KADIWA STORES BINUHAY NI IMEE

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) BINUHAY ni Senador Imee Marcos ang Kadiwa Stores na isa sa mga programa ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Marcos, layun ng kanyang programa na mabigyan ng mga produktong may mababang presyo ang publiko lalo na ngayong Ber Months. Layun din nito na masawata ang pag-aabuso ng mga convenient stores  sa pagtataas ng kanilang mga presyo. “Nag-uumpisa na rin magtaasan lalo na sa ating mga convenient store kaya wag natin hahayaan na magsitaas ng Ber months. Kaya eto ang Kadiwa,”…

Read More

HIGIT 2,000 APEKTADO NG HABAGAT

(NI JG TUMBADO) NASA mahigit 2,000 indibidwal o 480 pamilya ang apektado ng hagupit ng southwest monsoon o habagat na pinalakas ng tropical depression ‘Marilyn’. Batay sa impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umiral ang habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas region. May kabuuang 2,360 indibidwal ang naitalang apektado ng naranasang pag-uulan bunsod ng habagat. Nananatili ang 1,815 indibidwal sa itinalagang apat na evacuation center na ang ilan sa mga apektadong residente ay mula sa Region 9, 11 at 12. Samantala, nawasak ang karamihan…

Read More

EMERGENCY POWERS NI DU30 VS TRAFFIC KAILANGAN — ANDANAR

(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN si  Communications Secretary Martin Andanar sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong  Rodrigo Duterte para resolbahin ang malalang problema sa trapiko. Ayon kay  Andanar dapat lamang na mabigyan ng emergency powers si Duterte dahil sa paniniwalang ito lamang ang tanging paraan para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila. “Hindi ho dapat ito maging—iyong tinatawag natin na linear approach, iyong tipong you solve the traffic from A to B, A to D… bale—hindi ho dapat ganoon. Dapat…

Read More

IBA PANG RAKET NI FAELDON SA BUCOR, KAKALKALIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINATIKOS ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang iba pang sinasabing iregularidad ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon sa New Bilibid Prisons (NBP). Kabilang na rito ang sinasabing tangkang pagpapatupad ni Faeldon ng ‘no sticker, no entry’ policy sa NBP. Sa impormasyon, bibilhin kay Faeldon ang sticker para sa bawat sasakyang papasok subalit kinuwestyon ng asosasyon kaya’t hindi tuluyang naipatupad. “Narinig ko rin yan. Kaya nga lang hindi na-implement ang sticker dahil nagbabayad na rin ng sticker ang mga nakatira roon. At may nakatira roon,…

Read More

WALANG KURYENTE

brownout121

(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Manila Electric Co. (Meralco) na pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa maintenance works. Batay sa inisyung paabiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works ngayong Linggo, Set. 15 at magtatagal hanggang sa Set. 21, Sabado. Sinabi ng electric company na kabilang sa mga apektado nito ang Dagat-dagatan, Caloocan City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 7) dahil sa replacement at relocation ng concrete pole; a line reconductoring works sa Tanigue St. Sinilyasi St.; Makati…

Read More

PAMPUBLIKONG SASAKYAN PRAYORIDAD SA MGA LANSANGAN 

bus1

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG hindi mahirapan ang masa sa pagbiyahe araw-araw papasok sa kanilang trabaho at sa pag-uwi, bibigyan ng prayoridad ng Kongreso ang mga pampublikong sasakyan sa mga lansangan. Ito ang napag-alaman kay House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ng Samar hinggil sa blueprint  ukol  “centralized and synchronized bus dispatch system” lalo na sa Edsa. “Ang sasakyan ng masa ang bibigyan natin ng prayoridad,” ani Sarmiento hinggil sa kanilang ‘shorterm solution” sa tumitinding problema sa trapiko kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ang nahihirapan. Ayon sa mambabatas, hindi ang mga may…

Read More

DUTDUTAN 19

DUTDUTAN

Pagta-tattoo, pagtatanghal ng iba’t ibang banda, at fashion show ang muling aasahan ng tattoo enthusiasts sa gaganaping Dutdutan 19: Philippine Tattoo Expo. Ang Dutdutan ay proyekto rin ng Philippine Tattoo Artists Guild, Inc. o Philtag sa pangunguna nina Ricky Sta. Ana at Alfred Gueverra. Ang kauna-unahang “Dutdutan Philippine Tattoo Convention” ay ginanap noong Marso 2005 sa Garahe Bar sa Ermita, Maynila. Sa paglipas ng panahon ay parami nang parami ang sumusuporta at dumadalo sa taunang okasyong ito. Maging ang foreign tattoo artists at fans ay dumadayo na rin bilang pagkilala…

Read More

TATTOO LEGEND: RICKY STA. ANA

ricky

(Ni Ann Esternon) Sa paglipas ng maraming taon, naiiba na rin ang imahe sa pagkilala natin sa kung ano ang tattoo hindi tulad dati na sinasabing ang dekorasyong ito sa katawan ay tanging sa mga bilanggo lamang at mga taong may negatibong pag-uugali. Ngayon ay mas nagiging positibo na sa nakararami ang tattoo at iba na ang pagtingin natin dito. Ang pagta-tattoo ay nasa katergoyang symbolic, pictorial o purely decorative. Siyempre ang pagmamarka ay depende rin sa nagpapa-tattoo kung ano ito sa kanya. Pero sa tattoo artists, mas malalim ang…

Read More

HIGIT 7-K OFWs HIV PATIENTS BAGO MATAPOS ANG 2019

hiv12

(NI BERNARD TAGUINOD) LALAGPAS na sa 7,000 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tinamaan ng wala pang lunas na sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) bago matapos ang taon. Ito ang nabatid sa grupong ACT-OFW Coalition and Organization matapos umabot sa 444 OFWs ang naidagdag sa listahan ng mga nagkaroon ng HIV mula Enero hanggang Mayo 2019. Mas mataas ito ng 21% sa 369 na biktima na nairekord sa kaparehong panahon noong 2018 bagay na labis na ikinababahala ng grupo dahil indikasyon nito na patuloy na dumarami…

Read More