CHINA LUMABAG SA SOLAS–REP BIAZON

ruffy biazon

(NI ABBY MENDOZA) INIHAYAG ni House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chair Ruffy Biazon na malinaw na nilabag ng China ang itinatakda ng International Convention on Safety of Life at Sea kung saan ay isa ito sa mga signatories. Nakasaad umano sa SOLAS na obligado ang mga kapitan ng sasakyang pandagat na tulungan ang mga distressed vessels o bangka subalit sa insidente sa  Recto Bank ay mismong Chinese vessel ang nagdulot ng distress nang banggain at iwanan pa nito ang bangka ng mga mangingisdang Pinoy. Ayon kay…

Read More

ID, LIBRE SA PUBLIC SCHOOL; DEPED NAGBABALA SA MANININGIL

deped65

(NI KEVIN COLLANTES) PINAALALAHANAN ng Department of Education (DepEd) ang publiko na hindi sila dapat magbayad para sa identification cards (ID) ng kanilang mga anak na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Ang paalala ay ginawa ng DepEd, bilang bahagi ng kanilang programang Oplan Balik Eskwela 2019, kasunod na rin ng pormal nang pagsisimula ng klase sa bansa para sa School Year 2019-2020 noong Hunyo 3. Ayon sa DepEd, hindi dapat na magbayad ng ID fee ang mga magulang sa enrollment o kahit anumang araw ng school year. Ipinaliwanag nito na…

Read More

CLAVITE PINAYAGANG MAKALABAS NG PINAS

pia22

(NI BETH JULIAN) MAY permisong makalabas ng bansa si PIA Director Harold Clavite. Ito ang kinumpirma ni PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat, matapos maisyuhan ng travel authority si Clavite para sa kanyang personal na byahe papuntang Amerika. Inisyuhan ng travel authority si Clavite matapos makapagsumite ng kanyang paliwanag hinggil sa umano’y pagkakadawit nito sa isyu ng korupsyon sa ahensya na kanyang pinamumunuan. Ayon kay Gatpayat, bandang alas-4:15 ng hapon noong Huwebes nang ipadala ni Clavite sa kanyang tauhan ang sagot nito sa kanyang kinakaharap na corruption allegation. Sinabi pa ni Gatpayat, nailakip…

Read More

BIANCA MANALO, ‘POLITICIAN HUNTER’?

(NI LOURDES C. FABIAN) PINAG-UUSAPAN sa social media ang Kapamilya actress na si Bianca Manalo na nakitang nagsa-shopping sa Hong Kong kasama si Senator Sherwin Gatchalian. Dahil dito, binansagan siyang “politician hunter.” Kasi naman, kung matatandaan, ang ex-boyfriend ni Bianca ay isa ring politician, si Antique Mayor Jonathan Tan. Last year, umugong ang relasyon nina Bianca at nasabing mayor nang masangkot sila sa isang boat accident with actress Ehra Madrigal. Pero hindi rin nagtagal at nabalitang nagkahiwalay rin ang dalawa. Then, photos of Bianca with Sen. Win circulated on social media ilang buwan matapos siyang makipag-hiwalay…

Read More

COUNTER-INTELLIGENCE TF NG PNP, BINUWAG

albayalde121

(NI NICK ECHEVARRIA) BINUWAG na nitong Biyernes ng Philippine National Police (PNP) ang Counter Inteligence Task Force (CITF), kasabay ng inagurasyon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) bilang pangunahing unit na tutugis sa mga tiwaling pulis. Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, ang bagong tatag na IMEG ang ipinalit sa nilansag na CITF matapos ang dalawang taong operasyon nito sa pagsasagawa  ng mga intelligence build-up at pagtugis sa mga police personnel na sangkot sa ilegal na mga aktibidad. Gayunman pamumunuan pa rin ni P/Col. Romeo Caramat na dating commander ng CITF ang 306…

Read More

GIIT NI CARPIO: KAPITAN NG CHINESE VESSEL KASUHAN

rectobank12

(NI HARVEY PEREZ) IGINIIT nitong Sabado ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio dapat magkaroon ng matibay na paninindigan  ang gobyerno ng Pilipinas laban sa ginawa ng isang Chinese vessel na bumangga sa isang fishing vessel ng mga Filipino na mangingisda na naka angkla sa isang bahagi ng West  Philippine Sea noong Hunyo 9. Dapat umano na makasuhan at pagbayarin ng Pilipinas ang kapitan ng naturang Chinese vessel. Kasabay nito, tiniyak ni Carpio na hindi isang ordinaryong Chinese vessel ang ibinangga sa FB Gimver 1 na sinasakyan ng…

Read More

DINGDONG PINAGHAHANDAAN ANG BERLIN MARATHON

dingdong22

(NI RK VILLACORTA) NAG-SLIM down si GMA Primetime King na si Dingdong Dantes nang makaharap namin siya sa media conference ng “StarStruck Season 7” na magsisimula na tonight sa Kapuso Network. Medyo malaki ang pagbawas ng aktor sa kanyang timbang lalo pa’t pinaghahandaan na rin niya ang pagsali for the first time sa prestigious Berlin Marathon. “Seryoso ako sa training ko. Si Kuya Kim (Atienza) ang nag-convince sa akin na sumali. Ang alam ko, maraming Filipino celebrities na tumakbo ang sasali,” kuwento niya sa media. Heard na sina Charlene Gonzales,…

Read More

DOLE PINAGHAHANDA SA PAGLALA NG SITWASYON SA HK

hong12

(NI BETH JULIAN) PINAGHAHANDA ng Malacanang ang Departmet of Labor and Employment (DoLE) sakaling lumala ang sitwasyon ng malawakang protesta sa HongKong. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, responsibilidad ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng mga Filipino na nasa HongKong. Ito ay sa gitna ng malawakang protesta ng mamamayan doon kontra sa kanilang extradition bill. Naniniwala ang Malacanang na walang dapat na ikabahala ang mga Pinoy na nasa HongKong. Sinabi ni Panelo na may mas malaking mass protest na isinagawa doon noon…

Read More

KATIWALIAN SA PIA INIIMBESTIGAHAN

corruption12

(NI BETH JULIAN) NAGSASAGAWA na ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti Crime Commission sa isyu ng umano’y katiwalian sa Philippine Information Agency (PIA). Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica, bagama’t tumaggi pa muna itong magbigay ng detalye hinggil dito. Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hinihintay lamang ng PACC ang report na manggagaling sa una nang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang sentro ay laban kay PIA Director General Harold Clavite. Kaugnay ng isyu, naka-post sa Facebook account ni Clavite, sinabi nito na…

Read More