PERJURY VS BUCOR OFFICIALS

SEN RICHARD GORDON

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGBABALA si Senador Richard Gordon na posibleng maharap sa kasong perjury ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na isinasangkot sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale.

Partikular na tinukoy ni Gordon si Correctional Officer III Veronica Buño na batay sa salaysay ng testigong si Yolanda Camilon ay nakausap nito para sa ibabayad niyang P50,000 kapalit ng maagang kalayaan ng kanyang asawang si Godfrey Gamboa.

Sa pagdinig noong Lunes, ipinarinig pa ni Camilon ang audio recording ng usapan nila ni Buño subalit itinanggi pa rin ito ng BuCor official.

Sinabi ni Gordon na sa sandaling makumpirmang boses ni Buño ang nasa audio recording, maaari itong maharap sa perjury.

Sa pahayag ni Camilon, itinuro rin nito sina Correctional Senior Inspector Maribel Bansil at Staff Sergeant Ramoncito Roque na sangkot sa transaksyon subalit paulit-ulit naman itong itinanggi ng mga opisyal.

Kaugnay nito, inatasan ni Gordon ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang cellular phones nina Bansila at Buño.

“We want the NBI to check if the phones were tampered, with messages and call logs deleted. Upon checking, we saw that one phone has only five messages while the other has two. Obvious sila dahil yung telepono binura lahat. Talagang nagtatago sila. Bakit ka naman magbubura kung wala kang tinatago? That shows that it is happening, na talagang nanghihingi sila ng pera tapos binura nila para walang makuhang ebidensya. That could be obstruction of justice” saad ni Gordon.

Hindi kumbinsido si Gordon sa palusot ng dalawang opisyal na nakaugalian nilang magbura ng mga mensahe sa kanilang telepono.

“Dalawa silang may habit? Dalawa silang partner? Imposible! Sabi ko nga sa kanila, magsabi na kayo ng totoo because your answers speak of the fact that you’re lying,” diin ni Gordon.

 

Please follow and like us:
Read More

RICE TRADER NA PASAWAY I-TOKHANG – SOLON

(NI ABBY MENDOZA)

BUNSOD na rin ng paglabag ng mga rice traders na patuloy na umaabuso sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL), inirekomenda ni Albay Rep. Joey Salceda na gumawa na ng hakbang ang Malacanang at tokhangin ang mga ito.

Ayon kay Salceda, chair ng House Committee on Ways and Means, hindi natitigil ang paglabag ng mga rice traders kaya nararapat lamang na gumawa na ng hakbang ang pamahalaan, una na rito ay pagbubukas sa mga warehouse ng mga rice traders at busisiin ang kanilang import deliveries.

“Lumalabas po sa batas pinalakas lalo natin yung mga traders so ang panawagan ko itokhang ang mga yan! Yeah, tignan natin yung mga warehouse, tingnan natin yung mga import ano deliveries nila,” ani Salceda kung saan umapela ito sa Philippine Competition Commission, National Bureau of Investigation(NBI) at Bureau of Internal Revenue(BIR) na habulin ang mg abusadong rice traders.

Ani Salceda matinding hoarding ang ginagawa ng mga traders kaya sila din ang nakikinabang sa RTL.

Hindi lamang mga kawawang magsasaka ang apektado ng modus ng mga trader dahil nasasagasaan din ang food security ng bansa at tumitindi ang rural poverty.

“The prices reflect the structure of that industry. Eto pa ho oh, it’s prima facie evidence that there are cartels. Sa kanila napunta lahat ng benepisyo ng RTL. Ngayon yung nasaktan yung farmers dahil bumagsak from 18, bumagsak ng 11, ngayon bagsak sa national government para mapunuan,” dagdag pa ni Salceda.

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

 YENG GUIAO, QUITS!

NAGBITIW kahapon bilang coach ng Gilas Pilipinas si Yeng Guiao, matapos ang masalimuot na kampanya sa FIBA World Cup na ginanap sa China, kung saan walang naipanalo ang koponan.

Ang resignation ni Guiao ay nangyari isang araw matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

“In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in building and developing a program towards achieving our objective of competing with the best of the best,” wika ni Guiao sa isang mahabang statement.

Inatasan si Guiao na pamunuan ang team matapos ang insidente kung saan nagrambulan ang players ng Gilas at Australia sa World Cup Qualifiers noong Hulyo 2018.

Sinimulan ni Guiao ang kanyang pamumuno sa Indonesia Asian Games kung saan nagtapos ang Pilipinas sa panlimang pwesto, habang kabilang sa roster ang Fil-American NBA guard na si Jordan Clarkson.

“I have no regrets in having taken the path I have taken in the past year; the only regret is that I would have wanted the team to have performed better on the world stage,” dagdag niya.

Please follow and like us:
Read More

BASHERS NATAMEME SA KASEKSIHAN NI KC CONCEPCION

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

SA bagong pictorial ni KC Concepcion bilang first Pinay celebrity na ambassador ng Shiseido Cosmetics, tiyak na matatameme ang bashers at haters niya dahil slim na ulit ang figure ng dalaga!

Grabe ‘yung bashing na natamo ng mega daughter na pinagtripan ang kanyang pata at sinabihan pang mas mataba na siya compared sa kanyang Mommy Sharon.

Well, nakasama namin noon si KC sa “The Buzz” at kapag napapansin niyang medyo nagiging heavy siya ay mabilis naman itong magpapayat. Sino ba naman kasi ang hindi magge-gain ng weight, eh, hindi busy ang singer-actress sa kanyang showbiz career at ‘yung jewelry business naman niya ay sa online ibinebenta.

Sobrang wagas lang talaga kung makapanlait ang bashers ni KC na inggit lang siguro sa bonggang lifestyle nito at marami pang investments.

Yes, maliban sa property sa Palawan at negosyo ay may sariling unit si KC sa kilalang hotel sa Makati at binili na niya ito.

###

By November ay balik-bansa na ang Canada-based director-producer na si Direk Reyno Oposa, and he’s back for good.

Bukod sa pagdidirek at pagpo-produce ay may bubuksan itong Chicken Inasal outlet.

Pero ang isa pang ikinae-excite ni Direk Reyno ay ang bagong movie na gagawin na Midnight Butterflies. Nang i-post niya sa kanyang Facebook account ang teaser nito ay napuna na agad ito ng LGBTQ community.

Although may pagka-kontrobersyal ‘yung tema ay wala kaming nakikitang masama sa pelikula. Sa post ng kaibigan naming director, may mga nega comments na kasi ang ilang judgmental people.

By the way, may napili nang lead actor para sa nasabing movie si Direk Reyno na pet project niya, ang newcomer Fil-Am model na si Kurt Harris.

In fairness, straight guy itong si Kurt pero nang pagsuotin na ng girl outfit ay babaeng-babae na ang dating.

May apat pang actors na gaganap na bading sa Midnight Butterflies at soon ay papangalanan na rin ito ni Direk Oposa. Napansin na ng Cinemalaya ang pelikula ni Direk, at napatunayan nang may ibubuga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

DELA ROSA IIMBESTIGAHAN SA GCTA LAW SA BILIBID – OMBUDSMAN

dela rosa12

(NI ABBY MENDOZA)

INAMIN ni Ombudsman Samuel Martires na kasama sa kanilang iniimbestigahan sa isyu ng paglabag sa Good Conduct Time Allowance(GCTA) Law si dating Bureau of Corrections(BuCor) chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa.

Si dela Rosa ay nagsilbing BuCor Chief mula Abril hanggang Oktubre ng taong 2018.

Ayon kay  Martires maliban kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon ay kasama rin si dela Rosa sa motu proprio investigation gayundin ang iba pang naging opisyal ng ahensya simula noong 2014.

Maliban sa posibleng kasong administratibo, iniimbestigahan din ng Ombudsman ang mga dawit na opisyal sa posibleng pananagutang kriminal dahil sa pagpapalaya sa may 2,000 convicts sa ilalim ng GCTA.

Una nang iniutos ni Martires ang 6 na buwang preventive suspension without pay laban sa 30 BuCor officals dahil sa anomalya sa GCTA law habang pinagpapaliwag din nito sina dating Interior Secretary Mar Roxas at Sen Leila de Lima kug bakit hindi kasama sa kanilang inaprubahang Implementing Rules and Regulation(IRR) sa GCTA ang heinous crime.

 

Please follow and like us:
Read More

COMELEC MAGDARAOS NG VOTER REGISTRATION PARA SA IPs

(NI HARVEY PEREZ)

IPATUTUPAD ng Commission on Elections (Comelec), ang limang araw  na  Indigenous Peoples (IP) Satellite Registration sa susunod na linggo para  lahat ng mamamayan sa bansa ay makaboboto sa susunod na  halalan.
Ang  IP Registration Week ay idaraos sa buong bansa simula Setyembre 16 hanggang 20, 2019.

Nabatid na sa panahon umano ng IP Registration Week, magdaraos ang poll body ng satellite registrations sa bawat lalawigan sa buong bansa na tukoy na may IP population.

Binanggit ng Comelec  na isinasapinal pa ng provincial at regional offices ng poll body ang mga lugar kung saan isasagawa ang naturang satellite registrations.

Layunin ng proyekto na paigtingin ang kanilang registration efforts sa iba’t ibang IP communities sa buong bansa, maipakita ang kahalagahan ng mga IP voters bilang miyembro ng electorate, at mapataas pa ang kaalaman ng mga IP communities hinggil sa mga electoral issues at concerns sa bansa.

Maari umanong  direktang makipag-ugnayan sa Office of the Election Officer (OEO) sa kanilang lungsod o munisipalidad o sa Office of the Provincial Election Supervisor (OPES) sa kanilang lalawigan,ang  lahat umano ng gustong  lumahok sa pagsasagawa ng naturang satellite registration para sa kapakinabangan ng mga IP voters .

Ayon sa  Comelec, ang  nationwide voters registration ay sinimulan nila noong Agosto at magtatapos hanggang sa Setyembre 30, 2019.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘MARILYN’ NASA PAR NA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA)

ISA nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng bansa at bukas inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) pagpasok ng bagyo sa PAR ay tatawagin itong bagyong Marilyn, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h at bugso na 70kph.

Bagama’t nasa labas ng PAR ay apektado na umano ng buntot ng bagyo ang Occidental Mindoro,Oriental Mindoro,

Romblon,Marinduque, Palawan, Bicol at Visayas na nakakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan.

Hindi inaasahan ng Pagasa na maglalandfall ang bagyo na mananatili umano sa loob ng PAR hanggang sa araw ng Linggo kaya asahan ang maulan na weekend.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SOGIE BILL ‘DI PA RIN ISUSUKO SA SENADO

rissa45

(NI NOEL ABUEL)

SA kabila ng pagkakamaling pahayag ng Malacañang na sinertipihan nang urgent ang SOGIE Equality Bill ay walang panghihinayang ang mga nagsusulong nito na maipapasa pa rin ang nasabing panukala.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, sa kabila ng tinatanggap nito na naging kapalaran ng anti-discrimination measure ay natutuwa pa rin ito dahil sa kasama ito sa ipinaglalaban ng mga LGBT community.

“While an anti-discrimination measure is welcome, the SOGIE Equality Bill remains the best policy tool to protect members of the LGBT community from discrimination, harassment, and even violence,” aniay.

Ngunit mas makakasiguro aniya na mas magiging maganda ang SOGIE Equality bill na hindi lang diskriminasyon ang epekto kung hindi masasandalan ng mga LGBT community sa lahat ng pagkakataon.

“SOGIE Equality Bill does not only define and prohibit discrimination, it also addresses stigma against persons with diverse SOGIE through programs promoting equality and diversity. This protective mechanism is unique to LGBTs who experience not only discrimination but also stigma. We hope that President Duterte will seriously consider these points,” apela nito.

Umaasa pa rin umano ito na maipapasa ang SOGIE Equality Law bagama’t dalawang dekada na umano itong pinaglalaban ng LGBT community.

“The LGBT community is not asking for special rights and privileges. Ang kanilang tanging hiling ay ituring sila ng pantay at mamuhay ng payapa na malaya sa diskriminasyon,” paliwanag pa ni Hontiveros.

 

Please follow and like us:
Read More

CRUSADER? IGNORANTE SIYA! –DU30 KAY PING

(NI HARVEY PEREZ)

PINUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Panfilo Lacson dahil sa pagsawsaw nito sa bawat isyu na mistula umanong nagtatangkang maging isang  ‘crusader’ pero isa namang ignorante.

Ang pahayag ay ginawa ni Duterte matapos nitong alalahanin  ang pahayag ni Lacson at Vice President Leni Robredo na kapwa binatikos ang kanyang sinabi na walang masama  na tumanggap ng regalo ang mga police officers kung ito ay kusang ibinibigay bilang pagtanaw ng utang na loob.

“His penchant to just right away [make comments] in every issue… I think he’s running for President. But I would  caution him to be more circumspect because there will come a time when those [comments] will be used by his enemies against him,” ayon kay Duterte sa ginanap na oath-taking of League of Vice Governors of the Philippines sa Malacanang.

“Sheer ignorance. Trying to be a crusader but ignorant,” dagdag pa ni Duterte.

Si Lacson, dating  chief ng Philippine National Police, ay malimit na gumamit ng social media para ihayag ang kanyang opinyon sa  mga polisiya ng administrasyong Duterte.

Nabatid na sa Twitter sinalungat ni Lacson ang pahayag ni Duterte kung saan sinabi nito na tanggapin ang regalo ng mga police officers at balewalain ang  anti-graft laws.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Duterte na walang masama kung tatanggap ang mga police officers ng regalo kung ito ay ibinigay sa kanila bilang pagtanaw ng utang na loob sa maganda nilang trabaho.

Sa isang talumpati, kinastigo rin nito si Robredo  sa kanyang naging pahayag.
“I can forgive Lacson for coming out with an erroneous tongue,” ani Duterte “But I can’t accept Robredo, who’s a lawyer.”

Please follow and like us:
Read More