‘INT’L HUMAN RIGHTS BODY ‘DI KAILANGAN’

panelo55

(NI BETH JULIAN)

HINDI kailangan ng Pilipinas ng ibang human rights advocate para lamang punahin ang sinasabing pag-abuso umano ng awtoridad sa kanilang mga inilulunsad na police operations.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makabubuting hayaan na lamang ang sarili nating mga human rights advocate sa Pilipinas na tumulong sa ating mga nakararamdam ng umano’y pag abuso ng mga awtoridad.

Ayon kay Panelo, nariyan ang Commission on Human Rights  at Public Attorney’s Office na maaaring magbigay ng libreng legal assistance sa mga biktima.

Hindi makatwiran, ayon kay Panelo, na minamaliit lamang ng international human rights watchdog ang mga human rights group dito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Panelo, ang problema sa human rights na ito ay pinupulitka ang mga umano’y insidente ng extra judicial killings sa bansa.

Dahil dito, hindi makumbinsi ang pamahalaan na magiging patas ang gagawing imbestigasyon ng human rights council o ano pa man na  international human rights body.

Please follow and like us:
Read More

JULIA AT JOSHUA: PLASTIKAN TO THE MAX

joshlia44

(NI PETER LEDESMA)

HANGGA’T  maaari at kung pwede lang ay ayaw na sana ni Julia Barretto na makita pa ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Naging very vocal na nga ang young actress sa mga patama nito sa ka-loveteam na actor sa social media.

Kaso mo, hindi naman uubra na tuluyan na siyang umiwas kay Joshua lalo’t may movie sila together. Pero itong si Joshua ay mahusay talagang artista dahil sa kabila ng galit niya at selos sa dating nobya sa pag-partner kay Gerald Anderson, ay gustong paniwalain ang publiko na best of friends pa rin sila. Bulong pa nga ng aming source ay hindi sila nagpapansinan ni Julia sa set ng zombie movie nilang Block Z.

           ***

Maliban sa pagiging artista ay matagal na namayagpag noon sa recording scene si Manilyn Reynes na nakailang CD albums na pawang gold at platinum.

Kailan pa ba ‘yung huling album ni Manilyn, na ang carrier ay ang hit single na “Kulang Pa Ba?” Ivory Records ang nag-produce nito dahil ang sabi ay ayaw na raw ng OctoArts Records na bigyan ng album ang dating goldmine nilang si Mane.

Ang lupit ‘di ba? Malaking datung ang inakyat ni Manilyn sa kaban ng nasabing recording outfit, tapos binabalewala na lang siya?

Samantala, miss man ng komedyanteng aktres ang recording ay mukhang kontento na lang ito sa paggawa ng cover songs na kanyang ina-upload sa kanyang social media accounts. ‘Yung biglaang duet nila ni Jake Vargas na “Suddenly” ay meron nang 2.1 million views!

RICHARD YAP, ‘DI TOTOONG NAKIPAG-NEGOTIATE SA GMA-7

Muli naming nakita si Richard Yap sa mediacon ng book 3 ng “Kadenang Ginto,” kung saan mapapanood na ang character ni Richard bilang si Leon na may connect sa mag-inang Beauty Gonzales (Romina) at Francine Diaz (Casey).

Dapat daw ay magpapahinga muna siya hanggang August. Kaso mo, sa sobrang ganda raw ng alok sa kanya ng Dreamscape ay agad  niya itong tinanggap.

Sina Beauty at Francine pa lang daw ang mga naka-eksena niya sa “Kadenang Ginto” at sobrang hanga siya sa mga ito.

Sa nasabing mediacon ay itinanggi ni Richard na nakipag-negotiate sila ng kanyang team sa GMA-7. Sa madaling salita, fake news ‘yung kumalat na chika. Ang totoo ay si Beauty ang totoong lalayas na sana sa bakuran ng ABS-CBN na aminadong nagluka-lukahan sa kanyang career hanggang sa makatanggap siya ng offer mula sa business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Sir Deo Endrinal na gawin na niya ang project at huwag nang magluka-lukahan and the rest is history.

Ngayon, namamayagpag ang “Kadenang Ginto” at madalas ay trending ang mga tarayan nila ni Dimples Romana sa nasabing teleserye na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kapamilya Gold.

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 14,000 PULIS IKAKALAT SA SONA

ncrpo66

(NI ROSE PULGAR)

AABOT sa 14,000 mga pulis ang ikakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa Batasan Complex upang magbigay ng seguridad sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ngayong Lunes ni NCRPO Director, P/Major Gen. Guillermo Eleazar na 12,000 sa bilang ang magmumula sa NCRPO at mga police districts habang nasa 2,000 pa ang magmumula sa ibang Regional Office at ibang units.

Daragdag pa rito ang nasa 1,000 force multipliers kaya abot ng 15,000 tauhan ang magbabantay para sa kaayusan ng SONA sa darating na Hulyo 22 araw ng Lunes.

Nakasentro sa Quezon City ang security plan kung saan nasa 9,000 tauhan ang itatalaga dahil sa inaasahang kaliwa’t kanan na mga demonstrasyon ng mga grupong anti at pro-Duterte.

Bago ang SONA, pupulungin muli ni Eleazar ang mga pinuno ng iba’t ibang grupo para makahingi ng kooperasyon sa limitasyon ng mga demonstrasyon at makuha ang pangako na magiging payapa ang demonstrasyon.

Wala pa umanong natatangap na ulat ng “security threat” ang NCRPO ngunit patuloy pa rin ang kanilang ebalwasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

ICELAND SA UNHRC VS WAR ON DRUGS, MINALIIT

killings

(NI BETH JULIAN)

RUMESBAK ang Malacanang kasunod ng hakbangin ng Iceland o paghahain nito ng draft resolution para hilingin sa United Nations of Human Rights Council (UNHRC) na aksyunan ang umano’y marahas na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.

Iginiit ni Presidential Communication Operations Officer (PCOO) Secretary Martin Andanar na walang moral ascendancy ang Iceland para gawin ito.

Pinuna ni Andanar ang kawalan ng embahada ng Pilipinas sa Iceland na pwede sana nitong gawing kinatawan para makakalap ng mga impormasyon hinggil sa kanilang alegasyon.

Pero sa ngayon, sinabi ni Andanar na hindi maaaring masuportahan ng Iceland  ang isinusulong nitong alegasyon laban sa war on drugs ng gobyerno dahil wala naman tanggapan ng Pilipinas sa kanilang lugar para malaman sana ang tunay na sitwasyon sa bansa.

Binigyan diin ni Andanar na gumagana ang legal institutions at umiiral ang respeto sa karapatan pantao rito sa Pilipinas kaya’t hindi patas ang hirit ng Iceland sa UNHRC.

Sa Biyernes malalaman ang resulta ng isinumiteng draft ng  Iceland sa UNHRC.

Ayon kay Andanar, batay sa mga ulat na kanilang tinatanggap, marami sa 47 mga miyembro ng body ay hindi suportado ang draft proposal.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 POSIBLENG MAKIALAM NA SA HOUSE SPEAKERSHIP

duterte12

(NI BETH JULIAN)

KUNG sa mga naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito makikiaalam kung sino ang iluluklok na House Speaker, may posiblidad nang mabago ang desisyon nito kapag hiningi ang kanyang tulong para maresolba ang isyu.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, may posibilidad na makialam na ang Pangulo kapag mismong ang mga nagtutunggaling kandidato bilang House Speaker ang lumapit sa kanya para maresolba ang usapin.

“Well, gaya nga ng sinasabi ko palagi, you make a stand but when circumstances changed then you alter your stand. Lahat ng posisyon ni Presidente with respect to like this matter is subject to change without prior noticed eh kung hindi sila nagkakasundo at lumapit sila kay Presidente para pagkasunduin sila, wala rin sigurong masama kung tumulong si Presidente sa kanilang ma-resolve pero that’s not interference dahil kung sila mismo ang lumapit at humihingi ng tulong to resolve, how can you call that interference. Kung the President will engaged or obliged them, eh hindi natin alam,” ayon kay Panelo.

Pero paglilinaw ni Panelo, kung ang Pangulo lamang ang masusunod ay mas gusto ng Chief Executive na magbakbakan na lamang ang mga ito.

“Labu-labo kayo na ang bahala. May the best man win. Iyon ang sinabi niya hindi ba?” wika pa  Panelo.

Una nang nakipagkita sina Davao City Mayor Sara Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte sa tatlong kongresista na tumatakbo bilang House speaker.

Ayon kay Rep. Paolo Duterte, naging maayos at maganda ang kanilang pakikipag-usap kina Rep. Martin Romualdez, Rep. Lord Allan Velasco at Rep. Alan Peter Cayetano kung saan tinalakay nila ang mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng bansa at ang pag anunsyo ni Pulong sa pag atras nito sa speakership race sa Kamara.

Please follow and like us:
Read More

UMENTO NG MGA GURO KUMPIYANSANG MAIPAPASA

SEN DRILON-1

(NI NOEL ABUEL)

KUMPIYANSA si Senador Franklin Drilon na maipapasa na ang panukalang madagdagan ang sahod ng mga guro sa buong bansa.

Idinagdag ni Drilon na maraming senador ang nagtutulak na madagdagan ang sahod ng mga guro ngayong pagpasok ng 18th Congress.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 19, sinabi ni Drilon na nais nitong gawing P30,000 ang kada buwang sahod ng mga public school teachers mula sa kasalukuyang P20,754 na sahod na tinatanggap ng mga Teacher 1.

“We should provide teachers with the right incentives to encourage them to remain in the noblest profession of educating and molding our youth to become productive citizens of this country,” ani Drilon.

Hamon pa ni Drilon na kung totoong pinapahalagahan ng gobyerno ang taumbayan ay dapat na mag-invest sa mga ito.

“If we truly care about our country and its people, it would serve us well to invest in them. Devoting resources for their benefit means investing in our future,” ayon pa kay Drilon.

Sakop din ng panukala ng senador na gawing P31,000 ang minimum basic salary na tinatanggap ngga bagong guro sa state universities and college.

Please follow and like us:
Read More

SINGIL SA KURYENTE BABABA NGAYONG HULYO

meralco12

(NI KEVIN COLLANTES)

AABOT sa 11-sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang ibababa sa singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hulyo.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang pagbaba ng singil ay nangangahulugan ng bawas sa bayarin sa kuryente ng mga consumers ng P21 para sa mga kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan at P32 para sa tahanang nakakagamit ng 300 kwh.

Nasa P43 naman ang mababawas sa bayarin ng mga kumukonsumo ng 400 kwh at P53 naman sa nakagagamit ng 500 kwh kada buwan.

Ito na aniya ang ikatlong buwan na bumaba ang overall rate ng Meralco.

Nabatid na mula Mayo hanggang Hulyo, 2019 ay aabot na sa 57 sentimo kada kwh ang kabuuang bawas singil sa kuryente ng Meralco.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Zaldarriaga na ang pagbaba ng kanilang singil ay bunsod nang iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na refund o Regulatory Reset Cost, na pitong sentimo kada kwh at pagbaba rin ng transmission charge ng kuryente mula sa mga suppliers.

Ani Zaldarriaga, sa kabila nang bahagyang pagtaas ng generation charge at pagmamahal ng presyo sa spot market, ay nag-stabilize ang presyo dahil naging maayos ang presyuhan ng ibang generators na kakontrata ng Meralco.

Nilinaw naman niya na hindi pa kasama sa overall charge ngayong buwan ang pagsusuplay ng solar power ng kuryente.

Please follow and like us:
Read More

14TH MONTH PAY TAGILID; MARAMI ANG LUGI — SOLON

bonus12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lahat ng 42.2 milyon manggagawa sa bansa ay makikinabang  14th month pay na isinusulong sa Senado subalit lahat ay magdurusa kapag nagtaas ng presyo ang mga negosyante sa pribadong sektor para mabawi ang dagdag na benepisyo sa mga empleyado.

Ito ang pananaw ng ekonomistang mambabatas na si Albay Rep. Joey Salceda kaugnay ng 14th Month Pay bill na inihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“Nominally, 14th month pay is 7.6% increase for 24.8 million non-public sector labor. Employers pay 70% ang government loses 30%. This on top of tax loss from bonuses being tax exempt instead of regular wages,” ani Salceda.

Sakaling maging batas aniya ang panukalang ito, sigurado magtataas ng ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga employers para mabawi ang mawawala sa kanila.

“In that most likely scenario the gainers will be salaried employees and losers will be the unemployed 2.3 million people and non-wage workers of 16 million, which are mostly farm workers,” ani Salceda.

Maliban dito, tiyak din na ititigil din ng mga negosyante ang pagkuha ng mga karagdagang manggagawa dahil sa pagliit ng kanilang kita dahil sa dagdag na benepisyo sa kanilang ng empleyado.

Ang bansang nagbibigay umano ng 14th month pay sa buong mundo ay ang Brazil, Bolivia, Peru, Ecuador, Guatemala at Honduras na may problema sa kani-kanilang ekonomiya.

“The correct win-win policy should be link incentives like the 14th month pay to productivity, then everyone benefits—firms retain profits, employees get more, the economy becomes more productive which is the government goal, and the revenue loss is an investment to be recovered from economic expansion,” payo ni Salceda.

Sa ngayon ay tanging 13th month pay ang ibinibigay sa mga empleyado sa pribadong sector na nagsisilbing Christmas bonus ng mga ito mula sa kanilang mga employers.

Please follow and like us:
Read More