DEFENSE CHIEF WALANG ALAM; AFP-DITO TELCOM DEAL BUBUSISIIN

lorenzana55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang sinasabing kasunduan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng Dito Telecommunity Corporation o ang dating Chinese telecommunications firm na Mislatel Consortium. Sa kanyang Senate Resolution 137, iginiit ni Hontiveros na nalagay sa panganib ang national security ng bansa dahil sa kasunduan na maglalagay ang Chinese consortium ng kanilang equipment sa military bases sa bansa. Una nang inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi niya alam ang kasunduan. Sinabi ni Hontiveros na ito na…

Read More

2 LPA, HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON, VISAYAS

(NI DAHLIA S. ANIN) MAHINA hanggang malakas na ulan ang dala ng dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hanging habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas. Sa tala ng Pagasa, huling namataan ang mga LPA sa layong 715 kilometro Silangan ng Basco, Batanes at 130 kilometro Kanluran TimogKanluran ng Iba, Zambales. Hinahatak ng mga ito ang southwest monsoon o hanging habagat. Asahan ang maulang panahon sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at probinsya ng Mindoro. Habang makakaranas naman ng…

Read More

SINGIL SA KURYENTE BABABA PA — MERALCO

meralco121

(NI MAC CABREROS) INAASAHAN ang patuloy na pagbaba sa singil sa kuryente, inihayag nitong Martes ng Manila Electric Company (Meralco). Ito, ayon Atty. Ray C. Espinosa, pangulo at CEO, ay dahil sa bilyon-bilyong piso ang matitipid ng mga customer sa mga power supply agreement o PSA na pinasok sa power producers gaya ng PHINMA Energy Corporation, San Miguel Energy Corporation, at South Premiere Power Corporation nasa 1,700 megawatts. Tinaya ni Atty. Espinosa na abot sa 13.86 bilyon kada taon ang magaganansiya ng mga kustomer sa rate reduction na P0.41 kada…

Read More

REHAB CENTERS NAKATIWANGWANG

bong go55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINAALALAHANAN ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa paggamit ng mga drug rehabilitation facilities upang bigyang pagkakataon ang mga drug dependents na magbago. Sa impormasyon, mayroong 54 rehabilitation centers sa bansa kasama na ang 19 na pinamumunuan ng   Department of Health (DOH) gayundin ang mga private rehabilitation centers na may  5,300 bed capacity ang pawang mga nakatiwangwang. Mababa aniya ang occupancy rate kaya’t nais malaman ni Go kung ano ang kailangang gawin upang mahikayat ang…

Read More

EDUKASYON NG KATUTUBO TINIYAK NG DEPED

deped65

(NI MAC CABREROS) “It’s the first time that a Secretary of Education visited this village!” Inihayag ito ni Talaingod (Davao Del Norte) Mayor Jonnie Libayao nang bumisita si Education Secretary Leonor Briones para personal na tignan ang kalagayan ng edukasyon ng mga Indigenous People sa lugar. Nagkasundo sina Briones at Libayao na magtayo ng gusali para sa pag-aaral ng mga IP mula Kinder hanggang HS. Makikipag-ugnayan naman ang alkalde sa CHEd para sa college education ng mga katutubo. “Talaingod was the IP area I failed to visit many years ago…

Read More

CASIMERO DADAYO SA LONDON PARA KAY TETE

BIGO ang kinatawan ni Filipino boxer Johnriel Casimero na manalo sa ginanap na purse bid. Resulta: Kinakailangang dumayo ni Casimero sa London para harapin si regular World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Zolani Tete sa Nobyembre 23. Ang Queensberry Promotions ni Frank Warren, kinatawan ni Tete, ay naglatag ng $301,000 bid, para laktawan ang offer na $258,500 ng TGB Promotions na kumatawan kay Casimero. Kung nanalo, nais sana ng kampo ni Casimero na gawin sa U.S. ang laban. Gayunpaman, wala namang nakikitang problema ang kampo ni Casimero, kahit bumiyahe pa…

Read More

RAZOR BURNS, PAANO MAIIWASAN?

RAZOR BURNS

Lahat ng balat natin ay sensitive pero may lebel din ito kung gaano ito kasensitibo. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ilan sa atin ay madaling tamaan ng pimples, rashes, allergies at kung anu-ano pa. Bigyang focus natin ngayon kung bakit matapos na mag-ahit ay nagkakaroon ng bumps o pag-umbok, pag-angat ng balat na namumula, at minsan ay masakit. Ang tawag sa bumps na ito ay razor burns o razor bumps. Ang bumps na ito ay nasa bahagi ng katawan o mukha kung saan nag-ahit. Maaari itong nasa dibdib,…

Read More

ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS

Psychtalk

(Ikalimang bahagi) Sadyang maraming pwedeng itahi sa usapin ng bigas. Ito ay dahil isa ito sa pinakamasasalimuot na usapin sa panahon natin. Kung ang isang bagay ay masalimuot ay dahil marami pang ibang usapin ang nakakabit dito. At marami ring interes na madalas ay magkakasalungat ang nakapaloob dito. Kaya’t mahabang diskusyon ito kung tutuusin. Kung ikakabit ito sa mundo ng politika sa ating bansa, masasabing ilan na ring politiko ang sumadsad ang karera dahil sa bigas. Literal na usapin ito ng buhay at kamatayan ng maraming Filipinong nasa laylayan. At…

Read More

NO SA CITIRA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Bumoto ng NO sa TRAIN Package 2 o CITIRA ang Bayan Muna dahil naniniwala ito na hindi para sa interes ng mamamayang Filipino ang pagbababa ng Corporate Income Tax mula sa kasalukuyang 30% pababang 20%. Hindi maitatanggi na sa TRAIN 1, mas binuwisan ang mga mahihirap at binabaan ang buwis ng mga mayayaman. Ang mga mahihirap na dati nang hindi nagbabayad ng personal income tax dahil sa sobrang liit ng kanilang kinikita ay napahamak lang dahil sa TRAIN 1, dahil ang tanging natanggap nila rito ay mas mataas na buwis…

Read More