PH WRESTLERS DETERMINADO SA GINTO

wrestling44

(NI JEAN MALANUM) DETERMINADO ang national wrestlers na magpakitang gilas lalo na at dito gagawin ang 30th SEA Games. Matapos ma-scrap sa SEAG calendar sa 2015 (Singapore) at 2017 (Malaysia), magbabalik ang wrestling sa torneo na lalaruin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar, 20 events sa Freestyle, Greco-Roman at Grappling categories ang paglalabanan. “Only 14 events were approved but we requested for additional events. We now have 20 events and if the extra events are finally confirmed, our athletes…

Read More

KOREAN, CHINESE FUGITIVE SA PYRAMID SCAM IPADEDEPORT

(NI FRANCIS SORIANO) ANUMANG araw ay nakatakda nang ipadeport ng  Bureau of Immigration (BI) ang dalawang  foreigners na kinabibilangan ng Chinese at Korean matapos itong maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) dahil sa pagkakasangkot sa krimen sa kanilang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na si Huang Kun, 36, Chinese national fugitive, at Lee Byungchul, 53, Korean national. “BI will be deporting the two foreigners for undesirability and for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by their respective governments. They can no…

Read More

PAGPAPAKABIT NG CCTV SA LAHAT NG GOV’T OFFICES IGINIIT

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Pia Cayetano na panahon nang obligahin ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa na maglagay ng sarili nitong closed circuit television (CCTV). “Public office is a public trust, and therefore should be transparent and accountable to the people at all times’” aniya. Sa inihain nitong Senate Bill no. 503 o ‘Surveillance Camera for Government Establishments Act’, layon nito na mabantayan ang lahat ng kilos at galaw ng mga tauhan ng pamahalaan sa bawat transaksyon nito. Idinagdag pa ng senador na malaki rin umano…

Read More

MILITANTE PINADADALO SA SENADO VS NAWAWALANG AKTIBISTA

militant44

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang ilang senador sa mga militanteng grupo na dumalo sa pagdinig ng Senado upang sagutin ang dahilan ng paglaho ng mga estudyanteng aktibista. Ayon kay Senador Ronald Dela Rosa, umaasa itong dadalo sa ikalawang pagdinig ng Senate committe on dangerous drugs ang nasabing grupo. Nais ng senador na magpaliwanag ang naturang mga makakaliwang grupo kaugnay ng pagkawala ng ilang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), University of the Philippines (UE) na sinasabing umakyat ng bundok at sumailalim sa immersion. Magugunitang…

Read More

ANTI-CORRUPTION ITUTURO SA MGA SCHOOL

corrupt55

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL wala pa ring nangyayari sa kampanya laban sa katiwalian kahit ilang dekada na itong nilalabanan, iminungkahi ng dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ituro na sa mga bata ang anti-corruption. Ito ang nakasaad sa House Bill 581  o “Anti-Graft and Corrupt Practices Information and Education Act,” na iniakda nina House deputy speaker Bro. Eddie Villanueva at Rep. Domingo Rivera ng CIBAC party-list. “While many have tried to eradicate corruption by furthering the stringency of laws on governance and intensifying punishment, no significant improvement has been…

Read More

RECRUITMENT NG NPA KINUMPIRMA NG MILITAR

cpp npa12

(NI BONG PAULO) KINUMPIRMA ng militar na may mga ginagawang recruitment activity pa rin ang rebeldeng grupo sa ilang mga lugar sa North Cotabato. Ito ang ipinahayag ni 72nd Infantry Battalion commander Lt. Col Rey Alvarado ng Philippine army na nakabase sa Magpet, North Cotabato. Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng Community Support Program na direktiba ng higher headquarters target ang mga kabataan upang hindi umanib sa kaliwang grupo. Dagdag pa ng opisyal, may mga namonitor pa rin ngayon sa ilang lugar sa lalawigan na mga kabataan na sumasali sa…

Read More

MUSLIM DUMAGSA SA LUNETA SA EID’L ADHA

eid55

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) LIBU-LIBONG  Muslim ang dumagsa  sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila, Linggo ng umaga para ipagdiwang  ang  Eid’l Adha o Festival of the Sacrifice. Alas 4:00 ng umaga ay dagsa na ang mga Muslim  para sama-sama na manalangin sa Quirino Grandstand bilang paggunita  ang kahandaan ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na si Ishmael. Sa ulat ng Manila Police District (MPD), kasunod nito ay  sama-sama silang nauupo at naghintay para sa muling pagdarasal ganap na alas  7 ng umaga, na sinundan ng sermon ng…

Read More

SHOEMAKING BAGONG COURSE SA TESDA

tesda44

(NI KEVIN COLLANTES) ISASAMA na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kanilang mga programa ang kursong shoemaking o paggawa ng sapatos at pagkakalooban pa ng National Certification. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, nakausap na niya si TESDA Chief Isidro Lapeña at pumayag ito sa kanyang panukalang isama ang shoemaking sa kanilang mga iniaalok na programa. “I recently talked to TESDA Chief Lapeña and asked him to give shoemaking a national certification or NC. Happy to announce that TESDA will have a shoemaking accreditation in the…

Read More

NCC AQUATICS CENTER BIBINYAGAN

clark66

(NI JEAN MALANUM) MABIBINYAGAN ang papatapos nang Aquatics Center sa loob ng New Clark City Sports Complex sa pagdaraos ng National Open sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2. Ito ang magsisilbing final qualifying event ng mga Pinoy swimmer na sasabak sa 30th SEA Games, kung saan umaasa ang Pilipinas hahakot ng medalya ang mga pambato rito. Ayon kay Philippine Swimming, Inc. (PSI) president Lailani Velasco, kasalukuyang abala ang mga atleta sa training para masiguro na maganda ang magiging performance nila sa harap ng mga kababayan. “Malaki ang expectation sa mga…

Read More