KRIS TO ANGEL: ‘NINANG PA RIN BA AKO?’

angel1
0

NANG mag-viral kamakalawa ang posts ng aktres na si Angel Locsin at ng movie producer na si Neil Arce tungkol sa kanilang engagement, maraming taga-showbiz ang nag-comment sa posts nila.

Isa na rito si Kris Aquino. “Ninang pa rin ba ako?” tanong niya kay Angel. Sinagot naman ito ni Angel ng, “Yes please ate!!! Please be our ninang!”

Biniro pa ni Kris si Angel na mukhang pinaghandaan niya ang proposal dahil ang “fabulous” daw ng mga kuko nito. Sinagot ito ni Angel ng, “Ayokong ma-bash mo ninang! Hahaha! Love you ate!” Matatandaang noong sina Angel at Luis Manzano pa, sinabi ni Kris sa isang episode ng “Kris TV” na “future ninang” na ang tawag sa kanya ni Angel.

Read More

4-ARAW POWER INTERRUPTION NAKA-ISKEDYUL NG MERALCO

meralco12
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY apat na araw na power interruption na ipatutupad ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong linggo sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Laguna, kasunod na rin nang patuloy nilang pagsasagawa ng maintenance works.

Batay sa maintenance schedule na inisyu ng Meralco, nabatid na ipatutupad ang power interruptions mula ngayong Lunes, Hulyo 1, hanggang sa Huwebes, Hulyo 4.

Sa Metro Manila, nabatid na kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng power interruptions ay ang Barangay Wack-Wack, sa Mandaluyong; Barangay Greenhills sa San Juan; Barangay Moonwalk sa Parañaque City;  Balintawak, Quezon City; at Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa Bulacan naman, maaapektuhan ang Meycauayan at Valenzuela City, gayundin ang Norzagaray at Santa Maria habang sa Laguna ay maaapektuhan ang Liliw, Los Baños, Nagcarlan, Pila, Sta. Cruz at Calamba City.

Ilan sa mga maintenance works na isasagawa ng Meralco ay line reconductoring works, pagpapalit ng mga sira at lumang poste, pag-upgrade ng mga pasilidad na apektado ng MMDA projects; pag-install ng mga poste, preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Dila substation at line reconstruction works.

Ayon sa Meralco, layunin ng mga pagkukumpuni na isinasagawa nila na higit pang mapaghusay ang ipinagkakaloob nilang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Read More

10 PRIORITY BILLS INIHAIN SA PAGBUBUKAS NG SENADO

0

(NI NOEL ABUEL)
AABOT sa 10 priorty measures ang agad na inihain sa Senado sa pagbubukas ng 18th Congress.

Pinangunahan ni opposition leader Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang paghahain ng panukala partikular ang pagpapabuti sa agrikultura, environment, at civil service.

Kasama rin dito ang matagal nang nabimbin na Coconut Farmers and Industry Development Act o ang Coco Levy Act gayundin ang panukala sa post-harvest facilities, organic farming, at expanded crop insurance; National Land Use Act of 2019.

Gayundin ang pagtatayo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources at ang Department of Disaster and Emergency Management; Rainwater Management Bill; Single-Use Plastic Regulation and Management Act; at ang Basic Education Teachers Pay Increase Act.

“Ipagpapatuloy natin ang labang sinimulan bago ang ika-17 Kongreso. Naniniwala tayo na dapat unahin ang sektor ng agrikultura, lalo na ang pagtaas ng kita ng mga magsasaka at mangingisda. Makatutulong sa pagpapagaan ng kahirapan at pagpapalakas sa ekonomiya sa kanayunan. Para mangyari ito, kailangan din nating taguyod ang mga kaugnay na batas para sa kalikasan,” ani Pangilinan.

Read More

SPEAKERSHIP RACE; SOLONS KAY PACQUIAO: ‘WAG MAKIALAM

pacman2
0

(NI ABBY MENDOZA)

BILANG paggalang sa parliamentary courtesy, pinayuhan ng dalawang senior congressman si Senador Manny Pacquiao na umiwas sa pakikialam sa isyu ng House Speakership.

Payo nina 1-Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta at House Majority Leader Capiz Rep. Fredenil Castro na dapat pagtuunan na lang ng pansin ni Pacquiao ang mga isyu sa Senado.

Ani Marcoleta, sa halip na makisawsaw si Pacquiao sa Kamara ay dapat pagtuunan nito ng pansin ang magkaroon ng Senate President na mula sa kanyang partidong  Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

“Bakit dito (House of Representatives) ka (Pacquiao) nag-e-endorso? Sa

Senado bakit hindi mo i-endorso na ang Senate President dapat ay

PDP-Laban? Bakit ang inaasinta mo dito ang speakership?  Hindi ka

naman makakaboto dito dahil hindi ka naman congressman,” pahayag ni Marcoleta.

Matatandaan na si Pacquiao ang nag anunsyo na si Marinduque Rep Lord Allan Velasco ang siyang ineendorso na House Speaker ng PDP Laban subalit kinontra ito ni dating House speaker  Pantaleon

Alvarez sa pagsasabing wala pang konsultasyon ang kanilang partido sa kung sino ang susuportahang Speaker.

Dagdag pa ni Castro na ilang miyembro ng PDP laban ang nagsabing personal lamang ni Pacquiao ang pag-eendorso kay Velasco.

“They were claiming that Senato Pacquiao’s position is not the official party stand. In short, they questioned what Senator Pacquiao has been doing in the speakership

race. He should not dip his finger on the affairs of the House of

Representatives. He is a senator,” giit ni Castro.

 

 

 

Read More

DND UMAPELA SA PUBLIKO VS PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12
0

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAPELA ang Department of National Defense (DND) sa publiko na patuloy na maging mapagbantay kasunod ng dalawang pagsabog sa tactical command post ng 1st Brigade Combat Team (IBCT) ng Philippine Army sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo habang 22 naman ang nasugatan nitong  June 28.

“The DND calls for continued vigilance in light of the recent bombings in Sulu which led to the very unfortunate loss of lives, both civilian and military. We extend our sympathies to the victims of this heinous act, and vow to hunt down those who are responsible,”  pahayag ni Defense  spokesperson Arsenio Andolong na ipinadala sa media.

Idinagdag pa  ni Andolong na ang naganap na pambobomba ay patunay lamang na kailangang magtulungan ang publiko at mga security agency ng bansa para labanan at pigilan ang mga violent extrimism sa komunidad at mapanatili ang kapayapaan sa bansa, partikular sa rehiyon ng Mindanao.

Gayunman, ipinaalam ni Andolong sa publiko na nagsasagawa na ang gobyerno ng malalimang imbestigasyon sa pag-atake at hindi titigil hanggang hindi napapanagot ang mga responsable sa fatal bombing  sa Sulu.

Samantala, mariin namang kinondena ni Armed Forces Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. ang pambobomba na bumiktima hindi lamang sa mga sundalo na ang tanging layunin ay mapanatili ang katahimikan pati na rin sa mga inosenteng sibilyan na nasa lugar ng pagsabog na aniya’y isang karuwagan.

Ginawa ni Madrigal ang pahayag kasunod ng pagbisita sa mga tropa ng IBCT, kasama ang bagong comamander ng AFP-Western Mindanao Command na si MGen. Cirilito Sobejana, para personal na alamin ang sitwasyon maliban sa pagsasagawa ng ocular inspection.

Binisita rin at ginawaran ng Wounded Personal Medal ni Madrigal ang mga miyembro ng IBCT sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo, na nasugatan sa marahas na insidente.

Read More

ANTI-DISCRIMINATION ORDINANCE SA MARIKINA NILAGDAAN

antidiscrimination 12
0

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY KIN LUCAS)

NILAGDAAN na ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ordinansa na nagbabawal sa diskrimansyon sa hanay ng mga Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders (LGBT) sa idinaos na 2019 Metro Manila Pride March and Festival sa Sports Complex na lungsod, Sabado ng hapon.

Layunin ng nilagdaang City Ordinance No. 065  “Anti-Discrimination Ordinance of Marikina City” na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga miyembro ng LGBT community sa lungsod.

Nakasaaad sa Section 6 na ordinansa ang pagbuo ng isang Anti-Discrimination Council na pangungunahan ng City Mayor kasama ang walong pangunahing opisyal ng lungsod bilang mga miyembro kung saan tatlo dito ang manggagaling sa sektor ng LGBT bilang mga kinatawan.

May katapat na parusang pagkabilanggo mula 60-araw hanggang isang taon at multang P1,000 hanggang P5,000 ang sinumang mapatutunayang lalabag sa nasabing oridnansa na naglalayong gawing isang criminal act ang diskriminasyon sa Marikina.

“Bilang pagpapakita ng aming suporta, sa araw na ito ay aking pipirmahan at ipapatupad ang Anti-Discrimination Ordinance na nagbibigay sa lahat ng pantay at parehong karapatan sa trabaho, edukasyon, tirahan, at mga serbisyo ng pamahalaan,” sabi ni Teodoro sa harap ng libu-libong dumalo at nagbunyi sa nasabing okasyon.

Binigyang diin  ng alkalde na walang sinuman sa basehan ng kasarian, pinanggalingan o pananampalataya ang maaring tanggihan o hindi tatanggapin, kasunod ang paniniwala  na sa pamamagitan ng ordinansa ay maii-institutionalize nila ang Sexual Orientation, Gender  Identity, and Expression (SOGIE) Equality  Bill.

Nanawagan din si Teodoro sa national at local government officials na suportahan ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Umabot sa halos 50,000 ang bilang na doble ng mga dumalo noong nakalipas na taon sa parehong okasyon, ayon sa pagtaya ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng  Marikina Police Office.

 

Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG TUMAAS

angatdam22
0

(NI KIKO CUETO)

NAKATULONG ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw para bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Gayunman, nananatili pa itong mababa sa kritikal na lebel ng tubig kahit bumuhos ang ulan dulot ng habagat.

Linggo ng alas-6 ng umaga, nasa 158.4 meters ang lebel ng tubig sa Angat.

Mas mataas ito sa 157.96 meters noong Sabado.

Bumagsak sa critical level ang tubig sa Angat noong Hunyo 20.

Dahil dito, napilitan ang National Water Resources Board na bawasan ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System maging sa kanilang concessionaires, ang Maynilad Water Services at Manila Water.

Ang dam ang pinagkukuhanan ng 90 porsyento ng tubig sa Metro Manila.

 

Read More

LACSON-DUQUE SHOWDOWN INAABANGAN

pingduque12
0

(NI NOEL ABUEL)

MAY  pasasabugin si Senador Panfilo Lacson laban kay Health Sec. Francisco Duque na may kinalaman tungkol sa PhilHealth para makasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa senador, mas malaki at higit na mas matindi umano ang ibubulgar nito sa mga darating na araw para patunayang umabuso sa tungkulin si Duque.

“Maliwanag na plunder. Isang dokumento na lang hinihintay ko,” sabi nito.
“Meron na naman, mas malaki pa. Mas grabe pa hindi lang ito lease ng building niya kundi may family corporation involved na meron na naman kinalaman tungkol sa PhilHealth o tungkol sa DOH mismo,” ayon kay Lacson sa panayam sa radyo.

Aniya may hinihintay pa itong dokumento para higit na patunayan ang akusasyon nitong may iregularidad sa pamumuno ng kalihim sa ahensya.

“May hinihintay akong last document. May hawak akong mga dokumentong, karamihan ng document na dumarating sa amin, galing din sa loob eh. Kasi sa tinagal-tagal ng panahon nakikita nila ang namumuno sa PhilHealth pinaglalaruan ang pera,” sabi nito.

“Ang kwenta nila for the last 5 years lang, P154 bilyon ang nalustay. ‘Yan ang kwento nila. At ito alam mo, nagpasa na tayo ng Universal Health Care Act. Ang pondong hinihingi ng DOH P257B, na pondo lang sa nakaraang GAA para sa 2019, P217 bilyon so may funding gap pa na P40 bilyon. Nagpasa tayo sin tax kung inaasahan earmark sa UHC P22B so may kulang P18 bilyon. Daan-daang bilyon pinag-uusapan natin tapos nakakarinig tayong nilulustay nila P154 bilyon only for the past 5 years. Siyempre empleyado roon di kabahagi ng kalokohan doon, ngayon sila namumulat, tumulong na tayo sa pagbubulgar,” dagdag pa ni Lacson.

Sinabi pa nito na sa oras na makumpleto na ang hawak nitong ebidensya ay ibibigay ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para pag-aralan.

“Pag kumpleto na. Sa ngayon substantial. Pero mas maganda ang makarating hanggang logical conclusion. Meron akong isang dokumento na lang na hinihintay pag dumating sa akin ibabahagi ko rin sa inyo ‘yan. Mahirap ang kapos, mabuti ang kumpleto na dokumento. Kaya sabi ko substantial enough to at least suspect na may mas malaki pa ito, mas mabigat,” giit pa nito.

 

 

Read More

SOUTHERN LEYTE NILINDOL

southern leyte12
0

(NI DAHLIA S. ANIN)

NIYANIG ng magnitude 5 ang karagatan ng Bohol at Leyte, Linggo ng umaga, ayon sa Phivolcs.

Ang sentro ng lindol ay naitala sa Bohol Sea 36 na kilometro sa Kanlurang bahagi ng Limasawa, Southern Leyte.

Naramdaman naman ang intensity 3 sa Cebu City, Mambajao at Camiguin, habang intensity 2 sa Palo, Leyte, ayon sa tala ng Phivolcs.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 30 kilometro.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit pinag-iingat ang mga residente dahil sa mga aftershock.

Read More