EX-BAYAN MUNA SPOKESPERSON NILIKIDA

crime22

(NI JESSE KABEL) DEAD on the spot ang dating taga pagsalita ng Bayan Muna-Camarines Sur nang pagbabarilin ito nitong Lunes ng umaga ng mga suspek lulan ng isang pickup truck. Base sa inisyal na  pagsisiyasat ng Camarines Sur PNP, lulan ng kanyang  motorsiklo ang biktimang si Nepthali Morada nang dikitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang  pickup truck. Inabot ng dagliang kamatayan ang biktima nang  pagbabarilin habang binabagtas ang national  highway sa bisinidad ng  Sona 4, Barangay San Isidro. Ayon sa Bayan Muna, nagsilbing , tagapagsalita ng…

Read More

AEGIS JURIS FRAT HAZING; 1 KULONG NG 4-TAON

ATIO12

(NI HARVEY PEREZ) GUILTY sa kasong obstruction of justice ng  Manila Metropolitan Trial Court Branch 14, ang isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity   kaugnay sa pagkamatay sa hazing ng  University of Sto.Tomas  (UST) freshman student na si Horacio “Atio”Castillo III noong Setyembre 17, 2017. Nabatid sa  27- pahinang desisyon ni MMTC Judge Carolina Esguerra, ng Branch 14, si John Paul Solano ay hinatulan ng hanggang apat na taon, dalawang buwan at isang araw na pagkabilanggo dahil sa kasong obstruction of justice. Gayunman, inabsuwelto si Solano sa kasong perjury  matapos kakitaan…

Read More

HENERAL, MAGHAHABOL SA MGA TIWALING PARAK –ALBAYALDE

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO) RANGGONG police general na ang magiging responsable sa pagtugis sa mga tiwaling kawani ng Philippine National Police (PNP). Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde makaraang, palitan ang dating PNP Counter Intelligence Task Force (CITF), ng isang bagong grupo na tatawaging “Integrity Monitoring and Enforcement Group” (IMEG). Si dating CITF Chief Col. Romeo Caramat ang mamumuno pa rin sa bagong grupo na may kabuuang 306 personnel, 55 commissioned officers at 251 non-commissioned officers. Ayon sa PNP Chief, ang IMEG ay kinokonsidera bilang National Support…

Read More

DAVIS KAMPI NA NI LEBRON

davis12

SA hinaba-haba ng prusisyon sa Los Angeles din ang tuloy. Bagamat wala pang pormal na pahayag, magkakasama na sa Lakers sina Anthony Davis at LeBron James. Ito’y matapos na ang New Orleans Pelicans ay pumayag na ipamigay si Davis sa Lakers kalapit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart at tatlo pang first-round draft choices. Hindi pa maaaring maging opisyal hangga’t hindi pa nagsisimula ang panibagong taon ng liga sa Hulyo 6, ayon sa ESPN. Pero, hindi rito nagtatapos ang ‘shopping spree’ ng Lakers para…

Read More

US NAGPAALALA SA CLAIMANTS: ‘WAG GUMAMIT NG DAHAS

wps22

(NI JESSE KABEL) NAG-ABISO ang Estados Unidos sa mga bansa na pare-parehong may claimed o inaangking teritoryo na huwag gumamit ng dahas at pananakot sa paggiit sa mga teritoryo. Ito ay bunsod ng huling kaganapan kung saan sinalpok ng barko ng Tsina na Yuemaobinyu 42212 ang  Filipino fishing vessel na F/B Gem-Ver1 noong June 9 kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang naiwang palutang-lutang sa karagatan. Nabatid na malaking pagpapasalamat ng embahada ng Estados Unidos, na walang nasaktan sa  22 Pilipinong mangingisda sakay ng fishing vessel at naisalba sila nang maayos…

Read More

PUBLIKO BINALAAN NG BOC VS FAKE AGENTS

CUSTOMS POLICE

(NI Boy Anacta) Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga  nagpapanggap na tauhan ng BOC para makapanloko sa mga negosyanteng may transaksyon sa Aduana. Ang babala ay  matapos na may mahuling nagpanggap na tauhan ng Customs na umano’y sangkot  sa  “tara” collection. Matatandaan  na noong Mayo 20, nahuli si Xavier Daniele Gabriel, 19-anyos, residente ng Sampaloc, Maynila na tinawag na “hao shiao”. Ayon sa report, ang nasabing tao ay nakasuot ng expired dilapidated BOC ID  na may bisa hanggang  Marso 2019. Si Gabriel ay naaresto ng…

Read More

P9-M COCAINE NASABAT NG BOC-NAIA

COCAINE-4

Nasabat ng puwersa ng  Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at sa tulong ng iba pang operatiba ang 1.66 kilong cocaine na may katumbas na halagang P9 milyon,  mula  sa bagahe ng isang Indonesian sa Terminal 3 ng nasabing paliparan kamakailan. Nakilala ang naaresto na si Agus Burhan, 62-anyos, Indonesian,  na  may hawak na passport number B 0939251 at dumating sa bansa noong nakalipas na Hunyo 12 sakay ng Qatar Airways flight QR 932 mula sa Doha, Qatar. Ayon sa report,  nagsagawa ng airport interdiction ang mga operatiba ng…

Read More

MONTHLY TARGET NG 5 BOC PORTS SUMIRIT

Port of Cagayan De Oro

(Ni Jomar Operario) Hindi lang naabot kundi nalagpasan pa ang kani-kanilang monthly collection target ng limang Bureau of Cus-toms (BOC) Ports sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Port of Cagayan De Oro, Iloilo, Cebu, Subic at San Fernando, La Union. Nangunguna sa mga ito ay ang Port of Subic na nakapagtala ng actual collection na P3,161,373, 353.18 kumpara sa target nitong  P1,969,000,000.00  katumbas ito ng 60.56% na pagtaas. Pumangalawa naman ang Port of Iloilo na may actual collection revenue na P959,674,585.22  mula sa target…

Read More

KORAPSYON SA BOC MASUSUGPO NA

boc

(Ni Jo Calim) Inaasahang masusugpo  o kung hindi man mababawasan na ang korapsyon sa Bureau of Customs (BOC), dahil kasalukuyan nang  gumagana at umiiral  ang bagong ‘computer system modernization project’ ng ahensya sa buong ports ng bansa. Ang nasabing bagong system ay bahagi ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA). Layunin nito  hindi lamang para masugpo  ang katiwalian  at mapairal ang transparency  kundi  upang lalo pang mapaganda at mapabilis ang serbisyo ng BOC sa lahat ng kanilang stakeholders, negosyante maging…

Read More