KRIS TOTOONG NAGLAHO SA SOCIAL MEDIA!

kris120

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

BALIK-PILIPINAS na si Kris Aquino matapos ang ilang linggong pamamalagi sa Singapore para magpa-checkup muli sa kanyang doktor.

June 7 nang masilayan ng netizens ang pinakahuli at may kahabaang Facebook at Instagram posts ni Kris hinggil sa ilang series of medical tests and procedures para sa kanyang autoimmune disorder.

Sa naturang socmed posts, nagpaalam si Tetay na maglalaho muna siya sa cyber space upang tutukan ang sakit at palakasin ang kanyang immune system. Makabubuti raw na maging ‘private citizen’ muna siya habang ginagamot ang sarili.

Siyempre pa, hindi mawawala ang mga duda. Tanong ng ilan: Kakayanin ba ni Kris ang hindi mag-post ng mga ganap sa buhay niya?

Surprising answer: Carry pala ng actress/TV host na mag-“Silence of the Lambs!” Nasopla ang bashers sa kanyang nakabibinging katahimikan sa Facebook at Instagram!

Sa aming pagse-search sa pangalang Kris Aquino, ‘no user found’ na ang nakalagay sa Twitter at wala namang lumalabas na pangalan niya sa Facebook at Instagram.

At dahil nga nagpapahinga muna sa social media, hindi rin mababasa ang kahit anong update sa resulta ng kanyang medical tests.

Sabi ng isang malapit kay Kris, “Tuloy ang mga gamot. Affected ng sakit ang sleeping pattern niya, so panay lang ang basa ng books.”

Wala pang kasiguraduhan kung kailan ire-reactivate ni Kris ang kanyang social media accounts.

BOOTS ANSON-ROA AND ATTY. KING RODRIGO NAG-60TH MONTHSARY

Ang lakas maka-millennial ng 60th monthsary nina veteran actress/Mowelfund President Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo nitong June 14 – the same date ng kanilang pag-iisang-dibdib noong 2014!

Sa mga hindi nakakaalala, ang kasal nina Boots (then 68) at King (then 74) on June 14 five years ago ay talaga namang super-heartwarming at kilig to the bones!

Hirit ni Cardinal Chito Tagle na nag-officiate ng kasal: “This is the first time I am marrying a couple much older than me.”

Naloka ang ilang onlookers dahil inakala nilang golden wedding anniversary mass ang napuntahan nila.

Fast forward to June 14, 2019…

Pagbabahagi ni Boots: “As befits his name, King accords me the royal treatment, fit for a queen.

“His chivalrous gestures have not waned: still opens car doors; serves and spoon feeds at dinner; brings pasalubong from work; showers me with gifts on birthdays and other occasions; takes me travelling from as near as our weekend home in Tagaytay to as far as The Holy Land; ends his text messages and phone calls with ‘I Love you’; and provides for the home and family most dutifully and generously.

“As my husband, he can’t be a ‘Sugar Daddy’ to me so let me just call him my ‘Azucarera de Papa’.”

 

Please follow and like us:
Read More

ZHAO IPATATAWAG SA PALASYO ITINANGGI NI NOGRALES

duterte44

(UPDATED) (NI BETH JULIAN)

KAUGNAY ng nauna nang ulat na ipatatawag sa Malacanang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kaugnay ng insidente ng Recto Bank Collision, agad din itong pinabulaan ni Nograles.

“Isaid that is not true,” deretsang pahayag ni Nograles.

Matatandaan na una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangang ipatawag ng Malacanang si Zhao.

“Kung nakikinig siya (Zhao) sa Palace briefing ay maaari na itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidenteng naranasan ng 22 mangingisdang Pilipino sa Recto Bank sa Palawan,” katiwaran ni Panelo.

Nauna rito ay lumabas ang balita na ipatatawag ng Malacanang si Chinese Amabassador Zhao Jianhua upang makipagpulong kaugnay sa insidente ng banggaan ng Chinese vessel at bangka ng mga Filipino fishermen sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Ito ang inisyal na ulat na lumabas matapos ang isinagawang joint Cabinet Cluster meeting sa Malacanang na pinamunuan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa security, justice at peace cluster at ni Secretary Carlos Dominguez para naman sa economic development cluster Lunes ng hapon.

Sa nasabing pulong, napagkasunduan na ipatawag si Zhao para maliwanagan ang kontrobersyal na isyu.

Agad namang ipinarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nabuong rekomendasyon sa nasabing cluster meeting.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na pormal na pahayag ang Palasyo ukol dito.

Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na kapag napasakamay na ng Pangulo ang rekomendasyon sa nasabing joint Cabinet meeting ay asahan na ang pagpapasya ng Pangulo at magiging aksyon nito hinggil sa pangyayari sa Recto Bank.

 

Please follow and like us:
Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES)

PATULOY pa rin sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam sa kabila ng pagdeklara ng Pagasa ng pagpasok ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), batay sa huling monitoring noong Linggo ay nasa 162.39 meters ang water level sa Angat dam.

Tinataya pa ng NWRB na umaabot ng 160 meters ang antas ng tubig sa ikatlong linggo ng Hunyo dahil sa tinatawag na monsoon break o pansamantalang pagtigil ng pag-ulan.

Kasabay nito, nagbabala si David na maaaring magbawas ng alokasyon ng tubig sa Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) na makaaapekto sa suplay ng mga water concessionare sa Metro Manila sakaling bumaba pa sa 160 meters ang water level.

Sa ngayon ay nasa 46 cubic meters per second ang alokasyon ng Angat dam para sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Umaasa si David na makararanas ng sapat na pag-ulan sa mga susunod na araw upang bumalik na sa minimum operating water level na 180 meters ang Angat dam.

May mga inilalatag na rin silang action plan upang hindi magdulot ng krisis ang kakapusan ng tubig sa Angat dam.

Please follow and like us:
Read More

TATLONG PRE-SONA FORUM ITINAKDA NG PALASYO

karlo nograles12

(NI BETH JULIAN)

NAGHAHANDA na ang Malacanang para sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na itinakda nila ang tatlong magkakasunod na linggong pre-SONA forum.

Ito ay ang pag-iikot ng mga miyembro ng Gabinete sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para ipaliwanag at ilatag sa mga tao ang mga accomplishments ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Nograles, ang unang pre SONA forum ay gaganapin sa Hulyo 1 sa PICC na pangungunahan ni Economic Development and Infrastructure Cluster Finance Secretary Carlos Dominguez at DPWH Secretary Mark Villar.

Sa Cebu naman isasagawa ang ikalawang pre-SONA forum sa Hulyo 10 na pangungunahan ng Participatory governance, Human Development and Poverty Reduction Cluster na pamununuan ni DILG Secretary Eduardo Ano.

Ang ikatlong pre SONA forum ay gagawin sa Davao sa Hulyo 17 ng Climate Change Cluster at Security Justice and Peace Cluster ni Environment Secretary Roy Cimatu at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ito ang ikalawang beses na nagsagawa ng tatlong araw na pre SONA forum ang gobyerno.

Ang unang beses ay noong isang taon na ginawa sa Metro Manila.

 

Please follow and like us:
Read More

PALASYO SA PUBLIKO: BANGGAAN SA RECTO BANK ‘WAG GATUNGAN

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

TODO apela ang Malacanang sa publiko na huwag na muna gatungan ang insidente ng banggaan ng barko ng China at bangka ng mangingisdang Filipino sa Recto Bank.

Ipinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na mayroong tinatawag na diplomatic channels at diplomatic protocol sa katulad na mga insidente.

Ayon kay Nograles, makabubuting makita muna nila ang mga pangyayari at pag-usapan ang mga nararapat gawin at hayaan ang Department of Foreign Affairs na gawin ang tungkulin nitong makipag-diplomasya.

Sinabi ni Nograles na kailangan din masiguro na hindi rin natatapakan ang soberenya at pagkatao habang pinaplantsa ang gusot para hindi rin magkaroon ng lamat ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at China.

Nagtakda sa hapon ng Joint Cabinet Cluster meeting sa Malacanang na pinamunuan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa security, justice at peace cluster at ni Secretary Carlos Dominguez para naman sa economic development cluster.

Tiniyak naman ni Nograles na ipararating nila agad kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mabubuong rekomendasyon sa pulong para makapagpasya  rin ng nararapat na aksyon ang Pangulo sa lalong madaling panahon hinggil sa pangyayari sa Recto Bank.

 

Please follow and like us:
Read More

MILITANTE NABABAHALA SA MGA PAGPATAY SA KANILANG HANAY

stop12

(NI BERNARD TAGUINOD)

LABIS na ang pagkabahala ng militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sunud-sunod na pagpatay sa mga akbista at mga miyembro ng progresibong grupo.

“It appears that rabid attack dogs are now going all out to eliminate activists and progressives,” paglalarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos itumba, Lunes ng umaga sa Naga City ang regional spokesman ng kanilang grupo na si Neptali Morada.

Nabatid na papasok sa kanyang trabaho si Morada, dakong alas-8:00 ng umaga nang patayin ito sa San Isidro, Naga City.

Noong Linggo ay tinambangan at pinatay ang dalawang miyembro ng Karapatan o human rights advocates sa Sorsogon City na si Ryan Hubilla at Nelly Bagasala noong Hunyo 15, kaya labis na ang pagkabahala ng mambabatas para sa kanilang mga miyembro.

Kinabukasan, isang miyembro ng Kasama-Bukidnon ng Barangay Halipatan, Sitio Malambago, San Fernando Bukidnon na si Nonoy Palma ay binaril at pinatay naman noong Hunyo 16, 2019 sa labas ng kanyang bahay.

“This madness should stop. We are calling all freedom loving people to stand up and condemn these vicious and ruthless attacks against activists and human rights defenders,” ani Zarate.

“But make no mistake, the long arm of people’s justice will eventually make these perpetrators pay for their actions,” dagdag pa ni Zarate.

Please follow and like us:
Read More

SONA GUGULUHIN; 2 ‘TERORISTA’ LAGLAG SA QC

sona12

(NI AMIHAN SABILLO)
HULI ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang miyembro ng Daulah Islamiya na sinasabing tangkang manggulo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ngayong Hulyo.

Mismong si PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang nagbigay ng pagkakilanlan ng mga suspek na dinakip na sina Arnel Cabintoy, alyas Abu Musa’ab at Feliciano Sulayao, alyas Abu Muslim, na parehong balik-Islam na sinasabing mga miyembro ng Daulah Islamiyah Philippines sa ilalim ni Hatib Hajan Sawadjaan na syang tumatayong leader na ng grupo sa ngayon matapos mapaslang ng mga otorodad si Isnilon Hapilon sa Marawi siege.

Nakumpiska sa mga naaresto ang blasting cap at granada na pinaniniwalaang bihasa umano sa paggawa at paggamit ng mga pampasabog.

Nadakip ang mga suspect Sabado ng gabi sa bahagi ng Salaam compound, Tandang Sora, Quezon City.
Bagama’t wala umanong direktang banta na nakikita ang PNP na pananabotahe ng mga ito sa ika-apat  na SONA sa July 22.

” Although there is no direct evidence linking them to any terrorist activity in Metro Manila, an investigation is underway to uncover the circumstances surrounding their presence in the city to possibly identify the persons who provided them sanctuary,” pahayag ni Albayalde.

Kasabay nito ang pagtiyak ni Albayalde ng kahandaan ng pulisya sa darating na SONA kung san, tinututukan ang lahat ng mga grupo na posibleng manggulo sa aktibidad kagaya na lamang ng mga grupo mula sa Mindanao.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong Illegal possesion of explosives na ngayon ay nasa kustodiya na ng NCRPO matapos iharap sa Camp Crame, Lunes ng umaga.

Please follow and like us:
Read More

KAMPANYA VS BUGOK SA PNP, PINALAKAS

carama12

(NI JG TUMBADO)

BINUWAG na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Counter Intelligence Task Force o CITF at bumuo ng bagong grupo na tututok sa mga tiwaling pulis.

Tinawag na “Integrity Monitoring and Enforcement Group” (IMEG) na mas malawak pa ang pagpapaigting sa kampanya laban sa mga police scalawags.

Ayon mismo kay PNP Chief General Oscar Albayalde, ang pagtatag ng IMEG na siyang  magsasagawa ng intelligence monitoring, case build up, at law enforcement operations laban sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad, ay bahagi ng kanyang pagsisikap na I-“institutionalize” o gawing permanente  ang “Internal cleansing campaign” ng PNP.

Nabatid na si dating CITF Chief Col. Romeo Caramat ang siyang mamumuno sa bagong grupo na may kabuuang 306 na Personnel na binubuo ng 55 commissioned officers at 251 non-commissioned officers.

Paliwanag ni Albayalde , ang IMEG ay kinokonsidera bilang National Support Unit na ang Commander nito ay Brigadier General ang Ranggo.

Kaya, “approved in principle” na rin aniya ang promosyon si Col. Caramat sa Brigadier General, at kailangan nalang itong dumaan sa normal na proseso ng pag-apruba ng National Police Commission o Napolcom.

Please follow and like us:
Read More

MABABANG TARIPA SA POULTRY PRODUCTS APRUB NA

manok12

(NI BETH JULIAN)

MANANATILING mababa ang taripa ng ilang importted na poultry products.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 81 noong Hunyo 13 na nagpapataw ng mababang taripa sa ilang imported agricultural products.

Hanggang December 31, 2020 magiging epektibo ang EO 81 na pinatagal ng anim na buwan mula sa orihinal na expiration sa ilalim ng EO 23.

Kabilang sa sakop ng EO 81 ang walang butong karne ng manok, karne ng turkey at laman-loob.

“The present economic condition warrants the continued application of the reduced rates of duties on certain agricultural products to mitigate the impact of high prices of goods,” pahayag ni Pangulong Duterte sa EO.

Ang taripa ay mananatili sa 5 percent para sa mga walang butong karne at 20 percent para sa frozen poultry.

Please follow and like us:
Read More