SANCHEZ ‘NAGATASAN’ DIN SA GCTA FOR SALE

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MALAKI ang posibilidad na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Paniniwala ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon kasabay ng pagdududa sa maluwag na paglabas-pasok ng common-law wife ng dating alkalde na si Elvira Sanchez. “I think so. Sa case ni Sanchez, nakita natin yung common-law wife niya, kayang-kayang pumunta doon sa Muntinlupa sa office ni (Nicanor) Faeldon kahit dis-oras ng gabi. Tapos the following day hindi siya nakapunta ng gabi pero nakakapasok siya. The…

Read More

PANGANGAILANGAN NG NSA, IBIBIGAY – PSC/POC

(NI JEAN MALANUM) PINAWI ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pag-aalala hinggil sa mga equipment na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games. Sinabi ni Ramirez na magkatuwang ang PSC at ang Philippine Olympic Committee (POC) para matugunan ang pangangailangan sa hosting ng bansa. “The PSC and the POC, through Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino have taken steps to ensure that the national sports associations will have their equipment ready for the their hosting of the SEA Games,” lahad ni Ramirez. Si Ramirez, na siya ring Chief…

Read More

P1K MONTHLY AYUDA SA LAHAT NG SENIOR CITIZEN IKINAKASA

seniors44

(NI NOEL ABUEL) BIBIGYAN ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens sa buong bansa sa sandaling maipasa ang panukalang inihain sa Senado. Ayon kay Senador Francis Pangilinan, dapat na pagkalooban ang lahat ng nakatatanda sa bansa ng dagdag na ayuda para magamit na dagdag panggastos ng mga ito. Nakapaloob sa inihain nitong Senate Bill 259, nais nitong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, sa dalawang pagkakaton. Inihalimbawa pa ng senador na dodoblehin ang buwanang pensyon mula P500 ay gagawing P1,000 at…

Read More

SOLUSYON SA EDSA TRAFFIC TINIYAK SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) PINAGSUSUMITE ng Senado sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) ang short at long term solution sa problemang dinaranas ng mga motorista sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ito ang ipinaalala ni Senador Grace Poe sa susunod na pagdinig ng Senate committee on public services sa Setyembre 10 kaugnay ng panukalang pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Kabilang sa inaasahan ni Poe na dadalo sa public hearing sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Metro Manila Development Authority (MMDA) chair Danilo Lim…

Read More

GOLDEN TIGRESSES NAGPRAKTIS; LADY BULLDOGS DERETSO SA 82

(NI JOSEPH BONIFACIO) PINAGPRAKTISAN lang ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, matapos tambakan ng 55 puntos, 103-48 sa kanilang laro kahapon sa UAAP Season 82 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum. Namuno sa opensiba si last season’s MVP Grace Irebu, na nagpasabog ng double-double performance na 23 points, 13 rebounds, three blocks at two steals, para pangunahan ang apat pang Golden Tigresses ang may double digits scoring para simulan ang kanilang kampanya. “They say na mahirap to start the season and get the first win,…

Read More

P50, P100 MO MAY MAPAPANOOD KA NA!

CCP-50

Affordable tickets sa CCP 50th Anniversary Bilang pasasalamat ng Cultural Center of the Philippines sa publiko sa pagsuporta sa korporasyon, inahahandog nito ang pagbibigay ng mga murang tiket para sa gaganaping “Bulawan: CCP 50th Anniversary Concert.” Sa halagang P50 at P100 ay makakapwesto na sa Balcony 1 at Balcony 2 para matunghayan ang naturang People’s Gala na gaganapin sa Setyembre 21, alas-8:00 ng gabi sa CCP Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo). Sa ticket rates na iyan, masasaksihan na ang West End na gagampanan ng theatre actress na si Joanna Ampil…

Read More

MGA UGALING PINOY NA WAGI AT SAWI

BAYANIHAN

May mga ugali ang mga Pinoy na wagi at talaga namang ipagmamalaki sa ibang mga lahi. Siyempre pa, hindi rin naman natin maitatanggi na may mga ugali tayong mga Pinoy na hindi kaaya-aya na kung pupuwede lang ay maitago natin nang tuluyan pero sadyang umaalingasaw. Ito ang ilan sa mga ugaling Pinoy na wagi at sawi o hindi kaaya-aya: WAGING UGALI NG MGA PINOY: BAYANIHAN. Ang bayanihan ay hango sa salitang bayan o komunidad kung saan ang mga indibiduwal ay nagtutulungan. Nag-ugat ang pag-uugaling ito noong unang panahon kung saan…

Read More

PLASTIC POLLUTION LABIS NANG NAKAAAPEKTO SA KAPALIGIRAN

POINT OF VIEW

Nakababahala ang plastic pollution na nakaaapekto sa ating kapaligiran. Hindi lamang problema sa Pilipinas ito kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ipinalabas na ulat ng United Nations, ang plastic pollution ay isang malaking dilemma na kakaharapin ng mundo kung hindi magtutulungan ang bawat bansa sa buong mundo upang masawata ito. Sinasabi na ang Pilipinas ay isa sa world’s top three offenders ng plastic pollution sa mundo. Sinasabing halos 60 billion sachets bawat taon ang nagagamit sa bansa na labis na nakakaapekto sa ating kapaligiran. Sa isang pag-aaral ng…

Read More

DU30 NAG-VETO SA PUP BILANG NATIONAL UNIVERSITY

(CHRISTIAN DALE) IBINALIK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso ang bill o panukalang batas ng pinagsamang Senate Bill No. 2124 at House Bill No. 9023 (The Charter of the Polytechnic University of the Philippines) na wala niyang pirma. Ang kopya ng kanyang liham kay Senate President Vicente Sotto III at mga miyembro ng Senado ay ipinalabas ng Malacanang sa media. “While I recognize the noble objective of the measure to promote, foster, nurture, and protect the right of all citizens to accessible quality education, I have serious reservations on…

Read More