SA labang Kris Aquino vs Nicko Falcis, ang score ngayon ay Nicko 4, Kris 1. October 2018 nang mag-file ng pitong qualified theft cases amounting to P1.2 million si Kris laban kay Nicko sa pitong siyudad sa Metro Manila: Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig at San Juan. Ibinasura na ang kaso ni Kris sa Pasig, Makati at Taguig. Pero sa Taguig, kinasuhan si Nicko ng estafa at fraudulent use of access device. Noong Linggo, nakakuha ng kopya ang ANCX ng resolution ng Manila prosecutor na nagdi-dismiss ng kaso…
Read MoreDay: July 9, 2019
DU30 MAS OK MASANGKOT SA EJK KAYSA CORRUPTION
(NI BETH JULIAN) MAS nanaisin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maakusahan sa isyu ng extra judicial killings kaysa masangkot sa kurapsyon. Ito ang bahagi ng talumpati ni Duterte sa oathtaking ng mga bagong appointed na government officials sa Malacanang. “Walang problema sa akin, kasuhan o isangkot ako sa isyu ng EJK, ang ayaw ko isangkot ako sa corruption,” sabi ng Pangulo. Ang reaksyon ng Pangulo ay bilang tugon sa panawagan ng Amnesty International sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Duterte sa…
Read MoreCORRUPT SA BoC UUBUSIN NI DU30
(NI BETH JULIAN) “UUBUSIN ko ang corrupt.” Ito ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oathtaking ng bagong government appointees sa Malacanang, Lunes ng gabi kung saan inianunsyo niyang apat na opisyal ng Customs ang nakalinya niyang sisibakin dahil sa alegasyon ng kurapsyon. Ayon sa Pangulo, asahan na ngayong linggong ito ay kanya nang ipag-uutos ang pagsibak ng mga ito sa puwesto. Aminado ang Pangulo na dismayado siya sa nagpapatuloy na kurapsiyon sa gobyerno sa kabila ng banta na ihinto na ito. “Hindi pa mahinto itong corruption. Kasasabi…
Read MoreIKATLONG SUNOD NA PANALO, IBUBULSA NG FOTON
(NI JEAN MALANUM) LARO NGAYON: (BACOOR STRIKE GYM) 4:15 P.M. – GENERIKA-AYALA VS PETRON 7:00 P.M. – FOTON VS CIGNAL SUSUNDAN ng Foton ang back-to-back win nito sa pagharap sa hamon ng Cignal sa pagpapatuloy ng aksyon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference, ngayon sa Bacoor Strike gym sa Bacoor City. Alas-7:00 ng gabi ang laro, kung saan target ng Tornadoes ang ikaaapat na panalo para manatiling kabilang sa grupo ng koponan sa itaas ng standings. Una rito, sa alas-4:15 ng hapon ay magtatapat ang Petron at Generika-Ayala para sa…
Read MoreNEPOTISMO SA MAG-AAMANG BELGICA SA GOBYERNO, ITINANGGI
(NI BETH JULIAN) KINONTRA ni newly installed Anti-Red Tape Authority Director General Atty. Jeremiah Belgica ang obserbasyon ng mga kritiko na umiiral ang nepotismo sa kaso nilang magkapatid at mag-aama. Kamakailan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Jeremiah sa ARTA, pangatlong Belgica sa administrasyong Duterte na mayroong puwesto sa pamahalaan . Iginiit ni Belgica na wala silang nilalabag na batas kontra nepotismo. Katwiran ni Belgica, una sa lahat ay ang Pangulo mismo ang nagtalaga sa kanilang magkapatid na si Commissioner Greco Belgica at sa kanilang ama na si…
Read More3RD TELCO APRUB NA KAY PDU30
(NI BETH JULIAN) WALA nang hadlang para makapagsimula na sa operasyon ang third telecommunications company na Mislatel Consortium. Ito ay matapos pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mislatel Consortium para makapagsimula ng kanilang commercial operations sa susunod na taon. Pinagkalooban ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) o permit to operate ng Pangulo ang mga opisyal ng Mislatel sa pangunguna ni Mr. Dennis Uy, sa isang seremonya sa Malacanang Lunes ng gabi. Pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission ang nasabing seremonya. Matatandaan, ang…
Read MoreCAREER PUSH SA MGA MILLENNIAL
Sabi ng mga “lumang tao”, iba ang “galawan” ngayon ng millennials. Ang millennials ay ang mga taong ipinanganak simula 1981-1996, sila ang mga nasa edad 22-37-anyos. Samantala, ang post-millennials ay ipinanganak simula 1997 to present na may edad, 0-21-anyos. Sinasabing iba ang galawan o attitude at kilos ng mga taong ito dahil na rin sa iba na ang henerasyon nila at malayu-layo na rin ang agwat ng pamumuhay nila ngayon sa pamumuhay noon ng mga mas nauna sa kanila. Pagdating sa trabaho, maraming kompanya ang nakapapansin na marami sa mga…
Read MoreCAREER AT TRABAHO: ANO ANG MGA PAGKAKAIBA?
Ang trabaho at career ay kalimitang ginagamit in the same context. Pero marami siguro ang hindi nakaaalam na magkaiba ang trabaho sa career. Totoong ang dalawang ito ay laging naka-focus kung paano ka kikita ng pera, pero may pagkakaiba pa rin ang mga ito sa paraan kung paano mo makukuha ang goal mo. Sa trabaho kasi ay naka-focus lang talaga ito sa pagkakaroon ng kita o ng kita. Sa career higit pa sa pera ang tinatarget dito at ito ang mga bagay na magpapalawak sa iyong experience at kaalaman dahil…
Read MoreRAMDAM N’YO BA ANG PAGBABA NG INFLATION?
Ang sabi ng gobyerno, bumaba sa 2.7% ngayong Hunyo ang dating 3.2% na inflation noong Mayo. Ang inflation ay ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga produkto sa merkado. Ang tanong, ramdam ninyo ba ang sinasabi nilang pagbaba nito? Magandang balita sana kung totoong bumaba ang presyo ng bilihin. Pero sa realidad, hindi naman bumaba ang presyo ng pagkain at grocery items sa tindahan. Mahal pa rin ang presyo ng isda, karne, gulay, mantika, at iba pang pangangailangan sa bahay. Nagtataasan pa nga ang presyo ng gatas at kape.…
Read More