SAHOD NG MGA KASAMBAHAY PINATATAAS

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISINUSULONG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas na ang sahod ng mga kasambahay dahil hindi na umano sapat ang kanilang tinatanggap na suweldo na itinadhana ng batas.

Sa House Bill (HB) 4760 na inakda ni Manila Rep. John Marvin Nieto, kailangan na aniyang bigyan ng umento ang mga Kasambahay upang matulungan ang mga ito at ng kanilang pamilya.

Noong 2013 ay ipinatupad ang Republic Act (RA) 10631 ‘Domestic Workers Act’ bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kasambahay  sa lipunan dahil kung wala ang mga ito ay maraming pamilya ang mapipilay.

Dahil dito, itinakda ng nasabing batas na lahat ng mga kasambahay na nagtatrabaho sa National Capital Region (NCR) ay kailangang pasahurin ng P2,500 kada buwan habang ang mga nasa Charterd Cities ay P2,000 at P1,500 naman sa mga munisipalidad.

“Unfortunately, three years after its enactment, review and adjustments to the minimum wage of household helpers remains unattended by the Regional Tripartriate and Productivity Wage Boards (RTPWB),” ani Nieto.

Sinabi ni Nieto na kailangan nang itaas ang sahod ng mga kasambahay lalo na’t pataas ng pataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa at iba pang serbisyo publiko.

Kung maaaprubahan, magiging P3,000 na ang minimum wage sa mga kasambahay sa NCT, P2,500 sa mga Chartered Cities at maging sa  mga munisipalidad.

Bukod ito sa iba pang benepisyo ng mga kasambahay tulad ng Social Security System (SSS), Philhealth at iba.

Naniniwala ang mambabatas na kapag tumaas ang sahod ng mga kasambahay ay lalong sisipagin ang mga ito sa pagtatrabaho.

 

Please follow and like us:
Read More

300 JAIL OFFICER TINANGGAL SA BUCOR

bucor55

(NI ROSE PULGAR)

NASA 300 na mga jail officer ng Bureau of Correction (BuCor) ang pinalitan ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang hakbang para maitigil umano ang iregularidad sa bilangguan.

Sinabi ni BuCor spokesperson Wena Fe Dagan na 552 tauhan buhat sa NCRPO ang papalit sa mga tauhan ng BuCor na ipinatupad kahapon ang relief order laban sa kanila.

Isinasailalim rin sa imbestigasyon ang mga na-relieve na tauhan ng BuCor sa posibleng kaugnayan nila sa operasyon ng iligal na droga at iba pang anomalya sa Bilibid.

Bahagi ang pagtanggal sa 300 tauhan ng BuCor sa pinaiiral nilang ‘internal cleansing’ kasunod ng pumutok na kontrobersiya ukol sa samu’t saring ‘special treatment’ sa mga may perang bilanggo at patuloy na pag-ooperate ng mga drug lords kahit na nakakulong.

Nabatid na mga nakatalaga sa ‘maximum security compound’ ang mga jailguards na tinanggal habang isusunod rin ang paglilinis sa medium at minimum security compounds.

Ito rin ang napagkasunduan nina NCRPO Director Police Maj Gen Guillermo Eleazar at BuCor Director General Gerald Bantag sa pagpupulong nila ngayong Biyernes. Nakatakdang sumailalim naman sa pagsasanay at ‘refresher’ ang mga tauhan ng NCRPO sa mga polisiya at tungkulin sa NBP habang mahigpit ang bilin ni Eleazar na labanan ang lahat ng uri ng katiwalian sa kulungan.

Please follow and like us:
Read More

PAG-BAN SA TALUNANG PARTYLIST NOMINEES OK SA KAMARA

mocha11234

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala sa Commission on Election (Comelec) na isama ang mga talunang nominees ng mga party-list group, sa pagbabawalan ma-appoint sa gobyerno sa loob ng isang taon pagkatapos ng halalan.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng panukala para hindi na maulit ang kaso ni Mocha Uson na inaappoint sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahit talunan ang kaniyang partidong AAKasyoso party-list noong Mayo.

“We will support the proposals to ban losing party-list nominees from being appointed to government office for a period of one year,” ani Brosas.

Si Uson ay first nominee ng nasabing party-list group subalit nabigo ang mga ito na nakakuha ng sapat na boto kaya hindi nakaupo ang kontobersyal na opisyal na dating lider ng Mocha girls at Undersecretary ng Presidential Communication Operation Office (PCOO).

Wala pang limang  buwan pagkatapos ng eleksyon ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson sa OWWA na pinalagan ng mamamayan.

“This is obviously imprudent and utterly lacking in delicadeza,” ani Brosas sa appointment ni Uson na kasama agad sa official visit ni Duterte sa Russia.

Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang mga first nonimees kundi ang second at third nominees ang kailangang iban sa gobyerno sa loob ng isang taon kapag natalo ang kanilang partido.

 

Please follow and like us:
Read More

DELIBERASYON NG SENADO SA NAT’L BUDGET GAWING TRANSPARENT – SOLON

titosotto

(NI BERNARD TAGUINOD)

NGAYONG nasa kamay na ng mga senador ang 2020 national budget, umaasa si Anakalusugan Rep. Mike Defensor na igalang ang inter-parliamentary courtesy sa dalawang Kapulungan.

Ginawa ni Defensor ang pahayag kasabay ng pakikiisa kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magiging transparent o bukas sa publiko ang deliberasyon ng Senado sa pambansang pondo ng nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

“We hope that the Senate leadership being an institution that we look up to will debate and ensure that its collective membership will keep the time-honored inter-parliamentary courtesy,” ani Defensor.

Magugunita na nagkaroon ng bangayan ang ilang Congressman at Sen. Panfilo Lacson matapos akusahan ng senador na puno ng pork barrel ang ipinasa ng Kamara na pondo na itinanggi ng mga kongresista.

“Our only collective request is that we avoid purveying fake news and rumors during budget discussions. In this manner intelligent and relevant discussions can be achieved by both Chambers,” ayon pa kay Defensor.

“Speaker Cayetano, House Majority Leader Martin Romualdez and House Appropriations Chairman Isidro Ungab together with the House leadership did a great job for the Executive department in ensuring that this budget passes with no pork, no delay and no parking,” dagdag pa ng senador.

Ipinaalala naman ni House deputy speaker Raneo Abu sa mga senador sa publiko kasama na ang mga senador na kung mayroong nakakaalam sa pangangailangan ng mga tao ay ang mga district congressmen.

Ito ang dahilan kaya hindi umano dapat pagduduhan ng mga senador ang mga proyekto sa mga distrito sa bansa bansa dahil kailangan ito ng kanilang mga constituent.

“I assure our countrymen that the General Appropriations Bill that the House has transmitted to the Philippine Senate Tuesday is a budget that guarantees a better and more comfortable life for most Filipinos,” ayon kay Abu.

 

Please follow and like us:
Read More

LIBRENG SAKAY SA MRT3 SA MGA GURO BUKAS

guro12

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGANDANG balita para sa mga guro dahil pagkakalooban sila ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng free rides bukasm Oktubre 5, kasabay nang pagdiriwang ng National Teachers’ Day.

Batay sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng  MRT-3, bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa mahalagang okasyon at bilang pagpupugay na rin at pagkilala sa sakripisyo at pagseserbisyo ng mga guro para sa bansa.

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga guro mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi ngayong araw.

“Makalilibre ng sakay sa MRT-3 ang mga minamahal nating guro buong araw bukas, ika-05 ng Oktubre 2019, mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi!” anunsiyo ng MRT-3.

Kinakailangan lamang umano ng mga guro na magprisinta ng kanilang Professional Regulatory Commission (PRC) o kaya ay kanilang Faculty ID  sa mga station personnel sa service gate ng MRT-3 upang maka-avail ng libreng sakay.

Ang MRT-3 ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Please follow and like us:
Read More

TIGERS, GAGALUSAN ANG BLUE EAGLES

(NI JOSEPH BONIFACIO)

LARO BUKAS:

(MALL OF ASIA ARENA)

2:00 P.M. – UE VS ADU

4:00 P.M. – ADMU VS UST

SUSUBUKANG galusan ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang malinis na Ateneo Blue Eagles sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hawak ang malinis na 7-0 card pagkatapos ng first round, magtatangka ang Blue Eagles sa ikawalong sunod na tagumpay kontra sa palabang Growling Tigers (4-3) sa alas-4:00 ng hapon.

Bago iyon, magpapambuno muna ang Adamson University (3-4) at University of the East (2-5) sa alas-2:00 ng hapon upang mapalakas ang kanilang tsansa sa Final Four.

Hangad ng UST na makabawi sa Ateneo buhat sa masaklap na 70-71 loss sa first round.

Ito ang dahilan kaya’t nananawagan si head coach Tab Baldwin sa kanyang mga bataan na wag pakampante lalo’t siguradong gigil na Growling Tigers ang kanilang makakaharap.Maliban sa UST, ang Blue Eagles ay tinambakan ang mga nakalaban sa first round – Adamson, La Salle, FEU, UE at NU.

Sasakay ang Ateneo sa 89-63 win sa huling laro nito sa first round kontra UP noong nakaraang linggo.

Aangkla sa atake ng Ateneo ang MVP candidate na si Ange Kouame kasama sina Thirdy Ravena, Adrian Wong, Matt Nieto, SJ Belangel, William Navarro, Isaac Go at Gian Mamuyac.

Haharang sa kanila ang no. 1 MVP frontrunner na si Soulemane Chabi Yo na siyang aasahan ni head coach Aldin Ayo kasama sina Rhenz Abando, Mark Nonoy, Renzo Subido, CJ Cansino at Sherwin Concepcion para sa misyong mapanatili ang pwesto sa tersera.

May tsansa sana ang UST na makapwersa kasama ang UP sa segunda pwesto sa pagtatapos ng first round, subalit natalo naman sa kamay ng La Salle, 77-92 sa pagtatapos ng first round.

Tatangkain naman ng Adamson na maipagpag ang masakit nitong kabiguan kontra sa FEU, upang makabalik sa Final Four, habang aasam ang UE na masikwat ang ikalawang sunod na panalo mula sa tagumpay kontra NU upang mapalakas rin ang kanilang tsansa sa F4.

 

Please follow and like us:
Read More

BAWAS-BAYAD SA SLEX TOLL IGINIIT

(NI NOEL ABUEL)

IGINIIT ni Senador Grace Poe na magpatupad ng bawas-singil sa toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa epekto sa mabagal na daloy ng trapiko bunsod ng isinasagawang Skyway extension project.

Ayon sa senador, hindi katanggap-tanggap na malaking pera ang ibinabayad ng mga motorista sa SLEX para mapadali ang takbo ng mga ito subalit kabaligtaran naman ang nangyayari sa kasalukuyan.

“Motorists deserve to pay less for the trouble the gridlock is causing due to the extension project. Sa mala-prusisyong usad ng trapiko dahil dito, masama bang hilinging kaltasan ang toll sa mga motorista?” pag-uusisa ni Poe.

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng bawas toll fee ay maipakikita ng pamahalaan at ng tollway management ang sentimiyento ng mga motoristang dumaraan sa SLEX.

“Nagbabayad tayo ng toll dahil gusto natin ng mabilis na biyahe, kaya nga expressway. Pero ngayon, 28 kilometro ang ginagapang ng ating mga kababayan araw-araw,” giit ni Poe.

Una nang sinopla ni Poe si  Abraham Sales, executive director ng Toll Regulatory Board (TRB), sa pagsasabi nitong hihilingin ang tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na linggo upang makatulong na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa SLEX.

“Bakit pa hihintayin iyong next week?  I’m sure you can call the MMDA to come now and help,” sabi ni Poe.

Sa inilabas na traffic advisory ng TRB, isinara ang Lane 3 northbound o ang outermost lane paglagpas ng Alabang Viaduct sa Muntinlupa City simula pa noong Setyembre 24 dahil sa konstruksyon ng pylons sa 6-km. extension ng Skyway mual Barangay Cupang hanggang Susana Heights.

 

Please follow and like us:
Read More

OPERASYON NG LRT2 POSIBLENG BALIK-NORMAL SA LOOB NG 9-BUWAN

lrt2a

(NI KIKO CUETO)

POSIBLENG abutin ng hanggang siyam na buwan bago magbalik sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2, ayon sa opisyal nito.

“The damage is massive. The damaged parts are really big parts that are imported… We need  to import these parts,” sinabi ng LRTA sa isang pahayag sa social media.

Sinabi ng LrTA na walang magiging operasyon sa Santolan, Katipunan at Anonas stations sa siyam na buwan

Magkakaroon lamang ng partial operations sa Cubao papuntang Recto.

Nasunog noong Huwebes ang dalawang rectifier ng LRT 2 na siyang nakaapekto sa power supply nito.

Dumaraan ang LRT 2 sa limang Siyudad sa Metro Manila.

“Doon sa imbestigasyon na iyon makikita natin ‘yung dahilan, ipapaloob na rin sa report na ‘yun yung definitely magkano ‘yung kailangang gugulin, gagastusin sa pagre-repair nito, ‘yung availability ng spare parts, and then ultimately ‘yung timeline kung kailan natin maibabalik ‘yung full-line operation,” pahayag ni Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera.

Inamin niya na karamihan sa mga spare parts lalo na ang mga nasira ay pawang mga imported.

“Hindi natin mare-repair ngayon ‘yan hanggang bukas o sa susunod na araw pa. It will take some time,” pag-aamin ni Cabrera, sabay sabi na hindi nila tiyak kung kailan ito muling gagana.

Bago magtanghali ay nagkaproblema sa rectifiers nito kung saan nakuhanan pa ng video ang pagkakasunog ng bahagi ng riles na dinaraanan ng LRT trains.

Ang LRT2 ay may average na 200,000 na daily passengers at dumadaan sa Pasig, Marikina, Quezon City, San Juan at sa Manila.

Samantala, hindi akma ang panukala ni Sen. Grace Poe sa na mag-alok ng business class coaches sa mga train riders sa MRT at LRT.

“‘Yung business class kasi para sa mga long haul na tren ‘yun eh, ‘yung ginagamit natin pang-commuter line lang na panandalian lang ‘yung sakay mo,” sinabi ni Cabrera.

“Hindi tutugma ‘yung ganung konsepto para sa mga commuter line,” dagdag nito.

Naunang itinulak ni Poe sa pagdinig sa budget ng Department of Transportation na maylagay ng premium coaches sa mga pasahero na kayang magbayad ng mas mahal para mabawasan ang mga trapik sa Metro Manila.

 

Please follow and like us:
Read More

ALAGANG BABOY IINSPEKSIYUNIN BAGO KATAYIN – DA

ASF-3

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGBABALA   ang Deparent of Agriculture sa mga hog raisers na nagkakatay ng baboy at ibinebenta sa publiko.

Ito ay matapos mabisto ng ahensiya ang talamak na bentahan online ng mga baboy sa mga online post.

“To ensure that the hog or the meat na na-slaughter ay safe ay dapat na dadaan sa tamang proseso. Ang tamang proseso ay ma-inspect tapos po ay kakatayin sa tamang slaughterhouse,” ani Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, sa panayam.

Pinapayuhan ang publiko na bumili lamang ng karne ng baboy sa may mga certificate mula sa National Meat Inspection Services.

Ilang kaso na ng African Swine Fever o ASF ang naitala sa ilang barangay sa Quezon City.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More