(PHOTO BY MJ ROMERO) MAGTATAGPO ang University of Santo Tomas at De La Salle sa title rematch, matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa semis ng UAAP Season 82 Women’s Beach Volleyball Tournament kahapon sa Sands SM By The Bay. Ang four-peat seeking Golden Tigresses na ibinabandera nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ay nahablot ang 8-0 card, kasunod ng 21-7, 21-8 panalo laban kina Ateneo’s Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal. Habang sina Tin Tiamzon at Hustine Jazareno ng La Salle ay nanaig kina Sheena Gallentes Shiela Mae Kiseo…
Read MoreDay: October 6, 2019
HIGIT 6,000 SA 20,000 BABOY NA PINATAY ANG MAY ASF — DA
(NI ABBY MENDOZA) NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na maliit na porsiyento lamang ng mga baboy ang naapektuhan ng virus na African Swine Fever subalit umabot sa 20,000 kabuuang baboy ang pinatay dahil na rin sa nasa loob ito ng 1 kilometer radius kaya’t nadamay. Ang paglilinaw ay ginawa ng DA sa harap na rin ng mataas na bilang ng baboy na kinailangan nilang ilibing. Sinabi ni DA Spokesperson Noel Reyes, kung tutuusin ay maliit lamang na porsiyento ang tinamaan ng ASF ngunit para hindi na ito kumalat pa…
Read MoreMOCHA WALANG DELICADEZA – GABRIELA
(NI ABBY MENDOZA) “WALANG delikadeza si Mocha!” Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas matapos umanong tanggapin ni Mocha Uson ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong posisyon gayong nasa batas ang isang taon na pag-ban sa mga talunang politiko na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno. Kasabay nito, suportado ni Brosas ang pagbabawal sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga talunang partylist nominees isang taon matapos ang eleksyon. Ayon kay Brosas dapat sakop ng ban hindi lamang ang mga political candidates kundi maging mga partylist nominees. Tinuran…
Read MoreMISS ECO TEEN PHILIPPINES TINANGGALAN NG KORONA
INIANUNSIYO ng Miss World Philippines Organization nitong Biyernes na ang reigning Miss Eco Teen Philippines na si Vanessa Mae Walters ay tinanggalan na ng korona at pinalitan ni Mary Daena Zaide Resurrecion. Ang mga rason na binanggit ay: 1) Misrepresentation of her credentials; 2) Unprofessional behavior, kabilang na ang hindi pag-attend ng functions, pag-walk out, at hindi pagpirma sa contract; at 3) Indecency, kabilang na ang pag-post ng nude photos niya sa social media; at public display of alcohol and tobacco use. Ang kapalit na si Ms Resurrecion ay walang nakuhang…
Read MoreKULTURA, PAGKAIN AT IBA PA: BUMBONG SA PUTO… BUMBONG, ANO ‘YON?
Ang puto bumbong ay isang uri ng kakaning Pinoy na seasonal food sa atin. Seasonal dahil lumalabas lang ito sa merkado sa panahon ng Kapaskuhan. Basta pumasok ang “Ber” months, asahan na nating matitikman na natin ang sarap nito na kadalasan ding kasama ng bibingka. Ang dalawang ito ay aktwal na niluluto sa merkado, nakikita ng tao kung paano ito ginagawa bago ihain o ibigay sa mga mamimili. Pero ano ang bumbong na binabanggit sa puto bumbong? May ideya ba tayo rito o hanggang sa kain lang ang nalalaman natin?…
Read MoreJOLLY WAVES SA CALAPAN HOST SA MISS EARTH TALENT COMPETITION
Ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro, pamahalaang lungsod ng Calapan at Jolly Waves Waterpark & Resort ang mga punong-abala sa gaganaping talent competition ng Miss Earth 2019 sa Oktubre 10. Itinuturing na pinakamalaking okasyon ng Calapan, aabot sa 30 na mga kandidata mula sa Miss Earth’s Fire Group ang magtatanghal sa Jolly Waves para magtagisan sa talent portion ng naturang pageant. Kilala ang Jolly Waves Waterpark & Resort na pinakamalaking recreational facility sa Calapan, Oriental Mindoro at sa buong MIMAROPA Region. Tampok dito ang world-class na amenities na matatagpuan sa…
Read More169 TINAMAAN NG MENINGO MULA ENERO
(NI HARVEY PEREZ) MAY 169 na katao umano ang naitalang dinapuan ng meningococcemia sa bansa ngayong taong ito, kung saan 88 sa kanila ang binawian ng buhay. Ayon sa Department of Health (DOH),base sa inilabas na datos ng DOH-Epidemiology Bureau (EB),mula Enero hanggang Setyembre 21, 2019 ay nakapagtala sila ng 169 kaso ng meningo na may 88 nasawi o case fatality rate na 52%. Ito umano ay bahagya na tumaas kumpara sa 162 kaso na naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon, kung saan may 78 ang nasawi. “Most…
Read MoreKAGANAPAN SA SENADO, MAY EPEKTO KAYA SA DRUG WAR?
Parang isang mainit na bakal na binuhusan ng napakalamig na tubig ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga. Kasunod ng sinabi ng dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine National Police (PNP), na may kaugnayan sa mga nagaganap na katiwalian at pang-aabuso ng ilang tauhan at opisyal ng PNP sa pagpapatupad ng nasabing kampanya. Nakakagulat talaga ang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Chief Aaron Aqunio sa Senate hearing. Ito ang ilegal na mga gawain ng mga tiwali at abusadong pulis na kanilang tinaguriang…
Read MoreNANCY OF MOMOLAND, JAMES REID MAY BAGONG SHOW
MAY bagong show sa ABS-CBN si James Reid at ang makakapareha niya rito ay walang iba kundi si Nancy McDonie na miyembro ng sikat na Korean pop group Momoland. Ang teleserye at may pamagat na “Soulmate” at ididirek ito ni Antoinette Jadaone na siya rin nagdirek ng mga teleseryeng “On The Wings of Love” at “Till I Met You” na pinagbidahan din ni James kasama ang girlfriend na si Nadine Lustre. Ang buong grupo ng Momoland ay pumirma na rin ng kontrata sa ABS-CBN. Sumikat sila sa kanilang “Bboom Bboom” dance. 150
Read More