PRANGKISA NG 3 BROADCASTING FIRM, NILAGDAAN NI DU30

(NI BETH JULIAN)

TULUY-tuloy na sa operasyon ang tatlong broadcasting firms matapos opisyal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapalawig ng 25 taon sa prangkisa nito.

Noong Agosto 8 nang pirmahan ng Pangulo ang franchise renewals ng SolidNorth Broadcasting System, Inc.  sa ilalim ng Republic Act 11366;  Mareco Broadcasting Network, Inc.  sa ilalim ng RA 11367, at Radio Audience Developers Integrated Organization, Inc. sa ilalim naman ng RA 11368).

Ang SBS ay nakabase sa Vigan City Ilocos Sur, saan ito ang pinagmumulan ng balita at impormasyon para sa mamamayan ng lalawigan at kalapit-lugar.

Ipinanukala ang batas para sa franchise extension ni Ilocos Sur Representative Deogracias Victor Savellano.

Ang MBN naman, simula ng maitatag noong 1963, nakapagtayo na ito ng limang commercial radio stations  na Crossover FM sa Maynila, Bacolod, Cebu, Davao, at Baguio.

Una namang nabigyan ng prangkisa noong 1995 ang Radio Audience Developers Integrated Organization

Please follow and like us:
Read More

LADY EAGLES, LADY FALCONS DUMAGIT

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY MJ ROMERO)

NAGTALA ang Ateneo Lady Eagles ng 4-set win sa pangunguna ni rookie Faith Nisperos laban sa Colegio de San Juan de Letran Lady Knights, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, sa kanilang debut sa  2019 PVL Collegiate Conference, Sabado sa FilOil Flying V Centre.

Habang ang Adamson University Lady Falcons, na binubuo ng mga batang manlalaro, ay nanaig laban sa sa San Beda Lady Red Spikers sa straight sets, 25-18, 25-22, 25-16.

Si Nisperos ay nagsumite ng 19 points mula sa 17 attacks at two aces.

Buhat sa 13-14 deficit sa 4th set, nag-init si Vanie Gandler, sa service area, kung saan apat na aces ang kanyang ibinato tungo sa 6-0 run ng Lady Eagles na nagbigay sa kanila ng 5-point lead.

Umatake si Nisperos nang maghabol ang Lady Knights para ibalik sa kontrol ang Ateneo.

Nag-ambag si Gandler ng 15 points, pito mula sa aces, bukod pa sa 15 excellent digs.

Habang sina Erika Raagas at Julia Samonte ay may tig-11 at 8 points.

Malaking tulong din ang ibinigay ni Dani Ravena sa depensa sa kanyang 23 excellent digs at 10 excellent receptions.

Sunod na kalaban ng Ateneo sa Sabado (Agosto 24) ang San Sebastian Lady Stags.

Nanguna si Trisha Genesis na may 16 points (13 attacks at three aces), para sa Adamson na nagsalang ng 10 rookie players sa laro.

Makakasagupa ng Adamson sa Linggo (Agosto 25) ang San Beda.

Please follow and like us:
Read More

PAG-BAN SA GOV’T SPENDING TUWING ELECTION TIME KINONTRA

congress12

(NI ABBY MENDOZA)

SA katwirang maraming proyekto ng gobyerno ang naantala tuwing panahon ng eleksyon, isinusulong ni Ako Bicol Party-list Rep Alfredo Garbin Jr. na ire-evaluate ang ipinatutupad na ban.

Paliwanag ni  Garbin tapos naman nang sumailalim sa proseso at kadalasan ay nailalatag na ang proyekto subalit inaabutan ng election ban kaya hindi agad naipatutupad.

Kadalasan umano ay inilalabas ng Department of Budget and Management ang pondo sa first quarter ng taon para maipatupad sa second quarter subalit sa ganitong panahon nag-uumpisa ang spending ban.

Naniniwala ang mambabatas na ang ganitong ban ang balakid para sa tuloy tuloy na paglago ng ekonomiya.

Nakasaad sa Omnibus Election Code ang pagbabawal sa gobyerno na maglabas ng pondo at materyales para sa public works sa loob ng 45  araw bago ang eleksyon.

Ayon naman sa Commission on Elections (Comelec) na kanilang ikinokonsidera ang hiling ng Malacañang na ma-exempt ang mga proyektong nasimulan na pati na ang soft projects na may humanitarian reasons.

Subalit para kay Garbin, kung naaprubahan na ang proyekto ay mainam na hindi na isama sa ban dahil lubha umanong matagal ang 45 days na ban na marami nang natapos na proyekto.

 

Please follow and like us:
Read More

El NINO TASK FORCE BINUHAY

EL NINO12

(NI BETH JULIAN)

KASUNOD ng babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muling binuhay ng Malacanang ang El Nino Task Force.

Ito ay sy natapos i-anunsyo ng PAGASA na may 75 porsyentong posibilidad na tatama ang El Nino phenomenon mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 38 saan binuo ang task force na layong magpatupad ng short at long term solutions para matiyak ang sapat na supply ng pagkain, tubig at enerhiya, protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at palakasin ang tugon ng bansa pagdating sa kalamidad at sakuna.

Pamumunuan ng kalihim ng NEDA, katuwang ang Department of Agriculture, DOE, DENR, DOH, DILG, DOST, DND, DSWD, NDRMMC, DOLE, DTI, PCOO TESDA, NFA, NIA at PAGASA ang nasabing Task Force.

Partikular sa trabaho ng Task Force ay ang mag ulat ng mga update kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us:
Read More

PHILHEALTH BUDGET HAHARANGIN

(NI ABBY MENDOZA)

SA pagsisimula ng budget hearing sa susunod na Linggo, agad na nagbanta si
Anakalusugan Partylist Rep.Mike Defensor na haharangin ang pondo para sa 2020 ng Philippine Health Insurance Corp. ( Philhealth).

Ang banta ng mambabatas ay kasunod na rin ng anomalyang kinasasangkutan ng Philhealth lalo sa mga ghost beneficiaries.

Isa pa sa isyung nais linawin ni Defensor sa oras na sumalang sa budget deliberations ang Philhealth ay ang ginawa nitong pagpigil sa Commission on Audit (CoA) na suriin ang 2018 benefit claims expenses nito.

Ani Defensor, kanyang kukumbinsihin ang Committee on Health na harangin ang pondo ng Philhealth hangga’t hindi naipaliliwanag ng mga opisyal nito kung paano ginastos ang benefit expenses.

Base umano sa report na hawak ni Defensor, gustong suriin ng COA ang All Case Rates (ACRs) transactions o ang data base na naglalaman ng lahat ng medical claims sa Philhealth noong nakaraang taon na may inilaang budget na P62.693 billion ngunit hindi ito pinapayagan ng Philhealth.

Ani Defensor kaduda-duda ang makailang ulit na nagpaabot ng verbal at written request ng state auditor na ma-access ang buong ACRs ng tanggapan ngunit hindi ito tumatalima.

Ang aksiyon umano ng Philhealth ay tila pagpapatibay lamang sa mga anomalya na bumabalot sa ahensya.

Please follow and like us:
Read More

ANTI-INSURANCE FRAUD UNIT VS PHILHEALTH

gordon12

(NI NOEL ABUEL)

IPINANUKALA ng isang senador na bumuo ng isang anti-insurance fraud unit sa National Bureau of Investigation (NBI) na sesentro sa pag-iimbestiga sa lahat ng transaksyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Comittee, ang nasabing unit ng NBI ang tanging gagalaw laban sa korapsyon at katiwalian sa Philhealth at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Sa ginanap na pagdinig ng nasabing komite, nabunyag ang nagaganap na mga katiwalian sa Philhealth ng mga opisyales nito.

Giit ni Gordon, ang nasabing unit ay paglalaanan ng pondo para maging matagumpay sa paghahanap ng ebidensya laban sa mga tiwaling tauhan ng Philhealth.

“Lalakihan natin iyon kung saka-sakali at lalagyan ng budget sapagkat kailangang bantayan ang PhilHealth ng talagang mga magagaling na imbestigador. Dapat nakatutok iyan diyan,” aniya.

Ang mga impormasyong makukuha umano ng anti-fraud unit ay makukuha sa ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS) at ang Philippine Veterans Office (PVAO).

“Lahat ng may sakit na Pilipino, apektado diyan. Kung talagang kailangan ng tulong sa ospital, iyan ang hinahabol nila. Kaya nga inilagay iyan para nang sa ganoon, matulungan natin ang mga kababayan natin na hirap at nagpipighati. At tandaan po natin na walang mamamayan ng Pilipinas ang dapat maging mahirap nang dahil lamang sa kanilang sakit. Ang vision ng PhilHealth ay bawat Pilipino, miyembro. Protektado dapat ang kalusugan ng lahat at ang benepisyong pangkalusugan ay sapat at de kalidad,” sabi ni Gordon.

 

Please follow and like us:
Read More

TAAS-PRESYO SA PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO

PETROLYO-9

(Ni ROSE G.PULGAR)

MAY nakaambang na namang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo (Agosto 20).

Sa anunsyon ng ilang mga kompanya ng langis tulad ng Caltex at Petro Gazz, nasa P0.75 kada litro sa diesel at tig-P0.50 centavos naman sa gasolina at kerosene ang posibleng dagdag na ipapatupad sa susunod na Martes ng umaga.

Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Please follow and like us:
Read More

DEPED, NAGPALIWANAG SA NAKATENGGANG MGA LIBRO

DEPED SEC BRIONES

(Ni KEVIN COLLANTES)

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang mga textbooks na sinasabing hindi nagamit at nakatambak lamang sa kanilang mga bodega, ay pawang ‘buffer stocks’ lamang na ipinamamahagi at ginagamit nila sa panahon ng mga kalamidad at sakaling magkaroon nang biglaang pagdami ng enrollment ng mga estudyante.

Ito ang ipinaliwanag ni Education Secretary Leonor Briones, kasunod ng inilabas na 2018 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA), na nagsasaad na ang DepEd ay mayroon umanong nakakaalarmang bilang ng mga ‘undistributed instructional materials’ na nagkakahalaga ng P113,708,595, bilang ‘buffer stock’ mula Calendar Years 2014 hanggang 2017.

“Buffer stock refers to the efforts of the Department that whenever there are natural calamities, whenever there are earthquakes, whenever books are destroyed, then we have stocks on hand,” ayon naman kay Briones.

Aniya, itinatakda ng DepEd Order no. 46, s. 2010, o ang ‘Policies and Guidelines on the Allocation of Textbooks and Teacher’s Manuals,’ na kinakailangang maglaan ng buffer stock para sa mga textbooks (TXs) at teacher’s manuals (TMs) na katumbas ng 10% ng projected enrollment para sa school year, kung kailan ito ide-deliver.

“The buffer stock shall answer for replacements for losses and/or damages of TXs, for increase in enrolment, and for meeting the requirements of newly established/created schools,” anito pa.

Sa pinakahuling inventory umano ng Bureau of Learning Resources (BLR) ng DepEd, mayroong 137 titulo ng libro, na pawang nasa mother tongue, ang may buffer stocks sa kanilang bodega.

“By simple average, the buffer stock for each title is just close to 25,000 pieces per title. The actual inventory of buffer stock for each title ranges from 10 pieces to 179,000,” paliwanag ng DepEd.

Anang kalihim, kung ang simple average cost per unit ay ibabase sa P113.7 milyon na halaga at 3.4 milyong piraso ng libro, lumilitaw na bawat unit ay nagkakahalaga lamang ng P33.34.

Mula taong 2016 hanggang 2018 umano ay nakapag-deliber ang DepEd ng 81,892,080 textbooks na may iba’t ibang titulo sa buong bansa at ang naturang 3.4 milyong buffer stock na tinutukoy ng COA sa kanilang report ay 4.2% lamang ng kanilang total deliveries.

Tinukoy rin niya ang insidente sa Dumaguete City, kung kailan kaagad na naipadala ang buffer stocks, sa isang paaralang nasunog, gayundin sa isang paaralan sa liblib na lugar, na wala pang natatanggap na textbooks.

Samantala, tiniyak naman ni Briones na mayroon na silang mga inisyatiba para sa isang mas ‘proactive’ na sistema nang pagdedeliber ng mga textbooks, kabilang dito ang pag-iimbak na ng mga buffer stocks sa mga lugar na malapit sa mga lugar kung saan ito maaaring kailanganin.

Bukod aniya sa lokal na prepositioning ng buffer stocks, maglalaan na rin ang DepEd ng bahagi ng naturang buffer stocks para sa Last Mile Schools Program.

Please follow and like us:
Read More

TEENAGE PREGNANCY NG ESTUDYANTE IKINABAHALA NG DEPED

deped65

(NI MAC CABREROS)

TATALAKAYIN sa August 22 Summit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ilang sektor ang epekto ng teenage pregnancy, sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataan saan karamihan ay mga istudyante.

“The summit aims to share information and data on early pregnancy, and understand its education, health, and development dimensions; understand the risks and contributory factors to early pregnancy; identify common ground and existing interventions; and formulate platforms or movement with diverse identities for
stakeholders to continue policy advocacy and program implementation to address the concern,” pahayag organizer ng summit.

Nauna rito, natukoy ng Department of Education (DepEd) na bagama’t tumataas ang participation rate, nagiging sanhi ng dropout ang maagang pagbubuntis ng mga estudyante.

Sa panayam ng Saksi Ngayon, sinabi Education Secretary Leonor Magtolis Briones, problema sa pamilya at maagang pakagmulat sa environment ng makabagong teknolohiya ang ilan sa natukoy nilang ugat
ng teenage pregnancy sa mga estudyante.

Aniya, ito (problema sa pamilya at teenage pregnancy) ang una sa dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ng mga estudyante kasunod ang kakulangan o kawalan ng interes na mag-aral habang pumapangatlong dahilan ang kahirapan.

“Now, poverty is not the main reason for a child to stop schooling,” sabi ni Briones at binanggit na dati ay una ang
kahirapan ang dahilan ng dropout. “It is because the economy has improved,” dugtong nito.

Sinabi pa Briones na tumataas ang participation rate dahil bumabalik sa pag-aaral ang mga nagdrop out nang ipatupad ang Kto12 program.

Sa datos ng DepEd, umakyat sa 370,000 ang bilang ng mga mag-aaral noong 2016 mula sa 158,000 noong 2015.
Base naman sa National Demographic and Health Survey ng Department of Health noong 2017, siyam na porsyento ng edad 15-19 ang nagdadalantao. Hindi ito nalalayo sa NDHS ng Philippine Statistics Authority.

 

 

Please follow and like us:
Read More