ALDEN NAPALUHA SA PASASALAMAT KAY DIREK CATHY

alden77

HINDI napigilang maluha ni Alden Richards nang purihin ni Cathy Garcia-Molina, ang direktor ng Hello, Love, Goodbye, sa presscon na ginawa kamakalawa. Sabi ni Direk Cathy,

“I have worked with so many actors na mababait at magagaling. Alden is one of them.” Napaluha dito si Alden at lumuhod ito sa harap ng direktor at yumakap. Paliwanag niya after the presscon, “Sobra akong na-move, na-touch.

Hindi ko akalain na ganu’n ’yung magiging effect ko kay Direk while doing this film.” Sinabi rin ni Direk Cathy na si Alden lang ang “only option” nila. “No other options.”

 

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG SAHOD SA MGA GURO MAS MAINGAY NGAYON 

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAS malaki ang pag-asang magkaroon ng dagdag na sahod ang mga public school teachers ngayon dahil ibinobroadkast na ng mga mambabatas ang kanilang panukala kumpara noon.

Sa panayam  kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, labis umano ang pagkatuwa ngayon ng mga public school teachers dahil kumpara noong nakaraang Kongreso ay tahimik at hindi nagsasalita ang mga mambabatas ukol sa hinihingi nilang dagdag na sahod.

“Marami rin (naghain ng panukala noong 17th Congress), tahimik lang sila. Ngyon, nag-uunahan silang magbalita ng bills nila,” ani Castro na isang senyales na malaki ang pag-asa ng nasabing panukala.

Bukod sa tahimik ang mga mambabatas sa kanilang panukala noong nakaraang Kongreso ay hindi nila ito itinulak sa committee level kaya hindi naipasa ang nasabing panukala.

“Sana nga totohanin nila (mga mambabatas)  na seryoso na sila,” ani Castro at tumulong para i-pressure ang liderato ng Kongreso na isalang agad ito sa pagdinig ng mga kaukulang committee tulad ng Appropriation committee.

“Nagpaplano nga ang ACT ng education summit at iinvite lahat ng congressmen  at Senators na may bills on salary increase para mapush ang bills and not only just filing it but to work on it to become a law,” ani Castro.

DISMAYADO KAY BONG GO

Kasabay nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang grupo ni Castro kay Senator Bong Go dahil P588 lamang ang nais nitong ibigay na dagdag na sahod sa mga government employees.

Nabatid ay ACT national chairperson  Joselyn Martinez, insulto umano sa dignidad ng mga government employees ang panukala ni Go na itaas sa P11,656 ang Salary Grade 1 mula sa kasalukuyang P11,068.

“A P588 increase only amounts to a measly P19.6 daily addition to a family’s budget. That won’t even afford a person one decent meal, let alone feed an entire family. Go’s proposal is an insult to the dignity and dedicated service of rank-and-file civilian employees. His meaningless pay hike proposal is unacceptable to public sector workers,” ani Martinez.

 

Please follow and like us:
Read More

AMNESTY INT’L KINAMPIHAN NI HONTIVEROS

rissa45

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

IPINAGTANGGOL ng isang senador ang Amnesty International (AI) laban sa Duterte administration na nagsabing pinupulitika ang nangyayaring krimen sa bansa.

Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na may iniingatang track record ang AI sa inilalabas na imbestigasyon sa nangyayaring patayan sa war on drug ng pamahalaan.

Sinabi pa nito na sa halip na batikusin ng pamahalaan ang ibinulgar na ulat ng AI ay dapat na kumilos ang mga awtoridad.

“Ang Amnesty International ang tagal na ng track record niyan. Meron na siyang reputation na hindi siya mag-i-issue ng investigation findings or kanyang evaluation  tungkol sa killing fields na either walang basehan o para lang sa pumumulitika. Globally, ganu’n ang pagkakilala sa AI. So kung sinabi nila na nagiging killing fields na ng EJKs ang isang probinsya dito sa ating bansa, napakaseryosong statement iyan, na dapat seryoso ring tingnan,” paliwanag pa nito.

Kung totoo aniya na nirerespeto ng pamahalaan ang karapatang pantao ay dapat na tanggapin ang ulat ng AI.

“Well, if they really respect human rights, dapat tanggapin nang maayos yung ganitong finding ng isa sa pinakarespetadong human rights organizations sa mundo, at bigyan nila ng daan, bigyan nila ng atensyon ang latest findings,” dagdag pa nito.

Marapat lamang aniya na sagutin ng pamahalaan ang ulat ng AI at hindi basta na lamang ipagwawalang bahala at sabihing politika lamang ito.

Please follow and like us:
Read More

P1/CUBIC METER DAGDAG SA SINGIL SA TUBIG

tubig1

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAMIN umano ni Manila Waterworks and Sewerage  System (MWSS) chief Patrick Ty na magpapatong ang MWSS ng  P1 kada cubic meter ng tubig na makokonsumo ng mga consumers para sa konstruksyon ng Kaliwa Dam.

Hindi sinabi ni Gabriela party-lsit Rep. Arlene Brosas kung kailan ito ipatutupad subalit hindi ito aniya makatarungan dahil hindi nagagampanan ng mga water concessionaires ang kanilang tungkulin na 24/7 na supply ay ipapasa sa taumbayan ang gagastusin sa Kaliwa Dam.

“Sobra-sobrang perwisyo na nga ang dinulot nitong kapalpakan ng pribadong water concessionaires, gusto pang dagdagan ng MWSS ang bayarin ng mga customer. And why should customers shoulder the costs of constructing new watee sources?,” ani Brosas.

Hanggang ngayon ay libu-libong consumers pa rin aniya ang walang sapat na supply ng tubig subalit imbes na unahing resolbahin aniya ang problemang ito ay mistulang uunahin ang paniningil ng dagdag na bayarin sa tubig.

 

Please follow and like us:
Read More

BEAUTY, DIMPLES, NAGKAIYAKAN

kadena33

SA  TV show na “Magandang Buhay” hindi naiwasan nina Beauty Gonzalez at Dimples Romana na mapaluha dahil sa kasikatang tinatamasa nila ngayon dahil sa kanilang seryeng “Kadenang Ginto.”

Sabi ni Beauty: “Salamat Romina (karakter niya sa serye), kasi binago mo ang buhay ko. Ngayon nararamdaman ko na after ten years, mayroon pala akong talent, may purpose pala ang buhay ko. I can be an inspiration for everyone and it means a lot.” Sabi naman ni Dimples, “

Ako salamat Daniela (karakter niya) kasi tinuturuan mo akong maging matapang. Tinuturuan mo akong ipaglaban kung ano ang dapat sa akin. Tinuturuan mo ako na ipagtanggol ang pamilya mo.”

 

Please follow and like us:
Read More

PILOSOPONG TUGON SA SERYOSONG SITWASYON, MWSS CHIEF KINASTIGO

mwss ty12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief regulator Patrick Ty hinggil sa komento nito na kumuha ng lang ng maiinom na tubig ang mga apektado sa water interruption sa mga fast food chain.

“Inireklamo ng ating mga nanay ang maruming tubig mula sa Maynilad bukod pa sa water service interruptions. Marami na ang may diarrhea sa mga komunidad. Pero ang tugon ng MWSS, kumuha na lang daw ng tubig sa Jollibee,” ani Gabriela party-lsit Rep. Arlene Brosas.

Noong Martes ay nakipagdayalogo ang Makabayan bloc sa Kamara sa MWSS para alamin ang sitwasyon ng supply ng tubig sa Metro Manila lalo na’t hindi pa tumataas na lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon sa mambabatas, ipinakikita lamang ni Ty ang kawalang pakialam umano nito sa sitwasyon ng mga consumers dahil sa water interruption na nagsimula sa residente na sakop ng Manila Water noong Marso at naapektuhan na rin ang mga sineserbisyuhan ng Maynilad.

“In trying to make light the situation, the MWSS in fact trivializes the woes of affected mothers and exposes its failure to provide concrete solutions to the lingering water crisis,” dagdag pa ng lady solon.

 

Please follow and like us:
Read More

EMERGENCY POWERS KAY DU30 ISUSULONG

duterte traffic33

(NI NOEL ABUEL)

ISUSULONG sa Senado ni Senador Francis Tolentino ang emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyunan ang matinding problema ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan.

Sa ilalim ng inihain nitong Senate Bill no. 213, o Special Emergency Power Act, ipinadedeklara nitong national emergency ang lumalalang trapiko sa Metropolitan Manila, Metropolitan Cebu, at iba pang highly urbanized cities.

Paliwanag ni Tolentino, base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sa MM pa lamang ay nawawalan na ng P3.5 bilyon kada araw dahil sa traffic and congestion crisis kung kaya’t marapat lamang na bigyan ito ng agarang solusyon.

“We must recognize that the crisis is a national emergency requiring urgent, immediate and sweeping solutions, for the general welfare of the Filipino people,” paliwanag pa nito.

“The Philippine transportation infrastructure has indisputably been unable to keep up with the demands of a rising economy and growing population as well as the land, air, and sea traffic congestion and mass transportation shortage,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Tolentino na ang sobrang trapiko sa bansa ay maituturing nang national emergency dahil sa malaki ang nagiging epekto nito sa buhay at negosyo.

Please follow and like us:
Read More

DNA RESULTS INILABAS; 1 SA 2 SUICIDE BOMBER, PINOY

indanan sulu12

KUMPIRMADONG Pinoy ang isa sa dalwang suicide bomber sa Sulu matapos lumabas ang resulta ng DNA test nito mula sa Crime Laboratory sa pangunguna ni Regional Crime Laboratory Office-11 (RCLO11) Police Major Florepes Pallado

Sinalakay ang kampo ng militar ng 1st Brigade Combat Team temporary headquarters sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu noong June 22 na ikinasawi ng walo katao habang nasa 22 pa ang nasugatan.

Positibo umanong nag-match ang nakuhang human flesh sample mula sa unang bomber at swab sample mula naman sa nagpakilalang nanay na si Vilman Alam Lasuca na kumuha sa ulo ng kanyang anak na nakilalalang si Norman Lasuca.

“There is 99.99% percentage probability match on the DNA sample taken from Vilman Lasuca and samples of the alleged suicide bomber, Hence, it can be concluded that one of the alleged suicide bombers is the son of Vilman Alam Lasuca,” pahayag ni Pallado.

Bagama’t tukoy na Pinoy ang unang bomber, hindi pa rin nalalaman ang pagkakakilanlan ng ikalawang bomber na sinasabing anak ng Moroccan bomber na sangkot din sa pagpapasabog sa Lamitan, Basilan noong 2017.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ng pulisya kung sino ang nag detonate ng bomba mula sa katawan ng dalawang bombers kaya naman hindi pa  ikinukunsiderang suicide bombers ang mga ito.

Please follow and like us:
Read More

PIRMA NI DU30 TATAPOS SA ENDO

endo44

(NI NOEL ABUEL)

LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang matapos ang illegal labor contractualization o ang Endo.

Umapela si Senador Joel Villanueva sa Pangulo kasunod ng marami nang sektor ang nagpahayag ng suporta sa Security of Tenure bill na nasa Malacanang na para tuluyang malagdaan.

“The latest vote of confidence on the Security of Tenure bill boosts our hope that ending the evils of endo is within our reach. Malapit na po natin maabot ang pangarap na wakasan na ang endo sa lipunan,” ani Villanueva.

“With a stroke of his pen, the President can fulfill one of his hallmark campaign promises of getting rid of this terrible practice of endo,” sabi pa ng senador.

“We hope and pray that the President relegates endo to the annals of history by signing the Security of Tenure bill into law,” dagdag pa nito.

Mismong si Department of Trade and Industry Sec. Ramon  Lopez ang naniniwala na makatutulong nang malaki ang panukalang batas para mapalawig ang operasyon ng mga kompanya sa bansa.

Aniya, si Lopez na ang  pinakahuling Cabinet member na nagpahayag ng suporta sa Security of Tenure measure, na mas kilalang End Endo bill.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na naniniwala itong lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas bago ang state-of-nation-address (SONA) sa Hulyo 22.

Please follow and like us:
Read More