PTFoMS KUMIKILOS SA DIZON KILLING

edd44

(NI BETH JULIAN)

KUMIKILOS na ang Presidential Task Force on Media Security sa insidente ng pananambang at pagpatay sa isang radio broadcaster sa Kidapawan, North Cotabato.

Ayon kay PTFoMS Usec. Joel Egco, sa ngayon ay may inisyal na silang  impormasyon kaugnay ng insidente.

Base ulat, tinambangan ang biktimang si Eduardo Dizon, anchor sa Brigada News FM, sa Kidapawan habang pauwi sa kanyang bahay sa Makilala, noong Hulyo 10, alas 10:35 ng gabi.

Sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan ay nagawa pa ni Dizon na maitabi ang minamaneho niyang sasakyan pero nalagutan din ito ng hininga.

Sa talaan ng PTFoMS, ang Mindanao Region ang may pinakamaraming insidente ng media killings mula pa noong 1986.

Napag-alaman na si Dizon ay tumakbong konsehal ng bayan sa Makilala at naging station manager ng Brigada News sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

64 BoC PERSONNEL SISIBAKIN NI DU30

customs

(NI BETH JULIAN)

INIANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte na 64 na opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BoC) ang kanyang sisibakin.

Sa katatapos na pagpupulong  sa Malacanang, pinatawag na ng Pangulo ang mga opisyal at kawani g BoC.

Sa salita ng Pangulo, sinabi nito na hihingi siya ng tulong sa mga ipatatawag niyang opisyal at kawani ng BoC na gumawa ng implementing rules kung paano hindi makapagnanakaw sa gobyerno.

Ayon pa sa Pangulo, inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa 64 na kawani at opisyal ng BoC.

Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo ang Department of Transportation (DoTr) na madaliin na ang pagkumpleto sa $1.3 bilyon o P66.6 bilyon unang tranche. Malolos-Clark Railways Project na nilagdaan din ngayong Huwebes ni Finance Secretary Carlos Dominguez, Asian Development Bank Vice President Ahmed Saeed.

Ayon sa Pangulo, kailangang matapos ito para mapakinabangan ng maraming mga kababayan sa North South commuter railway project na naglalayong pagdugtungin ang New Clark City sa Calamba, Laguna pagsapit ng 2025.

 

Please follow and like us:
Read More

P4.7-M GAGASTUSIN SA SONA 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAGASTOS ang taumbayan ng P4.7 million para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Ito ang kinumirpa ni House Secretary General Roberto Maling sa press briefing nitong Huwebes  ukol sa ginagawang preparasyon sa ikaapat na SONA ni Duterte.

“Yung latest figure naming is P4.7 something million,” ani Maling nang tanungin kung magkano ang gagastusin sa SONA subalit mas maliit umano ito P4.9 million na ginastos noong 2018.

Gagamitin umano ang nasabing halaga sa supplies and materials at mga iba pang aktibidad kasama na ang pagkain ng mga bisita na hindi baba sa 1,500 katao na kinabibilangan ng mga dating pangulo, mga dating secretaries, incumbent secretaries, diplomatic corps, bisita ng mga kongresista at mga senador at iba pa.

WALA PANG BANTA SA SONA

Kasabay nito, sinabi naman ni House Sgt-at-Arms ret. MGen Romeo Prestoza na wala pang natatangap na banta sa seguridad sa SONA ni Duterte.

“When it comes to security threat, wala pa naming substantial, meaning talagang wala pang nakarating na aktuwal na threat,’” ani Prestoza sa nasabing ding press briefing.

Gayunpaman, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanila umanong tanggapan sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

“If ever (na mayroong threat) naka-prepare naman kami,” ani Prestoza kaya nagsasagawa na ang mga ito ng training, seminars at iba pang uri ng paghahanda “Para incase na meron nga (banta) naka-prepare (kami)”.

Tinutukan din umano ngayon ang usapin ukol sa umano’y suicide bombing sa Mindanao bilang bahagi ng intelligence gathering para matiyak ang seguridad, hindi lamang ng Pangulo kundi ang lahat ng mga tao na dadalo sa SONA.

“But as of this time, wala naman kaming nakikita (na banta),” ayon pa kay Prestoza.

 

Please follow and like us:
Read More

SIMPLENG ATTIRE SA SONA IPINAKIUSAP

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga nakaraang State of the Nation Address (SONA) umaasa ang liderato ng Kongreso na sumunod ang mga bisita, kasama na ang mambabatas, sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte maging simple lang sa kanilang pananamit.

Sa press briefing nitong Huwebes ng hapon, sinabi ni House Secretary General Roberto Maling, na naipadala na ang mga imbitasyon para sa mga bisita na dadalo sa ikaapat na SONA ni Duterte sa Hulyo 22.

Kasama sa mga nilalaman umano ng imbitasyon ay abiso sa mga bisita na magsuot lang ng simple tulad ng business attire, Barong Tagalog sa mga kalalakihan at Filipiniana dress para sa mga kababaihan.

“Yung ang template (simpleng pananamit) naming simula nang umupo si Presidente kasi yun po ang request niya, simple lang,” ani Maling kaya umaasa ito na susunod ang lahat ng mga bisita.

“I supposed (na sumunod ang mga bisita)… yun po ang pakiusap ng Presidente, yun po ang instruction ng Presidente (na simple lang ang damit),” ayon pa kay Maling.

Bago naging Pangulo si Duterte ay karaniwan na ang tanawin sa mga SONA ng mga nakaraang pangulo ang pabonggahang gown ng mga kababaihan lalo na ang asawa ng mga mambabatas.

Inirarampa ang mga mamahaling gown sa red carpet sa Kamara na gawa ng mga kilalang designer kaya isa ito sa mga inaabangan ng mga tao.

Please follow and like us:
Read More

SENADO ‘FULL FORCE’ SA UMENTO NG MGA GURO

guro33

(NI NOEL ABUEL)

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga senador na nais ng bigyan ng mas malaking suweldo ang mga guro sa buong bansa.

Isa sa nadagdag si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na inihain ang kanyang Basic Education Teachers Pay Increase Bill Act, na naglalayong dagdagan ang sahod ng mga guro.

Aniya, sa pagbubukas ng 18th Congress, agad umano nitong isasalang ang pagtalakay sa nasabing panukala kung saan bilang majority floor leader ay mabibigyan nito ng sapat na oras ang pag-usisa sa mga panukalang may kaugnayan sa mga guro.

“This is a popular proposal and one of the long-delayed promises of many senators.

“As your Majority Floor Leader, I guarantee we will take it up as priority measure for the first few months of this Congress,” ani Zubiri.

“In answer to appeals from the public education sector, this bill proposes to raise the compensation of teaching and non-teaching personnel in the public sector by P10,000 per month to be paid in three tranches  as follows: First Year – P4,000.00 per month;                 Second Year – an additional P3,000.00 per month; and Third Year – another additional P3,000.00 per month,” paliwanag pa ng senador.

Sa kasalukuyang sitwasyon umano, ang mga  Teacher 1 position na nasa ilalim ng Salary Grade 11 ay tumatanggap ng P20,754.00 bilang monthly compensation habang ang entry level non-teaching personnel na nasa Salary Grade 1, ay tumatanggap sa P11,068.00.

“Masyadong maliit ang sahod nila kumpara sa laki ng responsibilidad nila sa mga mag-aaral. Apart from this salary increase, I also propose to provide medical allowance, magna carta bonus, and support in the form of additional allowances and remuneration,” sabi pa nito.

“The government should not only focus on improving school facilities,” he stressed. “We should also pay attention to the welfare of our teachers, who serve as the core of the education system,” dagdag pa nito.

Kumpiyansa ito na maipapasa sa Senado ang lahat ng panukalang dagdag sahod ng mga guro dahil sa marami nang senador ang nagsusulong nito.

“We have already the commitment of many senators, including the new senators,” ayon pa kay Zubiri.

 

 

abueln

 

Please follow and like us:
Read More

MAY KUDETA SA SPEAKERSHIP –REP. PAOLO DUTERTE 

paolo duterte12

(NI ABBY MENDOZA)

PARA kay Davao City Rep. Paolo Duterte, hindi pa tapos ang labanan sa House Speakership, sa kabila ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Leyte Rep. Alan Peter Cayetano ang mauuna sa term sharing bilang Speaker.

Matapos ang pag-endorso kay Cayetano ay nagpahayag na rin ng suporta sa liderato nito ang ilang mga partido sa Kamara kabilang na ang Partylist coalition at ang grupo ni Leyte Rep Martin Romualdez, gayundin ay nagsimula na ang pag-uusap hinggil sa committee chairmanship.

Subalit, para sa batang Duterte hindi pa tapos ang laban at inamin nito na isa sa 3 kandidato sa Speakership ang nagbanta na magsasagawa mg kudeta.

“Wala pa naman nanalo speaker, bakit committees na ang tinatanong natin,” nakasaad sa text message ni Duterte.

Aniya, ang isyu sa speakership ay malalamam pa lamang sa July 22, ang araw ng pagbubukas ng 18th Congress.

“May election pa sa July 22 at doon ako mas interesado, kung sino ang manalo. Kasi may bali-balita, may isa sa tatlo na balak mag coup d’etat on the day. Mukhang hindi pa tapos ang laban para sa kanilang tatlo at sa mga backers nila,”giit pa ni Duterte.

Hindi naman tinukoy ni Duterte kung sino ang sinasabi nya na isa sa 3 speaker wannabe na magkukudeta.

Matatandaan na sa dalawang nakalaban ni Cayetano sa speakership ay tanging si Romualdez ang nagpahayag ng suporta kay Cayetano.

Please follow and like us:
Read More

DOTr SINISI SA PROBLEMA SA TRAPIKO

grace po55

(NI NOEL ABUEL)

INATASAN ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na isumite ang hinihingi ng mga senador na listahan ng mga proyekto at traffic management plan para masolusyunan ang lumalalang trapiko sa bansa.

Ayon kay Poe, noong nakalipas na 17th Congress pa hiningi ng mga senador ang listahan subalit hanggang ngayon ay bigo ang DOTr na ibigay ito kung kaya’t walang solusyong nailabas ang Senado.

“As regards the emergency powers being filed again, it is best for the DOTr to be reminded of what the other senators were asking for last Congress, particularly the specific list of projects as well as the traffic management plan to counter the effects of numerous infra projects in relation to the worsening traffic,” sabi nito.

Sinisisi ni Poe ang DOTr dahil sa kabiguang ibigay ang listahan ng mga proyekto nito upang makagawa ng kaukulang batas na ipapaloob sana sa ibibigay na emergency powers sa Pangulo.

“We were all for passing the bill last Congress, if not for the failure of the DOTr to submit to us the list of projects that will be covered by the grant of powers. Everything must be well-defined. Hindi puwede ang blanket grant of emergency powers under the Constitution. And of course, we will also need the support of the President to rally his troops in both Houses to support the bill. If the administration wants it, they can certify it as urgent,” paliwanag ni Poe.

Idinagdag pa ni Poe na kailangan ang suporta ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para malaman kung anong solusyon ang gagamitin para mawala na ang problema sa pagsisikip ng trapiko.

Please follow and like us:
Read More

AFP NAKAALERTO VS PINOY NA ‘SUICIDE BOMBERS’

SULU44

(NI AMIHAN SABILLO)

HINDI na tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasagawa ng profiling sa mga pinaghihinalaang suicide bomber sa central Mindanao.

Matapos kumpirmahin ng PNP at AFP na isang Filipino ang isa sa suicide bomber sa nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt Gen Cirilito Sobejana puspusan ang kanilang profiling dahil base sa kanilang monitoring mayroong mga Pinoy na hinahasa ngayon ng mga ISIS para maging suicide bomber.

Bagamat aniya wala silang eksaktong bilang kung ilan ang sinasanay ngayon ng ISIS kinumpirma nyang nangyayari ang training sa lalawigan ng Sulukung saan malakas ang pwersa ng Abu sayyaf group na konektado na rin sa ISIS.

Wala rin aniya silang idea kung kailan nagsimulang sinanay ng mga ISIS ng mga Filipino suicide bomber pero nagsimula aniya ang mga matitinding pagsabog sa central mindanao taong 2002 pa.

Sa ngayon malaki aniya ang posibilidad  na may magaganap pang suicide bombing sa bansa lalo na sa Mindanao pero ginagawa nila ang lahat ng stratehiya upang mapigilan ito.

Hiling din ng militar ang kooperasyon ng publiko para mapigilan ang paglaganap ng terorismo.

Please follow and like us:
Read More

1 SENTIMO KADA TEXT ISINUSULONG SA SENADO 

dict22

(NI NOEL ABUEL)

ISINUSULONG sa Senado na tapyasan ang singil ng kada text mula piso ay gawing isang sentimo lamang ng mga telecommunications company o telcos.

Sinabi ni Senador Imee Marcos na panahon nang maipako sa isang sentimo ang kada text message sa halip na piso dahil sa matagal na rin namang pinagkakitaan ng mga telcos ang singil sa text.

Inihain ni Marcos ang Senate Resolution No. 6, na hinihikayat ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na agarang magpatupad ng istriktong price ceiling at tapyasan ang presyo ng kada text mula piso ay gawing isang sentimo.

Paliwanag ni Marcos, tama na gawing balanse ang interes ng mga telco provider ngunit dapat na nakasusunod sa global trend para sa mas mabilis subalit murang serbisyo publiko.

Bagama’t inaasahan aniyang sa pagpasok ng ikatlong telecommunications provider sa bansa na na mag-aalok ng mas murang serbisyo kumpara sa Globe at Smart, karapatan pa rin ng publiko na magkaroon ng mas mababang rate para sa text messages.

Ayon kay Marcos, hindi malulugi ang tatlong telco providers kahit pa ipatupad ito sa bansa dahil malaki pa rin ang kanilang kikitain.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Marcos na bagama’t bilyon ang kinikita ng mga telco provider sa bansa mula sa text messaging ay nananatili namang mabagal ang nagagamit na internet speed ng mga Pinoy kumpara sa ibang mga bansa sa Southeast Asia.

Please follow and like us:
Read More