GIIT NG NAMFREL: 2022 ELECTIONS, IBALIK SA MANUAL COUNTING

namfrel123

(NI HARVEY PEREZ) IGINIIT nitong Linggo ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na mas makabubuti umano kung ibabalik na lamang sa manual counting ang magaganap na eleksiyon sa 2022. Ayon kayNamfrel national chairperson Augusto Lagman,ito ay para hindi na muling maulit ang katulad na problema na nagresulta sa pagkaantala ng halalan noong Mayo 13. “‘Yung pagbibilang sa presinto alam mo, one day lang ‘yan e. One day lang! Malaking bagay kasi nakikita ng mga tao,” ayon kay Lagman. Sinabi ni Lagman na mas importante ang transparency kesa sa…

Read More

MATTEO, 45 DAYS ‘DI MAKIKITA, MAKAKAUSAP SI SARAH

sarah12

(NI LOURDES C. FABIAN) AMINADO si Matteo Guidicelli na nagsimula lang ang lahat bilang pangarap. Bagong misyon ang nakatakdang gawin ng Kapamilya star na puspusan ang ginagawang  paghahanda para sa kanyang 45-day training program bilang scout ranger ng Armed Forces of the Philippines. Matteo joined the Philippine Army last April 15 at sandali muna siyang magpapahinga sa showbiz to take part in a Scout Ranger orientation course. The short course will take place from May 27 to July 1 and will be held in Camp Tecson in Bulacan. Matteo will be living in the…

Read More

3 PINOY ENGINEERS NA DINUKOT SA LIBYA, NAKAUWI NA

libya21

NAKABALIK na sa bansa nitong Sabado ang tatlong Filipino engineers na nailigtas matapos dukutin sa Libya noong nakaraang taon. Personal na sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang tatlong overseas Filipino workers (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport, kasama ang mga pamilya ng tatlong engineer. Sinagot ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ang gastos sa pagpapauwi sa mga Pinoy na dinukot noong Hulyo 2018. Kasama ang isang South Korean, dinukot ang tatlong Pinoy sa project site ng Great Man-Made River Project sa katimugang bahagi…

Read More

KRIS, BIMBY PINALABAS NG SINEHAN

kris123

THIRTY minutes nang nanonood ng R13 horror movie na Kuwaresma sina Kris Aquino at ang anak niyang si Bimby nang sila’y palabasin sa sinehan. Ito ang ikinuwento ni Kris sa mahaba niyang Instagram post noong May 17, Biyernes. Dahil nga R13 ang pelikula, bawal pang manood si Bimby na 12 years old lang. Sabi ni Kris sa kanyang IG post: “Well, we were caught and in fairness to the @iloveayalamallscinemas staff they were even apologetic that unfortunately we’re ‘famous’ and a lot of people know Bimb is only 12 and they…

Read More

YOUNG ACTOR  BET BUNTISIN ANG YOUNG ACTRESS

silhopuette actress12

(NI JERRY OLEA) HINDI maamin ng young actor at young actress ang kanilang relasyon. Kasi naman, hindi sila magkasama sa TV show. May ibang ka-loveteam ang young actress, at pilit na nagpapakilig kuning-kuning ang kanilang tandem. OK lang kay young actor na walang aminan. Ang hindi OK sa kanya, walang oras ang young actress para mairaos niya ang init ng kanyang katawang lupa. Naihimutok tuloy ni young actor sa mga kabarkada na bet niyang buntisin ang young actress para hindi na ito bisi-bisihan sa career.     ### Ikinakasa na…

Read More

SAMAHAN NAALARMA NA SA PAGPASLANG SA MGA ABOGADO

lawyers12

(NI FRANCIS SORIANO) NAALARMA at nababahala na ngayon ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) dahil sa lumolobong bilang sa  pag-atake at pagpaslang sa mga hanay sa legal profession na umabot na umano sa 38 na indibidwal. Ayon kay Atty. Ephraim Cortez, secretary-general ng NUPL, sinabi nito na “alarming” na ang nangyayaring pagpaslang sa mga miyembro ng legal profession at kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa bansa ay mawawalan umano ng tatakbuhang abogado ang mga kliyente. Dahil dito, hinimok ni Cortez ang mga kinauukulan na maglaan ng sapat na hakbangin…

Read More

DU30 NAG-IINTERVIEW NG KANDIDATONG SPEAKER

duterte100

(NI BERNARD TAGUINOD) NAG-IINTERVIEW ng kandidato ng susunod na mamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte nang kumalat ang balitang isinugod ito at nasa kritikal na kondisyon. Ito ang nabatid sa isang kongresista na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito matapos kumalat ang impormasyong itinuturing na isang uri ng ‘fake news’. Ayon sa mambabatas, kasama ni Duterte ang isa sa nagbabalak maging Speaker sa 18th Congress na si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa Palasyo ng Malacanang nang kumalat ang nasabing fake news. “Balita ko…

Read More

LP NANGANGAMBANG MAITSAPUWERA SA MINORITY POST

lagman12

(NI BERNARD TAGUINOD)   TILA ngayon pa lamang ay nangagamba na ang Liberal Party (LP) na muling maitsapuwera sa minority bloc post sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress. Ito ang marahil na dahilan kaya ngayon pa lamang ay umaapela si Albay Rep. Edcel Lagman ng LP, sa mga miyembro ng 18th Congress na tiyaking maibigay ang minoriya sa mga maliit na grupo sa Kamara. Ginawa ni Lagman ang pahayag dahil pawang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag ng kanilang interes na tumakbo bilang House Speaker sa 18th Congress. Kabilang…

Read More

DUTERTE NASA MAAYOS NA KALAGAYAN  SA BAHAY PANGARAP

(NI CHRISTIAN DALE) TINIYAK ng Malakanyang na nasa Bahay Pangarap sa Malacañang Park lamang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang Bahay Pangarap ang Official Residence ni Pangulong Duterte. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, marami umanong pinipirmahan na papeles at dokumento si Pangulong Duterte. “There is no truth to the rumor circulating that President Rodrigo Roa Duterte is confined in Cardinal Santos Medical Center in San Juan. The President is in his residence at the Palace signing papers,” ani Panelo. Nakausap niya si Pangulong Duterte kung saan ay hindi naman…

Read More