KAWALAN NG PNP ESCORT SA SINUNOG NA VCM, AALAMIN  

albayalde

(NI NICK ECHEVARRIA)

KINUKUWESTIYON ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung bakit walang kasamang security escort ang mga may dala ng mga voting counting machines (VCM) at election paraphernalia na sinunog sa Jones, Isabela noong Martes.

Gustong paimbestigahan ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang pangyayari dahil malinaw aniya na paglabag ito sa napagkasunduan ng PNP, AFP at Comelec na kailangang may escort ang pagta-transport ng mga election paraphernalia.

Layunin ng hakbang ni Albayalde na magkaroon ng maayos na koordinasyon sa  pagitan ng lahat ng mga may kaugnayan sa pagbibigay ng seguridad sa mga eleksyon paraphernalia para maiwasang maulit ito sa susunod.

Miyerkoles nang ianunsyo ng  Police Regional Office (PRO) 2 ang pagkakadakip kay Rodel Pascual noong Martes din ng gabi sa isang pursuit operation, samantalang na turn-over sa kanila ang isa pang suspek na si Jayson Leanio na sumuko naman nitong Miyerkoles ng umaga sa mga opisyal ng barangay Sta Isabel.

 

Please follow and like us:
Read More

STROKE NI DEFENSE CHIEF LORENZANA ITINANGGI NG PALASYO

lorenzana12

(NI BETH JULIAN)

PINAWI ng Malacanang ang pag-aalala ng publiko kaugnay sa kondisyon ng kalusugan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na unang napaulat na na-stroke.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nagtungo lamang si Lorenzana sa  Veterans Medical Memorial Center (VMMC) para sumailalimsa executive check-up.

“Walang dapat ipag-alala sa kanya (Lorenzana), eto ang bahagi ng text message nya, “Hi this is SND. I am here at the veterans undergoing executive check up. I will be out in a day or two. Thanks for your concern,” ayon kay Panelo.

Una nang may sumingaw na balitang isinugod si Lorenzana sa ospital matapos umanong ma-stroke kaya agad naman itong inalam ng Malacanang.

Tiniyak din ni Panelo na nang nagkausap sila ni Lorenzana ay nakitaan niya ito ng kasiglahan sa boses.

Si Lorenzana ay nakatakdang bumiyahe sa ibang bansa kaya kinailangan nitong masiguro ang kondisyon ng katawan.

Mananatili ng isa o dalawang araw sa ospital si Lorenzana upang tapusin ang  pagsasailalim nito sa executive checkup.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-SAHOD NG PULIS, SUNDALO MATATANGGAP NA

AFP-PNP

(NI BETH JULIAN)

GOOD news!

Inaasahang matatanggap na ng mga sundalo at mga uniformed personnel ang kanilang inaasam na dagdag sweldo.

Ayon kay Budget and Management Officer in charge Janet Abuel, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget no. 576 na nagsisilbing panuntunan  para sa second tranche ng naturang dagdag sahod.

Paliwanag ni Abuel, dapat ay noong Enero pa ito naipatupad pero naantala ito dahil sa pagkabinbin ng pagpasa sa 2019 national budget.

Gayunpaman, naka-retroactive naman ang naturang dagdag sahod simula Enero 1, 2019, kaya walang dapat na ipag alala.

Sakop ng dagdag sahod ang lahat ng law enforcement agencies maging ng law enforcement personnel ng Philippine National Police (PNP).

 

Please follow and like us:
Read More

PIA W. BINULABOG ANG LUCBAN PAHIYAS FESTIVAL

pia31

(NI JERRY OLEA)

BISPERAS pa lang ng San Isidro Pahiyas 2019 festival noong Martes, binulabog na ni Pia Wurtzbach ang mga taga-Lucban, Quezon.

Nagkalat ang pictures ng third Pinay Miss Universe kasama ang Mutya ng Lucban 2017 na si Pat Babista.

Aba! Nang mag-shoot si Direk Gil Portes (RIP) noon ng Miguel/Michelle (1998), ang pinagkaguluhan ng mga Lucbanin ay si Bb. Gloria Diaz.

Bibisita rin kaya sa Lucban si Catriona Gray?

Basta, sa musical variety show noon pa ring bisperas ng Pahiyas, nambulabog din si Dante Gulapa sa kanyang Flying Eagle Dance!

    ###

Three consecutive weekends na #1 sa takilya ng North America ang Avengers: Endgame. As of presstime ay lampas $2.5B na ang worldwide gross nito. Ito ang 2nd movie sa kasaysayan na umabot sa $2.5B mark. Ang nauna ay ang Avatar, na $2.79B ang global gross.

Malamang sa alamang na umabot sa $3B ang record ng Avengers: Endgame.

So far, lima pa lang pelikula ang lumampas sa $2B mark.

Maliban sa Avatar at Avengers: Endgame, ang tatlo pa ay ang Titanic ($2.19B), Star Wars: The Force Awakens ($2.07B), at Avengers: Infinity War ($2.05B).

       ###

Bidang-bida si Kent Gonzales sa horror movie na Kuwaresma.

Ang ganda-ganda ng kanyang role. Mas mahaba ang exposure niya kesa kay Sharon Cuneta. Sana, masundan pa ang movie na ito ni Kent.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DEADMA KAY DU30; BASURA NG CANADA NASA PINAS PA

basura canada12

(NI BETH JULIAN)

SA pagkakataong ito, bigo na naman ang pamahalaan na mailabas mula sa bansa ang mga basurang itinambak ng Canada noong 2013 at 2014.

Ito ay matapos aminin ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo sa ibang press briefing sa Malacanang, na aabutin pa ng isa hanggang tatlong buwan ang hihintayin bago pa kunin ng Canada ang nasa 69 container vans ng mga basura nito na nakatambak sa bansa.

Mayo 15 sana ang takdang petsa ng pangako ng Canada na kukunin ang mga nabanggit na dami ng basura kasunod na rin ng katiyakan na aakuin na nila ang lahat ng gastusin para mailabas ng Pilipinas ang kanilang waste, gaya ng mga diapers, plastic containers at iba pa.

Pero sumapit na ang takdang petsa, sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na base sa pahayag sa kanya ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi pa handa ang Canada kaya hindi pa nakukuha at nananatili pang nasa Pilipinas ang mga basura.

“Kung hindi naman binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Canada at magbanta na kanyang ipatatapon sa mga dagat ng kanilang bansa ang mga basura na ‘yan, hindi pa rin nila kukunin. Tapos sinabi pa ng Pangulo na handa siyang makipag-giyera kapag binalewala ito ng Canada, baka hindi pa sila mangako na sasagutin ang gastos,” pahayag ni Panelo.

“Basta, lahat ng penalties eh itatapon natin sa kanila,” giit pa ni Panelo.

Itinugon naman ni Panelo nang tanungin kung may legal liabiity sa sinumang responsable sa pagpasok at pagtanggap ng basura sa bansa, na depende na ito kung ano ang violations na nagawa.

Gayunman, bagamat hindi natupad ang takdang petsa, tiniyak naman ni Panelo na maialis din sa bansa ang mga ito sa lalong madaling panahon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

72-71 WIN: 5th PHL CUP TITLE KINULEKTA NG SAN MIGUEL

san mig`1

KINULEKTA ng San Miguel Beer ang ikalimang sunod na PBA All-Filipino Cup o Philippine Cup championship, matapos maitakas ang pahirapang Game 7 win, 72-71 laban sa Magnolia Hotshots, Miyerkoles ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagawang habulin ng Beermen ang 17-point deficit, kung saan humablot si June Mar Fajardo ng PBA-record 31 rebounds.

Naibulsa rin ni Fajardo ang kanyang ikatlong Finals MVP trophy.

Si Cabagnot, na hindi masyadong naramdaman sa Finals series, ay nagsumite ng 18 points, kasama ang fallaway jumper sa huling 57.2 seconds na nagkaloob sa San Miguel ng 1-point lead, 72-71 at league-leading 26th title sa franchise history.

Please follow and like us:
Read More

ALEX, HEART, AIKO: WAGI ANG MGA PARTNERS

alex12

PANALO ang asawa ni Heart Evangelista na si Chiz Escudero bilang gobernador ng Sorsogon province.

Sa kanyang Instagram account, binati ni Heart ang asawa: “Congratulations to my Governor Chiz Escudero! You’ve worked in the Senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved Sorsogon, the place which you and your family have loved for years.”

Sa Zambales naman, wagi rin ang boyfriend ni actress Aiko Melendez na si Jay Khonghun na tumakbo bilang vice governor ng naturang probinsya. “Sweetest victory for all of us! Hardwork really paid off!! Khonghun’s Might Ruled the Polls! To God be the Glory!” sabi ni Aiko sa Instagram.

Binati rin ni Alex Gonzaga ang boyfriend na si Mikee Morada na nanalong councilor sa Lipa City, Batangas: “Congrats my love. You are really meant to serve your kababayans. You have a good and pure heart.”

Please follow and like us:
Read More

SUPPLIERS NG MAKINARYA NG ELEKSIYON IPATATAWAG NG COMELEC

comelec122

(NI MINA DIAZ)

PAGPAPALIWANAGIN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga supplier ng mga pumalpak na kagamitan sa ginanap na 2019 na halalan.

Nabatid na ang supplier ng Vote Counting Machines (VCMs) na S1 ay subsidiary ng isang malaking kompanya, habang ang supplier ng mga Voters Registration Verification Machine (VRVM) ay ang “Gemalto”, isang Italian company ngunit katuwang ito sa Pilipinas.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez kailangang ipaliwanag  nila dahil maraming lugar ang nakaranas ng problema sa VRVM.

Gayundin, mahigit 1,000 naman ang pumalyang SD cards na kinailangang palitan ng komisyon.

Aniya, ito ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagbukas ang ilang mga presinto at bumagal ang proseso ng botohan.

Aminado si Jimenez na nagsisisi ang Comelec en banc sa pagpili sa pinakamababang nag-bid para sa SD cards.

Sa susunod aniyang linggo ay pagpapaliwanagin ng Comelec ang mga supplier ng mga gamit na pumalya.

Kailangang tapusin muna aniya ng Comelec ang proklamasyon sa mga nagwaging kandidato at pagkatapos ay ipatatawag na ang mga supplier.

Please follow and like us:
Read More

SOCIAL MEDIA KINAPOS

FOR THE FLAG

Magandang eksperimento ang nakaraang halalan. Nalaman natin na hindi sapat ang social media lamang upang maipanalo ang isang kandidato.

Ang mga Facebook political celebrity na sina Atty. Larry Gadon, Doc Willie Ong at Atty. Glenn Chong ay hindi nakuhang umabot sa magic 12 kahit pa nga milyun-mil­yon ang kanilang fans at followers sa social media.

Makikita sa resulta na nanatiling malaking bagay pa rin ang political advertisement sa traditional media, lalo na sa telebisyon at radyo.

Kumpara sa social media lubhang mahal naman talaga ang advertisement sa traditional media, bagay na maaaring naging dahilan ng ating tatlong media celebrity na iasa sa Facebook ang ina­asam na tagumpay sa Facebook.

Hindi natin tinatawaran ang impluwensya ng social media sa mga botante, malinaw ang kapangyarihan ng Facebook dahilan upang makakuha ng disenteng ranking ang ating tatlong bidang sina Gadon, Chong at Ong.

Sa inisyal na resulta ng Comelec, si Ong ay nasa ika-18 sa ranking. Aba mataas ‘yun, ibig sabihin mataas ang fighting chance nito, at marami sa mga senatoriable na suportado ng kani-kanilang partido at pawang may mga TV ad ay kanyang nilampaso.

Ganun din si Gadon na pang-27 naman, at Chong na pang-30 sa 62 bilang ng mga opisyal na mga kandidatong pagka-senador.

Kung may panggastos lamang ang tatlo para sa political ads sa mainstream media, malamang nakapasok ang mga ito sa top 15 sa nakaraang eleksyon.

Inaasahan natin ang tatlong celebrity ng mga netizen na sumabak muli sa 2022, lalo’t nakita nilang tunay ang suporta ng taumbayan sa kanila. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

Please follow and like us:
Read More