SHARON ITINANGGING BUNTIS SI KC

(NI JONATHAN ANG)

INALMAHAN ni Sharon Cuneta ang netizens na nagpapakalat ng fake news na buntis ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Sa August 7 Instagram post ni Megastar, ibinahagi ang isang family picture kung saan makikita ang mag-asawang Sharon at Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan, pati na rin ang mga anak nilang sina Frankie at Miel.

Sabi ni Sharon sa post: “No, for those who so maliciously and cattily commented here, KC is NOT pregnant. Never been.”

Si KC ay anak ni Sharon sa unang asawa niyang si Gabby Concepcion. Bilang second husband ni Shawie, kinilala’t tinanggap din ni Senator Kiko si KC bilang adoptive daughter nito.

Please follow and like us:
Read More

SAN MIGUEL BEERMEN, KAMPEON

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

DUMIKIT ang San Miguel Beer sa posibleng grand slam season.

Ito’y matapos angkinin ang kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng 102-90 panalo kontra TNT KaTropa sa Game 6, Biyernes sa Smart-Araneta Coliseum.

Nanguna si Chris McCullough na may 35 points at 13 rebounds, habang sina Christian Standhardinger at June Mar Fajardo ang nagpalitan sa pagdepensa kay Terrence Jones ng TNT.

Isinara ng Beermen ang sa 4-2, matapos ang 0-2 start sa best-of-seven series.

Tinanghal naman si Terrence Romeo bilang PBA Press Corps Finals MVP bunga ng impresibong performance sa title series laban sa kanyang dating tropang TNT.

Nag-average si Romero ng 14.8 points, 4.3 rebounds, at 2.3 assist para sa Beermen para makamit ang nasabing karangalan.

Please follow and like us:
Read More

CASE-BASED PAYMENT SYSTEM NG PHILHEALT PINAA-AUDIT

rissa12

(NI NOEL ABUEL)

IPINASASAILALIM sa audit ni Senador Risa Hontiveros ang ginagamit na case-based payment system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matiyak na hindi magagamit sa katiwalian at korapsyon ang pondo nito.

“Serious allegations of fraud and financial mismanagement erode public trust in our healthcare institutions and endanger the lives of people by denying them the medical treatment they need. We need to have more stringent procedures to protect the public health sector against bad and abusive practices. And if these procedures are already in place, they sorely need to be revisited and implemented. And those who have failed to implement these processes should also be held accountable,” ani Hontiveros.

Paliwanag nito na lumabas sa ulat na ilang kaso ng overpayment sa mga kaso ng pneumonia, caesarian section, at ang Z package, ang natuklasan ng Commission on Audit (COA) simulan nang iimplementa ang case-based system.

Suportado rin ni Hontiveros ang plano ng PhilHealth na gumamit ng strategic provider payment mechanism tulad ng Diagnosis Related Group (DRG) na kasama sa inamiyendahan sa Universal Health Care (UHC) Law.

“The DRG is a system used to classify various diagnoses for in-patients into groups and subgroups so that insurance can accurately pay the hospital bill. The main idea behind this mechanism is to ensure that reimbursement adequately reflect the fundamental role which a hospital’s case mix plays in determining its costs and the magnitude of resources that the hospital needs to treat its patients,” sabi ni Hontiveros.

Pagpapaliwanagin din ni Hontiveros ang PhilHealth sa kasalukuyang sitwasyon nito at ang anomalya umano sa ahensya.

Samantala, nakatakdang ihain umano nito ang PhilHealth Insurance False Claims Bill upang mapigilan at maiwasan na mangyari muli ang anomalya sa PhilHealth at mapalakas ang anti fraud detection systems nito.

 

Please follow and like us:
Read More

ALOKASYON NG TUBIG POSIBLENG DAGDAGAN

mwss55

(NI DAHLIA S. ANIN)

POSIBLE na umanong dagdagan ang alokasyon ng tubig sa Maynilad at Manila Water, ayon sa National Water Resources Board (NWRB) dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Angat dam.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, posibleng itaas sa 38 hanggang 40 cubic meter per second (cms) ang alokasyon ng tubig para sa mga water concessionaire na sa ngayon ay hindi pa pwedeng ibalik sa normal na 46 cms.

Nasa 99 porsyento na ang naibalik na suplay sa mga kustomer ng Manila Water habang 94 porsyento naman ang sa Maynilad dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Suportado naman ng bagong Administrator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Emmanuel Salamat ang paraan na tipirin muna ang tubig sa Angat dam habang hindi pa ito nakakabawi nang tuluyan.

Isa umano sa mga utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay MWSS Administrator Salamat na tiyaking hindi na mauulit muli ang krisis sa tubig sa susunod na taon.

May mga estratihiya na umano si Salamat upang maging sapat ang suplay ng tubig sa darating na tag-init.

“We will strategize measures to prevent such occurrences,” ani Salamat.

Inaasikaso na umano ngayon ni Salamat ang pagrepaso sa concession agreement o kasunduan ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.

Nais din ni Salamat maragdagan ang pinagkukunan ng tubig upang hindi lang sa Angat dam umaasa ang mga taga-Metro Manila.

 

Please follow and like us:
Read More

KASAMANG AKUSADO NI DE LIMA ARESTADO NG NBI

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

ARESTADO ng mga operatiba ng  National Bureau of Investigation (NBI), ang isa sa kasamang akusado ni Senator Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na kalakaran ng  droga sa National Bilibid Prison (NBP) makaraan ang  dalawang taon pagtatago, Biyernes ng madaling araw sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi ni NBI spokesperson and Deputy Director Ferdinand Lavin na si Jose Adrian Dera  ay nadakip ng NBI  sa bisa ng  warrant of arrest na inilabas  ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC).

Si Dera ay naaresto sa pangunguna ng NBI Special Task Force Chief Gerald Geralde matapos makatanggap ng impormasyon na nakikita sa lugar si  Dera.

Itinanggi naman ni Dera na siya ay kamag-anak ni De Lima.
Magugunita na  nag-isyu ng arrest warrant ang Muntinlupa RTC  noong Nobyembre, 2017 na naging dahilan ng pag-aresto kay de Lima at iba pa niyang kasamang akusado.

Nalaman na si  Dera ay inilarawan bilang isang police asset  na siya umanong tumanggap ng P3 milyon, at tatlong sasakyan mula umano sa drug lord para gamitin ni De Lima sa kanyang kampanya.

Bukod pa na siya rin umano ang nagtrabaho para makalaya ang drug lord na si Peter Co.

Kamakailan, pinayagan ng Muntinlupa RTC ang dalawang araw na furlough ni De Lima para mabisita ang kanyang inang may sakit sa  Iriga City, Camarines Sur at ngayon at nakabalik na sa kanyang detention cell.

Kaugnay nito, itinanggi naman ni De Lima na pamangkin o kakilala niya si Dera.

“He is not a nephew or a relative of mine of any degree. He has not worked for me as an aide or in any capacity,” ayon sa Senador na makabalik na sa PNP Custodial Center matapos mabisita ang kanyang ina.

“May I repeat this for the nth time—I did not demand, solicit, more so receive, directly or indirectly any drug money or any dirty or illegal money from anyone,” dagdag pa ni De Lima.

Please follow and like us:
Read More

PAGCOR SA POGO HUB KINAMPIHAN SA KAMARA

pogohub33

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magkaroon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub upang masiguro na walang Chinese nationals na nagtatrabaho ng iligal.

Ginawa ng mga kinatawan ng ACT-CIS party-list group na sina Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Jocelyn Tulfo ang nasabing pahayag sa gitna ng kontrobersya sa POGO na pinatatakbo ng mga Chinese nationals.

Base sa mga ulat, nais ng PAGCOR na ilagay lang sa isang lugar ang POGO hindi tulad ngayon na kalat-kalat ang mga ito sa Metro Manila.

“This way, the government can further prevent the entries of illegal Chinese workers in the country,” ani Taduran lalo na’t pinaghihinalaan na maraming POGO workers ang ilegal na nagtatrabaho sa nasabing on-line gaming.

Maliban ito, madali na umanong mamomonitor ang operasyon at aktibidad  ng mga POGO dahil magkakaroon na ng kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Immigration (BI) at  Department of Labor and Employment (DOLE) sa POGO Hub.

Subalit ayon kay Taduran, kapag matiyak na pawang mga legal ang pagtatrabaho ng mga Chinese nationals sa POGO hub ay hindi umano dapat kontrolin ang kilos ng mga ito hangga’t walang nilalabag na batas ng Pilipinas ang mga ito.

“If these Chinese workers complies with all the legal documents, they can freely work in the country,” ani Taduran na inayunan naman ni Yap, chair ng House committee on games and amusement.

Samantala, nakatakdang magsagawa si Yap ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naging dahilan kung bakit sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lotto at iba ang numbers game ng ilang araw kamakailan.

 

Please follow and like us:
Read More

‘BER MONTHS’ TRAFFIC NARARANASAN NA — MMDA

edsatraffic55

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NAGPAHAYAG ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang traffic na kadalasan ay nararanasan sa pagpasok ng “BER months” ay napaaga.

“Nasa July-August pa lang po tayo pero ang nararanasan nating pagbigat ng trapiko, parang Disyembre na,” pahayag ni MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago.

“Ayaw ho nating bolahin ang mga kababayan natin. Ang importante ho, may figures sila at alam nila ang tunay nangyayari. Bibigat po tayo pagdating ng ber months,” dagdag pa ni Pialago.

Ayon sa MMDA spokesperson, ang traffic flow sa EDSA’s southbound lane ay 11 kilometers per hour (kph) sa umaga samantalang sa northbound ang mga motorists tumatakbo lamang sa 14 kph sa gabi.

Base sa datos ng MMDA, ang traffic volume sa EDSA ay lumalagpas kada araw sa 601 percent.

Ayon sa MMDA, umaabot sa taas na 380,000 vehicles ang dumaraan sa EDSA kada-araw na meron laman na kapasidad na 54,000.

Ipinahayag pa ng MMDA na ang mga may 66 percent na mga kotse ang nagpapabigat ng traffic, 22 percent naman mula sa mga motorsiklo at 3.48 naman sa mga bus.

Sinabi ng MMDA na isa sa nakikita nilang solusyon sa patinding traffic sa EDSA ay pagtatayo ng mga train sa Metro Manila.

Sa pahayag naman ng Department of Transportation (DOTr), inamin nilang ang pag-sasaayos ng mga rail system ay hindi naman agad maisasayos in just a snap of a finger.

Ayon sa kanila, ang bilis ng takbo ng MRT ay 30 kph na mas mabagal kumpara sa Japan at New York na may bilis na 60 hangang 80 kph.

“Kapag baku-bako po ‘yung riles mo, dagdagan mo pa po ng baku-bako ‘yung mga gulong ng mga bagon mo dahil hindi na-maintain nang maayos, kinakailangan pong ibaba ‘yung operating speed nung sistema,” pahayag ni  DOTr Undersecretary Timothy John Batan.

Sinabi pa nito na sa bansa ay may six hanggang to seven percent lang ng mga commuting public ang gumagamit ng train na malayo sa  sitwayson sa Japan na ang 70 percent of the riding public ay gumagamit ng train.

Dagdag pa nito na matapos lang ang Duterte administration’s “Build Build Build” program projects sa mga bagong train routes at road network ay maaring tumaas ang train rider sa 25 percent.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PONDO SA ELEKTRISIDAD SA BARMM INIHAHANAP NG DOF

(NI BETH JULIAN)

KUMIKILOS na ang Department of Finance (DoF) para mahanapan ng pondo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa suplay ng kuryente sa mga nasasakupan nitong lugar lalo na ang mga tinaguriang ‘underserved island-provinces’.

Sinabi ni Finance Usec. Carlos Dominguez III na nagpulong na sila hinggil dito ni BARMM chief Minister Al Hajj Murad Ibrahim.

Dito ay natalakay kung paano mapopondohan ang electrification ng rehiyon.

Isa sa posibleng magsilbing source ng funding ayon kay Dominguez ay magmumula sa Islamic Countries sa gitnang Silangan.

Ito ayon kay Dominguez ay magandang pagkakataon para sa mga middle east countries na makapagbigay ayuda, hindi lamang para sa electrification program ng mga lugar sa Mindanao na hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente, kungdi ay para na rin sa ikakasang infrastructure projects doon.

“This is an opportunity for the Middle Eastern countries to assist in providing for infrastructure projects in the BARMM area,” pahayag ni Dominguez kay Murad.

Iminungkahi naman ng mga opisyal ng BARMM na simulan ang electrification program sa mga lalawigan ng Basilan, Tawi Tawi, Sulu at Bongo Island sa Cotabato City.

 

Please follow and like us:
Read More

LIFESTYLE  CHECK SA CABINET MEMBERS INIHIRIT NG PACC

(Ni BETH JULIAN)

HINIMOK ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na boluntaryong isumite ang kanilang mga sarili para sa lifestyle check.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, mas magiging honorable ang dating ng mga Cabinet offiicals kung magkikasa na ipasuri ang uri ng kanilang pamumuhay.

Pero nilinaw ni Belgica na hindi naman niya pinipilit ang mga opisyal bagkus ay nasa kanila nang pasya kunv gusto nilang boluntaryong isumite ang sarili sa lifestyle check.

Idinagdag pa ni Belgica na mainam sana kung pati ang mga opisyal sa ilalim ng Office of the President ay mapasailalim din sa lifestyle check upang magkaroon ng moral ascendancy sa kanilang pamumuno.

Nauna nang boluntaryong nagpa imbestiga o nagpasailalim sa lifestyle check sa PACC si Transportation Secretary Arthur Tugade gayundin si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

 

Please follow and like us:
Read More