2-ANYOS PATAY SA MENINGO

(NI HARVEY PEREZ)

NASA tatlo katao na ang nasawi dahil  sa meningococcemia makaraang bawian ng buhay nitong Biyernes ng hapon ang isang 2 anyos na batang lalaki  sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Nalaman na ang paslit  ay dinala sa  San Lazaro mula sa Nasugbu, Batangas at kunimpirma ng  Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nasawi ito sa meningococcemia.

Nabatid na ang paslit ay kasama sa inoobserbahan at nasa isolation room ng   San Lazaro Hospital, kabilang ang isang 16- anyos na dalagita mula sa Nasugbu.

Nalaman sa kabuuan, tatlo katao na ang kumpirmadong  nasawi sa meningococcemia  kabilang ang isang 3 anyos na batang gulang na batang lalaki, na mula sa Bicol, at isang 53-anyos na babae mula sa Tanauan,Batangas na nasawi noong Setyembre 21.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang meningococcemia ay naililipat sa pamamagtan ng direct close contact sa indibidwal  na kontaminado o sa pag-ubo.

Dumarami  ang naturang sakit sa panahon na ng taglamig at maaring maging daan para magkaroon ng  organ failure, severe disability o maging kamatayan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 GENERAL SA ‘NINJA COPS’ NASA PNP – DU30

(NI CHRISTIAN  DALE)

NAGBIGAY na ng clue si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung sino ang 2 heneral na hanggang sa kasalukuyan ay sangkot sa illegal drug trade.

Hindi man pinangalanan nito subalit malinaw na ang dalawang heneral na kanyang tinukoy sa Valdai Forum sa Russia ay mula sa Philippine National Police (PNP).

“He (Pres. Duterte) disclosed that there are two generals who are still involved in the illegal drug industry, he refers to the PNP generals who have been accused to have protected the ninja cops,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Sa ngayon ay hihintayin muna ng Punong Ehekutibo ang rekomendasyon ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año sa oras na matapos na nito ang kanyang
internal investigation.

Nauna rito, ibinunyag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Russia, na dalawang heneral ang may kaugnayan sa droga, kasabay ng umaandar na imbestigasyon laban sa mga ninja cops.

Sinabi ito ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa foreign policy ng kanyang administrasyon, kung saan sumentro ang Pangulo sa problema ng droga sa bansa.

“There are about again two generals who are still playing with drugs,” aniya sa plenaryo ng Valdai Forum sa Sochi kasama ang mga lider ng Russia, Jordan, Kazakhstan, at Azerbaijan.

Sa kabilang dalo, patuloy na minomonitor ni Pangulong Duterte ang mga kaganapan sa Pilipinas habang abala siya sa kanyang commitments sa Moscow at Sochi sa bansang Russia.

Ang matigas na posisyon ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs at mga taong pilit na sinisira ang bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng ilegal na droga, maging ang mga ito ay nasa gobyerno o wala ay hindi kailanman mahihinto.

Sinabi ni Panelo na laging binabanggit sa iba’t ibang okasyon ng Chief Executive na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang mga ginawa na mas malala pa sa isang kriminal.

Sa kabilang dako, hahayaan naman ng Pangulo na gawin at tapusin ng Kongreso ang kanilang imbestigasyon “in aid of legislation” bago pa gumawa ng kahit na anumang pormal na hakbang sa isyu ng ninja cops.

Please follow and like us:
Read More

JOSEPH MARCO IPINAKILALA NA ANG FIL-ITALIAN GF

FOR  the first time, ipinakilala na ng aktor na si Joseph Marco ang kanyang girlfriend, si Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi. Si Celeste, 21, ay Filipino-Italian at nag-represent sa Filipino community ng Rome, Italy sa Miss Earth Philippines pageant.

Sa 31st birthday ni Marco kahapon, October 4, pinost ni Marco ang larawan kung saan hinahalikan niya sa pisngi ang dalaga. May caption ito na, “Just a moment ago, I thought of you and my heart was filled with gratitude… thank you for existing. I love you.”

Kamakalawa naman, may Instagram Story si Celeste habang kasama si Joseph sa isang sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

HIWALAY NA SECTION NG BABAE, LALAKI, KINONTRA NG DEPED

deped25

(NI DAHLIA S. ANIN)

HINDI pinaboran ng Department of Education (DepEd) ang panukala ng National Youth Commission o NYC na paghiwalayin na ng section ang mga babae at lalaki sa Grade 7 hanggang Grade 12 upang mabawasan umano ang kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis.

Lumalabas sa pag aaral na mas lalong tumaas ang bilang ng kababaihang nabubuntis mula edad 15 hanggang 19.

Pero ayon sa DepEd, wala pa naman umanong pag aaral na direktang makapag

sasabi na makatutulong ang paghihiwalay ng babae at lalaki upang mabawasan ang bilang ng teenage pregnancy.

“Kailangan ng masusing pag-aaral yan. If that will be taken seriously. Kailangan ng pag-aaral dyan ano ang implications, fiscal implications,” ani DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Para naman kay NYC Chairperson Ryan Enriquez, “Maraming grade school pa lang may girlfriend at boyfriend sila dahil magkaklase sila. At kung meron silang activity na magsasama-sama sa isang bahay, doon mangyayari, pwedeng maging teenage mother agad-agad.”

Naniniwala ang NYC na kung magkakahiwalay ang babae at lalaki ng section, maiiwasan ang  masyadong pagkakadikit ng mga nagliligawan.

At kung may mga group projects na kailangan mag-overnight ay mababawasan ang tsansa nitong matukso ang mga kabataan na magkaroon ng sekswal na kontak sa isa’t-isa.

Please follow and like us:
Read More

EX-MAYOR KULONG NG 104 TAON SA GRAFT

sandigan

(NI ANNIE PINEDA)

HINATULAN ng Sandiganbayan ng higit sa 104 na taon pagkakakulong ang dating alkalde dahil sa mga kasong graft at malversation.

Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, guilty si dating Ilocos Sur Sta. Catalina mayor Carlos Asuncion sa 8-bilang ng kasong graft at 4 na bilang ng kasong malversation of public funds.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang magdonate umano ng P400,000 si Asuncion sa isang non-government organization na kinuha nito sa tobacco excise tax collection ng nasabing bayan.

Dahil dito, pinatawan ng 6 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo si Asuncion sa bawat bilang ng kaso nitong graft samantalang anim na taon na pagkakabilanggo ang parusa nito sa bawat bilang ng kasong malversation.

Sinabi pa ng korte, bigo si Asuncion na idepensa ang sarili at naipakitang sapat na ebidensiya para pasinungalingan ang akusayon laban sa kanya.

Pinagbawal na rin humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno ang dating alkalde.

Kasama rin sa mga pinatawan ay sina Mamelfa Amongol, Rosita Ragunjan, Virginia Rafanan at Genoveva Ragasa ng Bayanihan ng Kababaihan na kaparehong parusa at pinagbabayad ng P400, 000 na katumbas ng kanilang ginastos na pondo na galing sa municipal share sa tobacco excise tax collections ng bayan noong 2012 kahit hindi inaprubahan ng konseho o ng kahit anong budget ordinance.

Napatunayan din na ang Bayanihan ng Kababaihan ay hindi kasama sa mga magsasakang nagtatanim ng tabako.

 

Please follow and like us:
Read More

AMALIA FUENTES PUMANAW NA

(NI DAVE MEDINA)

SUMAKABILANG-BUHAY na ngayong madaling-araw ang batikang aktres na si Amalia Fuentes sa edad na 79 anyos sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City.

Ang pagpanaw ni Amalia dakong alas-4:00 ng madaling araw kanina ay inihayag ng pamangkin nitong dating child wonder na si Niño Muhlach.

Dinala si Amalia apat na araw ang nakakalipas dahil sa pagsama ng kondisyon nito makalipas ang ilang taong pagdanas ng karamdaman at pananatiling nakawheelchair.

Ayon kay Niño, kasalukuyang nasa morgue ng St Luke’s si Amalia makaraan ang multiple organ failure.

“Nasa tabi niya ako, nagkaroon siya ng seizures, nakita ko walong beses pa siyang huminga (ng malalim)”, sabi ni Niño Muhlach sa panayam.

Please follow and like us:
Read More

P1.5M ARAW-ARAW, LUGI NG LRT2 SA ISINARANG 3 ISTASYON

(NI KIKO CUETO)

AABOT sa P1.5 na milyon araw araw ang mawawalang kita ng Light Rail Transit 2  dahil sa pagsasara sa tatlong istasyon nito, partikular ang Santolan, Katipunan at Anonas.

“For the loss of income, we are incurring around P3.2 million everyday for the whole line stoppage. But the moment we start the partial ops on Monday and Tuesday, we estimate that the financial losses would go down around P1.5 million daily,” sinabi ni LRT Spokesperson Hernando Cabrera.

Isasara ng LRTA ang 3 istasyon sa loob ng 9 na buwan kasunod ng nangyaring sunog sa power transformer nito noong Thursday.

Natigil ang operasyon nito at napilitang bumaba ang mga sakay na pasahero.

Aminado si Cabrera na matatagalan ang pagsasara dahil kailangan pa na bumili ng spare parts sa abroad.

“Most of the major components of the damaged system come from abroad, specifically the UK, France and Japan. We have to follow some procurement process, though we have already initiated what we can an emergency procurement procedure,” ani Cabrera.

“We have to take into consideration the fact that the items that we would be requiring are not off-the-shelf items. They will have to be customized for our system. So this will take time,” dagdag nito.

Sinabi ni public relations manager Lyn Janeo na ang operations sa istasyon ng Cubao papunta ng Recto at pabalik ay magsisimula sa susunod na linggo.

Sinabi ni Cabrera na ang bumababa sa tatlong isinarang istasyon ay sasakay sa mga bus na dadalhin sila sa Cubao.

 

Please follow and like us:
Read More

MARAWI SURVIVOR, 3 PANG OFW NA MINALTRATO, INAYUDAHAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

APAT na Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang survivor ng Marawi siege na nakaranas ng pangmamaltrato sa ibayong dagat ang pinagkalooban ng livelihood assistance ni Senador Cynthia Villar.

Bukod as financial assistance sa ilalim ng programa ni Villar para sa mga napapauwing OFWs na biktima ng pangmamaltrato, nagbigay ang senador ng start up kit para sa sari-sari store.

“With this assistance, we hope to be able to help our kababayan to start anew as they recover from the physical and emotional abuse their employers inflicted on them while working abroad,” saad ni Villar.

“Despite the many cases of maltreatment abroad, nakalulungkot na marami pa rin sa ating mga kababayan ang sumusugal na pumunta sa ibang bansa para lamang magkaroon ng pagkakakitaan,” dagdag ng mambabatas.

Kabilang sa tumanggap ng tulong ang 27-anyos na Marawi siege evacuee na nagtungo sa Metro Manila at nakipagsapalaran sa Kuwait bilang household service worker  subalit ginahasa, minaltrato at tinutukan pa ng baril ng kanyang amo.

Isa pa sa nabigyan ng tulong ang 31-anyos na ina mula sa San Fernando, Pampanga na ni-rape ng anak ng kanyang amo at pinagpupukpok ng martilyo sa Saudi Arabia.

Tumanggap din ng livelihood assistance at tulong pinansyal ang 31-anyos na single mother sa Libertad, Pasay na nagsilbing household service worker sa Dammam, Saudi Arabia na ikinulong ng amo sa loob ng 10 araw at hindi pinakain.

Ang huling recipient ay isang 38-anyos na ina mula sa Biñan, Laguna na ibinenta ng employer sa iba’t ibang pamilya sa Kuwait at minaltrato.

Please follow and like us:
Read More

ALDEN NA-MEET NA ANG LOOKALIKE NIYANG PARI

SA wakas ang na-meet na ni Alden Richards ang sinasabing lookalike priest ni na taga-Pangasinan. Unang napansin si Fr. Joseph Panaligan noong January 2018 nang mag-viral ang larawan niya habang may binibinyagang baby. At hindi lang sa itsura sila konektado.

Ang “Eat Bulaga!” ay nag-donate ng library sa parokya ni Fr. Joseph sa Urbiztondo, Pangasinan.

Recently, nag-meet ang dalawa nang mag-taping si Alden sa lugar at binigyan ng pari ang Pambansang Bae ng hundred-year-old image ng Sto. Niño at isang history book.

“Overwhelming, masaya syempre sa pagkakataon na makaharap, at maibigay ang regalo kay Alden,” sabi ni Fr. Joseph.

 

Please follow and like us:
Read More