PAGKAMATAY NG 3 EX- SAYYAF SA KAMAY NG PNP-NBI, SISILIPIN 

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGPAHAYAG  ng pagkadismaya si Basilan Rep. Mujiv Hataman sa pagkamatay ng tatlong dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na assets ng militar laban sa nasabing bandidong grupo sa kamay ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Hataman, malaking epekto ang pagkamatay sa pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuluyang burahin ang ASG sa pagkamatay ng mga assets na sina Aljan Mande, Jamsid Mande and Radjak Ammah. “The three military assets are returnees from Abu Sayyaf. Tinalikuran nila ang…

Read More

PAGLIBAN NG BRGY, SK ELECTIONS OK SA SENADO

imee66

(NI NOEL ABUEL / Photo by DANNY BACOLOD) NANGANGANIB na tuluyan nang maipagpaliban ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2020. Sinabi ito ni Senador Imee Marcos,  sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation joint with Local Government and Finance, kung saan nagkasundo umano ang mga miyembro nito na ipagpaliban sa ibang taon ang eleksyon ng barangay at SK at tanging ang pinatatalunan na lamang ay ang petsa kung kailan ito isasagawa. “Hindi pa nagkakasundo sa date, mukhang lahat sang-ayon na i-postpone ang barangay at SK…

Read More

PARTYLIST BLOC NAG-LOYALTY CHECK

romero1

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY LUCAS LUKE) BILANG pagsiguro na nananatili silang solido, isang loyalty check ang isinagawa ng Partylist Coalition sa kanilang mga miyembro. Lumabas naman sa isinagawang loyalty check na 54 partylist members ang nanatiling kaanib ng partylist. Ang loyalty check ay isinagawa mismo ng tanggapan ni 1-Pacman Rep at Party-list Coalition Foundation Inc (PCFI) president Mikee Romero matapos may 13 partylist members ang sumanib sa National Unity Party (NUP), isa sa major political organizations sa bansa. “To save off any attempts to involve the party-lists in any political realignments in…

Read More

GSIS LAW AAMYENDAHAN PARA SA CONTRACTUAL GOV’T EMPLOYEES

gsis

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAAAMYENDAHAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Republic Act (RA) 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) upang maisama na ang mga contractual employees at magkaroon ang mga itong aasahang insurance. Sa ilalim ng House Bill (RA) 1398 na iniakda ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, bukod sa obligadong maging miyembro ang mga contractual employees sa GSIS ay dapat din umanong ibigay ang mga benipisyo na natatanggap ng mga regular workers ng estado. Ayon kay Vargs, panahon na para bigyan ng atensyon ang mga…

Read More

LADY VOLCANOES TUTOK SA SEA GAMES

volcanoes22

(NI JEAN MALANUM) PATULOY ang training ng women’s rugby team upang mabigyan ng karangalan ang Pilipinas  sa 30th Southeast Asian Games (SEAG). Noong 2015 Singapore SEAG ay naka-bronze ang Lady Volcanoes at nakuha nila ang ika-apat na pwesto sa Malaysia (2017). Isa sa mga pre-SEAG tournament na lalahukan ng Lady Volcanoes ang 2019 Asia Rugby Women’s Trophy Series sa Jakarta, Indonesia ngayong buwan. Makakalaban ng Pilipinas ang Chinese Taipei, Brunei at Guam sa Agosto 10 bago harapin ang host Indonesia sa susunod na araw. Ang Pilipinas ay nasa Pool A…

Read More

PING KAY ISKO: HINAY-HINAY VS PULIS, BGY OFFICIALS

isko100

(NI NOEL ABUEL) PINAYUHAN ni Senador Panfilo Lacson si Manila Mayor Isko Moreno na magdahan-dahan sa nais nitong ipataw na parusa sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at mga barangay officials na mapatutunayang nagpapabaya sa tungkulin. Ayon kay Lacson, kailangang dumaan sa tamang rekomendasyon ni Moreno na magpatupad ng one-strike policy sa mga local at police officials na walang ginagawang aksyon sa problema sa basura at sa mga illegal na nagtitinda sa lansangan. “Meron tayong due process. Hindi pwedeng maski summary dismissal proceedings, kailangan may due process. What…

Read More

TNT KATROPA HANDA NA SA RESBAK NG BEERMEN

pba88

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 7:00 P.M. — TNT VS SAN MIGUEL (TNT 1-0) NAGHAHANDA ang TNT KaTropa sa isang malaking resbak ng San Miguel Beermen na posibleng dumiskaril sa kanilang misyon na makuha ang 2-0 lead, sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Matapos ang tila madaliang panalo noong Game 1, naniniwala ang KaTropa na mas magiging mahirap ang laban na magsisimula ng alas-7:00 ng gabi, lalo na’t inaasahan ang Beermen na gagawa ng mas magandang…

Read More

UTOS NI GUERRERO SA MGA BAGONG CUSTOMS POLICE: TUMULONG SA PAGSUGPO VS. KATIWALIAN

BAGONG CUSTOM POLICE

(Ni BOY ANACTA) Kasabay ng pangaral, ay inutos na rin ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa 90-newly hired Customs police na tulungan siyang linisin ang ahensya mula sa katiwalian. Sa kanyang speech sa  idinaos na  reception ceremony sa bagong Customs police batch AGILA (Alagad ng Gobyerno na Iaalay ang Lahat para sa Aduana) kamakalawa sa Port of Manila, pinaalalahanan niya ang mga ito  ukol sa  kanilang  duties at responsibilities bilang law enforcers at  public servants. Pangaral ng opisyal  na bilang law enforcement agents, sila ang magsilbing magandang ehemplo…

Read More

GERALD ANDERSON NAGSALITA NA: ‘WALANG THIRD PARTY’

bea77

MATAPOS ang matagal na pananahimik mula nang sumabog ang balitang hiwalayan nila ni Bea Alonzo, nagsalita na rin si Gerald Anderson tungkol sa isyu. Sa panayam ni Ganiel Krishnan ng ABS-CBN News, sinabi ni Gerald na walang third party involved. “Just like any relationship, we [have a fight]. ‘Yung realization na hindi na siya masyado healthy and we’re just hurting each other and ayaw mo na talaga. After that, you have to stay strong and disciplined para iwas muna sa communication.” Nang tanungin about Julia Barretto na sinasabing nililigawan niya…

Read More