(NI ABBY MENDOZA) SA oras na maisabatas ay wala nang dayuhang manlalaro ang makapaglalaro sa mga college league. Layon ng House Bill 388 na inihain ni House Deputy Speaker Mikee Romero na ipagbawal na ang pagre-recruit ng mga dayuhang manlalaro sa collegiate league upang mas mabigyang pagkakataon ang mga homegrown Pinoy na mas ma-develop pa ang kanilang galing sa basketball. Ayon kay Romero, naging kaugalian na sa UAAP at NCAA na mag-imbita ng mga dayuhang players, ang resulta umano nito ay hindi nagkakaroon ng fair play at hindi naipo-promote ang…
Read MoreMonth: September 2019
LGUs AT PNP NAGHANDOG NG LIBRENG SAKAY
(Ni DAHLIA S. ANIN) Dahil sa isinagawang nationwide strike mga organisasyon ng drivers at operator, nag-alok ng libreng sakay ang Local Government Units (LGUs), Philippine National Police (PNP) at ilan pang ahensya ng gobyerno upang hindi masyadong maabala ang mga manggagawa na papasok sa kanilang mga trabaho. Pinoprotesta nila ang modernization plan para sa mga public utility vehicles (PUVs). Nagdeploy ng mga transport truck at fire engines ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) upang asistahan ang mga pasahero na apektado ng transport strike. Libreng sakay rin sa motor…
Read MorePAGDAMI NG MGA PULUBI, PINABUBUSISI
(Ni DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Leila de Lima na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa dumaraming pamilya at batang naninirahan sa kalsada upang matukoy ang mga dapat gawin ng gobyerno upang masolusyunan ang pamamalimos sa kalsada. Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 140, nais ni De Lima na rebisahin ang short- and long-term social welfare interventions ng gobyerno para sa mga street children at kanilang pamilya. “Their number has been on an increasing trend in recent years, and creating a pressing need to generate an up-to-date overview of…
Read MoreNATIONAL TRANSPORTATION SAFETY BOARD, PINABUBUO
(Ni DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang pagbuo ng National Transportation Safety Board (NTSB) na mag-iimbestiga sa lahat ng transportation accidents, tutukoy sa pag-sunod sa safety standards, at paggawa ng mga pag-aaral para sa safety at improvement. Sa kanyang Committee Report No. 8, iginiit ni Poe ang pangangailangan ng isang ahensya na nakatutok sa im-bestigasyon sa mga aksidente. “Transportation mishaps exact an appalling toll in terms of death, injuries, medical costs and damaged proper-ties. Behind these are the social costs of grief and…
Read MoreMGA MAG-AABANDONA SA MAGULANG, PARURUSAHAN
(Ni DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukala na magpapataw ng parusa sa mga mag-aabandona sa matatandang magulang at maysakit. Sa kanyang Senate Bill 29 o ang proposed “Parents Welfare Act of 2019,” nais ni Lacson na obligahan ang mga anak na suportahan ang kanilang tumatandang magulang lalo na kapag may karamdaman o wala nang kakayanan. Sa panukala, gagawing criminal offense ang pagpapabaya sa mga magulang. Maaaring maghain ang isang magulang na nangangailangan ng suporta ng petition for support sa korte laban sa kanyang anak na tumatangging…
Read MoreP500M ILALAAN NG DOH PANLABAN SA RABBIES SA 2020
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng P500 million ang Department of Health (DOH) na panlaban sa rabbies sa susunod na taon na naglalayong gawing ‘rabbies-free’ ang Pilipinas sa 2022. Ito ang napag-alaman kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos maisama ang nasabing pondo sa inaprubahang pondo ng DOH sa 2020 General Appropriations Act (GAB) na pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa. “The extra funding for the program is meant to enable the country to finally eradicate rabies,” ani Defensor, vice chairman ng House committee on health nitong weekend. Ayon sa mambabatas,…
Read MoreTIGRESSES, LADY SPIKERS SWAK NA SA FINAL FOUR
(PHOTO BY MJ ROMERO) PINORMALISA ng defending three-time women’s titlist University of Santo Tomas at De La Salle ang pagpasok sa Final Four matapos magsipagwagi kahapon sa UAAP Season 82 Beach Volleyball Tournament sa Sands SM By The Bay. Tinuhog nina Babylova Barbon at Gen Eslapor ang ikalimang sunod na panalo ng Golden Tigresses matapos talunin ang tambalan nina Sheena Gallentes at Shiela Mae Kiseo ng Far Eastern University, 21-11, 21-15, habang sina Lady Spikers’ Tin Tiamzon at Justin Jazareno ay umangat din sa 5-0 kasunod ng 21-11, 21-9 win…
Read MoreBOC HUMINGI NG PANG-UNAWA SA STAKEHOLDERS SA PAGKAANTALA NG ACCREDITATION
Humingi ng pang-unawa ang Bureau of Customs (BOC) sa stakeholders dahil sa bahagyang pagkaabala sa proseso ng kanilang accreditation. Sa kasalukuyan, ang BOC ay patuloy ang pagpapaganda ng sistema at proseso para sa kanilang stakeholders at partners. Partikular na ang pagpapabilis sa proseso ng lahat ng mga nakabinbin na aplikasyon sa kanilang tanggapan. Nakatakdang umalalay ang BOC-Public Information and Assistance Division (PIAD) sa mga nangangailangan partikular sa kanilang stakeholders at partners ng Customs. Nauna nang ipinatupad ng Customs ang modernisasyon para makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo sa kanilang…
Read MoreNASABAT NA ULO NG USA NASA PANGANGALAGA NA NG DENR
Pormal nang itinurn-over ng Bureau of Customs-Environmental Protection and Compliance Division (BOC-EPCD) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabat na ulo ng usa kamakailan. Ayon sa report, ang ulo ng usa ay wala umanong kaukulang import permit mula sa BOC at DENR na nasabat sa isang warehouse sa Maynila noong nakaraang Setyembre 24, 2019. Bahagi umano ito ng parcel na idineklarang ‘used household goods’ at personal na kagamitan na dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 12, 2019 mula sa Guam. Kinumpiska ang ulo ng…
Read More