KILOS-PROTESTA IKINASA SA PAGPATAY SA 2 CHR WORKERS

protest12

(NI JESSE KABEL)

ISANG indignation rally ang ilulunsad ng ibat ibang militanteng grupo  ngayon, Lunes, para kondenahin at ihingi ng hustisya ang pagpatay sa dalawang human rights workers sa Sorsogon nitong Sabado ng umaga.

Pangungunahan ng grupong Karapatan at iba’t ibang people’s organization ang ikinasang kilos-protesta sa umanoy extra judicial killing kina Ryan Hubilla, 22,at Nelly Bagasala, 60, miyembro ng Sorsogon People’s Organization at kapwa din  Karapatan-Sorsogon staff members.

Sina Hubilla at Bagasala ay binaril sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon . Ang dalawa ay parehong aktibong tumutulong sa mga kasong may kaugnayan sa human rights violations at umaayuda rin sa mga  political prisoners sa lalawigan.

Magsisimula ang indignation rally sa Department of National Defense, EDSA Gate, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Eymard Gomez, hepe ng Sorsogon City Police, pinagbabaril ng dalawang lalaking naka-motorsiklo ang mga biktima alas-9:00 ng umaga noong Sabado.

Unang binaril si Hubilla na kabababa lang ng tricycle, sumunod na pinaputukan si Bagasala.

Nakatakbo at nakaligtas ang isa pa nilang kasamahan na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

BILANG NG KRIMEN SA BANSA, BUMABA NG 10%

crime rate

(NI NICK ECHEVARRIA)

SAMPUNG porsiyento ang ibinaba ng krimen sa buong bansa sa nakalipas na buwan ng Mayo kung ikukumpara sa parehong buwan nitong nakalipas na taon na resulta na pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga masasamang  elemento.

Sa tala ng  (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management, nakapagtala lamang ng  38,284 na mga krimen nitong May 2019 na mas mababa sa 42,527 na nitala noong May 2018.

Bumaba rin ng  22.6% ang mga index crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnappingat cattle rustling mula sa 7,421 na mga kaso noong  May 2018 kung ikukumpara sa 5,744  nitong  May 2019  habang 7.31% naman ang ibinaba ng non-index crimes mula sa dating 35,106 noong May 2018 kontra sa  32,540 nitong  May 2019.

Ang mga Non-index crimes ay kinabibilangan ng mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, reckless imprudence resulting to physical injury, reckless imprudence resulting to damage to property, violation of special laws at ibang kahalintulad na mga insidente.

Binati naman ni  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang PNP sa mga pagsisikap nito na maging ligtas ang mga lansangan para sa seguridad ng publiko at ang internal cleansing sa kanilang hanay para manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

 

Please follow and like us:
Read More

27 MATATAAS NA ARMAS, ISINUKO SA MILITAR

maguindanao12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PERSONAL na isinuko ni out-going Datu Abdulah Sangki mayor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at incoming Maguindanao governor ang 27 matataas na uri ng mga ilegal na armas mula sa mga sibilyan sa kanilang bayan sa militar nitong Sabado.

Kabilang sa mga nai-turn over na mga armas ang (1) 60-mm mortar launcher  na may isang projectile ammunition, (14) na piraso 12-gauge shotguns, (2) .50-caliber sniper rifles, (2) M-79 grenade launchers, (1) Uzi machine pistol, (1) Thompson submachine gun, (1) Carbine rifle, (2) rocket-propelled grenade launchers, (2) Ingram machine pistols, (1) M203 tube launcher at iba’t ibang  magazines.

Malugod namang tinanggap nina Army Col. Efren Baluyot, 1st Mechanized Infantry Brigade commander at  Lt. Col. Alvin Iyog ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ang nabanggit na mga isinukong armas.

Sa kanyang mensahe sa session hall ng kanilang bayan, sinabi ng outgoing mayor na ang pagsuko sa mga matataas na armas ay bahagi ng kanyang suporta sa pagsisikap ng militar na tiyakin ang isang tahimik na komunidad.

Pareho namang nangako sina  Baluyot at Iyog na patuloy nilang susustinihan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga loose firearms para sa ikatatahimik at ikauunlad ng nasabing lugar.

Sa kasalukuyan umaabot na sa  3,000 mga ilegal na armas ang naisalin na sa pag-iingat sa mga lugar na sakop  ng 6th Infantry Division ng Philippine Army simula ng umpisahan ang kampanya noong 2017 sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, ilang bahagi ng North Cotabato at Lanao del Sur.

Patuloy pa rin ang panawagan ni incoming governor Sangki-Mangudadatu sa mga lokal na oisyal sa kanilang lalawigan na tumulong sa kamoanya laban sa mga ilegal na armas.

Ayon naman kay 6th ID commander M/Gen. Cirilito Sobejana ang ginawa ni Sangki-Mangudadatu ay patunay ng tagumpay ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga loose firearms.

 

Please follow and like us:
Read More

SAHOD NG GABINETE TUMAAS NG 570% SA 20 TAON 

salary12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong pinakamasuwerteng state workers, wala ng tatalo sa mga miyembro ng Gabinete dahil tumaas ng 570% ang kanilang sahod sa nakaraang halos dalawang dekada.

Ito ang nabatid sa ACT Teachers party-list group bilang pagtatanggol sa hinihinging umento sa mga public school teachers na tila kinontra umano ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa grupo na kinakatawan nina Reps. France Castro at Antonio Tinio, mula taong 2000 ay tumaas ng 570% ang sahod ng mga miyembro ng Gabinete dahil ang dati nilang sahod na P38,500 ay naging P257,809 ngayong 2019.

Mas malaki naman ang itinaas ng sahod ng Pangulo na umaabot sa 606% dahil noong 2000 ay P50,000 kada buwan lamang ito subalit ngayong 2019 ay naging P388,096 na.

Ginawa ng grupo ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag dahil ipinamumukha umano ni Education Secretary Leonor Briones na patuloy na tumataas ang sahod ng mga public school teachers.

Sinabi ni Joselyn Martinez, ACT National Chairperson, na bagama’t totoo na tumaas ang sahod ng mga public school teachers na umabot sa 119%  mula noong 2000 ay masyado pa rin aniyang mababa ang tinatanggap ng mga ito kumpara sa mga miyembro ng Gabinete at iba pang matataas na opisyales ng gobyerno.

Sumasahod lamang aniya ng mahigit P20,000 ang isang teacher 1 na malayong-malayo aniya sa cost of living na mahigit P23,000 kaya  humihingi ang mga ito ng P10,000 umento.

Baryang-barya umano ito sa sinasahod ng mga miyembro ng Gabinete tulad ni Briones subalit tila pinagkakaitan anila ang mga public school teacher matapos ikatuwiran na kailangan ng P150 billion para maibigay ito.

Sinabi ni Tinio na kung nakaya ng gobyerno na doblehin ang sahod ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay walang dahilan para hindi iangat ang antas ng pamumuhay ng mga public school teachers.

 

Please follow and like us:
Read More

DURANT, THOMPSON  INAALOK PA RIN NG 5-YR CONTRACT NG WARRIORS

durant12

PLANO ng Golden State Warriors na bigyan pa rin ng 5-year maximum contracts sina Kevin Durant at Klay Thompson, sa kabila ng injuries ng dalawang manlalaro, ayon sa ulat.

Sinabi nitong Biyernes ni ESPN’s Brian Windhorst sa kanyang “First Take” segment, na ang torn Achilles ni Durant at torn ACL ni Thompson ay hindi umano naka-discourage sa Warriors.

Parehong na-injured ang dalawalang star players ng Warriors sa NBA Finals, na pinanalunan ng Toronto Raptors nito lamang Biyernes.

“It is my understanding in talking to people with the Warriors organization is that their intention is to continue and offer Kevin Durant a full 5-year max contract and to offer Klay a full 5-year max contract,” lahad ni Windhorst.

Si Thompson ay magiging unrestricted free agent sa Hunyo 30, habang si Durant ay pwedeng tanggihan ang kanyang $31.5-million player option at magiging free agent din.

Kung muling pipirma ang dalawa sa Warriors, ang team ay magbabayad ng mahigit $350 million sa payroll at luxury taxes, ayon pa kay Windhorst, at may sapat naman aniyang pambayad ang koponan para doon.

Ang Warriors ay lilipat ng kanilang venue mula Oracle Arena sa Oakland patungong Chase Center sa San Francisco.

Pero, matatagalan pa bago makalaro ang dalawa sa Chase Center.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr, si Durant ay paniguradong hindi makakalaro sa 2019-2020 season, matapos operahan noong Lunes.

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL CABINET MEETING NI DU30 KANSELADO      

duterte15

(NI BETH JULIAN)

(UPDATED)

BAGAMA’T una nang kinumpirma nina Cabinet Secretary Karlo Nograles at Defense Secretary Delfin Lorenzana, agad namang ipinarating ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kanselado na ang gagawin sanang special Cabinet meeting ngayong Lunes, Hunyo 17, kaugnay sa isyu ng banggaan sa West Philippine Sea.

Bunsod nito, wala na namang aasahan ang publiko na konkretong pahayag o aksyon ng gobyerno kaugnay sa insidente.

Una nang ini-anunsyo ni Nograles na nagpatawag ng special Cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes sa ganap na alas-3:00 ng hapon pagkatapos ang ceremonial marking ng 121st anniversary ng Philippine Navy, pero agad naman din ito binawi ni Medialdea.

Sentro sana ng pulong ang pagtalakay sa isyu sa WPS kung saan naganap ang banggaan na dahilan ng paglubog ng barko ng mga Pinoy fishermen. Pinabayaan lamang ang mga ito at inabandona ng Chinese vessel na agad tumakas matapos banggain ang bangka.

Mismong si Nograles ang nagpadala ng abiso sa mga Cabinet members na agad din namang kinumpirma si Lorenzana.

Pero sa hindi na batid na kadahilanan, naglabas naman ng abiso si Medialdea na hindi na matutuloy o kanselado ang nasabing pulong.

Please follow and like us:
Read More

HUSTISYA SA BINANGGANG PINOY FISHING BOAT, MALABO?

vessel12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MALABO nang makamit ng mga Filipino ang hustisya sa binanggang fishing boats ng mga Filipino sa West Philippine Sea ng isang Chinese vessel dahil sa agarang pag-whitewash ng China.

Ganito inilarawan ng militanteng grupo sa Kamara ang hangad ng mga Filipino na hustisya sa binangga at pinalubog na F/B Gim-ver sa Recto Bank bago iniwan sa laot ang 22 Filipino crew ng nasabing fishing boat.

“China was fast in investigating, concluding and absolving its citizens, in short, a whitewash,” ani Bayan Muna chair Neri Colmanares kaya malabo aniyang magkaroon ng hustiya kung iaasa lamang ito sa Chinese government.

Dahil dito, kailangang idulog na aniya sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang kasong at panagutin, hindi lamang ang kapitan ng barkong bumangga sa mga FIlipino kundi ang China na mismo.

Maliban sa pagpapanagot sa China, kailangang bawiin ng gobyernong Duterte ang dignidad ng mga Filipino na harap-harapan nang inaapakan ng nasabing bansa dahil sa pagtatangkang isisi pa sa mga kababayan ang insidente.

“China must be held to account for this criminal act, not only to assure that there is no repeat of the attack, but also to salvage a little of our dignity from our humiliating kowtowing relationship with China,” ayon naman kay Rep. Carlos Zarate.

Panahon na rin aniya para mag-isip si Duterte kung sino ang totoong kaaway ng Pilipinas sa West Philippine Sea at kung talagang kaibigan ang turing ng China sa kanya.

Lalo ring lumakas ang paniniwala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na Chinese militia ang bumangga sa mga Filipino at hindi mga ordinaryong mangingisda dahil sa agarang pagtatakip na ginawa ng nasabing bansa.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa alibi ng China na kaya iniwan sa laot ang mga Filipino dahil sa takot ng kapitan ng barkong bumangga na kuyugin sila ng ibang pang fishing boat.

Please follow and like us:
Read More

CEO TUMANGAY NG P200-M NG INVESTORS, TINUTUGIS

scam12

(NI JG TUMBADO)

NAGLUNSAD ng malawakang pagtugis ang Davao Del Norte Police laban sa isang Chief Executive Officer (CEO) at sa isa nitong tauhan na umanoy nagbulsa ng P200 milyon ng kanilang mamumuhunan.

Pinaniniwalaang nagtatago ngayon sa isang lugar sa bahagi ng Metro Manila ang suspek na si Kenneth Naz Nagaz, CEO, at Rogie Sabando, operations manager ng QuestLink Digital Marketing Services na nakabase sa Davao Del Norte.

Ayon kay Police Captain Anjanette Tirador, tagapagsalita ng Davao Del Norte Provincial Police Office (DDNPPO), humingi na ng tulong sa pulisya ang ilang investors at ahente ng kompanya para sa ikadarakip ng dalawang opisyal na tumakas bitbit ang daang milyong pisong investment money.

Nabatid na halos nasa 100 mga investors na naglaan ng kabuuang P209 milyon bilang kani-kanilang puhunan sa dalawa sa pangakong maibabalik ng 500 porsyento na return of investment sa loob lamang umano ng 15 araw.

Sinasabing nag-umpisa ang operasyon ng QuestLink Digital Marketing sa Tagum City noong June 1 kung saan naibigay ang investments noong June 4 at nitong araw ng Linggo.

Subalit nagduda na umano ang mga biktimang mamumuhunan sa hindi na pagtugon ng dalawa sa kanilang mga text at tawag kung kaya’t nagsumplong na ang mga ito sa kinauukulan.

Sa follow-up operation na ng pulisya napag-alamang walang anumang address o opisina ang QuestLink sa Davao at pinaniniwalaan na isa itong malaking investment scam.

Please follow and like us:
Read More

REMITTANCE CHARGES NG OFWs IPINABABABA SA MGA BANKO 

OFWS

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong tumitiba nang husto sa mga overseas Filipino workers (OFWs), ito ay ang mga banko dahil tinataya ng isang mambabatas na kikita ang mga ito ng $3.2 Bill o P166.4 Billion ngayong taon sa pamamagitan ng remittance charges.

Ito ang dahilan kaya nais ng isang mambabatas sa Kamara na bawasan ng kalahati ang 10.90% na sinisingil ng mga banko sa mga OFWs sa halaga ng kanilang ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ayon kay ACT OFW party-list Rep. John Bertiz, tinatayang aabot sa $29.8 Billion ang cash na ipadadala ng mga OFWs ngayong 2019 sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga banko.

“To transfer the entire $29.8 billion home, OFWs will be forking out 10.90 percent, or some $3.2 billion, to pay for bank fees,” ani Bertiz kaya tibab-tiba ang mga bankong ito sa mga OFWs.

Natataasan din si Bertiz sa sinisingil na remittance charges ng mga banko sa mga OFWs dahil ang ibang remittances center (na hindi bangko) ay 6 hanggang 7% lang ang sinisingil ng mga ito sa mga nagpapadala ng pera sa kanila.

Napakataas din umano ang remittances ng mga bangko kumpara sa mga postal service na mahigit 7% lamang sa halaga ng ipinapadala ng mga OFWs kaya dapat tulungan ng gobyerno ang mga tinaguriang bagong bayani ng mga Filipino.

Hindi aniya makatuwiran ang napakataas na remittances charges ng mga local bank at mga katuwang ng mga ito na banko sa bansang pinagtatrabuhan ng mga ating mga kababayan.

Dahil dito, dapat aniyang gumawa ng batas ng Kongreso para bawasan kahit kalahati ang sinisingil na remittances charges ng mga banko upang mapakinabangan ng mga OFWs ang kanilang pinaghihirapan sa ibang bansa.

“If we can get banks to slash their remittance prices by one-half, this would mean an extra $1.6 billion (P83.2 billion) flowing into low- and middle-income Filipino households and into the economy,” ani Bertiz.

 

 

Please follow and like us:
Read More