MARINE SURVEY SHIP NG CHINA BANNED SA PH – LOCSIN

china ships33

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr na banned na rin ang China, kasama ang France at Japan sa mga marine survey ship na nasa bansa.

Sinabi ni Locsin na kung hindi isasamang banned ang China ay tiyak umanong magiging kuwestiyunable na naman ito ay malamang na pagmulan na naman ng isyu.

“I banned marine survey ships, amending restriction to France & Japan by adding China. To pick & choose invites suspicion of favoritism. Will universalize the ban. Period. Granting exception to one country will automatically lift ban universally. Exceptions invite bribes,”paliwanag ni  Locsin.

Ang paglilinaw ni Locsin ukol  sa ban ng mga survey ships ay matapos na rin makita sa  Philippines’ exclusive economic zone (EEZ) ang dalawang Chinese vessel na nag ooperate sa lugar.

Ang dalawang Chinese oceanographic survey ships na Zhanjian at  Dong Fang Hong 3 ay nagsasagawa ng  marine scientific research sa  EEZ.

Ang Zhanjian ay nago-operate sa EEZ mula pa umano noong Sabado habang ang  Dong Fang Hong 3 ay naispatan sa lugar noong Miyerkoles.

Ngayong banned na umano ang lahat ng survey ships, kabilang ang China ay inaasahan ng DFA na hindi na muling makikita ang dalawang Chinese vessel sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

SIGAW NG MGA GURO: DEPED IMBESTIGAHAN SA ANOMALYA!

deped55

(NI KEVIN COLLANTES)

ISINUSULONG ng isang grupo ng mga guro ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagbili ng Department of Education (DepEd) ng may P113 milyong halaga ng mga libro at iba pang learning materials na hindi naman nagamit ng mga mag-aaral.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) chairperson Joselyn Martinez, dapat na imbestigahan ang findings ng Commission on Audit (COA) hinggil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng pondo ng DepEd partikular na ang may kinalaman sa pagbili ng mga learning materials.

Binigyang-diin ni Martinez na hindi sapat ang simpleng paliwanag lamang at dapat na may managot sa naturang anomalya.

Dismayado si Martinez sa natuklasan ng COA na may tatlong milyong librong binili ang hindi pala nagagamit at nakatago lamang sa mga bodega, gayung kulang na kulang aniya ang mga librong ginagamit ng mga mag-aaral.

Sinabi niya na anim na taon matapos na maipatupad ang K to 12 program, hindi pa rin naidi-distribute ng DepEd ang mga textbooks sa maraming asignatura sa iba’t ibang baitang.

Base sa isinagawang dokumentasyon ng grupo, mula Hunyo ng taong ito ay wala pa ring opisyal o usable textbooks ng MAPEH para sa Grade I; Araling Panlipunan para sa Grades II, III, IV, V, VI, VII, IX at X; Science para sa Grades V at VI; Filipino para sa Grades VI, VII, at VIII; at Mathematics para sa Grades VI, VII, VIII, at X.

Sa Grade XI naman, wala pa rin umanong textbooks para sa General Academic Strand (GAS), Humanities and Social Sciences (HUMMS), Accountancy and Business Management (ABM), at Technical, Vocational and Livelihood – Shielded Metal Arc Welding (TVL-SMAW).

Sinabi ni Martinez na matagal nang hinihintay ng mga guro ang mga naturang learning materials at dahil hindi naipamahagi ang mga ito ay kinakailangan ng mga guro na magbigay ng esktrang oras, effort at pera upang bumili ng kanilang sariling reference materials.

Nanindigan din siya na dapat na kaagad na matugunan ang naturang matagal nang problema at napapanahon nang may panagutin sa anomalya.

Please follow and like us:
Read More

PINOY SA LIBYA EXPLOSION, LIGTAS — DFA

DAF12

(NI ROSE PULGAR)

INIULAT ngayong Lunes ng Embahada ng Pilipinas sa Libya sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino na nadamay kung saan dalawang staff members ng United Nation Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi at ilan ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang car bomb sa shopping mall sa Hawari District ng Benghazi.

Sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng Embahada sa Libya ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)  matapos maganap ang car bomb explosion.

Ayon kay Ambassador Elmer Cato, ang car bomb explosion na naganap ay malapit sa isang supermarket at mga tindahan na madalas na pinupuntahan ng ilan sa ating mga kababayan.

Sinabi pa ni Catu, patuloy na nakikipag ugnayan ang Philippine Embassy sa Libya sa Filipino community doon.

Payo naman ng DFA sa mga Filipino na narooon gawin lahat ng kinakailangan pag iingat, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang pagpunta sa mga lugar na idineklara na hindi ligtas o may banta ng kaguluhan.

 

Please follow and like us:
Read More

FURLOUGH NI DE LIMA, ‘DI TUTUTULAN NG DOJ

delima12

(NI HARVEY PEREZ)

WALANG balak ang  Department of Justice (DOJ) na  tutulan ang furlough ng nakadetineng si Senador Leila de

Lima para makita at mabisita ang may sakit niyang ina sa Iriga City, Camarines Sur dahil sa humanitarian reason.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aatasan niya ang mga government prosecutors na huwag nang tutulan ang furlough ni de Lima.

Magugunita na  nagpasalamat si de Lima sa mga well -wishers na nagpakita ng kanyang suporta sa kanyang  motion for furlough sa kanyang Tweeter account.

“Thank you for all the prayers. Prayers do work. My mom’s condition has improved albeit still precarious on account of her advanced age and over-all weakened state,” ani sa  tweet ni de Lima .

Nalaman na naghain ng  urgent motion for furlough si de lima sa   Muntinlupa Regional Trial Court para humingi ng permiso na mabisita si  Norma Magistrado de Lima  na napaulat na nasa kritikal na kondisyon bago ang Agosto 15

Nabatid na ang Branch 256, ang humahawak ng kaso ni de Lima na may kinalaman sa iligal na droga noong siya ay kalihim pa ng DOJ.

Ang nanay ng senador ay na diagnose na may dementia.

Si de Lima ay nakadetine sa kasalukuyan sa  Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City at nahaharap sa tatlong kaso ng droga na isinampa ng DOJ prosecutors.

 

Please follow and like us:
Read More

P1.10 BAWAS SA DIESEL, P0.50 SA GASOLINA MULA BUKAS

oil55

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng malaking bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas ng umaga, (Agosto 13).

Halos sabay- sabay na naglabas ng abiso ang mga kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation ,Flying V, Total, PTT Philippines, CPI (Caltex), at Petro Gazz hinggil sa bawas presyo ng P0.50 kada litro ng gasolina, P1.10 sa diesel habang  P1.30 kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng bawas presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa kahalintulad na halaga.

Nauna nang nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga kompanyang Phoenix Petroleum Philippines at Clean Fuel stations nitong nakaraang Sabado at Linggo sa kahalintulad na halaga ng mga produktong petrolyo.

Ang ipinatupad na bawas sa presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

Please follow and like us:
Read More

JOHN LLOYD NAISPATAN SA EROPLANO PABALIK NG MANILA

jlc66

SA Instagram account na @mychosdotcom noong Biyernes, ipinoste ang larawan ni John Lloyd Cruz habang ito’y nagbo-board sa isang eroplano mula Palawan pabalik ng Manila.

May caption ito na, “Whoa! Look who’s spotted in a flight from Palawan to Manila! Sign din kaya ito ng isa na namang “pagbabalik”? Mapapansin na mag-isa lamang ang aktor sa larawan.

Ipinoste ito sa kasagsagan ng mga haka-hakang naghiwalay na sila ng partner na si Ellen Adarna dahil hindi na raw ma-“take” ni Ellen ang pagka-weirdo ni John Lloyd. Makikita rin sa larawan na mukhang ilang linggo nang hindi nag-aahit ang aktor.”

Please follow and like us:
Read More

COOL SMASHERS, MAAGANG NAGPARAMDAM

volley55

(PHOTO BY MJ ROMERO)

SINIMULAN ng Creamline Cool Smashers ang kanilang title-retention bid sa pamamagitan ng straight sets win laban sa Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, sa pambungad na aksiyon sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Pinangunahan ni Michelle Gumabao ang atake ng Cool Smashers sa kanyang 14 points, lahat galing sa kills, habang si Alyssa Valdez ay nagsumite ng 13, 10 mula sa hits, dalawa sa service aces at isang block.

“We’re really expecting a long and hard match, but definitely in the first set, even as a team, nag-adjust din kami,” pahayag ni Valdez matapos ang laban,

Matapos ang kakabug-kabog na first at second set, kumalma ang Creamline, nagpasabog ng 10-7 lead na ginawang 18-9 sa magkatuwang na atake nina Gumabao at Valdez.

Nagdagdag naman si Risa Sato ng 11 points, may siyam si Jema Galanza at may 23 excellents sets naman si Jia Morado.

Haharapin ng Creamline ang Motolite, habang ang Air Force ay makikipagtipan sa BanKo sa pagpapatuloy ng aksyon sa Miyerkoles sa San Juan venue.

 

Please follow and like us:
Read More

YATE INAKALANG CHINESE MILITIA VESSEL HINARANG SA SBMA

(NI JG TUMBADO)

NABULABOG ang pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa isang foreign vessel na umanoy bigla na lamang nakapasok sa karagatang sakop ng Freeport Zone sa pag aakalang barko ito ng pandigma ng China nitong Linggo.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Harbor Patrol Group ng Law Enforcement Department (LED) ng Subic Bay Metropolitan Authority at PNP Maritime Police kung saan hinarang ng mga ito ang barko habang nag-aangkla sa bahagi ng Camayan Cove.

Subalit matapos ang isinagawang pagbusisi nang husto ng mga awtoridad sa foreign vessel ay dito napag-alamang isa palang pleasure yacht o tourist ship ang barko at hindi Chinese militia vessel  gaya ng unang inakala.

Ayon kay SBMA Chair at Administrator Atty. Wilma T. Eisma, natukoy ang barko bilang MV Balena II, na nakarehistro sa isang Belgian national na si Didier Ladriere, isang locator sa SBMA at nag mamay ari ng Urban Deli restaurant sa Subic Freeport.

“It really caused some alarm among those monitoring the incident on social media, especially when it was falsely identified as having entered Subic without informing authorities. But thank God it soon checked out,” pahayag ni Eisma.

Tinawagan pa umano ni Eisma sina National Security Advisor Sec. Hermogenes Esperon Jr at Defense Chief Sec. Delfin Lorenzana para sa koordinasyon kaugnay ng pangyayari.

Sa investigation report ng Seaport Department, lumalabas na isang yate ang napagkalamang war ship ng China, na may habang 40 metro at lumalayag sa karagatang sakop ng SBMA.

Nasa walong Chinese nationals ang sakay sa yate na umanoy pawang mga bisita ng may-ari na si Ladriere.

Nag-ugat ang pagkabahala ng SBMA ng walang anumang sagot ang MV Balena II sa mga tawag ng port authorities kaya’t pinalalagay na ito ay isang Chinese militia vessel na basta na lamang pumasok nang walang abiso.

Ipinaliwanag naman ni Ladiere na kaya’t hindi makasagot ito sa radio ay dahil naiwanan palang nakapatay ang kanilang VHF radio communication sa buong araw nilang paglalayag.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGTAAS NG ATM FEES SA 58-M CARDHOLDERS KOKONTRAHIN KAMARA

atm55

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAABATAN ng isang mambabatas ang nakatakdang pagtataas umano ng Automated Teller Machine (ATM) fees dahil kung hindi ay susuka ng doble ang may 58 million cardholders sa bansa.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., kailangang makialam na ang Kongreso bago pa man ipatupad ng mga bangko ang ATM fees hikes matapos tanggalin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang freeze order sa pagtataas ng singil sa paggamit ng ATM.

“We are worried that the forthcoming increases in ATM charges might harm consumers – the nation’s more than 58 million ATM cardholders, “ ayon sa mambabatas kaya nagpatawag ito ng imbestigasyon sa Kamara.

Sa ngayon aanya ay nagkakaltas ang mga bangko ng P10 hanggang P15 sa bawat interbank withdrawal transaction at P2 naman kapag nagbalance inquiry lamang at  mas malaki kapag sa ATM ng ibang bangko.

“These charges could jump to as much as P15 to P30 per single interbank withdrawal, possibly even higher, with the removal of the moratorium,” ayon pa sa mambabatas.

Napakalaking halaga na aniya ito sa mga ordinaryong manggagawa na nagwi-withdraw ng kanilang sahod sa ATM dalawa hanggang apat na beses kada buwan.

“Even more vulnerable are our estimated 4.1 million minimum wage earners. Many of them receive and withdraw their salaries twice a month through their ATM cards at the machine nearest them,” ani Campos.

Dahil dito, dapat aniyang pigilan ang posibleng pagdoble ng ATM fees lalo na’t hindi naman umano nalulugi ang mga bangko sa serbisyong ito dahil umaabot sa 58 million ang kanilang kliyente.

Hindi sinabi ng mambabatas kung magkano ang taunang kita ng mga bangko sa mga ATM card holders subalit inaasahan na malaki aniya ito dahil halos lahat ng mga tao ay gumagamit na ng ATM.

Please follow and like us:
Read More