EMPLOYERS, CHAMBER OF COMMERCE KINASTIGO VS ENDO BILL

endo44

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga employers at mga chamber of commerce sa kanilang pagkilos na ipa-veto kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill o anti-endo bill.

Hindi nagustuhan ni TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, ang panawagan ng mga employers kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang nasabing panukala kaya umapela ito sa Pangulo  na lagdaan pa rin ito.

Aminado ang mambabatas na hindi perfect ang nasabing panukala subalit makakatulong na aniya ito upang masimulan ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon sa bansa.

“We prefer the proposed Security of Tenure law be signed by the President rather than remain silent while the employers and economic managers, not satisfied in stamping out the intent of the bill, cannot even give a few morsels to the workers. Truly reprehensible,” ani Mendoza.

Inihahanda na umano ang panukala na amyendahan ito kapag pinirmahan na ni Duterte upang masiguro na lahat ng mga empleyado sa private sector ay maging regular na.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ipagbabawal ang labor-only contracting (LOC) na kasalukuyang ginagawa ng mga employers sa bansa  at kapag naging batas ito ay pakikinabangan ng 9 million contractual employees.

Sinuman ang lalabag sa LOC ay pagmumultahin ng hanggang P5 Million at ipapasara ang ahensya o contractor business ng mga ito.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DRUG PROBLEM ITUTURO SA K-12 PROGRAM 

bato55

(NI NOEL ABUEL)

WALA nang makapipigil kay Senador Ronald dela Rosa na ituloy ang laban nito sa pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa bansa kung kaya’t nais nitong isama sa K-12 program ang problema sa paggamit ng droga.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi ito titigil sa paglaban sa bawal na droga na sanhi ng pagkasira ng maraming pamilya dahil sa pagkakalulong ng isa sa miyembro ng bawat pamilya.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 228, iginiit ng neophyte senator na panahon nang isama ang substance abuse prevention education mula sa 4th Grade hanggang sa 12th Grade kung saan sa pamamagitan umano nito ay matuturuan ang mga bata ng dapat gawin para makaiwas na masangkot sa illegal drugs.

“This proposed measure is a solution to the problem on drugs as evidenced by various researches which proved that introduction to drug addiction and prevention of substance abuse and its harmful effect to the young generation could drastically help combat the drug problem in many countries,” ani Dela Rosa.

Paliwanag pa ng senador na sa kasalukuyang K to 12 curriculum, isinasama ang substance abuse education sa 9th Grade kung saan ang edad na 15-anyos umano ay huli na dahil ilan sa mga ito ay nasasangkot o tumikim na ng illegal drugs.

Kung pagbabasehan umano ang Oplan Tokhang, ang pinakabatang drug surrenderee ay 7-anyos kung kaya’t dapat na ibaba sa Grade 9.

Base sa 2017 data ng Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 4.7 million ang drug users sa bansa habang sa datos ng Dangerous Drugs Board ay tinatayang nasa 4.8 million Filipinos na may edad 10 hanggang 69-anyos ang gumagamit ng illegal drugs.

 

Please follow and like us:
Read More

‘NO FILTER’ NA PANGULO PATOK PA RIN SA PINOY

duterte12

(NI BETH JULIAN)

WALANG filter at pagiging straightforward ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya patuloy na maraming mga Filipino ang nagtitiwala sa kanya.

Ito ang pahayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles bilang reaksyon sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia na nagsasaad na walo sa bawat 10 Filipino ay nananatiling kuntento at nagtitiwala sa pagganap ng Pangulo sa kanyang tungkulin bilang Chief Executive.

Ayon kay Nograles, malaking puntos ang pagiging diretsahan, totoong tao na masasabing walang filter ang Pangulo kaya ito ang ikinagusto ng ng mga Filipino kaya patuloy ang pagtitiwala.

“Walang filter ang Presidente at kung ano ang gustong sabihin niya ay kaya niyang sabihin kaya’t ganun na lang ang tiwalang ipinagkakaloob ng taumbayan,” pahayag ni Nograles.

Una nang naglabas ng resulta ng survey ang Pulse Asia na sa pagitan ng June 24  hanggang June 30, nasa 85% ng 1,200 adult respondents ang appreciative sa performance ng Presidente at patuloy na may kumpiyansa sa pamamahala.

Nagpasalamat naman ang Malacanang sa magandang resulta ng survey ng Pulse Asia at ipinangakong ipagpapatuloy ng administrasyong Duterte ang magandang gawain na ikinakukuntento ng mga Filipino.

Please follow and like us:
Read More

BRGY HEALTH WORKERS ‘NAAAPI’ NG BRGY OFFICIALS

bgy44

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T umiiral na ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga Barangay Health Workers (BHW), sinisibak pa rin ang mga ito ng mga barangay at mga local government unit (LGUs) anumang oras.

Ito ang isiniwalat ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co matapos makatanggap ng reklamo umano sa mga BHWs na pinagtatanggal umano ng kanilang mga barangay at LGU officials na walang kadahi-dahilan.

“It is very unfortunate and appalling to hear that our barangay health workers and barangay health services are politicized rather than institutionalized,” pahayag ng lady solon.

Sinabi ng mambabatas na malinaw sa Republic Act (RA) 7883 o Barangay Health Workers’ Benefit and Incentives Act of 1995 na ginagarantiya ang proteksyon at kapakanan ng mga health workers sa mga barangay level upang masiguro na maideliber ang health service na kailangan ng mga tao.

Gayunpaman, nakalulungkot aniya na kahit walang dahilan ay tinatanggal umano ang mga ito ng mga barangay at mga LGU officials na nakakasakop sa kanila na paglabag umano sa nasabing batas.

Ang nakadidismaya pa umano, pinapalitan ang mga barangay health workers ng mga taong walang nalalaman sa pagbibigay ng medical service sa mga kanilang barangay.

Paglabag din umano ito sa nasabing batas na ang mga health workers sa mga barangay ay kailangang mayroong sapat na training, education at career enhancement upang magampanan ng mga ito ng maayos ang kanilang trabaho lalo na’t kalusugan ng taumbayan ang nakasalalay dito.

“The barangay health workers are the main stewards and front-liners in promoting and ensuring our community health program. If the primary health care at the community level fails, it would lead to greater and more serious health problems which would entail greater resources and expenses that common people even the government can hardly shoulder or afford,” ani Co.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang ginagawang ito ng mga barangay at LGU officials sa mga barangay health workers sa kanilang nasasakupan at ipatigil ang mga gawain nilang ito sa lalong madaling panahon.

Please follow and like us:
Read More

TUBIG SA ANGAT DAM, ‘DI PA RIN UMAANGAT

angatdam22

(NI DAHLIA S. ANIN)

SA kabila ng malakas na ulan na dulot ng bagyong Falcon at ng Habagat, hindi pa rin tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Sa tala ng Pagasa ng alas 6:00 ng umaga ng Huwebes bumaba pa sa 158.27 ang antas ng tubig sa Angat Dam mula sa 158.38 meters noong Miyerkoles.

Bahagyang tumaas naman ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam mula sa 72.53 umakyat ito sa 72.73. Pati ang Ipo dam na mula sa 99.35 noong Miyerkoles ay naging 100.43 metro ito ng Huwebes.

Ang Ambuklao Dam naman ay ganoon din sa 741.76 metro ay naging 742.22 metro na ito. Gayundin ang Binga Dam mula sa 567.69 metro ay tumaas ito sa 567.92 meters, ang San Roque dam din na dating 230.55 metro ay umakyat din sa 230.81 metro. Mula naman sa 188.89 meters umakyat din sa 188.91 ang Pantabangan Dam.

Sa kabila nito, nanatiling pababa ang lebel ng tubig sa Magat Dam na mula sa 180.39 meters at bumama sa 180.36 meters at ang Caliraya Dam na mula sa 286.83 meters ay bumaba pa sa 286.65 meters.

Patuloy naman ang water interruption na ipinapatupad ng Maynilad at Manila Water at pinapayuhan ang kanilang mga consumer na makiisa sa pagtitipid ng tubig hanggang sa tuluyang makabawi ang mga nasabing dam.

Please follow and like us:
Read More

UMENTO SA GOV’T HEALTH WORKERS HININGI 

health workers44

(NI NOEL ABUEL)

IPINANGAKO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na sisikapin umano nitong maipasa ang Salary Standardization Law na matagal nang minimithi ng mga public health professionals at mga taong gobyerno sa 18th Congress.

Ginawa ni Go ang pangako sa pagdalo sa 86th National Annual Convention of the Philippine Public Health Association, Inc., kung saan gagawin aniya nito ang lahat para mangyari ang hinihingi ng public health system kabilang ang mga doktor, nurses, midwives, barangay health workers, sanitation inspectors, and administrative staff at mga nasa mababang ranggong tauhan ng pamahalaan.

“Kaya naman sisikapin ko na maipasa na ang Salary Standardization Law 5 na matagal nang minimithi, hindi lang ng ating mga public health professionals kundi pati na rin ng ating ibang kasamahan sa gobyerno, lalo na yung mga nasa rank and file,” aniya.

“Alam ko din po na may kani-kaniyang hinaing din ang ating doctors, nurses, midwives, barangay health workers, sanitation inspectors, at iba pang administrative staff na bumubuo ng ating public health system. Isa na nga po rito ay ang mababang sahod na tinatanggap ninyo bawat buwan,” dagdag pa ni Go.

Kaugnay nito,  isusulong din umano  nito ang pagpapabuti ng healthcare sa bansa kabilang na ang Malasakit Center Bill na naglalayong magkaroon ng isang one-stop shop para sa mga Filipino na makakuha ng medical assistance mula sa mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Health (DOH), PhilHealth, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Layunin po ng panukalang ito na i-institutionalize sa buong bansa ang Malasakit Center para magkaroon ito ng mas malaki at regular na pondo at para hindi na lang nakadepende ang implementasyon nito kung sinong administrasyon ang nakaupo,” sabi pa nito.

 

Please follow and like us:
Read More

NOV 8 FIGHT KAY KHAN IDINENAY NI PACQUIAO

amir55

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LAS VEGAS – Pinasinungalingan ng kampo ni eight division world champion Manny Pacquiao na may pinirmahan itong laban para sa Nobyembre 8 sa Saudi Arabia, gaya ng inihayag ni British fighter Amir Khan.

Sinegundahan nina international matchmaker Sean Gibbons at publicist Fred Sternburg na walang katotohanan ang mga inihayag ni Khan.

“Manny has not signed a contract for that fight,” ani Sternburg.

“The Amir Khan fight is news to us,” lahad naman ni Gibbons.

“It’s simple, Senator Pacquiao is focused on his fight July 20 on Fox Sports Pay-Per-View versus Keith Thurman,” dagdag pa ni Gibbons, na siya ring president ng MP Promotions.

“I don’t have any idea what’s gotten into Khan’s mind,” wika pa ni Sternburg.

Natawa naman si Pacquiao sa nasabing balita.

“Baka ibang Pacquiao ‘yung tinutukoy niya,” pagbibiro ng Pambansang Kamao.

Noong Biyernes sa Jeddah, tinalo ni Khan via 4th round KO si Australian Billy Dib.

Ang nasabing laban ay pinulaan ng mga kritiko sa pagsasabing ‘mismatch.’

“The next fight is going to be back in Saudi Arabia, it is going to be in Riyadh this time and it is going to be on November 8,” pahayag ni Khan nitong Martes sa isang press conference sa kanyang hometown na Bolton, England, ayon sa boxingscene.com. “Hopefully it could be the Manny Pacquiao fight, we have both signed and the fight is done and hopefully he gets past his fight on the weekend then we go and do that fight.”

Si Pacquiao  (61-7-2, 39KOs) at Khan (34-5, 21KOs) ay halos sabay nag-train sa Wild Card gym sa ilalim ni Freddie Roach. Sumikat si Khan bilang unified titlist sa 140-pound division, pero naputol ang kanyang paghahari bunga ng magkasunod na kabiguan sa kamay nina Lamont Peterson at Danny Garcia.

Kinikilala pa rin naman si Khan bilang isa sa mga mahusay na boksingero, pero hirap na siyang makabalik sa tuktok.

Please follow and like us:
Read More

EXPIRATION NG PREPAID LOAD AALISIN 

prepaid44

(NI NOEL ABUEL)

TINITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian na pipilitin nitong wakasan na ang panlalamang ng mga telecommunications companies sa milyun-milyong subscribers ng mga ito sa buong bansa.

Ayon kay Gatchalian, dapat nang matigil ang hindi magandang gawain ng mga telcos na nababawasan ang mga prepaid load credits ng mga subscribers kung kaya’t isusulong nito sa Senado ang pagtanggal sa expiration period ng lahat ng denominations ng prepaid load credits.

Paliwanag ni Gatchalian, inihain nito ang Senate Bill No 365, o ang Prepaid Load Forever Act of 2019, na naglalayong ipagbawal sa lahat ng Public Telecommunications Entities (PTEs) at Information and Communications Technology (ICT) providers na magpataw ng expiration period sa validity ng mga prepaid load credits.

“This bill makes it a prohibited act to impose an expiration period on the validity of all denominations of prepaid load credits – whether purchased via prepaid card or electronic load – and the eventual forfeiture of such credits on an active prepaid account,” ayon pa sa senador.

“Every peso spent by the consumer to purchase prepaid load credits must be usable until fully consumed,” giit pa nito.

Sinabi pa ni Gatchalian na sakaling maging batas ang nasabing panukala ay mapapakinabangan ito ng nasa 142,432,163 prepaid subscribers  o ng 96.6 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga mobile subscribers sa country sa unang bahagi ng taong 2019.

 

Please follow and like us:
Read More

NDRRMC: 202 NA PATAY SA DENGUE

dengue1

(NI DAHLIA S. ANIN)

UMAKYAT na sa 202 ang bilang ng mga namatay dahil sa dengue, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuling tala ng ahensya umabot na sa 38, 804 ang kaso ng dengue sa CALABARZON, at Region VI, VII, VIII at XII mula Enero 1 hanggang Hulyo 13.

Sa CALABARZON, mayroon nang naitalang 13, 032 kaso ng dengue at 50 na ang namatay, habang, ang Region VI naman ay may 15, 813 at 90 ang namatay at sa Region VII 9, 594 na ang kaso ng dengue at 62 naman ang namatay sa Rehiyon, ayon din sa NDRRMC.

Samantala, ang Region VIII ay 75 kaso at 308 naman sa Region XII.

Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity sa pagsisimula pa lang ng buwan ng Hulyo ang Pontevedra, Capiz at Maasin Town sa Iloilo dahil sa pagkalat ng dengue sa mga nasabing lugar.

Nananawagan na rin ang Departnent of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU) na magsagawa ng clean up drive sa kanilang nasasakupan upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.

Ito ay matapos na magdeklara si Health  Secretary Francisco Duque ng ‘National Dengue Alert’ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa buong bansa.

Ayon kay DILG Chief Eduardo Año, binigyan na niya ng direktiba ang mga mga local government official na makipagugnayan sa mga DoH representative upang matukoy ang mga breeding areas at pag-aralan ang mga hakbang upang maging ligtas at epektibo ang pagsugpo sa mga lamok.

Please follow and like us:
Read More