64 SISIBAKING BoC PERSONNEL IPINATAWAG NI DU3O

customs55

(NI BETH JULIAN)

HAHARAP sa Lunes kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang nasa 64 na personnel ng Bureau of Customs (BoC) na kanyang sisibakin dahil sa corruption.

Ayon sa Pangulo, ipinatawag niya sa Malacanang ang mga Customs personnel para malaman ang kanilang panig kaugnay sa isyu ng kurapsyon sa ahensya.

“I will be dismissing something like 64 Customs officials. In the meantime that the cases are being heard, in obedience with the rule of the right to be heard, I want [them] to be here in Malacanang,” wika ni Duterte.

Unang nang ipinahayag ng Pangulo na kakasuhan ang mga sangkot sa BoC personnel pero kalaunan ay nagbigay ito ng kondisyon na maaari silang maabsuwelto kung magbibitiw sa puwesto ang mga ito.

Hinikayat din ng Pangulo ang 64 na makabubuting magbitiw na lang sa pwesto o harapin ang karampatang kasong isasampa laban sa kanila.

Ipinaubaya na ng Pangulo sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa 64 Customs personnel.

“Ombudsman ang nakaatas sa paglilitis sa mga tiwaling opisyal dahil sila ang mayroong prosecutorial powers kaya sila na ang bahala,” wika ng Pangulo.

 

Please follow and like us:
Read More

APPOINTMENT NI PIÑOL TINANGGAP NA NI MURAD

pinol22

(NI BONG PAULO)

TINANGGAP ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.

Sa ngayon, ayon sa Presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato.

Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga kay Piñol basta sa paraan lamang na itinakda ng Pangulo ang magiging papel nito bilang extension ng kanyang supervisory work ni Duterte.

Samantala, magandang balita para sa 80 mga opisyal at mga mangagagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM) dahil matatanggap na nila ang kanilang suweldo.

Isa kasi ito sa mga tinalakay nina Pangulong Duterte at BARMM interim chief minister Al Haj Murad Ibrahim sa kanilang pulong sa Malacañang kagabi.

Kabilang sa ilalabas na pondo ng gobyerno ang P59-69 million para sa kabuuang anim na buwang sahod ng mga taga-BARMM.

Nabatid na naantala ang pagpapasahod sa mga opisyal ng BARMM mula nang magsimula silang magtrabaho nitong Pebrero ngayong taon.

Ito’y dahil hindi pa kasali sa naipasang 2019 national budget ang pondo para rito at ang pina-iikot lamang nilang budget ay mula sa natirang pondo ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Please follow and like us:
Read More

PAGGAMIT SA BANGKETA KOKONTROLIN NA

bvarbers44

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAGAWA na ng batas ang Kongreso para iregulate o kontrolin na ng national government ang paggamit sa mga bangketa at kalsada, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa mga urban areas sa buong bansa.

Sa ilalim ng House Bill 504 na iniakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tinawag niyang “Sidewalks and Public Roads Use Act”, sinabi nito na panahon na para kontrolin ang paggamit sa mga bangketa at kalsada para sa kapakanan ng dumadaan.

Maliban dito, layon din ng nasabing panukala na tuluyang maayos ang problema sa trapiko, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga urban areas sa mga probinsya para umusad ang kanilang ekonomiya.

Kailangan na rin umanong tapusin ang gawain ng mga residente sa mga urban areas na ginagawang paradahan ng mga ito ang mga kalsada gayong hindi nito ito pag-aari kundi ng lahat ng mga tao.

Marami rin aniyang mga negosyante na sinasakop din ang bangketa sa kanilang harapan para paradahan ng kanilang mga customers gayung pag-aari ito ng gobyerno kaya hindi magamit ng mga tax payers.

Please follow and like us:
Read More

ALDEN: NANANAHIMIK PERO TINITIRA PA RIN NG BASHERS

alden55

(NI RK VILLACORTA)

HINDI pala lahat ng mga fans ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) ay solid sa kanilang tandem.

What I mean is, hindi lahat ng mga fans ni Maine ay gusto si Alden and vice versa.

Ayaw ng mga solid Maine fans na parang niloloko lang ni Alden ang idol nila. Nililinaw din nila na hindi din sila maka-Arjo Atayde na boyfie ngayon ng dalaga.

Nagulat ako na ang isang kakilalang solid Maine Mendoza fan ay ayaw kay Alden. “Di ba kuwan daw siya?”

Anong kuwan? Naitanong ko. Sagot niya: “’Yung iba ang gusto. Alam namin na hindi naman siya seryoso kay Maine. Alam naming hindi naman totoo ang pinapakita niya.

“Daig pa niya ang magaling na artista. Showbiz na showbiz na kunwari nai-in love siya kay Meng (tawag ng mga fans kay Maine),” dagdag nito.
Mayroon palang mga grupong maka-Maine na naniniwala sa tsismis na kumakalat about Alden’s sexuality na basehan nilang rason kaya until now ay wala pa ring girlfriend ang binata.

Para sa akin, I don’t easily make conclusions dahil lang sa walang girlfriend ang isang binata. Meron nga kaming mga kilala na may girlfriend; may asawa at mga anak pero on the side iba rin ang tripping kapag “kinati” ang kaluluwa ng pagkabeki sa katauhan nila.

Opinyon ng solid Maine fan sa isyu: “I don’t believe na career lang talaga ang focus niya (Alden) para i-set aside muna ang kanyang lovelife. Sa edad niya, just like any other guy, hindi maiiwasan na may magustuhan siyang girl na pwedeng ligawan at maging girlfriend niya. Kay Alden, parang hindi ganun ang nangyayari.”

Kaya tuloy, usapan sa isang chatroom ng mga solid KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) fans si Alden. Kaya daw secured si Daniel sa estado niya sa puso at buhay ng girlfriend niya kahit magka-partner man sina Kath at Alden sa pelikula ay dahil nothing to worry si DJ.

I pity Alden. Nananahimik ang binata sa ginagawa pero tuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya sa isyung walang kamatayan at paulit-ulit na lang.

Please follow and like us:
Read More

HIWALAY NA BAGON NG TREN SA TRANSGENDER  WOMEN IMINUNGKAHI 

lgbt33

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG maiwasan umano na maging biktima ng sexual harassment, nais ng isang mambabatas sa Kamara na pasakayin sa mga special coaches sa mga tren ang mga transgender women.

Nitong Biyernes, hiniling ni BH party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy sa Department of Transportation (DOTr) sa coaches na nakaserba sa mga kababaihan, senior citizens at people with disabilities (PWDs).

“Letting the transgender ride on the reserved coaches is a proactive way to prevent future incidents of sexual harassment of the transgender with members of their former gender,” katuwiran ni Herrera-Dy.

Maraming insidente na umano sa nakaraang nababastos ang mga transgender women kapag sumasakay ang mga ito sa tren kaya upang maiwasan na umano ito ay pasakayin na ang mga ito sa special coaches.

Karaniwang inilalaan sa mga tren ang unang coach sa mga kababaihan lalo na sa may mga dalang mga bata, matatanda, pwd kasama na ang mga buntis upang hindi mahirapan ang mga itong makipagsiksikan.

“I know Transportation Secretary Art Tugade to be respectful of the rights and convenience of passengers. I am confident he and his experts in DOTR can come up with the needed administrative order to the MRT, LRT, and PNR,” pahayag ng lady solon.

Ang mga transgender women ay mga dating lalake na nagpalit ng kasarian at kabilang sa LGBT o Lesbian Gay, Bi-sexual Transgender Community.

Please follow and like us:
Read More

KOOPERASYON NG ‘PINAS SA UN IGINIIT

un22

(NI NOEL ABUEL)

IGINIIT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gobyerno ng Pilipinas na buksan ang isipan nito at magpakita ng statesmanship sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong magsagawa ng masusing imbestigasyon sa human rights situation sa bansa.

Ayon kay Drilon, mahalagang makipagkooperasyon ang gobyerno upang malaman ang tunay na sitwasyon sa bansa ng isinasagawang paglaban sa illegal na droga ng Duterte administration.

Sa halip aniyang bigyan ng malisya ng pamahalaan ang gagawing imbestigasyon ng itinuturing na highly respected organizations tulad ng UNHRC, kung saan ang Pilipinas ay kabilang sa founding members nito, ay makabubuting makiisa na lang ang mga bansa.

Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, sinabi nitong hindi na kailangan pa ang pakikialam ng UNHRC sa pang-aabuso ng mga awtoridad lalo na at may ahensya ng pamahalaan na nag-aaral sa mga kaso ng mga pulis.

“We have a functioning criminal justice system that deals adequately with erring law enforcers. We regularly provide our Commission on Human Rights the budget they need to perform their mandate. Obviously, we can manage without the intervention of the UN Human Rights Council,” sabi pa ni Lacson.

Nagpasalamat naman si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa mga bansang Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italya, Mexico, Peru, Slovakia, Espanya, Ukraine, UK Great Britain at Northern Ireland, at Uruguay sa pag-aalala sa libu-libong mahihirap na mamamayan na pinatay sa war on drugs ng Philippine government.

“Ang mga bansang ito ay nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas na “gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maiwasan ang mga extrajudicial killings at enforced disappearances, upang isagawa ang mga pagsisiyasat na walang kinikilingan at panagutin ang may pananagutan, “ aniya.

Please follow and like us:
Read More

BEA: I MIGHT TRY SCRIPTWRITING OR DIRECTING

(NI RK VILLACORTA)

BONGGA ang mga artista natin. Hindi lang acting ang focus nila ngayon sa kani-kanilang mga careers dahil nagba-branch out na rin sila sa ibang fields sa showbiz.

Si Xian Lim, nag-undergo ng scriptwriting workshop sa pamosong si Ricky Lee na ngayon ay may dinirek na pelikula para sa Cinemalaya 2019. Si Bela Padilla, gayon din – graduate sa klase ni Ricky.

Ang latest, sina Bea Alonzo at Cherie Gil ang mga bagong celebrity attendees ng scriptwriting workshop.  Ayon kay Bea: “It will help me in my craft para mas lalo kong maintindihan ang mga characters that I portray. Who knows, I might try scriptwriting or directing,” pahayag ng aktres sa isang recent interview sa kanya.

Please follow and like us:
Read More

PANELO VS CLOONEY, GOOD MATCH – DU30

clooney43

(NI BETH JULIAN)

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na good match ang banggaan nina Presidential Spokesperson Salvador Panelo at International Human Rights Lawyer Amal Clooney.

Ang pahayag ng  Pangulo  ay kasunod ng boluntaryong alok ni Clooney na maging bahagi ng legal team ni Rappler CEO Maria Ressa para harapin ang iba’t iba niyang kaso.

Ayon sa Pangulo, tagisan ng isip ang iiral sa pagitan ng dalawang abogado.

Kasabay nito ay nagbiro pa ang Presidente na crush daw ni Panelo  si Clooney.

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL INVESTIGATION TEAM VS DIZON KILLING BINUO

edd44

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Binuo na ng Kidapawan City PNP ang special investigation team na tututok sa kaso ng pagpatay kay Eduardo ‘Ed’ Dizon ng Brigada News FM Kidapawan.

Ayon kay Police Lt. Col. Joyce Birrey, ang hepe ng Kidapawan City PNP itinaas na nila sa provincial level ang imbestigasiyon upang masusing siyasatin ang lahat ng anggulo sa motibo sa pagpatay sa biktima.

Una na ring kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Kidapawan City Chapter ang nagyaring pagbaril at pagpatay sa mamamahayag kay Dizon sa Kidapawan City.

Sa ipinalabas na pahayag ng NUJP matapos ang walang-awang pagpaslang sa mamamahayag ay sinabi nitong malaking hamon ito sa mga kinauukulan.

Nais ng samahan na mapabilis ang pag-iimbestiga at hinihiling rin ang agarang pagresolba sa kaso.

Nabatid na ang sinapit ni Dizon ay ang kauna-unahang kaso ng pagpaslang ng isang mamamahayag sa lungsod.

Dagdag pa rito na siya rin ang ika-13 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng Duterte administration at siyang ika-186 na biktima mula taong 1986.

Kaugnay nito, napag-alaman na una nang dumulog sa himpilan ng pulisya ang radio anchor dahil nakatanggap umano ito ng banta sa kanyang buhay at hinahamon pa ng barilan ng isa pang media na nangangasiwa sa KAPA sa lungsod.

Sa panig naman ng nasabing organisasyon, hustisya pa rin ang sigaw nito lalo pa’t maraming kaso na rin ng pagpatay sa mga mamamahayag na hanggang ngayon wala paring nakakamit na hustisya.

Ang mga labi ni Dizon ay nakaburol ngayon sa Wood Haven sa Barangay Sudapin at nakatakdang ilibing sa Hulyo 17 sa Kidapawan City Memorial park.

 

Please follow and like us:
Read More