UTAK SA BATOCABE KILLING PINALAYA SA P12-M PIYANSA

baldo161

(NI JG TUMBADO)

TULUYANG pinalaya ng korte matapos makapagpiyansa ng P12 milyon si dating Daraga , Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang itinuturong mastermind  sa pagpatay kay dating AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe, noong Disyembre 22 ng nakalipas na taon.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) V Director Police Brig. Gen. Arnel Escoval na ganap na alas 4:45 ng hapon araw ng Lunes, nakalaya si Baldo.

Una nang naglagak ng P 12 milyon piyansa si Baldo kaugnay ng 2 counts ng murder at 6 counts ng frustrated murder matapos namang aprubahan ng korte na makapagpiyansa ito noong Agosto 30.

Gayunman, naantala ang pagpapalaya kay Baldo matapos namang maghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang pamilya ni dating Rep. Batocabe.

Si Baldo ang itinurong mastermind ng mga nasakoteng suspect sa pagpatay kay Batocabe at escort nitong si dating SPO2 Orlando Diaz sa covered court sa gymnasium ng Brgy. Burgos , Daraga, Albay noong Disyembre 22, 2018.
Ang insidente ay nagresulta rin sa pagkasugat ng anim na iba pa habang namamahagi ng pamaskong regalo ang dating solon sa mga senior citizen at mga may kapansanan.

Hindi naman mabibigyan ng anumang security escort ng pulisya si Baldo.

Please follow and like us:
Read More

2020 BUDGET LUSOT NA SA COMMITTEE LEVEL

(NI ABBY MENDOZA)

APRUBADO na sa House Committee on Appropriations ang House Bill 4228 o ang P4.1 Trillion 2020 General Appropriations Bill (GAB).

Inaprubahan ng komite ang panukala sa isang Executive Session.

Kasunod ng naging pag-apruba ng komite sa 2020 budget ay iaakyat na ito sa House Plenary kung saan ngayong Setyembre 10 sisimulan ang plenary debate para sa budget.

Sa iskedyul na itinakda ng Kamara ay dalawang Linggo ang gagawing debate sa plenaryo na isaagawa hanggang araw ng Biyernes at pagkaraan nito ay saka isasalang para naman sa Ikalawa Pagbasa at Ikatlong Pagbasa.

Tiniyak ng House Leadership na makukuha nila ang nauna nang target date na pagpasa sa budget sa Oktubre 4, bago ang break ng mga mambabatas.

Ayon kay House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab “in record time” ang kanilang ginawang dalawang linggong budget briefings para sa ibat ibang ahensya ng gobyerno, karaniwan umano kasi ay inaabot  ang komite ng hanggang huling Linggo ng Setyembre sa kabilang briefing bago maisumite sa Plenary.

Dinepensahan din ni Ungab ang mabilis na pagtalakay ng kanyang komite sa budget,aniya, naging mabilis ito dahil na rin sa sistema na ipinatupad ni  House Speaker Alan Peter Cayetano na nagkaroon ng 4 na budget briefings kada araw at anv bawat isa ay may tasking.

“Under the effective guidance and leadership of Speaker Cayetano, everyone moved in accordance to his given task, and supported and coordinated with the leadership of the Committee on Appropriations which resulted in the early completion of the budget committee hearings last Friday, September 6. For that, I thank the Vice Chairmen and members of the Committee on Appropriations for their hard work and sense of responsibility,” paliwanagni Ungab.

Samantala sa pagsisimula ng Plenary Debates sa House Bill 4228 ngayong araw ay umapela si House Majority Leader Martin Romualdez  sa kanilang kapwa mambabatas na magpokus sa usapin ng pagpasa sa P4.1 Trillion 2020 national budget at iwasan ang grandstanding upang madali itong maipasa.

“I am are banking on the professionalism and discipline of my colleagues who will not do any showing off at the expense of the proposed national budget,” pahayag ni Romualdez na syang chair ng House Committee on Rules.

Ayon naman lay  Senior Vice Chair Joey Salceda, walang binago ang komite sa isinumiteng National Expenditure Program ng Department of Budget and Management, wala umanong naging insertions sa budget at walang pork barrel.

Nangunguna ang edukasyon at infrastructure ang may pinakamalaking paglalaan ng panukalang 2020 National budget, ikalawa ang Department of Public Works and Hiways, ikatlo ang Department of Interior and Local Government, ikaapat ang Department of Social Welfare and Development at ikalima ang Department of National defense.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KONSTRUKSIYON NG MRT-7 NASA 50% NA – DOTr

(NI KEVIN COLLANTES)

HALOS nasa kalahati na umano ng konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line-7 (MRT-7) ang nakumpleto na ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa kasalukuyan ay nasa 47.21% nang kumpleto ang konstruksiyon ng MRT-7.

Kabilang umano sa kasalukuyang civil works na kanilang isinasagawa ay ang guideway construction, underground/depressed at at-grade excavation o concreting works, at installation ng coping beam, girder at trans-slabs sa elevated structures.

“With the construction in full swing 24/7, the rolling stock and electrical and mechanical (E&M) works are also in progress. At present, 108 cars are already completed,” dagdag pa ng DOTr.

Kumpiyansa ang DOTr na pagsapit ng 2021 ay makukumpleto na nila ang may 22-kilometrong habang linya ng tren na siyang magkokonekta sa Quezon City at San Jose del Monte, Bulacan.

Sa sandali aniyang mangyari ito ay mababawasan na ang travel time sa naturang ruta na mula sa dating dalawa hanggang tatlong oras ay magiging 35-minuto na lamang.

“Once completed in 2021, this 22-kilometer rail line will connect Quezon City to San Jose Del Monte in Bulacan, which will reduce travel time from 2-3 hours to only 35 minutes, and will give Bulakenyos an efficient and convenient commuting experience,” anang DOTr.

Please follow and like us:
Read More

PSA PATUTULUNGIN VS RAKET NG PHILHEALTH

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINAG-AARALAN ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na magkaroon ng panukala na awtomatikong ia-update ng Philippine Statistics Authority ang kanilang mga record, partikular sa mga patay, sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ito ay upang maiwasan na magamit pa sa iregularidad ang pangalan ng mga nasawi na makaraang lumitaw sa rekord na nasa 961 pang patay ang nakakuha pa ng claims.

“I’m thinking of law if necessarily the Philippine Statistics Authority automatically provides information by way of information technology. PSA must showup here in the next hearing we will ask them about that,” saad ni Gordon.

“So many anomalies in Philhealth. My uninitiated mind hungers for an explanation,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng senador na dapat pag-aralang muli ang case rates ng ahensya dahil ito ang batayan ng halaga ng claims na maaaring makuha ng pasyente.

“When we steal from Philhealth, you don’t steal from the government alone, you steal from the most vulnerable,” paalala pa ni Gordon.

 

Please follow and like us:
Read More

HALOS 4,000 TONELADANG BASURA NAHAKOT SA MANILA BAY

manila bay

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NAKAPAGTALA ng mahigit sa 3,810 toneladang basura,water hyacinths at mga burak ang nakolekta ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga baybayin ng Manila Bay simula nang gawin ang rehabilitasyon nito.

Ayon sa Manila Bay rehabilitation report ng  MMDA, ang mga nakolekta mula Enero 7 hanggang Agosto 31 ay nasa 2,639 cubic meters / 749.72 toneladang basura mula Manila Baywalk at mga kanal na konektado rito; 2,594.34 cubic meters / 737.12 toneladang basura at water hyacinths na mula sa beach area, lagoon at aplaya ng Baseco beach sa Tondo; 3,174.5 cubic meters / 901.85 toneladang basura at water hyacinths mula sa Pasig river at ilog ng San Juan

Samantalang, nasa 5,005.5 cubic meters/1,422.17 toneladang burak mula sa mga estero at kanal.

Inaasahan naman ni MMDA Chair Danilo Lim na mas maraming basura pa rin ang kanilang makokolekta dahil na rin sa malakas na pag-ulan nitong mga nagdaang araw.

“Dumami ang mga basura sa Manila Bay dahil sa malakas na ulan pero hindi titigil ang rehabilitasyon natin dito. Hinihimok natin ang mas marami pang volunteers na makiisa sa isinasagawang clean-up tuwing Sabado sa Baywalk at Baseco,” pahayag ni Lim.

Karamihan sa mga nakolekta ay mga naanod na kawayan at mga kahoy na mula sa mga kalapit na palaisdaan, mga water hyacinths, plastics, basura mula sa mga bahay, at iba pang mga basurang itinapon sa mga estero at sapa.

Bukod sa paghahakot ng mga basura ay nakapokus din ang mga tauhan ng MMDA sa paglilinis ng mga malalaking drainage gaya ng Estero San Antonio de Abad, Tripa de Gallina, Padre Faura Drainage Main, Remedios Drainage Main para maiwasan ang mga basura at burak na umabot pa ng Manila Bay.

“Marami pang kailangang gawin ang gobyerno sa rehabilitasyon ng Manila Bay pero nasa tamang landas naman tayo tungo sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kalidad ng tubig,” ani Lim.

Ang Manila Bay rehabilitation program ay pinangungunahan ng Department of Environment, and National Resources (DENR) at ng MMDA, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, pribadong grupo, environmentalists, at mga volunteers.

Nasa 18,457 volunteers na ang sumasama sa Manila Bay cleanup na inorganisa ng MMDA para sa walang humpay na paglilinis ng Manila Baywalk at Baseco mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

 

Please follow and like us:
Read More

MCCOY DE LEON TINABLAN SA LOVE SCENE NILA NI ROXANNE BARCELO

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

MUKHANG  nalilinya na si McCoy de Leon sa medyo pa-sexy roles.

Unang nabinyagan ang Kapamilya actor sa digital movie series nila ni Jane Oineza na Project Feb 14 na napanood sa iWant. Napakainit ng mga eksena nila ni Jane sa nasabing movie.

At ngayon, dito sa latest film ni McCoy na G! na tampok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay may love scene sila ni Roxanne Barcelo. At dahil mukhang attracted ang actor sa mas may edad sa kanyang girl, kinilig daw ang actor kay Roxanne at napa-wow raw ito sa kaseksihan ng Viva Star.

Sa kuwento ng G!,  isa sa bucket list ni Sam (McCoy) ang maka-experience ng sex kasama ang mga kaibigang sina Dom (Jameson Blake), Wacks (Mark Oblea) at Bry (Paulo Angeles).

Si Roxanne (bilang Sandy) ang babaeng magtuturo sa kanila at inuna niya si Sam (McCoy) na hiyang-hiya dahil nga first time niya kaya kinailangan pa siyang i-one-on-one ni Direk Dondon Santos kung ano ang gagawin. “Sabi ni Direk Don, ‘manyak lang’ kaya sinunod ko naman po,” sabi ng aktor. Anyway, sobrang gentleman ni McCoy at pansin din ng mga taga-production na konserbatibo siya kaya siguro mahiyain.

Nabanggit din ng aktor na mas gusto niya na kasal muna bago ang sex kaso hindi naman niya natupad dahil nga nangyari na.

Mapapanood na ang G! sa Setyembre 13 bilang entry sa 3rd PPP na kasabay rin ng pagdiriwang ng 100th anniversary ng Philippine Cinema. May premiere night ito ngayon, Setyembre 10, sa Cinema 5, SM North, Quezon City.

Kasama rin sa movie sina Kira Balinger, Rosanna Roces, Jao Mapa, Gio Alvarez, Dominic Roque, Moi Bien, Alora Sasam, Nick Parker, Precious Lara Quigaman-Alcaraz at Joey Marquez.

                                                                                           ###

Ayaw pa ring tumanggap ng movie offer si Cong. Vilma Santos-Recto.

Concentrated ang Star for All Seasons sa kanyang pagiging politiko at halos araw-araw ay may event siyang pinupuntahan.

May napanood kaming video na kuha sa isang event kung saan napasubo sa sayawan si Ate Vi. Ang husay pa rin niyang sumayaw, in fairness!

Dahil nga sa tutok sa kanyang pagiging kongresista ay maraming movie scripts na ang hinindian ni Ate Vi. Katwiran nito, sa estado niya ay may karapatan naman siguro siyang mamili.

So, wait na lang tayo for now kung kailan siya ulit gagawa ng pelikula.

 

Please follow and like us:
Read More

HOSPITAL PASS FOR SALE TALAMAK SA BUCOR

(NI NOEL ABUEL)

MATAPOS mabuking ang kontrobersiyal na  bentahan sa good conduct time allowance (GCTA) sa Bureau of Corrections (BuCor), nalantad naman ang hospital pass for sale kung saan ang mga high profile drug convict ay nagpapadala sa ospital kung saan umano isinasagawa ang transaksiyon sa droga.

Ibinulgar ni Senador Christopher Lawrence Go na talamak ang operasyon ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan ginagamit ng mga ito ang ospital sa loob ng nasabing piitan.

Ayon kay Go, nakarating sa kaalaman nito na maraming drug convicts ang nagkukunwang may sakit at nagpapadala sa ospital gamit ang hospital pass na ibinibigay ng  mga tauhan ng Bucor.

“We have received reports that  some inmates were move on the New Bilibid Prison by faking their illness and buying the so called hospital referral pass from Bucor employees,” sabi ni Go sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Aniya, nagpapanggap ang mga drug convicts na may sakit para ma-admit sa ospital kung saan dito umano nangyayari ang illegal drugs trade nang hindi nalalaman ng mga opisyales ng Bucor.

“Nagpapanggap na may sakit para ma-admit sa ospital at doon nagagaap ang illegal drugs trading. Hindi lang pala ang GCTA ang sale pati hospital pass for sale na rin pala kaya dapat imbestigahan nito ng Department of Justice (DOJ),” sabi ni Go.

“Totoo bang sa hospital nagaganap ang bentahan ng droga kung saan labas-pasok ang mga drug lords kahit wala silang sakit. Madalas na big time drug lords ang nagpapagamot sa ospital,” tanong pa ng senador.

Sa kabilang banda, inirekomenda ni Go kay Justice Secretary  Menardo Guevarra na balasahin o tanggalin ang lahat ng Bucor officials na humahawak sa pagpoproseso ng GCTA bunsod ng impormasyong nakatatanggap nito na maraming tauhan ng NBP ang nakikinabang sa GCTA.

 

Please follow and like us:
Read More

EMERGENCY POWER NI DU30 SA TRAFFIC, IGINIIT SA KAMARA

duterte traffic33

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL palalala na  nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila kahit anong gawin ng mga otoridad, kailangan na umanong bigyan ng  emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil habang tumatagal ay lumalala anila ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila kahit marami nang sinubukang solusyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kina House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez, House deputy speaker Raneo Abu at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, kailangan nang ikonsidera na ibigay na ang emergency power kay Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko.

“We are committed to help the President address the traffic problem in Metro Manila and other highly urbanized cities. Traffic congestion is now a national emergency that undermines the lives of many people, the country’s economy and our productivity,” ani Romualdez.

Ayon naman kay Abu, mas malaki ang mawawala sa taumbayan kapag nagpatuloy ang problema sa trapiko sa Metro Manila kaya hindi umano ito tutol na ibigay na sa Pangulo ang emergency power.

Magugunita na unang inihain ang panukala na bigyan ng emergency power si Duterte noong 2016 para resolbahin ang problema sa trapiko subalit hindi nagkaroon ng katuparan dahil marami ang tutol.

Ngunit, ayon kay Castelo, vice chair ng House committee on Metro Manila development, hindi na makatarungan na patuloy na maging miserable ang buhay ng mamamayan dahil sa trapik.

“I think it’s time to give the President the power he needs to put an end to our peoples’ endless daily suffering brought about by the traffic gridlock. Filipinos could no longer afford to continue living miserable lives because of this transport nightmare,” ani Castelo.

Maliban dito, maraming dayuhang negosyante na aniya ang natatakot na mamuhunan sa Pilipinas dahil lumalala ang problema sa trapiko kung saan mas maraming oras ang nasasayang sa kalsada.

 

Please follow and like us:
Read More

PANGALAN, ADDRESS NG 1,914 NAPALAYA SA GCTA TUKOY NA NG PNP

(NI AMIHAN SABILLO)

HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng  lahat ng pangalan at address ng mga ex-convict na nakalaya dahil sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ang inihayag ni PNP spokesperson PBGen. Bernard Banac kung saan naipakalat na nila ang listahan ng mga bilanggo sa iba’t ibang police stations sa bansa, upang mabilis na mapuntahan ang mga ito sa oras na matapos ang 15- day grace period ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay ng panawagan na mas mainam umano na kusa na lang sumuko ang natitira pang dating bilanggo na napalaya sa GCTA.

Sinabi pa ni Banac sa mga ito na huwag nang hintayin ang September 19 na last day sa ibinigay na grace period ng Pangulo.

Nagbabala pa ang PNP na kapag naglapse na ang 15 days ay agad kikilos ang binuong tracker team ng PNP upang arestuhin ang mga ito.

Maari umanong dumeretso ang mga ito sa pinakamalapit na presinto o sa Bureau of Corrections (BuCor).

Please follow and like us:
Read More