WALANG CONFLICT OF INTEREST — DUQUE 

PHILHEALTH-SEC DUQUE

(NI NOEL ABUEL)

PINANININDIGAN ni Department of Health (DOH) na walang conflict of interest sa negosyo ng pamilya nito ang pagiging kalihim nito ng ahensya.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe, na pinamunuan ni Senador Richard Gordon, layon nito na hubaran ng maskara ang mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), hinarap ni Duque ang mga senador para sagutin ang ibinabatong akusasyon laban dito.

“My personal interest in EMDC did not in any way conflict with the interest of the government,” sabi ni Duque.

Magugunitang noong Hulyo 29, nagsagawa ng privilege speech si Senador Panfilo Lacson na nagsabing pag-aari ng pamilya ni Duque ang Educational and Medical Development Corporation (EDMC) at ang Doctors Pharmaceuticals Incorporated (DPI).

Ayon kay Lacson, nangupahan ng anim na taon ang Ilocos regional office ng Philhealth sa EMDC building sa Dagupan City mula Hunyo 2012 hanggang Disyembre 2018 kung saan sa mga panahong ito ay naitalaga ang kalihim sa DOH noong Nobyembre 2017.

Ngunit sinabi ni Duque na ang kontrata ay hindi awtomatikong nilalabag ang confict of interest at hindi naagrabyado ang pamahalaan.

Kasama rin sa tinukoy ni Lacson ang patuloy na pagbabayad ng Philhealth sa WellMed Dialysis Center sa kabila ng pagsuspinde sa akreditasyon nito dahil sa nasabing anomalya.

 

Please follow and like us:
Read More

JAMES REID FREELANCER NA LANG NGA BA SA VIVA?

james55

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

BULONG ng isang impormante, after mag-expire ng contract ni James Reid sa Viva last year, hindi na raw nag-renew ang hunky singer-actor. Kaya per project na lang daw ito ‘di gaya ng dyowa niyang si Nadine Lustre na ilang years pa raw ang kontrata sa Viva.

Dinig ko, 15 years daw ang pinirmahang exclusive contract ni Nadine sa Viva at nagsimula ito sa Diary Ng Panget noong 2014. So, bale 10 years pang nakatali sa kanyang mother outfit si Nadine unlike James na wala nga raw talagang commitment pa sa movies o recording.

Si James, per project basis na lang ngayon.

How true na isa sa dahilan kaya hindi nag-renew si James sa Viva ay dahil maliit daw ang talent fee niya sa nasabing movie company?

Well, ever since naman ay ganyan ang set-up kasi malaki rin ang ginagastos ng Viva at ibang movie outfits sa pagbi-build up ng kanilang mga artista.

Saka bawing-bawi naman si James sa nakukuhang endorsements sa kanya ni Boss Vic del Rosario, gayundin din ang nobyang si Nadine.

DENNIS, JERALD, MATTEO PAWANG MAHUHUSAY SA MINA-ANUD

Hindi nagkamali ang Cinemalaya na ang Mina-Anud ang pinili nilang maging closing film sa Cinemalaya Indepen­dent Film Festival 2019. Ibang klase kasi ang pagkakagawa ni Direk Kerwin Go ng pelikulang ito na tumatalakay sa drug addiction at realidad ng buhay.

‘Yung performance dito nina Dennis Trillo bilang si Ding at Jerald Napoles as Carlo, hanep sa husay. Parehong nabigyan ng dalawa ng justice ang kanilang characters na simple lang ang pamumuhay sa Borongan, Samar hanggang sa matukso sa malaking pera sa pagbebenta ng cocaine.

Applauded ang mga eksena ng dalawa at ang husay rin ng gumanap na misis ni Dennis na si Dionne Monsanto. Gayundin si Matteo Guidicelli na isang mala­king rebelasyon sa pelikula. Super hot at yummy si Matteo sa kanyang mga pasilip sa katawan bilang endorser ng corned beef at drug addict.

Maging ang mga guma­nap na kaibigan nina Dennis at Jerald, kabilang na si Mara Lopez, ay magagaling din.

Comedy naman ang hatid ni Lou Veloso na punong barangay lalo na nung sumayaw sila ng budots. Lahat ng nasa loob ng Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) ay tawanan sa eksenang ito.

Punung-puno ang orchestra at balcony o VIP seats ng sinehan sa rami ng mga nanood. Ang iba ay hindi na nakapasok dahil wala nang mabiling ticket.

In all fairness ang Mina-Anud ay isa sa pelikula ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pinakamaganda, makabuluhan at de-kalidad na kanilang prinodyus. At masaya ang mag-ina at puro positive ang feedback sa pelikula nilang ito at all praises sa cast at director ang mga nanood ng special screening nito last August 10.

Simula Agosto 21 ay palabas na ang Mina-Anud sa maraming sinehan sa buong bansa.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SISTEMA SA HEALTH SERVICE PROVIDER PAYMENT BUBUSISIIN

rissa45

(NI ESTONG REYES)

IPINANUKALA  ni Senador Risa Hontiveros ang ilang hakbang upang maprotektahan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa panloloko at katulad na scam kaya’t gusto niyang ipa-awdit ang sistema ng pagbabayad sa health service provider.

Sa pahayag, partikular na tinukoy ni Hontiveros ang kasalukuyang  case-based payment system na binabayaran ang health care provider sa pamamagitan ng  pre-determined fixed rate para sa treated case o disease.

Kasabay ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa health department, sinuri ni Hontiveros ang implementasyon ng PhilHealth sa “case based payment system” saka hiniling sa  PhilHealth na magbigay ng pinakahuling  compliance figures, kabilang ang kasalukuyang  protocols  sa pagtugon sa kakakulang sa implementasyon nito.

“The case based payment system has to be reviewed. Other options for paying providers should be explored and implemented,” ayon kay Hontiveros.

Napaulat na may kaso ng overpayment sa sakit na pneumonia at caesarian section.

May ulat din ang Commission on Audit (COA) sa panahon nang ipinatutupad ang fixed rate payments.

Inatasan ng COA ang PhilHealth na balikan ang  implementing guidelines  ng patakaran nito at tiyakin na tanging totoo at balidong gastusin ang nababayaran.

“Shift to a strategic payment mechanism”

Samantala, sinuportahan din ni Hontiveros na baguhin ang sistema ng pagbabayad ng PhilHealth sa pamamagitan ng strategic provider payment mechanism tulad ng Diagnosis Related Group (DRG).

Aniya, kanyang isinama ang DRG bilang isa sa amendmenst na inihain sa Universal Health Care (UHC) Law.

 

Please follow and like us:
Read More

8 MIYEMBRO NG PHILHEALTH MAFIA NABUNYAG

philhealth pres12

(NI ESTONG REYES)

NABULGAR sa pagdinig ng Senado ang walong miyembro ng sinasabing mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nakikipagsabwatan sa health care providers upang makasingil sa mga ghost claims ng bilyong piso.

Sa kanyang testimonya sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard “Dick” Gordon, sinabi  ni Roberto M. Salvador Jr., na may mafia sa PhilHealth na nakikipagsabwatan sa pribadong health care provider upang maningil sa ghost claims sa ahensiya.

Binanggit ni Salvador, dating miyembro ng Formal Economic sector ng Philhealth na pawang miyembro ng mafia sina: Paolo Johann Perez, regional vice president for PhilHealth Regional Office No. IVB; Khaliquzzman M. Macabato, ARMM; William Chavez, VII; Dennis B. Andre, XII; Miriam Grace Pomanog, XII; Masiding M. Alonto Jr., X; Atty. Valerie Anne H. Hollero, at Atty Jelbert B. Galicto, CARAGA.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na iniimbestigahan na

ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang sindikato sa PhilHealth.

Samantala, inihayag ni Senador Edgardo Angara  na kailangan nang magsagawa ng mga hakbang ang bagong pamunuan ng PhilHealth upang matigil ang paglulustay ng salapi ng bayan sa mga fraudulent claims.

“Clearly, the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) has a multitude of problems that has led to this situation where we have individuals and health care providers defrauding the government of hundreds of millions in funds that should be going to Filipinos struggling to cope with their medical needs,” ayon kay Angara.

“While we are still uncovering more anomalies taking place within our state health insurance provider, there are already steps that we can take to help stop the bleeding,” ayon pa kay Angara.

Pangunahin sa gustong ilagay ni Angara sa Philhealth ang anti-fraud system.

“First, Philhealth should beef up its anti-fraud system. Mas maraming “integrity units” to vet, validate and verify claims, hindi naman lahat but at random, to capture inaccuracies,” ayon kay Angara.

“Meron dapat na tulad ng internal affairs service sa kapulisan na nakatutok sa mga procedures. At ngayon na si Gen. Ricardo Morales ang president at CEO ng PhilHealth, tiyak na kayang-kaya niyang ipatupad ito,” dagdag pa niya.

Please follow and like us:
Read More

DISKRIMINASYON SA TRANSWOMAN IIMBESTIGAHAN

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG joint resolution ang nakatakdang ihain nina Bataan Rep. Geraldine Roman at Gabriela Rep. France Brosas kaugnay sa insidente ng pagmamaltrato, pagposas at pagparada pa na parang kriminal sa transgender woman na si Gretchen Custodio Diez na hindi pinapasok sa pambabaeng comfort room sa Farmers Plaza, Quezon City.

Ayon kay Brosas malinaw na discrimination at harassment ang sinapit ni Diez lalo at hindi naman kailangan na posasan pa ito dahil wala naman syang naging kasalanan.

Aminado si Brosas na walang anti discrimination law dahil hindi pa rin pumasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression(SOGIE) Bill na nagbibigay proteksyon sa mga LGBT subalit ginagantiya sa Konstitusyon ang karapatan ng bawat isa na tratuhin ng tama at may dignidad at ito umano ang nalabag kay Diez.

Idinepensa ni Roman na ang kanilang kahilingan na magkaroon ng House Inquiry in Aid of Legislation ay dahil na rin sa may pangangailangan na mabigyan na ng tulong ang LGBT community laban sa diskriminasyon, hindi umano ang kaso ni Diez ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong pagtrato sa mga transgender dahil nangyari na din ito sa komedyanteng transgender na si Kaladkarin na hindi pinapasok sa isang bar dahil sa cross dressing at marami pang insidente na hindi naisasapubliko.

Sinabi pa ni Roman na makatutulong din ang gagawing imbestigasyon para mabuksan ang isipan ng publiko laban sa ganitong insidente gayundin ay magsisilbing eye openeer sa mga Local Government Units(LGUs) na may pangangailangan nang magpatupad ng ordinansa laban sa diskriminasyon.

Samantala tiniyak ni Roman na kanilang isusulong ang pagpasa ng SOGIE bill ngayong 18th Congress. Ang nasabing panukala ay naiakyat na sa Senado subalit hindi ito napagbotohan. Kumpiyansa ang mambabatas na maisasabatas ang SOGIE bill dahil na rin sa komposisyon ngayon ng Kongreso na marami ang mga millennials na mas bukas ang isipan.

Sa mga kritiko umano ng SOGIE bill, sinabi ni Roman na ang mga insidente ng gaya ng kaso ni Diez ang sya lamang nais na maproteksyunan sa kanilang isinusulong na panukala at hindi ito nagsusulong ng same sex marriage.

 

Please follow and like us:
Read More

SALING PUSA: POSISYON NI CARDEMA SA KONGRESO, NILINAW

cardema12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG iniimbitahan man ng Party-list Coalistion Foundation Inc., (PCFI) si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema, hindi ito indikasyon na kinikilala na ito bilang kinatawan ng Duterte Youth party.

Ito ang nilinaw ni 1PACMAN at PCFI party-list Rep. Mikee Romero ukol sa pagdalo ni Cardema sa ilang mga aktibidad ng party-list Congressmen.

“Duterte Youth nominee Cardema was invited by PCFI…as a mere observer…and not as an official representative of the 18th Congress,” ani Romero dahil sa  ilang okasyon ang mga party-list Congressmen ay laging kasama si Cardema.

Nakakuha ng sapat na boto para sa isang upuan sa Kongreso ang Duterte Youth subalit hanggang ngayon ay wala pang kumakatawan sa nasabing grupo sa Mababang Kapulungan dahil hindi pa tapos ang kaso nito sa Commission on Elections (Comelec).

“To clarify, PCFI or the PL Coalition has recognized Duterte Youth as a party-list [that] won a seat in the May 13 elections. But its rightful and valid nominee has not yet been recognized by PCFI due to lack of supporting documents (Comelec certificate of proclamation and oath of office),” ayon pa kay Romero.

Si Cardema ay nag-resign sa kanyang posisyon bago ang eleksyon noong Mayo 13, 2019 at pinalitan ang kanyang asawa bilang first nominee ng Duterte Youth subalit kinontra ito ang iba’t ibang grupo

Base sa batas, edad 30 anyos pababa lang ang puwedeng maging kinatawan ng mga kabataan sa Kongreso subalit  34 anyos na si Cardema na isa sa mga dahil kung bakit kinansela ng Comelec ang kanyang nominasyon na kakatawan sa Duterte Youth sa Congress.

“The party-list coalition bloc shall respect and adhere to the Comelec ruling with regards to the disqualification of Duterte Youth nominee Ronald Cardema,” pahayag ni Romero.

Please follow and like us:
Read More

P22.5-B BUWIS SA POGO WORKERS ‘DI NAIBABAYAD SA GOBYERNO 

(NI NOEL ABUEL)

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang sinasabing mga hindi nakolektang buwis mula sa mga registered at unregistered foreign workers at sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry ng mga Chinese workers.

Sa inihaing Senate Resolution no. 89 ni Senador Sherwin Gatchalian, nais nitong matiyak na mahusay na naiimplementa ang Philippine tax, immigration at labor laws sa mga dayuhang manggagawa sa buong bansa.

Giit ng senador, nakababahala na aabot sa 130,000 Chinese workers na nagtatrabaho sa POGOs ang hindi nagbabayad ng kaukulang buwis kung kaya’t dapat na seryosohin ang imbestigasyon dito upang malaman kung sino ang dapat na managot.

“There is a need to review our capability and enhance our capacity to enforce our tax, immigration, and labor laws to balance the protection we need to accord our people vis-a-vis to the contribution of industries and foreign workers to the country’s economic growth,” ani Gatchalian.

Aniya, base sa pagtataya ng Department of Finance (DOF) nawawala sa kaban ng bayan ang P22.5 bilyon kada taon mula sa hindi nakokolektang buwis.

Habang ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), tinatayang nasa P18,750, at buwis mula sa allowances at fringe benefits, ang hindi nakokolekta  sa bawat foreign worker kada buwan.

Noong nakaraang buwan aniya, ay nakakolekta ang BIR ng P200 milyon mula sa mga dayuhan na karamihan ay Chinese workers na nagtatrabaho sa POGO sector.

“It is imperative for the Senate to conduct an assessment and careful analysis to determine how these tax collection agencies can better perform their functions prior to introducing another set of laws which these agencies may have difficulty implementing,” ayon sa senador.

“It is also the Senate’s duty to review policies set forth by the Executive as it annually deliberates on the government’s expenditure plan, which is affected by the projected tax revenues and other macroeconomic fundamental assumptions,” dagdag pa ni Gatchalian.

 

Please follow and like us:
Read More

RECRUITMENT NG NPA SA SCHOOLS TALAMAK

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

GAYA ng inaasahan ay bumuhos ang luha sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng nawawalang mga estudyante na nire-cruit ng makakaliwang grupo.

Sa isinagawang ikalawang pagdinig ng Senate Comittees on Public Order and Dangerous Drugs at ng National Defense and Security, inusisa ng mga senador ang dumating na dating miyembro ng New People’s Army-Communist Party of the Philippines (CPP-NPA).

Isa sa mga testigong dumating ang 21-anyos na babae na nakatakip ang mukha nagpahayag ng sinapit nito sa kamay ng makakaliwang grupo nang ma-recruit ito sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

“Nakita nila na may interest ako magtanong, kinulit na nila akong magkaroon ng pag-aaral. October 2014 nang sumali ako sa LFS,”  sabi nito.

Tatlong taon umano ang itinagal nito sa LFS bago nagdesisyong sumanib sa NPA kung saan nagpalipat-lipat ito ng bundok sa Mindanao at sa Bukidnon at Compostela Valley.

Dito ay naranasan umano nito ang hirap hanggang sa magdesisyong sumuko sa pamahalaan noong Abril 2018 at magkaroon ng sariling pamilya.

“Sinubukan kong kumontak sa kanila dahil manganganak ako, kahit piso wala akong natanggap. Porke umalis na kami sa organisasyon at wala na silang pakinabang sa amin dahil pinili namin ito, pinabayaan na nila kami. Walang sila naitulong sa amin,” may halong pagsisisi nito.

Nagdesisyon umano itong humarap sa Senado upang manawagan sa mga dating kasama sa NPA na sumuko na at bumalik sa normal na pamumuhay.

Kabilang din sa humarap sa pagdinig ang tatlo upang dating rebelde na sina Nancy Dologuin, Alvin Turero, at Agnes Reano na pawang nagpatunay na may nangyayaring pagre-recruit sa mga eskuwelahan.

Hindi naman naitago nina Senador Ronald Dela Rosa at Senador Bong Go ang pagkadismaya na nagagamit ang mga estudyante sa mga rally sa kalsada bago kumbinsihing sumanib sa NPA.

 

 

Please follow and like us:
Read More

P20-B AYUDA SA NALULUGING FARMERS INIHIRIT

farmers55

(NI ESTONG REYES)

HINILING ni Senador Francis Pangilinan na kaagad magpalabas ng P20 bilyon upang ayudahan ang naluluging magsasaka sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubhang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka sa pagdagsa ng imported rice kaya dapat ayudahan sila ng pamahalaan.

“Filipino farmers hurting from the deluge of imported rice should immediately get P20 billion emergency cash assistance from collected tariffs and unprogrammed funds under the Rice Tariffication Act, ayon kay Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang ipalabas ang cash relief assistance upang maiahon sila sa pagkalugi na tinatayang aabot ng P60 bilyon dahil bumagsak ang presyo ng palay sanhi ng rice tariffication law.

“Nandito tayo sa isang emergency situation. Ang kailangang dapat bigyang-pansin agad ay ang kalagayan ng ating mga magsasaka lalo na ngayong lean months at lalo na kapag dumagsa na ang bulto ng aanihin mula sa darating na September hanggang December,” ayon kay Pangilinan.

Sa kanyang privilege speech sa Senado nitong Martes, ipinanukala ni Pangilinan ang ilang pamamaraan upang masagip ang magsasaka at ang rice industry.

Nilagdaan nitong Pebrero ang  Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law na naghawan sa pag-aangkat ng bigas na may 35% taripa.

Inilaan ng batas ang P10 bilyong subsidy na ibibigay sa farm sector upang ipambili ng  farm equipment, research and seed input, credit, at trainings and seminars.

“This amount is unprogrammed in the 2019 budget, and I suggests that this P10 billion be given directly to rice farmers together with the P10-billion tariff already collected by the government, making available a total of P20 billion for immediate cash assistance to rice farmers,” ayon kay Pangilinan.

Please follow and like us:
Read More