ng mga counting machines sa nakaraang apat na eleksyon sa bansa.

Ayon kay House deputy minority leader Lito Atienza, suportado ng mga ito ang kautusan ni Duterte matapos muling magkaaaberya ang mga vote-counting machines (VCMs) na binili ng Comelec sa Smartmatic noong nakarang eleksyon.

“We are in full support of President Duterte’s order for Comelec to ‘dispose’ of Smartmatic and ‘look for a new one that is free of fraud,” pahayag ni Atienza na kabilang sa nadismaya sa mga aberya noong nakaraang halalan.

Bukod sa mga pumalyang vote counting machines ay nagkaroon din ng pitong oras na delay sa pag-transmit ng mga boto kaya marami ang nagdududa sa resulta ng halalan.

Hindi aniya dapat maulit ito sa mga sunod na halalan lalo na sa 2022 presidential election kaya napapanahon umano ang kautusan ni Duterte na huwag nang kunin o gamitin muli ang mga gamit ng Smartmatic.

Seryoso din umano ang mambabatas na amyendahan ang Omnibus Election Law upang hindi na iaasa lahat sa makina ang halalan lalo na ang pagbibilang ng boto ng mga tao.

“In the past three elections using the Automated Election System (AES), no one saw how the votes were canvassed. This lack of transparency–where voters are effectively asked to put implicit trust in the machine that can be tampered with–erodes confidence in a fully automated system,” ani Atienza.

Kapag nagtagumpay ang Kongreso na magawa ito, mano-manong bibilangan na ang boto sa mga presinto at ipapadala ang resulta nito sa pamamagitan ng makina hindi tulad ngayon na ang VCMs lang nagbibilang.

“It is not enough that Comelec stops using Smatmatic. We should go back to manual voting and counting on the precinct level so everyone can witness the actual counting of the votes, then transmit these electronically,” dagdag pa ni Atienza.

 

Read More

DU30 POSIBLENG MAKIPAGKITA KAY PUTIN

putin12
0

(NI BETH JULIAN)

MULING nagpadala ng imbitasyon si Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibilidad na muli silang magkita.

Ito ang ibinahagi ng Pangulo sa harap ng mga Filipino sa Tokyo, Japan kaugnay ng isinagawang FilCom event Huwebes ng gabi.

Ayon sa Pangulo, nakatanggap siya ng imbitasyon mula kay Russian President Putin na nagsabing magpunta siya ng South Korea para roon sila magkita.

Dahil dito, pinag-iisipan na ngayon ng Pangulo na pagbigyan ang imbitasyon na ito.

Pero aminado naman ang Pangulo na magastos ang pagbiyahe lalo na kung rerenta ng eroplano na may rate na P5 milyon kada araw.

Samantala, maliban sa posibilidad na magpunta sa South Korea ang Pangulo, ay babalik siya sa United Arab Emirates.

Hindi naman nabanggit pa ng Pangulo kung ano ang sadya niya  sa UAE at kung kailan ito babalik sa nasabing bansa.

 

Read More

MANDATORY DRUG TEST HINILING SA MGA SOLONS

congress12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG masiguro na walang adik s Kongreso,  kailangang magkaroon ng mandatory drug test sa mga mambabatas, kasama na ang kanilang mga staff at mga empleyado ng kapulungan.

Ito ang muling iginiit ni House committee on dangerous drugs chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte bilang bahagi ng “drug-free Congress” campaign at pagtugon na rin sa anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama rin sa dapat aniyang sumailalim sa drug test ay ang mambabatas na kasama sa Narco-list ni Duterte.

Magugunita na kasama ang pangalan nina Leyte Rep. Vicente Veloso at Zambales Rep. Jeffrey Konghun na muling nahalal noong nakaraang eleksyon at magiging miyembro ng 18th Congress habang ang ikatlong solon sa narco-list ng Pangulo na si Pangasinan Rep. Jesus Celeste ay tapos na ang termino ngayong 17th Congress.

“While some may claim that it is unnecessary, I think all members of the incoming 18th Congress and their staff should submit themselves for a mandatory drug testing,” ani Barbers

Sa ngayon ay sumasailalim umano sa drug test ang mga sundalo, pulis, public at private officers kaya nararapat lamang na sumailalim ang mga mambabatas sa nasabing pagsusuri.

Noong nakaraang taon, inihain ni Barbers ang House Resolution No. 15 para sa mandatory test sa mga mambabatas at mga empleyado ng mga ito subalit hindi ito pinagtibay ng Kongreso.

Dahil dito, muling ihahain umano ng mambabatas ang nasabing resolusyon na kapag pinagtibay o inaprubahan sa 18th Congress ay magkaroon ng mandatory drug test sa mga mambabatas,kanilang mga staff at mga empleyado ng Kapulungan.

Sinuman tatanggi sa mandatory drug test ay hindi umano ire-release ang kanilang suweldo, benepisyo at papatawan ng kaukulang parusa na nakabase sa civil service law.

“We, the incoming members of the 18th Congress and our staff, should all come in ‘clean’ and be free from negative suspicion by submitting ourselves to a mandatory drug test,” ayon pa kay Barbers.

 

Read More

SPEAKERSHIP DERBY, ASAM NA ‘DI PAKIKIALAMAN NI DU30

duterte500
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANINIWALA ang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi makikiaalam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Speakership derby sa pagitan ng tatlong kongresista na pawang malalapit sa kaniya.

Ayon kay House majority leader Fred Castro, kailangang paniwalaan ang pahayag ni Duterte na hands off siya sa labanan nina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano.

“Why should I doubt the words of the President?. Because he is the President and being the President, we have to believe what he says, othersiwe who else to believe, who else are you going to believe. He is there because we believe in him,” ani Castro.

Unang sinabi ni House minority leader Danilo Suarez na tapos ang labanan sa Speakership kung hindi makikiaalam si Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte sa Speakership dahil umaabot na umano sa 153 ang lumagda sa manifesto sa speakership bid ni Romualdez.

Ang tatlong nabanggit, kasama na si dating House Speaker Pantaleon Alvarez, ay lumapit na umano kay Duterte para ipaalam ang kanilang ambisyon na pamumuan ang 18th Congress.

Maliban kay Alvarez, kasama sa entourage ni Duterte sa Japan sina Romualdez, Velasco at Cayetano na ayon sa mga impormasyon ay pinayuhan ng Pangulo ang mga ito na mag-usap-usap kung sino sa kanila ang susunod na Speaker.

Samantala, sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na kung walang bibigay sa mga nabanggit na naghahangad na maging Speaker at maglaban-laban ang mga ito sa plenaryo sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo isa sa mga ito ang magiging Minority leader.

Hindi ito nagugustuhan ni Lagman dahil mangangahulugan ito na hindi lehitimo ang lider ng mga fiscalizer sa 18th Congress dahil malapit ito sa Pangulo.

“The House of Representatives needs a Speaker who can assure and defend the independence and integrity of the House as a co-equal department, and not act as a rubberstamp of the President,” ayon pa kay Lagman.

 

Read More