DRILON, PING, SOTTO, NAGKONTRAHAN VS HIGH PROFILE CONVICTS

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGKONTRAHAN sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa isyu ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat ang 10 high profile inmates mula sa New Bilibid Prisons (NBP) patungong Philippine Marines.

Ayon kay Sotto, wala siyang nakikitang masama sa kautusan ng Pangulo lalo pa kung naglabas na rin ng release order ang Department of Justice (DOJ).

“Pwede yun, ‘pag pinayagan ng DOJ yun. Custody nila yun eh. Hawak ng DOJ eh kaya may karapatan sila,” saad ni Sotto.

Sinabi naman ni Drilon na dapat mayroon pa ring court order bago inilipat ng kustodiya ang 10.

“Under the law, there are these prisoners where we incarcerated is by order of the court. When the court convicts, the court directs kung saan ka ikukulong,” saad ni Drilon.

“And you are supposed to stay there and the custodial, in this case, the Bureau of Corrections, is responsible to the Court,” dagdag pa ng senador.

Sinabi naman ni Lacson na wala nang hurisdiksyon ang korte sa 10 inmates kaya’t hindi malinaw kung saang korte pa sila kukuha ng order.

“Ang isang view riyan, kasi wala nang jurisdiction ang korte riyan. Saang korte kukuha ng order? Tapos na ang jurisdiction ng korte, na-convict na. Ang may poder diyan, pupunta na sa executive department na pinaka-Chief Executive, ang Pangulo,” saad ni Lacson.

“Ang tanong kung kailangan ng court order, kaninong korte ka kukuha ng permiso? Kung may pending na kaso halimbawa iniimbestigahan pa, naka-pending sa korte, di mo pwede basta ilabas. Siyempre paalam ka sa court na naglilitis. E wala nang nililitis unless ang iba roon may pending na kaso sa korte aside from their conviction. Pero ang tanong kung kailangan ng permiso sa korte, wala nang jurisdiction ang court,” paliwanag pa nito.

Duda naman si Lacson na may posibilidad pang makaimpluwensya si Senador Leila de Lima.

“I’ll be very objective sa opinion. Nakakulong na ang ale eh. May impluwensya pa ba yan? Kung SOJ siya masasabi nating may influence pa siya sa loob pero nakakulong na for how many years, mag-3 taon na yata. Anong influence pa, sino pa susunod sa kanya unless pinabinayaran?” diin ni Lacson.

“Para sa akin, hindi na logical para isipin na may influence pa siya roon, papakinggan pa rin siya, unless meron siya naging personal friend doon na matibay ang kanilang pinagsamahan. Pero kung gagamitin lang ang kanyang influence being a former SOJ or even a senator, di ko makita anong influence ang pwede niyang i-wield sa sinasabi niyang naroon pa sa loob,” dagdag pa ng senador.

Please follow and like us:
Read More

BILYONG BUDGET NG OP, TAMA LANG — ROMUALDEZ

martin100

(NI ABBY MENDOZA)

IPINAGTANGGOL ni House Majority Leader Rep. Martin Romualdez ang pagtaas ng budget ng Office of the President (OP) sa katwirang kailangan ang malaking pondo para masiguro ang maayos na serbisyo.

Kamakalawa ay inaprubahan ng House Appropriations Committee sa loob lamang ng pitong minuto ang P8.2 bilyon pondo ng OP para sa susunod na taon, mas mataas ito ng 21% kumpara noong 2019 na nasa P6.8 bilyon.

“The necessary financial support for the Office of the President is needed to secure the nation and provide better and meaningful service to the people,” paliwanag ni Romualdez.

Dinepensahan naman ni Appropriations Committee Chair Isidro Ungab ang mabilis na pag-apruba sa budget ng OP nang hindi pa nakapagprisinta si Executive Secretray Salvador Medialdea, aniya, kurtosiya lamang ito ng Kamara .

” The same traditional courtesy was accorded to the 2020 national budget of the Office of the Vice President (OVP), judiciary, constitutional commissions and departments headed by former members of Congress like the Department of Information and Communications Technology (DITC) being led by Secretary  Gregorio ‘Gringo’ Honasan,” paliwag ni Ungab.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PANG TESTIGO SA GCTA FOR SALE, IHAHARAP SA SENADO 

tito sotto

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na dalawa pang testigo ang ihaharap nila sa pagdinig ng Senado na magpapatunay ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Sotto, inaayos lamang nila ang isyu sa seguridad ng dalawang testigo subalit kung hindi man aniya makaharap ang mga ito ay ipiprisinta ang kanilang mga salaysay.

“Meron na talaga dalawa na kumontak sa atin. Isa taga-loob, isa dating opisyal. So meron na talaga before that kaya lang parehong may security concern pero more or less meron na kami idea,” saad ni Sotto sa panayam sa DWIZ.

“Kung maaayos namin ang security concern ng isa tiyak na tiyak, yung pangalawa medyo alanganin pa,” dagdag pa ni Sotto.

Kinumpirma rin ng senador na mayroon pang hiwalay na mga testigo na magpapatibay sa mga naunang pahayag ni Yolanda Camelon.

Matatandaang humarap si Camelon sa Senado at isinalaysay ang personal nitong karanasan kaugnay sa GCTA for sale.

Sinabi ni Sotto na dahil sa mga testigong ito malinaw na malinaw na ang sinasabing negosyo sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP), bukod sa isyu ng droga.

“100% wala nang kaduda-duda. Wala nang dapat iduda talagang nagbebentahan at nagpapalit ng pera sa loob ng NBP. Hindi lang GCTA for sale. Marami talang pinagkakakitaan doon,” diin pa ni Sotto.

Posible rin naman aniyang bulag  si dating Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon sa kalakaran subalit may posibilidad din na nakarating din ito sa kanyang kaalaman.

“May posibilidad na blindsided sya (Faeldon) kasi hindi naman siya pumapasok sa loob at mga taong nakapaligid lang sa kanya binubulag siya. Pero may posibilidad din na natunugan niya,” dagdag ng lider ng Senado.

Ipagpapatuloy ng Senado ang pagdinig, sa Lunes ng alas-10 ng umaga.

Please follow and like us:
Read More

P9.2B KINITA SA RICE TARIFFICATION LAW, IBINIDA

(NI ABBY MENDOZA)

IBINIDA ng Department of Agriculture (DA) na aabot sa P9.2 B  ang nakolektang taripa mula sa mga iniaangkat na bigas mula sa ibang bansa.

Sa pagtatanong ni Albay Rep. Edcel Lagman sa budget briefing ng DA sa Kamara, sinabi ni Agriculture Secretary  William Dar na simula nang maipatupad ang Rice Tariffication Law(RTL) na nagtatanggal sa Quantitave Restriction (QR) ng mga iniaangkat na bigas ay bilyon na ang nakokolektang taripa mula sa mga rice imports.

Ang nasabing halaga ay sa unang dalawang quarter pa lamang ng taon at bago matapos ang 2019 ay papalo pa ito ng hanggang P P15 bilyon.

Samantala, nilinaw ni Dar na sa gitna ng pagbaba ng presyo ng kada kilo ng palay ngayon sa merkado ay sa bandang huli ay ang mga magsasaka pa rin ang makikinabang dahil na rin sa pagpapatupad ng RTL.

Ginagarantiya umano sa RTL na P10 billion  kada taon na halaga ng Rice Enhancement Competitive Fund (RCEF) ang ibibigay na ayuda sa mga magsasaka bilang pangunahing apektado ng RTL.

Noong Agosto lamang aniya  nailabas ang special release order (SARO) para sa paunang P5 bilyon na RCEF kaya hindi pa ito naipamamahagi sa mga magsasaka subalit sa oras na umano na maipamahagi ito ay malaking tulong sa mga magsasaka.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAWAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO

oil34

(NI ROSE PULGAR)

PINANGUNAHAN  kaninang umaga ng Phoenix Petroleum ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng nasabing kompanya nasa P0.50 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina at P0.10 kada litro naman sa diesel na epektibo,  Sabado ng alas-6:00 ng umaga.

Ang nakaambang bawas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang oil price rollback ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN GINISING NG MGA BULAKLAK NI DANIEL

(NI LOURDES FABIAN)

ANG ganda-ganda ng gi­sing ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo noong Thursday morning as she received a bouquet of flowers from her boyfriend Daniel Padilla.

Mismong si Min Bernardo, the mother of Kathryn, ang naglabas ng update sa Instagram where she revealed that even she received a bouquet of red roses from the actor.

“Ang aga naman dumating ni Primo, tulips talaga! And sa akin pa red roses. THOU lang talaga ang peg, DJ?” inilagay niya sa caption na ang tinutukoy ay ang last film nila ni Daniel na The Hows Of Us.

“Thank you so much my son. Huwag lang akong si tita Lola ha? Hehe! Kidding aside, thank you for being thoughtful as always. Huwag ka lang magbabago and we’re here as your second family,” dagdag pa niya.

Una nang nagpadala ng kanyang emotional letter si Kathryn para kay Daniel kung saan pinasalamatan niya ang nobyo for his unwavering support throughout the making of her movie Hello, Love, Goodbye with new leading man Alden Richards.

Marami ang kinilig sa sweet gesture ni Daniel towards Kathryn and her mom.

                                                                               ###

Isang linggo na lang at magaganap na ang inaabangan ng lahat na ABS-CBN Ball 2019 na magaganap sa September 14, 2019. Taun-taon ay inaabangan ang one of the most-awaited events.

Kaya naman marami ang nadismaya nang malamang nagpadala ng letter of regret si John Lloyd Cruz sa invitation para sa ABS-CBN Ball. Dismayado ang kanyang mga tagahanga na hindi nila muling makikita ang aktor. Noong isang taon, ay nag-beg off din ang aktor sa nasabing big event dahil hanggang ngayon ay nananatiling naka-indefinite leave siya sa kanyang home network. So, kung hindi dadalo sa nasabing ball si Lloydie ay huwag na kayong umasang dadalo ang kanyang partner na si Ellen Adarna.

Anyway, makikita pa rin naman uli si John Lloyd dahil tuloy na tuloy na ang paggawa niya ng movie with Star Cinema.

Kailan naman kaya magaganap ang kanyang comeback movie at sino ang kanyang makakasama?

“Baka for next year na,” sagot ng source.

“Si Bea Alonzo ang makakasama niya,” dagdag pa ng source. Kaya huwag na kayong madismaya dahil makikita uli at mapapanood uli ninyo si John Lloyd sa big screen.

Kung matutuloy na nga ang comeback movie ni John Lloyd sa Star Cinema next year, nangangahulugan kayang tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya sa 2020? Umaasa ang marami niyang tagahanga na ito na ang simula ng pagbabalik-showbiz ng magaling na aktor.

 

 

Please follow and like us:
Read More

AFP TUTULONG SA PAG-ARESTO KAY JOMA, 37 IBA PA

(NI AMIHAN SABILLO)

HANDA ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumulong sa Philippine National Police (PNP) at sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagdakip kay CPP founding chairman Joma Sison at 37 lider at miyembro ng  komunistang grupo.

Sakali umano na mag-isyu ng warrant of arrest si Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Regional Trial Court Branch 32 sa Manila, kaugnay na rin sa mga kasong 15 counts of murder na may kaugnayan sa Inopacan massacre, ay hindi sila mag-aatubiling arestuhin ito.

Inihayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, na sa kabila na nahuli ang pag-isyu ng warrant of arrest, maituturing pa rin itong victory lalo na sa mga pamilya ng mga biktima ng heinous crime.

Samantala, sinigurado naman ng AFP na hindi sila titigil hangga’t hindi naaaresto ang mga lider at miyembro ng CPP para mabigyang katarungan ang pagkamatay ng mga biktima.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan umano ang AFP sa Department of Foreign Affairs(DFA) Department of Justice(DOJ) at International Police(IP) para mahuli si Sison na sa ngayon ay nasa ibang bansa.

Matatandaan na ang Inopacan massacre ay naganap sa Mt. Sapang Dako, Barangay Culisihan, Inopacan, Leyte noong 1985. Nasa 67 ang namatay dahil sa rebel purge kung saan narekober lamang ang kanilang mga labi noong Aug 28 2006.
 

Please follow and like us:
Read More

20 HPG FEMALE STRIKE FORCE AALAGWA NA SA EDSA

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NASA 20 female strike force ang idineploy ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa EDSA na tutulong sa pagmando ng traffic sa EDSA.

Ayon sa pahayag ng MMDA, ang 20 female strike force na idineploy ng HPG ay pauna pa lamang at masusundan pa sa mga susunod na araw lalo na ngayong bumibigat na ang traffic sa EDSA dahil sa pagpasok ng ‘BER’ months.

Bukod sa pagtulong upang mapabilis ang daloy ng traffic sa EDSA, ang mga babaeng motocycle- riding cops ay naatasan din na magbigay tulong o magresponde sa anumang aksidente sa kalsada.

Base sa report, ang 20 babaeng motorcycle-riding cops ay inatasang magbigay responde sa anumang sitwasyon sa kalsada lalo na sa mga choke points sa area ng Cubao-Makati.

“Bilang HGP ‘yun naman po talaga trabaho namin na tumulong sa EDSA para maibsan ang traffic,” pahayag ni Judy Ann Maata, tumatayong team leader ng grupo.

“‘Yung proper training po namin sa pagmomotor may confidence po kami na pag pinalabas kami, ready po kami sa anumang situation na kailangan puntahan,” dagdag pa ni Maata.

Hiniling din ng mga babaeng police officers sa mga drivers at motorists na sila ay irespeto pati na rin ang mga regulasyon sa kalsada.

“Hindi naman sa katakutan pero kung susunod lang sila sa batas and hindi naman sila magvi-violate, wala naman pong problemang mangyayari,” pahayag ni Maata.

Base sa datos ng MMDA ay nasa 402,000 sasakyang ang dumadaan sa EDSA araw-araw na sobra sa kapasidad na 100,000.

 

Please follow and like us:
Read More

VOTER REGISTRATION SA MALLS MAGSISIMULA NA

comelec

(NI HARVEY PEREZ)

AARANGKADA na ang voter registration sa ilang malls sa buong bansa matapos lumagda ng kasunduan ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) at Robinsons mall.

Sa ilalim ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) ng Comelec at ng mga opisyal ng Robinsons, bubuksan ang may 52 malls nila sa buong bansa, kung kailangan ng poll body, para magamit sa voters registration.

Dumalo sa naturang MOA signing sina Comelec Chairman Sheriff Abas at Comelec Spokesperson James Jimenez, at sina Mr. Irving Wu, Operations Director, at Ms. Tess Miranda, Special Projects Manager ng Robinsons Land Corporation (RLC).

Ayon kay  Jimenez, target matapos ang arrangement para sa mall registration sa susunod na linggo.
Isasagawa umano ang mall registration tuwing weekend at posible ring magkaroon ng weekdays sa ilang lugar, depende sa pangangailangan.

Inaasahan ng  Comelec na sa tulong ng kanilang mga satellite registrations ay tataas pa ng 50% ang bilang ng mga nagpaparehistro sa oras na masimulan ang mall registration dahil makapagpaparehistro na rin maging ang mga kababayan nating hindi nagpaparehistro dahil sa inconvenient sa kanilang magtungo sa mga tanggapan ng Comelec.

Una nang  nagsimula ang voters registration noon pang Agosto 1 at tatagal hanggang Setyembre 30.

Sinabi rin ni Abas na kung matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo, 2020 ay hindi na nila palalawigin ang voter’s registration na ginagawa ngayon sa bansa.

 

Please follow and like us:
Read More