45 PARTY-LIST TIYAK NA ANG UPUAN SA KAMARA

comelec

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK nitong Miyerkoles ng Commission on Elections (Comelec) na 45 party-list groups ang tiyak nang makakukuha ng puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Comelec  spokesperson James Jimenez, sa isang pulong balitaan ng alas 4:00 ng hapon, o may tatlong oras bago ang proklamasyon, kabilang umano sa partylist group na ipoproklama  ang ACT-CIS, Bayan Muna, Ako Bikol, Cibac, Ang Probinsiyano, 1Pacman, Marino, Probinsiyano Ako, Senior Citizens, Magsasaka, APEC, Gabriela, An Waray, Coop-Natcco, Philreca, ACT Teachers, Ako Bisaya, Tingog Sinirangan, Abono, Buhay, Duterte Youth, Kalinga,  PBA, Alona,…

Read More

PRIVATE SHIPPING COMPANY HAHAKOT NG BASURA NG CANADA

canada basura12

(NI BETH JULIAN) BUNSOD ng matinding galit dahil sa mabagal na pag-aksyon ng Canada sa paghahakot ng kanilang basura, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na kumuha ng private shipping companies na magbabalik ng basura sa naturang bansa. Sa press briefing nitong Miyerkoles ng hapon sa Malacanang, nagbaba na ang Pangulo direktiba para mismong ang gobyerno na ng Pilipinas ang mismong hahakot ng basura ng Canada para dalhin sa baybaying dagat na sakop ng nasabing bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, lubhang…

Read More

IMPLEMENTASYON NG 4Ps PIRMADO NA NI DU30

4ps12

(NI BETH JULIAN) PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang paglagda ng Pangulo ay nagpapatibay nag awing permanente ang 4Ps na programa kung saan direktang nagbibigay ang gobyerno ng cash grants sa mga piling mahihirap na pamilya na naglalayong tulungan ang mga ito sa larangan ng nutrisyon, kalusugan at edukasyon. Si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagsimula ng programa at ipinagpatuloy lang ni dating pangulong Benigno Aquino III. Base sa RA 11310, sinabing maaring umabot sa pitong taon ang pagbibigay ng…

Read More

ENDO WINAKASAN NA SA SENADO

endo12

(NI NOEL ABUEL) BILANG na ang araw ng mga employers na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa nito matapos ipasa sa huli at ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang pagbasura sa endo. Nagkaisa ang mga miyembro ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development na ihabol na maipasa ang Senate Bill No. 1826, na mas kilalang Endo bill na naglalayong ipagbawal ang labor-only contracting. “We longed for this day to come, especially our workers who have suffered because of the evils of endo, a practice which corrupts the…

Read More

SA WAKAS; MAGIC 12 PROKLAMADO NA MAKARAAN ANG 9-ARAW

SEN12

(NI HARVEY PEREZ) NAIPROKLAMA — makaraan ang ilang araw na pagkaantala — Miyerkoles ng umaga ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong kandidato sa pagka- Senador at mga partlist groups sa natapos na midterm elections noong Mayo 13. Nalaman na siyam na araw matapos ang halalan bago naiproklama ng Comelec na  tumatayong mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC), nang sabay-sabay nitong Miyerkoles ang 12 senador at mga party-list groups. Alas-10:30 ng umaga nang isagawa ang proklamasyon sa mga nanalong kandidato. Habang alas-7 naman ng gabi    iprinoklama…

Read More

BAM TANGGAP ANG PAGKATALO

bam12

(NI NOEL ABUEL) TINANGGAP na ni Senador Bam Aquino ang pagkatalo nito sa senatorial race sa katatapos lamang na 2019 midterm elections. Ayon sa senador, kahit umano hindi ito pinalad na makakuha ng pangalawang termino ay hindi umano nauubos ang pagmamahal nito sa bayan at kagustuhang manilbihan sa taumbayan. “Napakalaking karangalan ang manilbihan sa taumbayan kaya’t lubus-lubos ang pasasalamat ko sa mga nakatrabaho at sumuporta sa akin sa loob ng anim na taon at sa mga walang pagod na nangampanya nitong nakaraang mga buwan,” sabi nito. Magtatapos ang termino ni…

Read More

PINAS PINAGPOPROTESTA NG MGA SOLONS VS CHINA

china21

(NI NOEL ABUEL) DAPAT na magprotesta ang Pilipinas laban sa Chinese government kaugnay ng masamang sinapit ni dating Supreme Court Justice at ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paliparan ng Hong Kong noong Martes. Ito ang hamon ng ilang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi umano katanggap-tanggap ang nangyari sa pamilya ni Morales at sa lahat ng Filipino sa buong mundo. Ayon kay Senador Risa Hontiveros malinaw na isang uri ng ganti kay Morales ang ginawa nitong pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng Chinese government sa International Criminal…

Read More

PANINIKTIK NG CHINA GAMIT ANG HUAWEI, WALANG EBIDENSYA – PNP

huawei 12

(NI NICK ECHEVARRIA) PINAG-AARALAN na ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang babala ng Estados Unidos kaugnay sa pagiging banta sa national security  ng Huawei. Ginawa ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac ang pahayag bilang reaksyon sa kautusan ni US President Donald Trump na ipagbawal nang tuluyan sa kanilang bansa ang nasabing kompanya dahil ginagamit na pang-espiya umano ng China. Sa ngayon, ayon kay Banac, wala pa silang nakikitang mga balidong dahilan para sabihing nag-eespiya ang China sa Pilipinas gamit ang mga produkto ng telecom company na Huawei. Ayaw namang magkomento…

Read More

BOXING SA ‘20 OLYMPICS: MERON O WALA?

tokyotokyo12

LAUSANNE – Kumpiyansa ang pamunuan ng International Boxing Association o AIBA na matutuloy ang boxing event para sa 2020 Tokyo Olympics. Ipinatigil ng International Olympic Committee (IOC) ang preparasyon ng AIBA para sa susunod na taong Olympic Games, dahil nais muna nitong makatiyak na nilinis na ng amateur boxing body ang liderato nito, lalo na ang finances ng samahan. Sinabi ni AIBA interim president Mohamed Moustahsane na naging maayos ang miting niya sa IOC officials. “We had a very productive meeting with the IOC inquiry committee today,” lahad ni Moustahsane.…

Read More