INTEL FUNDS NG AFP KINUWESTIYON SA KAMARA 

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINUKUWESTIYON na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang intelligence funds ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng suicide bombing sa Indanan, Sulu noong Linggo.

Nais ni Deputy Speaker Johnny Pimentel na malaman kung paano ginagamit ang intelligence funds sa gitna ng katotohanan na tinatarget ngayon ng ‘Islamic extremist’ ang Pilipinas.

“We have to face the fact that Islamic militants have chosen our country as one of their targets and that is why we hold the military responsible for these tragic events,” ani Pimentel.

Noong Linggo, Setyembre 8, 2019 ay isang suicide bomber  na nagsuot ng Abaya attire at hinihinalang isang dayuhan, ang namatay matapos sumabog ang bomba sa kanyang katawan sa sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Bago ito, pito katao naman ang nasagutan sa Isulan public market sa Sultan Kudarat matapos umano itong bombahin ng hindi kilalang mga salarin.

“We have provided hundreds of millions of pesos for their (AFP) intelligence funds to gather information regarding terrorist groups and their plans. Eh saan napunta tong intel funds?,” tanong ni Pimentel.

Ngayong taong 2019  ay P1.2 Billion ang intelligence funds ng AFP habang sa 2020 ay aabot  ito sa P1.7 Billion.

Dahil dito, nais malaman ng mambabatas kung paano ginagamit ng AFP ang kanilang intelligence funds dahil sa serye ng pagbobomba sa Mindanao na nasa ilalim ng Martial Law.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BILIBID DOCTORS IPATATAWAG SA SENADO 

(NI NOEL ABUEL)

NAIS na ipatawag ni Senador Panfilo Lacson sa Senado ang mga doktor ng National Bilibid Prison (NBP) kaugnay ng nabunyag na hospital pass permit na ginagamit ng ilang drug convicts para makapag-operate ng illegal drug activities.

Ayon kay Lacson, hihilingin nito kay Senador Richard Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Committee na magpadala ng imbitasyon o summonses sa mga doktor ng NBP.

“Ang NBP hospital may pangalan ng doktor. I would request the chairman to issue invitations or summonses to those doctors na nagmamando sa hospital,” aniya.

May natanggap umano itong report na umaabot mula P200,000 hanggang P2M ang ibinibigay ng mga drug convicts sa mga opisyales ng NBP para ma-admit sa ospital.

“There are reports natanggap namin sa opisina, nag-range from P200,000 to even P2M para ma-confine or ma-admit sa hospital. And meron pang board and lodging amounting to P30,000 a day. Hindi mangyayari ‘yan kung walang magse-certify na doctor. So we need to find out kung ano ang flow ng communication once an inmate, a PDL, would request confinement in the NBP hospital,” paliwanag pa ni Lacson.

Sinabi pa nito, na hindi lang ngayon nangyayari na ilang convicts ang ginagamit ang impluwensya para makapunta sa ospital o sa ibang lugar.

Inihalimbawa nito si dating Batangas gov. Antonio Leviste na nakuhanan ng larawan nang makalabas ng NBP at magpunta sa isang dentista.

Aalamin din umano nito ang pangalan ng mga drug convict na madalas na nagpapa-admit sa NBP hospital upang maimbestigahan.

“’Yan ang kailangan malaman natin. So we have to get the records kung sino ang mga perennial na na-admit sa hospital and for how long. Tapos magkaroon ng diagnosis ano talaga ang sakit nila,” sabi ni Lacson.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PANG SUICIDE BOMBER TINUTUGIS

(NI BONG PAULO)

DALAWA pang sinasabing suicide bomber na terorista ang nasa bansa pa at patuloy na minomonitor ng awtoridad kasunod ng pagkumpirma ni Major Arvin Encinas, spokesperson ng Western Mindanao Command (WestMinCom), na lima sa pitong suicide bomber ang nasawi at naaresto na ang lima sa pitong mga foreign terrorist na kinakanlong ng mga local extremist group sa Mindanao.

Sinabi ni Encinas na tumutulong at sinasanay umano ng naturang mga dayuhang terorista ang mga local extremist gaya ng BIFF at Abu Sayyaf.

Ayon kay Encinas, maliban sa naturang mga banyagang terorista, may iba pa aniyang mga terorista mula sa ibang bansa ang kanilang binabantayan upang matiyak na hindi sila magkakaroon ng pagkakataong makapagsagawa ng mga pag-atake.

Samantala, sinabi ni Encinas na wala pa ring pagbabago sa liderato ng mga local terrorist group katulad nina Bongus Karialan ng BIFF at Abu Toraife sa bahagi ng Jolo, Sulu.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Encinas ang publiko na makipagtulungan sa otoridad sa pagbabantay ng seguridad sa kanilang lugar.

Sa hiwalay na panayam ng DXND-Radyo BIDA kay Major General Cirilito Sobejana, commanding officer, ng Wesmincom na ikinababahala nito ang mga suicide bombing sa Mindanao bagay na pinaaalerto nito ang publiko lalo na sa mga matataong lugar.

Aniya, agad na ireport sa mga otoridad kapag may namataang kahina-hinalang tao o bagay sa paligid.

 

Please follow and like us:
Read More

EMERGENCY POWERS SA TRAPIK IDINEPENSA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

IDINEPENSA ng ilang mambabatas sa Kamara ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila upang matapos na umano ang paghihirap ng taumbayan.

Ayon kina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, kailangan na ang ang direktang aksyon ng Pangulo sa nasabing problema dahil palala na  nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ang pahayag ni Defensor ay  matapos tutulan ng ilang senador na bigyan si Duterte ng emergency powers  para resolbahin ang problema sa lalong madaling panahon.

“Hindi kailangan ng perpektong solusyon sa traffic kung ito ang gusto ng Senado. Ang kailangan ng Ehekutibo ay poder para maisagawa ang ano mang kailangang pagbabago para maisayos ito,” ani Defensor.

Sinabi ng mambabatas na dahil sa trapik ay nawawalan aniya ang gobyerno at mamamayan ng P3.5 Billion araw-araw base aniya sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) kaya kailangan aniyang ibigay na ang dagdag na kapangyarihan sa Pangulo.

 

Please follow and like us:
Read More

P200K-P2M, PRESYUHAN SA ‘HOSPITAL PASS FOR SALE’ SA BUCOR 

(DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ipatawag sa hearing sa Senado ang mga doktor na nangangasiwa sa New Bilibid Prisons (NBP) Hospital.

“Ang NBP hospital may pangalan ng doktor. I would request the chairman to issue invitations or summonses to those doctors na nagmamando sa hospital,” saad ni Lacson.

“There are reports natanggap namin sa opisina, nag-range from P200,000 to even P2M para ma-confine or ma-admit sa hospital. And meron pang board and lodging amounting to P30,000 a day. Hindi mangyayari yan kung walang magse-certify na doctor. So we need to find out kung ano ang flow ng communication once an inmate, a PDL, would request confinement in the NBP hospital,” dagdag ng senador.

Partikular na nais malaman ni Lacson kung sino ang madalas na pasyente sa pagamutan at alamin ang diagnosis nito.

“So we have to get the records kung sino ang mga perennial na na-admit sa hospital and for how long. Tapos magkaroon ng diagnosis ano talaga ang sakit nila,” diin pa ni Lacson.

Kinumpirma pa ni Lacson na may impormasyon na siya sa mga doktor na posibleng may kinalaman sa iregularidad.

“These are doctors, I won’t name them first hanggang ma-issue ang invitations or summonses sa kanila,” pahayag ng mambabatas.

“Libre ka, nagpapahinga ka. Sa hospital iba ang environment, iba ang kilos mo, hindi masyadong restricted,” paliwanag pa ni Lacson kung bakit mas gusto ng mga inmate sa pagamutan.

Kumbinsido naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nagaganap ang iba’t ibang transaksyon sa pagamutan.

“Doon nagnenegosyo, doon kung minsan yung kung ano ang gusto nilang gawin, kung minsan may minimeet na tao, minsan daw ay doon yung transaksiyon, for whatever transactions they want,” saad ni Sotto.

“Grabe. This is a whole new different type of perspective that we are seeing here. I am so glad that the ombudsman has done a swift action on the matter. Palagay ko talagang may mga kailangang ungkatin natin bago baguhin,” dagdag pa nito.

 

Please follow and like us:
Read More

SUPPLY NG PORK SA MERKADO TIYAKING SAPAT — IMEE

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINAKIKILOS ni Sen. Imee Marcos ang mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na ligtas at may sapat na suplay ng karneng baboy sa pamilihan.

Ito ay makaraang kumpirmahin ni Agriculture Secretary William Dar na positibo sa African Swine Fever(ASF) ang 14 sa 20 blood samples ng mga baboy na galing sa Rodriguez Rizal, Guiguinto, Bulacan at Antipolo city.

Dahil dito, hinikayat ni Marcos ang PPA at Bureau of Customs na higpitan ang pagbabantay sa lahat ng port of entry ng bansa para hindi makalusot ang smuggled meat products na posibleng kontaminado ng ASF.

Inalerto rin ng mambabatas ang DA at Departmemt of Trade and Industry upang tiyakin ang suplay at hindi magtataas ng presyo ng mga karneng baboy sa merkado kasunod ng ASF scare.

Pinababantayan din ni Marcos sa PNP, Bureau of Quarantine at NMIS ang mga karneng baboy na hinahango sa backyard piggery para hindi makalusot ang mga baboy na posibleng kontaminado ng ASF.

“Mahalaga na matiyak na hindi kontaminado ng ASF ang meat products na ihahanda sa pasko ng mga Pinoy. Dapat maging maingat ang mga otoridad sa pagbabantay sa mga alagang baboy at imported pork products bagamat walang direktang epekto sa kalusugan ng tao ang pagkain ng karneng baboy na may ASF virus,” diin ni Marcos.

Please follow and like us:
Read More

JINKEE PACQUIAO MAGBEBENTA NA NG MGA GAMIT

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

MAGBEBENTA ng mga pre-loved personal items niya si Jinkee Pacquiao ngayong September na gagawin sa Marriot Hotel, Clark Pampanga.

Hindi po naghihirap si Jinkee dahil hindi pa halos nababawasan ang kinita ng kanyang asawang si Sen. Manny Pacquiao sa nakaraang boxing fight nito.

Ang kikitain ng kanyang garage sale ay ido-donate niya sa pagpapagawa ng mga classrooms sa Kidapawan.

Posible ring umaapaw na sa cabinet ang mga gamit ni Jinkee kaya kinakailangan na nitong magbawas para makabili uli ng mga designer o luxurious items.

Anyway, marami ang pumuri kay Jinkee sa cause-oriented project niyang ito. Sa gitna ng pangangalandakan niya ng kanyang kayamanan sa pamamagitan ng mga accessories, may puso pa rin ito sa mga nangangailangan.

###

Pagdating sa pagiging Katoliko, nangunguna na rito sina Angeline Quinto at Ai-Ai delas Alas.

Sa nakaraang kaarawan ni Mama Mary, may kanya-kanyang posting ang dalawang high-profile stars sa pagpapakita nila ng malaki nilang pananampalataya sa ina ni Jesus Christ.

Si Ai-Ai, ilang araw na nag-post ng pagbati niya ng maligayang kaarawan kay Mama Mary, kasabay ng pagpo-post nito ng larawan nito sa kanyang Instagram wall.

Si Angeline naman, hindi lang pagbati ang ginawa. Nagposte pa ito ng short video niya habang papalapit sa altar kung saan nakatayo ang imahe ni Mama Mary.

Bukod kay Mama Mary, sarado rin ang debosyon ni Angeline sa Black Nazarene gaya ni Coco Martin.

Sa tindi ng pagiging Katoliko ni Angeline, kulang na lang pasukin nito ang kumbento at maging madre.

Ang pag-angat sa buhay ni Angeline at ang magandang daloy ng singing career nito ay pinaniniwalaan ng singer na biyaya sa kanya ng Panginoong Hesus at ng iba pa niyang pinaniniwalaang mga santo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DOH HOTLINE VS SUICIDE CASES TIYAKIN – SOLON

(NI NOEL ABUEL)

KINALAMPAG ng isang senador ang Department of Health (DoH) na siguraduhin na tumatakbo nang maayos ang telephone hotline nito para tumanggap ng tawag mula sa mga nangangailangan ng tulong partikular na ang mga nagpapatiwakal.

Giit ni Senador Pia Cayetano, dapat na tiyakin ng DoH na may nagbabantay sa suicide prevention hotlines ng ahensya para makatulong sa pagbibigay ng solusyon sa nangangailangan ng tulong.

Kamakailan, inilunsad ng DOH ang sarili nitong National Center for Mental Health (NCMH) crisis hotline na 0917 899 8727 (USAP) at 989 8727 (USAP) na tumatakbo 24/7.

“I believe that in every call received by these ‘USAP’ hotlines, one person’s life can be saved. And so I encourage our health department to make sure that such initiative is sustainable,” sabi ni Cayetano.

Sa datos aniya ng World Health Organization (WHO), isa ang nasasawi sa pamamagitan ng pagpapatiwakal kada 40 segundo kung saan isa ang Pilipinas na may pinakamataas na bilang ng mga nakapagtatala ng kaso ng depression sa Southeast Asia na aabot sa 3 milyong Pinoy.

Idinagdag pa ng WHO na ikalawa na ang suicide sa nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-anyos hanggang 29-anyos.

“We have to step up our policies on suicide prevention if we want to protect our youth and guarantee a better future for them. Sometimes all it really takes to save a life is to listen and offer them support,” ayon pa sa senadora.

 

Please follow and like us:
Read More

KARNENG BABOY LUTUING MABUTI — DOH

swine flu12

PINAPAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na ilutong mabuti ang karneng kanilang kakainin upang makaiwas sakit, lalo na ngayong nakumpirmang may mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa ASF ang ilang baboy sa ilang parte ng bansa, wala naman umano itong masamang epekto sa mga tao ayon sa DOH.

“We want to allay the fears of the public by saying that, as long as pork is bought from reliable sources and it is cooked thoroughly, pork is safe to eat,” ani Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon naman sa World Organization for Animal Health, ang ASF ay isang malala at nakahahawang sakit sa mga wild at domestic na baboy.

Sabi naman ng DoH, nahahawa ang mga baboy ng ASF, pag sila ay nakakain ng luto o hindi luto, o iba pang produktong karne na kontaminado ng ganitong sakit.

“Because ASF can spread easily, hog raisers are advised not to feed raw or undercooked pork products to theig pigs,” ayon din sa statement ng DoH.

Pinapayuhan din ng ahensya ang mga may-ari ng baboy, na imonitor nang mabuti ang kanilang mga alagang baboy. Kung mapapansin nila itong may sakit ay ilayo ito sa ibang baboy at komonsulta agad sa mga betirenaryo.

Sa ngayon ay wala pa umanong bakuna, o anumang gamot para sa ASF, ayon pa sa DoH.

 

Please follow and like us:
Read More