IPINANUKALA: EDAD NG SENIOR CITIZENS IBABABA SA 56-ANYOS 

senior16

(NI NOEL ABUEL)

MAGANDANG balita sa mga nagkakaedad.

Isinusulong sa Senado ang panukalang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56-anyos mula sa kasalukuyang 60-anyos.

Inihain ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang tatlong batas para sa senior citizens kabilang ang “Centenarians Act of 2019”, ang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56 mula 60; at ang pagpapatayo ng Elderly Care and Nursing Complex sa iba’t ibang lugar sa bansa upang may pasilidad na tutugon sa pangangalaga sa mga senior citizens.

Sa ilalim ng “Centenarians Act of 2019,” hahatiin sa tatlong bahagi ang P100,000 ayuda na kasalukuyang ibinibigay lamang sa umaabot ng 100 taong gulang. Habang P25,000 ay ibibigay na agad sa mga senior citizens pagtuntong sa edad 80.

Ang P25,000 naman ay ibibigay sa edad 90, at P 50,000 sa pag-abot ng 100 taon.

Ayon kay Revilla, kailangang amyendahan ang kasalukuyang batas dahil kakaunti na lamang ang bilang at nakakaabot sa pagiging ‘centenarian’.

Ayon kay Revilla, ang pagpapababa ng edad ng senior citizens ay  upang maagang mapakinabangan ang kanilang mga benepisyo at mas magkaroon ang mga ito ng sapat na panahon kasama ang kanilang pamilya.

Kaugnay nito, inihain din ni Revilla ang panukala na nag-aamiyenda ng sakop at saklaw ng Social Security System (SSS) Act upang mas maagang makatanggap na ng buwanang pensyon ang isang benepisaryo edad 55-anyos kung nakapaghulog ng kontribusyon sa loob ng 120 buwan bago ito magretiro.

Sa kasalukuyan, tanging mga benepisaryo na may edad 60-anyos pataas lamang ang maaaring makatanggap ng buwanang pensyon mula SSS.

 

Please follow and like us:
Read More

KAYA NAGPASAKLOLO; RESSA KAWAWA SA AKIN – PANELO

ressa44

(NI BETH JULIAN)

LUMALABAS kasi siyang kaawa-awa kapag nagkaroon kami ng debate.

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pagkuha ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kay International Human Rights lawyer Atty.  Amal Clooney para maging bahagi ng kanyang legal team sa kinakaharap na kasong tax evasion at cyber libel.

Sinabi ni Panelo na posibleng nabola ni Ressa ang abogadong asawa ng Holywood actor na si George Clooney at na-misinform ito kaya napaniwala na inaapi ng Pilipinas si Ressa.

Gayunpaman, matapang na tinugon ni Panelo ang nasabing hamon at sinabing excited na siyang makaharap si Clooney.

“Bibigyan ko siya (Clooney) ng lecture at ipaliliwanag punto-por-punto ang mga kasong kinakaharap ni Ressa para malaman niya,” wika ni Panelo.

Gayunman, nilinaw ni Panelo na hindi maaring humarap sa korte sa bansa si Clooney dahil hindi naman ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines.

“Maari lamang maging consultant si Clooney o maging tagapagsalita ni Ressa pero hindi siya pwedeng humarap sa korte,” ayon pa kay Panelo.

Si Clooney ay asawa ni Hollywood actor George Clooney na mangunguna sa international defense team ni Ressa.

Pagkakaalam ni Clooney na si Ressa ay ginigipit dahil sa pagiging matapang sa paninindigan niya laban sa pag-abuso sa karapatan pantao.

Tiniyak ni Clooney na isusulong nila ang lahat ng legal remedies para maitaguyod ang karapatan ni Ressa at madepensahan ang press freedom, pati na ang rule of law sa Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

RIFLE PARTS, MAGAZINES, AMMO NASAKOTE NG CUSTOMS

rifl344

(NI FROILAN MORALLOSPHOTO BY DANILO BACOLOD)

NASAKOTE ng mga taga Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga rifle parts, ammunitions, magazines at mga  pistols sa isang warehouse sa Pasay City, Martes ng umaga.

Ayon sa pahayag ni Bureau of Customs-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang 35 piraso ng rifle parts ay ilegal na pinarating sa bansa galing Hong Kong .

Nadiskubre ng mga tauhan ni Talusan ang mga ilegal na kargamento sa loob ng bodega ng DHL, at idineklarang mga general merchandize, habang ang Glock pistol, 8 Heckler at Koch pistols at 4 units na Glock magazines, at 92 pirasong live ammunitions na dadalhin papuntang  Taiwan ay nakadeklara na mga “new water pumps.”

Ayon pa kay Talusan, ang mga kontrabando ay na- intercept ng magkakaibang petsa una noong July 1, sumunod July 4, at ang pangatlo ay July 7.

Dagdag pa nito na sa nasabing warehouse rin inabandona ang isang air rifle at apat na pirasong airgun accessories at gun parts na pinaniniwalaang galing sa China.

Aniya sa tulong ng x-ray machines ay hindi nakalusot sa kanilang mga kamay ang mga itinagong iligal na kargamento sa solar panel at water pump.

Kumpiskado ang mga ito dahil sa paglabag ng Sections 119, 1400 and 1113 of RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) and Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).

Sapagkat sa ilalim ng naturang batas ang pag- import at export ng mga baril , gun parts at mga bala ay ipinagbabawal ng walang proper clearance mula sa pamahalaan.

 

Please follow and like us:
Read More

JACLYN JOSE MAGDIDIREK NA RIN BA?

jacklyn44

(NI JONATHAN ANG)

SIMULA nang madiskub­re siya nung 1984 at lumabas sa pelikulang Chikas, mantakin n’yong naka-35 years na pala sa showbiz itong si Jaclyn Jose!

Sa pagtuntong niya sa edad na 55 (birthday niya noong March 16), marami na siyang iba’t ibang roles na nagampanan, “pero nandoon pa rin ang drive ko to get more meaty roles on TV and the movies,” ‘ika ng award-winning actress.

Marami siyang natutunan mula sa mahuhusay na direktor na nakatrabaho niya ever since.

Sumagi ba sa kanyang isipan na subukan ang magdirek?

“It’s something na matagal ko na ring pinag-aaralan na gawin and a lot of my friends na rin ang nagsasabi na subukan ko na dahil sa naging experiences ko sa industriyang ito,” pag-amin ni Jaclyn sa media launch ng GMA primetime series na “The Better Woman.”

When the time comes for her to pursue directing, sinu-sino ang bet niyang mag-mentor sa kanya?

“Marami na akong nakatrabahong mga batang direktor ngayon ng mga indie films. Siguro naman kapag humiling ako na turuan ako, hindi nila ako tatanggihan,” sambit ng one and only Cannes Film Festival Best Actress winner na taga-Pilipinas.

“Puwede ko rin namang hingan ng tulong si Direk Gina Alajar. Magaling na si Gina na magdirek ng teleserye, di ba?”

“Nandiyan din naman sina Direk Chito Roño, Direk Joel Lamangan, and Direk Brillante Mendoza na puwede kong hingan ng advise,” pagtatapos ni Jaclyn.

MALI ANG INTRO KAY LEA SALONGA SA ISANG BRITISH TV SHOW!

Nag-guest ang Broadway star and “The Voice Kids” coach na si Lea Salonga sa Sky News morning show na “Sunrise” para i-promote ang kanyang July 7-21 UK concert tour.

Sa July 5 episode ng naturang UK newscast, mali ang introduction kay Lea Salonga ng Sky News host na si Stephen Dixon na ang binasa sa teleprompter ay:

“Now would you be prepared to give up flying for a whole year to help the planet. Well, the flight free campaign wants us to do just that. It wants 100,000 people to promise to give up flying for 2020. One of those asking us to do that, is doing it herself, is environmental campaigner Anna Hughes.”

Na kagyat ikinagulat ni Lea na mabilis na nagsabing:

“Okay, I am not Anna Hughes, I’m sorry I don’t know what is going on. No, I’m not Anna Hughes, sorry about that.”

Hindi nakaligtas ang pangyayaring ito sa netizens na nag-react sa social media:

“wtf! soo awkward. Lea handled it with class and grace. well done Lea.”

“I don’t blame the anchor. He’s reading the cue. The one to blame is the freaking staff who let him speak for too long before recognizing the intro is wrong. Lea handled it well. Love her.”

“Lea handled the awkward moments in this interview so gracefully. Very eloquent too.”

 

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA NG TNVS SA LTFRB BUBUSISIIN

grab32

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAKIKIALAM na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa problema ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naging dahilan ng kanilang strike noong Lunes.

Sa House Resolution (HR) No. 43 ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Kamara, inaatasan ng mga ito ang House committee on transportation na busisiin ang problema ng TNVS sa LTFRB partikular na ang pahirapang pagpapareshistro ng mga ito.

Ayon sa nasabing grupo ng mga mambabatas, kailangang makialam na ang mga mambabatas sa problema ng mga TNVS dahil nakataya umano dito ang kabuhayan ng may 45,000 indibidwal.

Maliban dito, malaki umano ang naitutulong ng TNVS para mabawasan ang mga taong walang trabaho at nakakatulong ang mga ito sa kakulangan ng transportasyon sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Gayunpaman, sinabi ng Makabayan bloc sa kanilang resolusyon na imbes na tulungan ang mga TNVS driver at kanilang mga partners ay mistulang pinapahirapan pa ang mga ito ng LTFRB.

“Whereas, the said group reports that the LTFRB has been inconsistent in its procedural policies in term of registration and application processes for the TNVS,” ayon pa sa panukala.

Ito ay dahil pabago-bago umano ang mga inilalabas na requirements ng LTFRB para sa provisional authority at certificate of public convenience kaya nahihirapan ang mga TNVS drivers at operators.

Dahil dito, naikokompromiso na umano ang kabuhayan ng mga TNVS drivers kasaman na ang kanilang mga partners at operators kaya nararapat na umanong mamagitan na rito ang Kongreso.

Please follow and like us:
Read More

LEBEL NG TUBIG SA ANGAT, SADSAD NA NAMAN

angatdam22

(NI DAHLIA S. ANIN)

PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, ayon sa weather bureau.

Sinabi ng Pagasa na sa kanilang tala kaninang umaga, bumaba ito sa 160.58 mula sa 161.01 noong Lunes.

Matatandaan na bahagyang tumaas noong nakaraang Linggo ang tubig sa Dam dahil sa dalang ulan ng Habagat.

Nagpapatupad na ng rotational water interruption ang Maynilad at Manila Water, upang mapagkasya muna sa kanilang mga kustomer ang mababang suplay ng tubig.

Ayon kay National Water Resources Board Jeric Sevilla, maibabalik lang umano sa normal ang suplay ng tubig kung aakyat na sa 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

 

Please follow and like us:
Read More

TUMITINDING KARERA SA LAST 4 QUARTERFINAL SLOTS

tnt77

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)

INAASAHANG mas magiging exciting ang mga labanan sa ongoing PBA Commissioner’s Cup dahil matinding karera para sa huling apat na quarterfinal berths.

Nakasiguro na ng twice-to-beat advantage ang TNT KaTropa at NorthPort Batang Pier, habang ang Blackwater Elite at Barangay Ginebra San Miguel ay nakakuha na ng quarterfinal slots matapos ding magsipanalo.

Ang TNT ay may kartadang 9-1 dahil sa seven-game winning streak, kabilang ang 115-97 panalo laban sa Blackwater kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa pangalawang pwesto ang NorthPort sa record na 8-2, habang parehong may 6-4 card ang Blackwater at Ginebra, na pinataob ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok, 102-81, nitong Linggo ng gabi, kung saan pumutok si import Justin Brownlee ng PBA career-high 49 points na sinahugan pa ng 20 rebounds nang tambakan ang karibal sa dinumog na namang Manila Clasico.

Nagkukumahog naman ang Magnolia, Rain or Shine Elasto Painters, Alaska Aces at San Miguel Beermen para makalusot sa playoffs ng midseason conference.

Bumaba ang Magnolia sa fifth place sa record na 5-4 matapos ang dalawang sunod na talo. Bago matalo sa Ginebra, nakatikim ng 104-99 overtime loss ang Hotshots laban sa Blackwater Elite noong Biyernes.

Tabla sa 4-5 ang Phoenix at Rain or Shine matapos ang magkaibang mga resulta.

Nanalo ang Rain or Shine, 86-84, sa Alaska habang tumiklop ang Phoenix sa Columbian Dyip, 100-98, noong Sabado.

Nasa eighth spot ang Alaska sa record na 4-6, habang umakyat ang San Miguel sa 3-5 matapos ang 109-105 panalo laban sa NLEX Road Warriors sa pamamagitan ng 47 points ng debuting import na si Chris McCullough.

Please follow and like us:
Read More

NEW INTERNAL CLEANSING PROGRAM NG PNP IPINATUPAD

pnp55

(NI NICK ECHEVARRIA)

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang “New Internal Cleansing Progam” nito  sa isang restorative approach na magpapatino sa mga pasaway na pulis , Martes ng umaga.

Nakatuon ito sa mahigit 13,000 mga pulis na nakasuhan na ng PNP simula 2016 na pwede pang mabago ang buhay, partikular yaong mga nag-viral sa social media na hahatiin sa isang “squad concept” na may 6-8 miyembro na kabibilangan ng mga religious sector, stakeholder at  pamilya ng mga ito.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, kakaiba ito sa values formation na nauna nang ginawa dahil mas intimate at personal ang gagamitin nilang atake para baguhin ang pag-uugali ng isang pasaway na pulis sa pamamagitan ng kanilang squad leader mula sa religios sector.

Ayon kay Albayalde, masyadong malaki ang organisasyon ng PNP, kaya hahatiin nila ang mga ito sa mas maliit na konsepto ng grupo para maging mas magaan ang supervision ng  mga tatayong squad leader sa kanilang mga miyembro.

Idinagdag pa ni Albayalde na kung dating inililipat lamang sa Mindanao ang mga  pasaway na pulis pagkatapos kastiguhin, ngayon kahit mga minor at misdemeanor ay hindi na sila palalampasin ng PNP at tutuluyan na silang kasuhan kahit ipinatapon na.

Binigyang diin naman ni Albayalde na para lamang ito sa mga pulis na may pag-asa pang magbago habang ang mga na-dismiss na sa serbisyo ay wala na sa kanilang jurisdiction.

 

Please follow and like us:
Read More

GLUTA NA HINDI APRUB SA FDA IKINABAHALA NG SOLON

fda45

(NI BERNARD TAGUINOD)

NABABAHALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos mapaulat na may mga gluta o pampapaputi ang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

“Many gluta products not approved by FDA?,” manghang pahayag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas matapos kumpirmahin ng FDA na may mga nag-aalok umano ng injectable glutathione at Vitamin C product na hindi nila aprubado.

Dahil dito, hiniling ni Vargas sa FDA, kasama na ang ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan upang masupil ang mga ganitong uri ng mga produkto na hindi pa pinapayagang gamitin subalit inaalok na sa mga tao.

Kailangang aniya itong madaliin lalo na’t parami nang parami umano ang mga taong gumagamit ng glutathione para pumuti ang kanilang balat.

“A continuous demand for whitening products among Filipinos should equate to FDA issuing an immediate approval that they are safe and effective for consumption. Public health must be given utmost importance,” ani Vargas.

Base sa mga report, ang mga nagtuturok ng glutathione na hindi aprubado ng FDA ay mapanganib sa kalusugan ng mga tao dahil may negatibong epekto umano ito sa atay, kidney at nervous system at maaaring magkaroon din umano ng seryosong skin disorder.

Maging ang vitamin C na itinuturok umano sa katawan ay maaaring maging dahilan para magkaroon ng kidney stone lalo na kung ang gagamit nito ay acidic.

 

Please follow and like us:
Read More