DEP’T OF OFW  OK NA SA  DISYEMBRE

cayetano12

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINIYAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa sa Disyembre ang Department of Overseas Filipino Workers (OFWs) na sinimulan nang dinggin sa committee level nitong Martes.

Sa ambush interview kay House Speaker Allan Peter Cayetano, umaasa ito mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala bago ang Christmas break ng Kongreso sa Disyembre.

Ayon kay Cayetano, kakausapin umano ng mga ito ang Senado na magsagawa ng kahit dalawang joint hearing sa mga bansa kung saan maraming nakabaseng OFWs subalit hindi nito sinabi kung saan bansa, ngayong Oktubre.

“Matatapos ang (trabaho) ng Technical Working Group by the end of October para kung kaya on the second week of November to the end of November, nasa floor na for second reading and plenary debate.

“Kung masusunod ito, mahahabol ng Disyembre (ang third and final reading,” dagdag pa ni Cayetano matapos simulan ng House committee on labor ang pagdinig sa nasabing panukala na isa sa mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa nasabing panukala, pag-iisahin ang lahat ng ahensya na may kinalaman sa OFWs tulad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ibang trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon naman kay House deputy speaker Raneo Abu, inaasahan na mababawasan kundi man tuluyang mawala ang pang-aabuso sa mga OFWs sa pamamagitan ng ahensyang itatag na ang tanging tungkulin ay tutukan ang interes ng mga tinaguriang bagong bayani.

“The proposed law aimed at lessening illegal recruitment and  abuse against overseas Filipino workers (OFWs) while hastening the delivery of services to them. Guaranteed protection for their right and welfare is our own little way of returning the huge favor they have been extending to sustain a positive economy,” ayon  kay Abu sa hiwalay na panayam.

 

Please follow and like us:
Read More

P110-B ILALAAN SA 15% SALARY HIKE NG TEACHERS, NURSES

(NI ABBY MENDOZA)

SA loob ng susunod na tatlong taon ay magpapatupad ng kabuuang 15%  salary increase ang Duterte administration sa mga government employees kabilang dito ang mga nurses at teachers at sa kabuuan ay P110 bilyon ang gugugulin para dito.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda, ang salary hike ay nakapaloob sa Salary Standardization Law 5(SSL5) at hindi na kailangan ng bagong pagkukunan ng buwis para ipatupad ito.

Dahil nakapaloob na sa 2020 budget ang unang tranche ng wage increase ay kailangan na lamang malagdaan ang Joint Resolution ng Senado at Kamara at maaari na itong ipatupad.

Hindi naman kasama sa wage hike ang mga uniformed personnel.

Sa unang taon ay  P32 billion sa  wage increase at P4 billion para sa  miscellaneous benefits ang popondohan ng gobyerno na kasama na sa 2020 national budget, P P36.630 billion para sa  second tranche at  P36.753 billion para sa  third tranche.

“It will favor Salary Grade  1 to 17 with higher increases while those in Salary Grade 18 to 33 including the President and Congressmen will receive lower increases,” paliwanag ni Salceda.

Una nang sinabi ni Budget and Managent Secretary Wendel Avisado na nakatakda silang maghain ng SSL bill sa Kamara ngayong buwan.

 

Please follow and like us:
Read More

WITHDRAWAL NI CARDEMA ‘DI PA PINAL

cardema44

(NI HARVEY PEREZ)

INIHAYAG ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi  awtomatikong  matatanggal bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List Group si dating National Youth commissioner Ronald Cardema, matapos na maghain ng notice of withdrawal sa poll body.

Nabatid kay Guanzon, kailangan pa rin itong  desisyunan ng Commission en banc kung aaprubahan ba o hindi ang naturang kahilingan ni Cardema.

“His ‘withdrawal’ is not automatic. The Commission En Banc has to rule on that,” post ni  Guanzon, sa kanyang Twitter account.

“We are not a stamping pad of an overaged, disqualified pretender,” ayon sa opisyal.

Una nang ipinabatid ni Guanzon ang notice of withdrawal na inihain ni Cardema noong Setyembre 13, kung saan sinabi nitong isasakripisyo na lamang niya ang kanyang sarili, sa pamamagitan nang pag-uurong ng kanyang nominasyon, para makaupo na sa pwesto ang kanilang partido.

Binuntunan din ng sisi ni Cardema si Guanzon sa  kanyang pag-urong at inakusahan ito nang panggigipit at pangingikil, na kaagad namang inalmahan ng lady commissioner.

Nilinaw ni Guanzon na isinapubliko niya ang notice of withdrawal ni Cardema dahil ito’y notaryado at itinuturing namang isang public document.

“Why do I make it public?  Because his ‘notice’ was notarized. It is a public document. He cannot claim privacy.   And the people have a right to information,”  ayon kay Guanzon.

Tinawag din na estupido ni Guanzon si Cardema  dahil sa paninisi at pagbibintang sa kanya ng ‘under oath’ dahil libelous umano ito.

Nabatid na una  nang  itinanggi ni Guanzon ang mga naturang alegasyon ni Cardema at nagbanta na sasampahan ng libel sa susunod na taon.

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-BENEPISYO SA BRGY OFFICIALS UMUUSAD NA 

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN ang ilang senador na mahalaga ang pagpasa sa panukalang Magna Carta para sa lahat ng barangay workers sa buong bansa upang mapagkalooban ng dagdag benepisyo sa mga ito.

Nagkakaisang sinabi nina Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., at Senador Christopher Lawrence  ‘Bong’ Go, na nagsabing panahon nang mabigyan ng disenteng dagdag-sahod at dagdag benepisyo sa mga opisyales ng barangay at kanilang tauhan.

“Ang layunin naman natin dito, kung paano tayo makakatulong sa barangay. Kung ano talaga ‘yung mapag-usapan natin at kung ano talaga ‘yung available funds na makakatulong sa kanila,’ yun ang pagtulungan nating maipasa,” ani Revilla.

Tinukoy naman ng mga kinatawan mula sa Department of Budget and Management (DBM) na ang budget para sa probisyon ng dagdag-suweldo at dagdag-benepisyo para sa mga opisyal ng barangay at mga manggagawa nito ay maaaring magmula sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng kani-kanilang unit sa lokal na pamahalaan.

Kumbinsido rin si Revilla sa panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi lamang duties and responsibilities  ang dapat ituro sa mga opisyal ng barangay, dahil bilang sila ang tanging  binigyan ng mandato ng constitution hinggil sa executive, legislative at judicial powers, dapat din silang alalayan sa pag-develop ng kanilang   income-generating acumen para matulungan silang mapalaki ang kanilang annual revenue.

“We all know that the barangay and its officials are the immediate provider of frontline services to our fellow countrymen. Sila ang pinakaunang tinatakbuhan ng ating mga kababayan. And it is because of this reason that we have to further improve the barangays and address the woes of our barangay officials,” sabi pa ni Go.

 

Please follow and like us:
Read More

HAZE SA FOREST FIRE SA INDONESIA UMABOT NA SA BANSA

(NI ABBY MENDOZA)

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) sa publiko dahil sa usok na nanggaling sa forest fire sa Sumatra at Kalimantan, Indonesia na nakarating na ng Pilipinas na nagdudulot ngayon ng low visibility.

Partikular na pinag-iingat ng Pagasa ang mga mangingisda lalo sa Tawi Tawi, General Santos at Puerto Prinsesa kung saan sinasabing makapal ang usok sa kalangitan.

Ayon sa Pagasa hindi fog ang nakikitang makakapal na puti sa kalangitan kundi usok, dahil sa usok ay mababa ang  horizontal visibility kaya dapat na mag ingat lalo ang mga naglalayag.

Pinag-iingat din ng Department of Environment and Natural Resources -Environmental Management Bureau (DENR-EMB) laban sa masamang epekto na ng maaaring idulot sa kalusugan ng usok, pinapayuhan ng DENR ang mga residente na magsuot ng face mask.

Partikular na pinag iingat ang mga mayroong allergy, may sakit sa baga at may asthma, pinapayuhan ang mga ito na kung maaaari ay huwag na munang lumabas ng kanilang bahay upang hindi makalanghap ng maruming usok.

Nabatid na umabot na rin ang haze sa Bacolod, Iloilo, Dumaguete, Cebu, Zamboanga, Puerto Princesa, Tagum City at Koronadal City.

Sa pinakahuling air quality monitoring ng EMB ay nasa normal level pa ito, hindi rin matiyak ng DENR  kung hanggang kailan magtatagal ang haze sa nasabing lugar na nakadepende umano sa magiging paggalaw ng hangin.

 

Please follow and like us:
Read More

BAN SA PRIVATE VEHICLES SA EDSA? BALIW NA IDEYA – RECTO

recto33

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

TINAWAG na crazy idea ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang suhestyon na ipagbawal ang mga pribadong sasakyan sa kahabaan ng EDSA kapag rush hour.

Ang panukala ay mula kay Caloocan City District 2 Representative Egay Erice bilang bahagi anya ng mga hakbangin upang maresolba ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni Recto na malaya ang sinuman na magmungkahi ng solusyon sa trapik subalit hindi anya nito seseryosohin ang panukala ni Erice.

Ipinaalala ni Recto na napakaraming buwis na ang binabayaran ng mga private car owners tulad ng Value Added Tax, duties at road users tax para sa kanilang mga behikulo.

Idagdag pa rito ang VAT at excise tax sa petrolyo kung saan nakakokolekta ang gobyerno ng daang bilyong piso kada taon.

“It’s a crazy idea. But people are free to suggest. I don’t take those seriously. Private car owners pay a lot of taxes. Excise, vat, duties, road user’s tax on vehicles and excise, vat on petroleum. Hundreds of billion a year,” saad ni Recto.

Sinabi naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mistulang hindi na pinag-isipan ang mungkahing dagdagan ang mga pampasaherong bus tuwing peak hours.

Kinuwestyon ng lider ng Senado kung saan dadalhin ang mga libu-libong bus kapag tapos na ang peak hours.

Muling iginiit ni Sotto ang orihinal niyang suhestyon na ipagbawal ang pagparada sa mga kalsada sa buong Metro Manila mula ala-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-10 ng gabi.

Kumpiyansa si Sotto na ang panukalang ito ang magbubunga ng maluwag na daloy ng trapik sa Kalakhang Maynila.

“It’s not a well thought of idea. He says dagdagan ang buses during that time, then where do you dump the thousand of buses taht ply after 9am. My original suggestion is still the best, no parking in the entire Metro Manila streets from 5am to 10pm,” saad ni Sotto.

Please follow and like us:
Read More

BRGY. OFFICIALS PINAKIKILOS LABAN SA ASF

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT na kumilos ang lahat ng barangay officials sa bansa para magbantay sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang nasasakupan.

Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay kasabay ng pagsasabing mas madali para sa mga hog raisers na magtiwala sa mga barangay officials at magsabi kung ano ang tunay na kalagayan ng mga alagang baboy ng mga ito.

“Tulungan natin ang mga maliliit na backyard hog raisers na muling makabangon. It was already hard for them to see their pigs die and culled. Barangay officials can help contain ASF by encouraging them to adapt biosecurity practices in every stage of swine raising,” sabi nito.

“’Yung biosecurity ay malaking challenge na sa mga nag-aalaga ng baboy. Ipaunawa natin sa kanila kung gaano ito kahalaga. Barangay officials can encourage backyard raisers to notify them or representatives of the LGU or DA to report if there’s something wrong with their pigs,” sabi pa ni Binay.

Sinabi pa nito na madaling matutukoy kung may sakit ang mga alagang baboy ng mga hog raisers sa tulong ng municipal o city veterinarians at ng Department of Agriculture (DA).

“Nananawagan ako sa mga barangay workers natin, kayo na po ang lumapit sa mga hog raisers natin, lalo na sa mga backyard raisers, lalo pa’t undermanned ang mga local agricultural offices natin,” giit ng senador.

 

Please follow and like us:
Read More

TULONG NG MEDIA HININGI VS TIWALA SA BAKUNA

(NI ABBY MENDOZA)

DALA sa idinulot na vaccine scare ng Dengvaxia, umaapela ang isang mambabatas sa media na tumulong para mawala ang takot ng publiko sa vaccination program ng Department of Health (DoH) sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue gayundin ng posibilidad ng pagbalik ng mga sakit gaya ng polio.

Ayon kay House Committee on Health Vice Chairman Alexie Tutor mula noong taong 2000 ay naideklara nang polio-free ang bansa subalit sa ngayon ay nanganganib na magkaroon ng high risk polovirus transmission kung marami ang hindi magpapabakun laban sa polio dahil  sa takot.

Sa datos ng Department of Health (DoH) ang vaccination coverage para sa third dose ng Oral Polio Vaccine(OVP) ay bumaba ng 95%, ang 95% umano ay target para masiguro ang population protection laban sa polio.

Ani Tutor dapat mapanatili ng bansa ang polio free kaya umaapela ito sa media networks na tumulong para mapalaganap ang vaccination program ng DoH.

“Sana magkaroon ng trending na anti-polio at pro-vaccination ads sa radio, tv at print media upang makalikha ng awareness sa publiko sa kahalagahan ng pagpapabakuna,”pahayag ni Tutor kung saan maging sa mga producers ng teleserye at noontime shows ay nakiusap ang mambabatas na isama sa kanilang mga programa ang ilang minutong pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa pagiging ligtas ng bakuna.

Inirekomenda rin nito sa Radio TV Malacanang ang paggawa ng radio at TV ad na paulit-ulit na i-bo-broadcast at may apela mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga magulang na hikayatin na pabakunahan ang mga anak.

Ang polio ay nakamamatay at isang  disabling disease na sanhi ng poliovirus, nakukuha ito kung may maruming environmental sanitation at hygiene, makakaiwas lamang sa virus sa pamamagitan ng bakuna na dapat makumpleto bago dumating ang edad na 1 taon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 60-K POGO WORKERS, ILIGAL SA PINAS

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang 63,000 ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas kundi aabot umano ang mga ito sa 120,000 at higit sa kalahati ay iligal na nakapagtatrabaho sa bansa.

Ito ang nagtulak kina House minority leader Benny Abante,  Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list Rep. Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon, at Manila 1st District Rep. Manuel Luis Lopez para hilingin sa Kongreso na imbestigahan na ang POGO operations sa bansa.

Sa ilalim ng kanilang House Resolution (HR) 337, sinabi ng mga nabanggit na mambabatas na hindi lang ang mga iligal na Chinese workers sa POGO ang usapin dito kundi ang harap-harapang pagbabalewala sa batas ng Pilipinas ng mga dayuhang ito.

“Department of Labor (DOLE) data shows that there are 63,855 documented foreign nationals working in the POGO industry. But there are some estimates that peg the number at 120,000, and until today the government is still reconciling its data,” ani Abante.

Dahil dito, malamang na kalahati sa mga POGO workers na pawang mga Chinese nationals ang ilegal na nagtatrabaho sa bansa na isang paglabag sa labor code ng bansa.

Maliban dito, nabalewala din umano ang batas sa pagbubuwis lalo na ang Section 25, 1997 National Internal Revenue Code, dahil malamang na hindi nagbabayad ang mga ilegal workers na ito ng personal income tax.

“The fact that we cannot even accurately account for these workers is troubling. If we have problems with regard to their documentation, then we will definitely have issues properly determining revenue collection,” ayon pa kay Abante.

Nasasalaula din umano ang mga Immigration law ng Pilipinas dahil nakakapagtrabaho ang mga dayuhang ito sa bansa na walang kaukulang permit na hindi makatarungan sa mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa na sumusunod sa batas ng bansang pinatatrabuhan ng mga ito.

Nakababahala rin umano na ang mga POGO hubs na ito ay nakatayo malapit sa Camp Aguinaldo, Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Air Force headquarters sa Pasay City, Philippine Army headquarters sa  Taguig City, Philippine Navy headquarters sa Roxas Boulevard at Sangley Point sa  Cavite.

“What kind of possible threats do these POGO hubs near our defense installations represent? These and other concerns are what we want to address in an inquiry,” ayon pa kay Abante.

 

Please follow and like us:
Read More