BAGONG RILES NG MRT-3 DUMATING NA — DOTr

mrtriles43

(NI KEVIN COLLANTES) DUMATING na sa bansa ang buong shipment ng mga bagong riles para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Ito ang masayang inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade ngayong Miyerkoles ng umaga. “Talagang good morning! Dumating na sa Pilipinas ang buong shipment ng mga bagong riles para sa DOTr MRT-3!” paabiso pa ng DOTr. Ayon sa ahensiya, dumaong ang barkong lulan ang 4,053 piraso ng riles, na may habang 18 metro bawat isa, sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila, nitong…

Read More

MAY NAPILI NA NGUNIT.. AGAWAN SA SPEAKERSHIP ‘DI PA TAPOS

zarate22

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa umano tapos ang agawan sa House speakership,  ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate. Sinabi ni Zarate na ang minority leadership na target ni Capiz Rep. Fred Castro ng National Unity Party (NUP), ay posibleng indikasyon na hindi pa tapos ang agawan ng mga kaalyado ni Duterte sa Speakership kahit nagpasya na ito na sina Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, ang maghahati ng termino sa 18th Congress. “Ang pag-float ng minority leader issue ngayon ay mukhang smokescreen lang para…

Read More

PARTYLIST COALITION SUPORTADO SI CAYETANO

cayetano44

(NI ABBY MENDOZA) HANDA ang  Partylist Coalition Foundation Onc(PCFI)  na suportahan ang inendorsong House Speaker ni Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang term sharing sa pagitan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Sa isang press conference matapos ang pulong ng Partylist Coalition sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, sinabi ni PCFI  President  at 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na sa ngayon ay suportado na nila si Cayetano bilang susunod na House Speaker. Nanindigan din si Romero na magkakaroon ng bloc voting ng 54-man coalition sa…

Read More

AFTERSHOCKS PATULOY SA 5.3 LINDOL SA N. COTABATO

lindol22

(NI KIKO CUETO) NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang North Cotabato kaninang alas 8:56 ng umaga. Ito ay matapos ang lindol na intensity 5.3  na tumama ng Martes ng gabi. Naramdaman ang intensity V sa Kidapawan City na nakaranas naman ng lindol kagabi na may Magnitude 5.3. Suspendido ang mga klase ngayong araw sa Kidapawan City pati sa ibang bayan na apektado ng lindol. Sinabi ng Phivolcs na tectonic ito in origin. May lalim ito na 21 kilometers, ayon sa Phivolcs. Naramdaman ang Intensity V sa Kidapawan City. Habang…

Read More

PAGBABAGO NG KONSTITUSYON MALAKING HAMON

congress12

(NI NOEL ABUEL) MALAKING hamon para sa Senado at Kamara kung maipapasa ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang Konstitusyon. Ayon kay Senador Panfilo Lacson,  hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napagdedesisyunan kung Constitutional Assembly (ConAss) o Constitutional Convention (ConCon) ang gagamitin para sa Charter Change. “Walang napalitan sa situation dahil unang-una, hindi papayag ang Senate na mag-constitute kami into a Constituent Assembly hanggang hindi malinaw. Ang tanong, sino maglilinaw? Kung papasok kami sa isang kasunduan sa kanila by way of say a joint resolution magkakaroon ng course…

Read More

JAMES REID MAY KAPALIT NA BILANG PEDRO PENDUKO

james44

(NI ASTER AMOYO) ALAM na namin kung sino ang bagong  gaganap na Pedro Penduko na inatrasan ni James Reid dahil sa tinamong shoulder injury habang nagti-training for his role sa Pedro Penduko – pero nangako kami sa big boss ng Viva Entertainment na si Boss Vic del Rosario na hindi namin ito ire-reveal until magawa nila ang kanilang formal announcement. Bagay na bagay sa actor na gaganap sa  papel ng lead role sa Pinoy folk hero na si Pedro Penduko dahil sa kanyang pagiging aktibo sa iba’t ibang  sports activities. …

Read More

SURVEY RESULTS MAHALAGA PERO …

duterte100

(NI BETH JULIAN) IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Durerte na mahalaga sa kanya ang resulta ng satisfaction rating sa mga survey. Sa pinakahuling resulta ng SWS survey, pumalo sa +68 o very good ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa ikalawang quarter ng taon pero patuloy na  binibigyan diin ng Pangulo na mas mahalaga pa rin para sa kanya na magampanan ang kanyang tungkulin. Higit na ikinatutuwa ng Pangulo na nakikitang kontento sa kanyang trabaho ang publiko pero kung hindi naman ay tuloy pa rin ang kanyang trabaho nang husto…

Read More

DAYALOGO SA ANTI, PRO-DU30 IKAKASA NG NCRPO

sona33

(NI LILY REYES) MAKIKIPAG-DAYALOGO sa Hulyo 22 ang kapulisan sa Metro Manila sa mga grupong magsasagawa ng protesta sa Ika- 4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon  kay NCRPO Director Major Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing dayalogo ay bahagi ng paghahanda sa seguridad ng  mga anti at pro-Duterte  para maisaayos ang mga lugar kung saan isasagawa ang programa. Layunin ng mga tauhan ng NCRPO  na marinig ang magkabilang grupo para mapaghandaan ang mga protesta at mabigyan din sila ng seguridad. Ayon pa rin kay…

Read More

PCG PUMASOK NA RIN SA ‘TARA’ GAMIT ANG E2M

PCG-4

(SAKSI REPORTORIAL TEAM) Pinaniniwalaang pumasok na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kontrobersyal na tara system gamit ang umano’y access sa E2M, makaraang maaresto ang isang indibidwal na nakilala sa pangalang Vincent Marinas. Nahuli umano ito sa  loob mismo ng opisina  ng PCG  sa NPO building. Ayon sa nakalap na impormasyon, si Marinas ay ginagamit umano  ng PCG upang mangolekta   ng tara sa mga tinaguriang player sa Aduana ng 2K per lata. Napag-alaman din na sa loob ng opisina ng PCG sa Customs ay may mga computer na may…

Read More