HANNA NAKALABAS NA NG PAR; PAG-ULAN MAGPAPATULOY

ulan55

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY ITOH SON)

LUMABAS na kaninang  madaling araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna, pero patuloy pa rin ang pag ulan sa bansa dala ng ng hanging Habagat.

Mananatiling maulap ang kalangitan na may kasamang pag ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region kasama din ng Central Luzon sa susunod na 24 oras, ayon sa Pagasa.

Bagama’t nakalabas na sa PAR ang bagyong Hanna, ay patuloy nitong hinihigop ang hangin mula sa Timog Kanluran na siyang nagdadala ng malakas na pag-ulan sa mga kalupaan.

Binabantayan ngayon ng weather bureau ang isang pang weather disturbance na may international name na typhoon Krosa.

Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa at kumikilos ito patungong Hilagang Silangan, ngunit sa kanyang pagtahak sa direksyong ito ay maari pa din niyang mahila ang Southwest monsoon o hanging Habagat na muling magdadala sa ating mahina at malakas na pag-ulan.

Please follow and like us:
Read More

TOKYO 2020 OLYMPICS: CALUAG SASABAK SA TEST EVENT

caluag55

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

NAPILI si Filipino BMX rider Daniel Caluag na sumali sa Tokyo 2020 Olympics test event sa Oktubre 1-5.

Si Caluag, nag-iisang gold medal winner ng Pilipinas sa 2014 Asian Games, ay isa lamang sa 64 riders mula sa top 28 na bansa na inimbita ng Union Cycliste Internationale (UCI) sa test event na gagawin sa Ariake Urban Sports Park, kung saan gaganapin ang Tokyo 2020 MBX event.

Ang imbitasyon kay Caluag ay malaking bagay sa kanyang kampanya para makasabak sa quadrennial meet, kung saan ang Olympic ranking competitions ay gagawin hanggang Mayo 2020.

Kabilang sa Olympic qualifiers para sa cycling event ang UCI MBX World Championships, UCI BMX Supercross World Cup stages at continental BMX championships.

At tanging 24 riders, kasama na ang kinatawan ng host Japan, ang makakaabante sa Tokyo 2020 BMX competition.

Please follow and like us:
Read More

TULAY SA ILOILO STRAIT IMINUNGKAHI SA KAMARA

iloilo44

(NI BERNARD TAGUINOD)

IMINUNGKAHI  ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatayo ng tulay na magdurugtong sa Iloilo at Guimaras upang maiwasan na ang disgrasya sa karagatan tulad ng nangyari sa tatlong pampasaherong bangka na ikinamatay ng 31 pasahero kamakailan.

Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, sinabi nito na kanyang imumungkahi sa Department of Transporation (DOTr) na pag-aralan ang pagpapatayo ng tulay na magdurugtong sa nasabing isla upang hindi mahirapan ang mamamayan sa pagbiyahe.

“Sabi ko nga, ipo-propose ko na lagyan na lang ng tulay ang lugar na iyan (Iloilo Strait)  para ang mga kababayan natin sa dalawang isla na iyan ay hindi na mahihirapan bumiyahe,” ayon sa kongresista.

Magugunita na tatlong bangka ang lumubog sa Iloilo Strait noong Agosto 3, matapos hampasin umano  ng mga naglalakihang alon kung saan 31 pasahero ang namatay,

Kabilang na ito ang limang public school teacher at tatlong Filipino teacher sa United Arab Emirates na nagbabakasyon lang sa bansa.

Nabatid kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro na 15 minuto lang ang biyahe ng bangka mula sa Iloilo hanggang Guimaras kaya iminungkahi ni Abante na tayuan na lamang ito ng tulay.

Samantala, hindi umano papayag ang grupo ni Abante na walang managot sa nasabing trahedya kaya nagpatawag ang mga ito ng imbestigasyon upang malaman kung sino ang dapat patawan ng parusa.

Isa sa mga titingnan umano ng minority bloc sa isasagawang imbestigasyon ay kung bakit pinayagang maglayag ang dalawang bangka gayung may nauna nang nadisgrasya.

“So may nagpabaya sa kanilang trabaho dito at kailangan alamin kung sino at magkaroon ng accountability,” ani Castro.

 

 

Please follow and like us:
Read More

60/40 HATIAN SA WPS APRUB KAY DU30 KUNG…

duterte jinping12

(NI BETH JULIAN)

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hatian ng Pilipinas at China sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea kung mas lamang ang Pilipinas sa makukuhang hati na 60/40.

“Payag na ako sa 60/40 na hatian kung matitiyak na ibibigay sa gobyerno ang 60% ng anumang makukuha sa pinag-aagawang teritoryo,” wika ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ang nasabing usapin ay kanilang uupuan ni  Chinese President Xi Jinping sa kanyang biyahe sa China sa katapusan ng Agosto.

Kabilang din sa pag-uusapan ay ang kawalan pa rin ng Code of Conduct na matagal nang pinag-uusapan sa tuwing may pagpupulong ang mga lider sa Asya pati na rin ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas at ang mga yamang-dagat sa mga pinag-aagawang teritoryo .

“Well, sabi ko nga, one of the things. But the more important is DOC, the ownership, the COC plus ‘yung mineral na makuha diyan. And they have proposed a 60/40. Okay na ‘yan para sa akin. But that could be a later topic if we have time. Of course. Sixty in favor of our country,” giit pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi niya papayagan ang sinumang dayuhang bansa na maglagay ng tropa sa teritoryo ng Pilipinas.

Please follow and like us:
Read More

SOLONS: HINAY-HINAY SA DENGVAXIA

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINAGHIHINAY ng ilang mambabatas sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit sa dengvaxia sa gitna ng dumaraming kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ginawa nina Anakalusugan Rep. Mike Denfensor at Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, ang nasabing panawagan kasunod ng mga ulat na bukas umano si Duterte na muling gamitin ang dengvaxia upang makontrol ang pagdami ng nagkakasakit ng dengue.

“Ang appeal ko kay Presidente, huwag ireconsider ang paggamit ulit ng dengvaxia baka maulit ang mga bagay sa nakaraan na hindi natin nagustuhan,” pahayag ni Defensor.

Sinabi ng mambabatas na hindi ang Dengvaxia ang sagot upang mawala ang mga lamok na magdadala ng dengue dahil mismong ang Sanofi Pasteur ang nagsabi aniya na para lamang ito sa mga nagka-dengue na upang kapag nagkasakit ulit ay hindi na malala ang epekto.

“Ibig sabihin kailangan icheck-up muna ang mga tao kung nagkadengue na bago bakunahan. Saka mismong ang Sanofi ang nagsabi na ang dengvaxia ay prevention lang at kahit nabakuhanan ka magkakadengue ka pa rin pero hindi na severe,” ani Defensor.

Sinabi ng mambabatas na kahit ang World Health Organization (WHO) ay nagsabi na tuwing tatlong taon ay umaatake ang lamok na may dengue kaya ang  tanging paraan umano para maiwasan ang dengue ay malinis na kapaligiran.

Ganito din ang paniniwala ni Gaite na tutol din sa muling pagggamit ng dengvaxia dahil hindi aniya ito “silver bullet” na kapag naturukan na ang mga tao ay wala ng dengue sa bansa.

“Tingin ng Makabayan bloc, ang dengvaxia ay hindi silver bullet na kagyat na mapabababa ang kaso ng dengue,” ani Gaite kaya dapat pag-isipang mabuti aniya ng gobyerno ang kanilang planong gamitin muli ang bakunang ito.

 

Please follow and like us:
Read More

ENDO BILL POSIBLENG MAIBASURA MULI

endo66

(NI NOEL ABUEL)

MABABALEWALA at posibleng muling ma-veto ang panukalang Security of Tenure Bill or Endo bill kung walang nakikitang suporta na ipinakikita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagsasabing hindi na ito magtataka kung sa pangalawang pagkakataon ay maibasura lamang ang nasabing panukala ay dapat nang huwag nang ipagpilitan pa itong ipasa sa Kamara at sa Senado.

“We should secure Malacanang’s commitment that a new version of endo bill will not be vetoed. It will be a futile exercise to revive it without that commitment. The DOLE and NEDA should agree on one version,” ani Drilon.

Tinukoy ni Drilon Department of Labor and Employment (DoLE) at National Economic Development Authority (NEDA)  na pawang may magkahiwalay na opinyon sa nasabing panukala.

Paliwanag pa nito na ipinasa ang Endo bill ng Kongreso at sinuportahan ng DOLE subalit veto ang itinugon ng Pangulo dahil sa hiwalay namang posisyon ng NEDA.

“There is a bipartisan support for the anti-endo bill, so its passage is almost a guarantee insofar as the Senate is concerned. However, the question is: will it be signed into law or will it suffer the same fate?” ayon pa sa senador.

Patunay umano nito na malamang sa hindi ay mabalewala ang Endo Bill ay dahil sa hindi kasama ito sa inisyal na listahan ng priority measures sa 18th Congress na ipinadala ng Kongreso sa Legislative Executive Development Advisory Council kamakailan.

“I am less optimistic that an endo bill is possible without Congress getting Malacanang’s full support. Let’s face it, it is the President who holds the veto pen. Therefore, it is critical that for measures as important as the endo bill that we must secure the full support of Malacanang,” dagdag pa ni Drilon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

GRUPO NG MGA GURO DISMAYADO SA DEPED

(NI BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG lalong sumama ang loob ng mga guro sa Department of Education (DepEd) dahil bukod sa habang nagkukuripot ang ahensya sa hinihingi nilang dagdag sahod ay nabukong nagsasayang ang mga ito ng pondo.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara, habang sinasabi ng DepEd na walang pera para sa dagdag na pondo ay nabuko ang bilyung-bilyong piso na ayaw gastusin at nasasayang pera ng bayan.

Ginawa ng grupo ni Castro ang pahayag matapos lumabas sa report ng Commission on Audit (COA) na mayroong P13.9 bilyon ang ilegal o walang sapat na dokumento na ginastos umano ng DepEd.

Bukod dito ang P15.4 bilyon na hindi umano ginamit ng ahensya sa iba’t ibang proyekto; P2.7 bilyon  unliquidated cash advances; P254 Million halaga ng kuwestiyunableng textbook contracts, P113.7 million halaga ng libro na hindi ipinamiga at  P1.25M payment of voucher sa umano’y  ‘ghost’ beneficiaries”.

“We have always been told that there are not enough funds—for classrooms, for books, for materials, for pay hike—and that we have to be forbearing and resourceful. The COA report now shows the hypocrisy in our situation,” ani Jocelyn Martinez, chairperson ng nasabing grupo.

Dahil dito, hindi umano palalagpasin ng nasabing grupo ang anomalyang ito sa DepEd at kailangang mayroong managot dahil habang naghihirap ang mga public school teachers at mga estudyante ay maraming pera ang sinasayang ng nasabing ahensya.

Ang mga public school teachers ay humihingi ng P31,000 na entry level salary mula sa kasalukuyang P20,000 lamang at mga dagdag na silid aralan para sa mga estudyante subalit lagi umanong sagot ng DepEd ay walang pera.

“For every peso that the DepEd expends irresponsibly, there are students and teachers who bear the brunt of this imprudence. This is plainly unacceptable and those responsible should be held liable for this,” ani Martinez.

Please follow and like us:
Read More

6TH ASIAN NETWORK CONVENTION AND EXPO 2019

ANCE_2019

(Photo by: JHAY JALBUNA)

Ipinaliwanag nila Shahin Noble Pilli (nasa kanan) Founder ng World Professionals Organization Ltd. at B&G Group Executive Vice President Robert Butwin (nasa kaliwa) ang layunin ng nasabing pagtitipon ay upang palawakin ang kaalaman ng mga dumalo sa pamamagitan ng seminars hinggil sa networking na isang booming business para sa mga young professionals, may-bahay at mga indibidwal na nais magsimula ng sarili nilang business sa isinagawang press conference sa 6th Asian Network Convention and Expo (ANCE) 2019 sa Metrowalk, Pasig City nitong Byernes, August 9, 2019.

Please follow and like us:
Read More

POLITIKONG EPAL SA DENGVAXIA SINUPALPAL  

pia44

(NI NOEL ABUEL)

“LET’s listen to the experts.”

Ito ang panawagan ni Senador Pia S. Cayetano sa ilang kapwa nito pulitiko sa panukalang muling paggamit sa dengvaxia vaccine kasunod ng deklasyon ng Department of Health (DoH) na dengue epidemic sa buong bansa.

Sinabi pa ng mambabatas na sang-ayon ito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging payo ng mga local health experts bago ikonsidera ang posibleng paggamit sa nasabing bakuna.

“This is a technical and scientific matter that should be left to the health experts. The President already said he’s listening to them, so let’s give this time. Sana po huwag muna tayong mag-comment… Kasi litung-lito na ang mga tao,” apela ni Cayetano.

Sa halip aniyang makialam ang sinumang politiko o ng sinumang government officials sa isyu ng pagbuhay muli na paggamit ng dengvaxia ay dapat na sumentro na lamang ang pag-iisip ng mga ito ang paggawa at pagtalakay sa polisiyang magdudulot ng ginhawa sa taumbayan tulad ng maayos na health services.

“Sana po ang mga politicians, we just discuss policies. Our policy is we want to ensure the safety of the Filipino people. We want to ensure that they have access to appropriate healthcare services. The poor should also have access to whatever is available to the rich,” giit nito.

Please follow and like us:
Read More