TRAPIK DULOT NG MRT-7 PROJECT IKINAPIKON SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

IKINABANAS na  sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tumitinding problema sa trapiko sa Commonwealth Avenue, Quezon City dahil sa MRT-7 project na  na-delay na umano.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, matinding perhuwisyo sa mga motorista ang idudulot na trapiko sa Commonwealth dahil sa nakapahabang u-turn slot.

“Nakaaawa naman ang publiko dahil ang layo-layo ng minamaneho nila para lang mag U-Turn,” ani Castelo at ang masakit pa umano dito ay naging dahilan ito ng pagsikip ng trapiko.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ng lady solon ang EEI Corporation, isa sa mga kontraktor ng MRT-7  kung bakit nade-delay ang paggawa sa nasabing proyekto gayung dapat natapos ngayong buwan, Hulyo 2019.

“I am urging EEI to expedite this project and explain what has cause the delay, kasi medyo delayed na po itong proyektong ito at nagdudulot na ito ng inconvenience sa ating mga kababayan because traffic builds up in a daily basis and the commuters are suffering,” ayon pa sa lady solon.

Umapela rin ito sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na dagdagan  ang kanilang puwersa sa Commonwealth avenue dahil nakaaawa na aniya, hindi lamang ang mga motorista kundi ang mga commuters dahil sa perhuwisyong idudulot ng trapiko dahil sa nasabing proyekto.

Lalong lumalala ang trapiko sa Commonwealth sa rush hour kaya marami umano ang napipilitang umalis sa kanilang bahay ng maagang-maaga upang hindi mahuli ang mga ito sa kanilang trabaho.

Nanghihinayang ang lady solon sa oras na nawawala sa mga magulang dahil sa trapiko gayong dapat inilalaan nila ito sa kanilang mahal sa buhay lalo na sa kanilang mga anak.

 

Read More

KIKO: KABATAAN OBLIGAHIN SA VOTER REGISTRATION

kiko pangilinan12
0

(NI NOEL ABUEL)

KINALAMPAG ni Senador Francis Pangilinan ang Commission on Elections (Comelec) na gumawa ng hakbang para maobliga ang mga kabataang magparehistro ngayong Agosto 1.

Ayon kay Pangilinan, mahalaga ang mag-isip ng paraan ang poll body para maging matagumpay ang isasagawang pagpaparehistro para sa susunod na eleksyon.

Base sa Comelec, ang voter registration ang magsisimula ngayong unang araw ng Agosto na magtatagal hanggang Setyembre 30 kung saan ang mga local Comelec offices ay magbubukas tuwing Sabado at kahit holiday.

“Kahapon, binuksan na ulit ang lotto. Pwede na ulit tumaya. Bukas, umpisa na ang voter registration. Sa mga kabataan, taya rin tayo sa bayan. Ipakita ang pag-ibig sa bayan. Magparehistro,’ sabi pa ng pangulo ng Liberal Party.

Target ng poll body na makakuha ng 2 milyong mga bagong botante.

“Abutin natin ang target na 2 milyong mga bagong botante. Dapat alam ng kabataan na kapag nagparehistro sila at bumoto, tumutulong silang tukuyin ang kinabukasan nila,” panawagan pa ni Pangilinan.

Hamon pa nito sa Comelec na magpatupad ng epektibong information dissemination campaign upang mapilit ang mga kabataan na magparehistro bilang bagong botante tulad ng paglalagay ng registration booth sa mga malls.

Inihalimbawa pa nito na dapat maabot ng Comelec ang malalayong lugar, urban centers, eskuwelahan at maging ang mga call-center offices kung saan maraming millennials ang nagtatrabaho.

Read More

RETIRED GENERAL ITINALAGANG MWSS BOARD MEMBER

mwss100
0

(NI BETH JULIAN)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Judicial and Bar Council ang chair ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at nag appoint ito ng military official para sa puwesto.

Sa inilabas na bagong appointment ng Malacanang ngayong Miyerkoles, , si MWSS chair Franklin Demonteverde, isang retiradong Hukom, ang itinalagang representative ng Integrated Bar of the Philippines to the JBC, na mandato ng Konstitusyon para magsala sa mga aplikante sa mga bakanteng posisyon  sa judiciary at sa Offices of the Ombudsman at Deputy Ombudsman.

Itinalaga naman ng Pangulo si retired Lt. Gen. Emmanuel Salamat, dating chief ng Armed Forces Northern Luzon Command, bilang MWSS board member.

Una nang inihayag ng Pangulo na nais niyang maging pinuno ng MWSS si Salamat habang inire-appoint din ng Pangulo si MWSS at vice chairperson Reynaldo Velasco.

Inianunsyo rin ng Palasyo ang appointnent ni Juliana Sunga bilang Justice undersecretary, si Antonio Bautista  bilang National Defense assistant secretary, at Peter Wallace bilang private sector representative to the Ease of doing Business/ Anti-Red Tape Advisory Council.

 

Read More

HOUSE INQUIRY SA PCSO ANOMALY INIHAIN SA KAMARA

congress55
0

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG resolusyon ang inihain na sa House of Representatives para magkaroon ng House Inquiry In Aid of Legislation kaugnay sa korapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahilan ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang PCSO games noong Sabado.

Sa ngayon ay balik na ang operasyon ng lotto games matapos na rin tanggalin ni Duterte ang ban sa operasyon nito habang nananatiling suspendido pa rin ang ibang laro ng ahensya kabilang ang Peryahan ng Bayan, STL at Keno.

Sa House Resolution No 141 na inihain ni House Minority Leader Benny Abante hiniling nito na imbestigahan ang pagpapasara sa lahat ng PCSO outlets dahil sa katiwalian, partikular na pinakikilos ng mambabatas ang House Committee on Games and Amusement para silipin ang nasabing usapin.

Sinita rin ni Abante ang hindi pagsusumite ng annual report sa Kongreso tungkol sa mga aktibidad nito.

Isusulong din umano nito sa Kamara na rebyuhin at amyendahan ang PCSO charter dahil hindi umano nakapaloob dito ang korapsiyon na isa sa mga dapat na maparusahan.

Pinuna pa nito na walang expiration ang charter ng PCSO kung saan ang ilang probisyon nito ay dapat nang baguhin.

 

 

Read More

DU30 WALANG NASILIP NA ANOMALYA SA LOTTO OPERATION

duterte32
0

(NI BETH JULIAN)

WALANG nakitang bahid ng anomalya ang mga imbestigador sa operasyon ng lotto kaya ito ang dahilan ng pagpapasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling pabuksan ang operasyon nito.

Martes ng gabi nang tanggalin ng Pangulo ang suspensiyon ng operasyon ng lotto.

Gayunman, mananatiling suspendido ang operasyon  ng iba pang online games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaya ng Peryahan ng Bayan, STL at Keno na nakitaan ng iregularidad at anomalya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, tatapusin muna ang imbestigasyon sa mga nabanggit na online gaming bago magpasya ang Pangulo sa kahihinatnan ng kapalaran ng mga nabanggit na sugal.

Una nang inamin ni Panelo na sa ngayon  ay walang maitutulong ang pamahalaan sa libu-libong mga  empleyado ng lotto at STL operators na nawalan ng trabaho.

Aminado si Panelo na sa ngayon ay hindi pa matantya kung magtatagal ang muling pagbabalik sa operasyon ng ilan pang mga pasugal ng PCSO.

Giit ni Panelo na hangga’t hindi pa nalilinis laban sa mga corrupt na opisyal  ng PCSO ay malamang na hindi pa rin ito pabubuksan ng Pangulo.

Samantala, una nang pumalag ang Palasyo sa alegasyon ni Bayan Muna Congressman Carlos Zarate na diversionary tactic lamang ng Palasyo ang utos ni Duterte na ipasara ang gaming operations ng PCSO para malihis ang atensyon ng taumbayan sa pag -veto sa anti-Endo bill.

 

Read More

TOLENTINO ‘HANDS ON’ SA POC; SEA GAMES TUTUTUKAN

poc12
0

(NI JEAN MALANUM)

MAGIGING “hands on” si Cong. Abraham “Bambol” Tolentino sa pagpapatakbo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ang siniguro ni Tolentino na magsisilbing POC president hanggang Nobyembre 2020.

“I will be hands on when it comes to running the POC,” ani Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila kahapon.

Ang unang aktibidad ng POC pagkatapos ng halalan ay ang Executive Board meeting sa Biyernes. Kasama sa agenda ang secretary general at mga chairperson ng iba’t ibang committees na pipiliin ni Tolentino.

Ayon kay Tolentino, marami siyang plano sa POC ngunit ang priority sa ngayon ay ang preparasyon sa 30th SEA Games.

“We will focus on the SEA Games because we only have four months left before tournament begins. We are also preparing our athletes so they can qualify for the 2020 Tokyo Olympics,” sabi ni Tolentino na presidente rin ng PhilCycling.

Nakatakda ring pumunta sa Qatar si Tolentino para sa Association of National Olympic Committees (NOC) meeting sa susunod na buwan.

Tinalo ni Tolentino si Philip Ella Juico ng athletics sa pagkapangulo, samantalang nagwagi si Steve Hontiveros ng handball kontra Robert Aventajado ng taekwondo sa posisyon na chairman sa POC election na ginawa sa Century Park Hotel noong Linggo.

Kasamang nahalal nina Tolentino at Hontiveros sina Jesus Clint Aranas ng archery at Cynthia Carrion ng gymnastics bilang board members.

Read More

DOTr, MMDA IPATATAWAG SA SENADO 

gracepoe12
0

(NI NOEL ABUEL)

IPATATAWAG ng Senado ang Department of Transportation (DOTr) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa plano nitong pagpapasara sa terminal bus sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at paglilipat sa labas ng Metro Manila ng mga provinical bus.

Ayon kay Senador Grace Poe, kailangan na magpatawag ng pagdinig upang agad malaman ang tamang solusyon at maiwasan ang sigalot sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga commuters.

“In the next two weeks. Kailangan lang nating i-submit ‘yung resolution para mapatawag,” aniya.

Giit nito maganda ang layunin ng DOTr at MMDA na ilipat lahat ng mga terminal ng provincial bus sa labas ng EDSA subalit hindi naman naging maayos ang paglilipatan ng mga ito.

“Kasi dati gusto nila ilipat lahat ng mga terminal ng provincial sa labas na ng boundary ng EDSA. Magandang layunin ‘yan, kaya lang ‘yung transfer nga ang nagiging problema. Hindi naayos ‘yung paglipat do’n,” sabi nito.

Paliwanag pa ni Poe na ang pinakamahirap na sektor ang maaapektuhan ng plano dahil sa ang mga ito ang sumasakay ng bus kaya maituturing na hindi makatao ang paglilipat ng mga pampasaherong bus.

“Para sa akin, kailangan talagang magkaroon ng pagdinig muli kasi hindi lamang naman ‘yung mga, halimbawa provincial buses kung aalisin man, papaano na ‘yung ating mga pasahero, ‘yung mga mananakay. Pangalawa, ‘yung mga colorum ba ay talagang tuluyan nang natanggal, kasi ‘yon din, nakadaragdag din ng pagsikip ng daloy ng trapiko,” paliwanag pa ng senador.

 

Read More

UNIVERSAL HEALTH CARE ACT TULUY-TULOY NA

health77
0

(NI NOEL ABUEL)

NAKAHINGA nang maluwag si Senador Sonny Angara sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa utos nitong ipasara ang lahat ng lotto outlets sa bansa bunsod ng ulat ng katiwalian dito.

Ayon kay Angara, nakatitiyak itong maganda ang idudulot ng operasyon ng lotto outlets dahil sa malaking tulong ito para sa pagsasakatuparan ng Universal Health Care Act at iba pang programa ng gobyerno.

Mahalaga aniyang matiyak ang pagkukunan ng pondo para sa malalaking proyekto ng gobyerno upang makapagpatuloy at higit na marami ang matulungan.

“Nagpapasalamat tayo sa desisyon ng Pangulo na ipagpatuloy na ang operasyon ng lotto. Wala nang panganib na magkakaaberya ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act at iba pang mga programa ng gobyerno para sa ating mga kababayan dahil sa kakulangan ng pondo,” ayon kay Angara.

Tugon din umano ito para sa kahilingan ng mga lotto operators at outlet workers na nawalan ng trabaho, mula nang ipasara ang gaming operations.

Sa kabilang banda, umaasa si Angara na ipagpapatuloy ng Pangulo ang paghahabol sa mga dawit sa korapsiyon sa PCSO.

“We are confident the President will deliver on his vow to crackdown on corruption within the PCSO in order to plug the leakages and ensure that all funds are being used for benefit of the Filipino people. Suportado po natin ang Pangulo sa giyera laban sa korapsiyon at mga katiwalian sa pamahalaan,” pahabol pa ni Angara.

Sinabi naman ni Senador Lito Lapid na ang muling pagbubukas ng operasyon ng lotto sa buong bansa ay patunay na umuusad ang ginagawang imbestigasyon ng Pangulo tungkol sa anomalya sa PCSO.

“Maganda ito para sa marami nating kababayan na umaasa sa lotto bilang kanilang kabuhayan pati na rin sa pondong ipinapasok nito sa kaban na siyang pinagkukunan para ibigay sa mga pasyenteng tinutulungan ng PCSO. Kasama ako sa maraming naghihintay na matapos ang imbestigasyong ginagawa at malaman kung sinu-sino ang mga personalidad na nasa likod ng kurapsiyon sa PCSO,” sabi ni Lapid.

Gayundin, hinihintay na rin umano ng nakararami ang direksyon ng administrasyon ni Pangulong Duterte hinggil sa Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno kung nais pa rinng ipagpatuloy sa kabila ng mga kontrobersyang bumabalot dito.

 

Read More

BAGONG DARNA JANE DE LEON, INUULAN NG PAPURI AT INTRIGA

0

(NI RONALD M. RAFER)

DAHIL  pinag-uusapan at wala nang makakapigil pa sa pagsikat niya, inuulan na ng intriga ang bagong Darna na si Jane de Leon. Dahil sa simpleng gandang Pinay na Pinay, doon sumentro ang mga mahihilig mang-intriga.

Retokada, suplada, feeling sikat kung umasta at iba’t iba pang bashings ang ipinupukol sa kanya.

Dedma lang si Jane habang puspusan na ang training niya for Darna. Ang alam lang niya, lumobo nang husto ang IG followers niya.

Ang mga fans niya ang sumasagot sa mga bashers niya. Unang-una, walang pinabago si Jane sa mukha niya. Walang dagdag-bawas sa anumang parte ng katawan niya. Pala­ngiti si Jane at magalang itong humaharap sa mga supporters niya.

At tahimik nga lang siya kapag nasa shooting o taping. Pero ‘pag kinausap naman ay sumasagot siya. Focused siya sa work at bawat trabahong ibigay sa kanya, she gives her 100%.

Masaya si Jane dahil kaagad na binati siya ni Angel Locsin (ang may K sa lahat ng nag-Darna) pati na rin si Kathryn Bernardo na nagsabing bagay siya as Darna. Nakasama ni Kathryn si Jane sa “La Luna Sangre” at alam niyang magagampanang mabuti ni Jane ang Pinay superhero.

Sa mga papuring tinatanggap niya, mula sa mga kasamahang artista, balewala na kay Jane ang ilang “tira” sa kanya. Nagpapasalamat na lang siya sa mga ito at sa mga fans, pamilya, kaibigan at kakilala na naniniwala sa kanya at naghahangad na magtagumpay siya at maging isang malaking artista.

                                                                                   ###

Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa napaka-exciting na pelikulang Love Is Love mula sa RKB Productions. Exciting dahil bago ang concept at story ng pelikula na ididirek ni G. B. Sampedro.  Naka-second day na sila.

Kakaibang rom-com at nakakabaliw ang twist ng story na sinulat ni Ces Santiago na former editor namin sa GASI Publications.

First time na magsasama-sama sina  JC de Vera, Jay Manalo, Marco Alcaraz, Raymond Bagatsing at si Roxanne Barcelo sa isang pelikula. Kasama rin si Rufa Mae Quinto na super kwela sa role niya bilang babaing baklang bff ni Roxanne. Magdyowa naman sina Jay at Raymond at macho-gay naman si Marco. Secret muna ang role nina JC at Roxanne.

Plano raw na isali ito sa MMFF 2019. Kapag napili ito, tiyak na may tulog ang ibang mga kalahok.

Anyway, bidang-bida si Roxanne sa pelikula at perfect na perfect siya sa kanyang kakaibang role. Masaya si Roxanne sa storycon kaya hindi mahahalatang kamamatay lang ng tatay niya. After ma-cremate ang ama sa Amerika ay umuwi siya rito para sa showbiz commitments niya.

In fairness, tumawag ang ex-bf niyang si Will Devaughn upang magpaabot ng pakikiramay. Naging malapit si Will sa tatay niya dahil napakabait daw nito. Sabi ni Roxanne, Will will always have a special place in her heart kahit nagtapos na ang relasyon nila. They remained friends though.

Kinikilig siya kay JC na  super guwapo raw at mabait. Single si Roxanne, pero may mga nagpaparamdam – mga bagets daw. Natatawa siya dahil akala raw ng mga bagets ay bagets pa rin siya dahil sa natural niyang ganda na parang hindi tumatanda.

Read More