PALASYO DUMISTANSIYA SA HIRIT NA MANDATORY AUTOPSY

kian44

(NI BETH JULIAN) NASA pagpapasya ng mga mambabatas kung papaboran ang hirit ni Senator Francis Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng questionable circumstances. Ito ang tugon ng Malacanang  kasabay ng pahayag ni Presidential Spokesperson  Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na gawin o maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa. “Hindi makikiaalam ang ehekutibo sa gawain ng sangay ng lehislatura,” pahayag n Panelo. Ang panukala ay inihain ni Pangilinan kasabay ng…

Read More

NEXT SPEAKER GINAWANG PDP-LABAN LEADER SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) BILANG preparasyon marahil sa pagpapalit ng liderato ng Kamara, itinalaga na ng administration party na PDP-Laban si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang lider ng kanilang partido sa Kamara. Si Velasco ang kapalit ni House Speaker Allan Peter Ceyatano ng miyembro ng National Party (NP) sa Oktubre 2020 matapos magkasundo ang dalawa sa term-sharing sa liderato ng Kamara sa natitirang tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan. “I am humbled and honored by the decision of the leadership of PDP-Laban to appoint yours truly as party…

Read More

HERNANDEZ: IMPRESIBONG ROOKIE

paolo44

LIMANG sunod na talo ang nakamtan ng Mapua University sa ongoing Season 95 ng NCAA men’s basketball tournament. At nais nilang putulin iyon doon. Kaya naman isang mapangahas na rookie ang nagtangkang iangat sa putikan ang Cardinals, at siya ay nagtagumpay. Siya ay si Paolo Hernandez. Naging instrumento si Hernandez sa back-to-back wins ng Cardinals laban sa Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University. “Siyempre, sabi nga ni coach, saan pa ba kami pupunta? 0-5 na kami eh,” lahad ni Hernandez patungkol nga sa kanilang pangit na simula sa season.…

Read More

AFTER JAMES KAKALAS NA RIN BA SI NADINE SA VIVA?

(NI ASTER AMOYO) HUMUPA na ang isyung Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto at maging ang John Lloyd Cruz-Ellen Adarna hiwalayan ay pasulput-sulpot na lang. Ang tila mainit ngayon ay ang pagkalas ni James Reid sa kanyang home studio of five years, ang Viva Artists Agency (VAA). Sinubukan naming kunin ang panig ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario pero hindi muna ito nagbigay ng komento. Pero maglalabas daw sila ng official statement one of these days. Naging big winner man ng “Pinoy Big Brother: Teen Clash” in 2010…

Read More

PALASYO NAIS NG RESPETO SA CHINESE NAVY SA SIBUTU STRAIT

(NI BETH JULIAN) SINANG-AYUNAN ng Malacanang ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawang paulit ulit na pagdaan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi ng Chinese Navy nang walang paalam sa pamahalaan ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, aminado ang Malacanang na nakapipikon ang paulit-ulit na ginagawa ng China dahil hindi naman ganoon ang gawain ng dalawang magkaibigan sa inaasal ngayon ng China. Katwiran ni Panelo, ang patuloy na ginagawa ng China ay malinaw na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the…

Read More

SPECIAL AUDIT SA PHILHEALTH IGINIIT

(NI NOEL ABUEL) IPINAKIKILOS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) sa gitna na rin ng nabunyag na korapsyon at katiwalian sa ahensya. Sinabi ni Drilon na nababahala ito sa mga problemang kinakaharap ng state health insurer, gayong nagsa-subsidize ng Philhealth ang malaking bahagi ng hospital bills at iba pang pangangailangang medical ng mga pasyente. Sinasabing aabot na  sa P26 billion ang net operating loss ng PhilHealth sa nakalipas na limang taon, bukod pa rito…

Read More

POWER RATE TATAAS DAHIL SA RENEWABLE ENERGY

meralco121

(NI BERNARD TAGUINOD) KAHIT hindi pa naitatayo at napakikinabangan ng mga consumers ang mga planta ng kuryente mula sa solar, wind, hydro at iba pa ay sisingilin na ng dagdag na bayad ang mga ito lalo na sa mga customers ng Manila Electric Company (Meralco). Ito ang dahilan kaya nagpatawag ng imbestigasyon si Surigao del Norte Rep. Robert Ace  Barbers upang harangin ito dahil luging-lugi umano nito ang mga consumers ng Meralco. Ayon sa mambabatas, simula ngayong buwan (Agosto) ay madagdagan P0.406 kada kilowatt hour ang mga consumers ng Meralco, ayon…

Read More

DAGDAG PENSIYON SA PINOY WAR VETS ISINUSULONG

(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita para sa lahat ng Filipino war veterans at sa pamilya ng mga ito. Ito ay matapos na ihain ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang panukalang Senate Bill no. 456 na naglalayong dagdagan muli ang tinatanggap na buwanang pensyon ng mga beterano sa buong bansa na P3,000. Nabatid na noong nakalipas na buwan lamang nang pagkalooban ng P15,000 dagdag na pensyon kada buwan ng lahat ng Filipino war veterans at ngayon naman ay kasama na ang kanilang mga dependents. “This bill aims to further this policy by…

Read More

‘INFORMAL SETTLERS MUNA BAGO DAYUHAN’

(NI NOEL ABUEL) BINATIKOS ng isang senador ang patuloy na pag-okupa ng mga dayuhan sa mga condominums habang nagsisiksikan naman o naninirahan sa mga maliit na bahay ang mga informal settlers. “Why do foreigners have first dibs on condos while destitute Filipinos are jam-packed in shanties in the country’s urban centers?,” tanong ni Senador Francis Pangilinan. Nakikita ni Pangilinan na sagot sa problema ng kawalan ng tahanan ng mga Filipino na buhayin ang legasiya ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na on-site, in-city…

Read More