EX-MRT GENERAL MANAGER, LUSOT SA KASONG GRAFT

Al Vitangcol

(Ni JEDI PIA REYES)

INABSWELTO ng Sandiganbayan 6th Division si dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang kontrata noong 2012.

Ang graft case ay may kaugnayan sa maanomalyang $1.5 million na kontrata sa MRT-3 at pangingikil umano ng $30 million sa Czech Company na Inekon Group.

Kinatigan ng anti-graft court ang demurrer to evidence na inihain ng kampo ni Vitangcol laban sa prosekusyon.

Bigo ang prosekusyon na maidiin sa kaso ang dating General Manager ng MRT-3 dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Gayunman, nahaharap sa hiwalay na kaso ng paglabag sa Government Procurement Reform Act si Vitangcol bunsod ng pag-award nito sa PH Trams at CB and T joint venture ng maintenence contract ng MRT3 kung saan isa sa mga opisyal ng PH Trams ay tiyuhin ng kanyang asawa.

Please follow and like us:
Read More

RATINGS NI DUTERTE, BUMABA

DUTERTE66

(Ni JEDI PIA REYES)

BUMABA ng malaking puntos ang approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang buwan.

Gayunman, lumabas sa resulta ng survey ng Pulse Asia na nananatiling si Pangulong Duterte ang pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno.

Isinagawa ng Pulse Asia ang survey simula nuong Setyembre 16 hanggang 22 ng kasalukuyang taon sa tinatayang 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Batay sa survey, nakakuha ang Pangulo ng 78 percent approval ratings na bumaba ng pitong puntos kung ikukumpara nitong Hunyo.

Bumagsak din ng 11 percentage points o sa 74 percent ang trust rating ng punong ehekutibo.

Samantala, nasa 50 percent naman ang nakuhang approval rating ni Vice President Leni Robredo na mas mababa ng limang puntos kumpara nuong Hunyo at 46 percent trust rating na mas mababa ng anim na puntos.

Si Senate President Vicente Sotto III naman ay nakakuha ng 72 percent approval rating at 66 percent trust rating habang si Speaker Alan Peter Cayetano ay may 64 percent approval rating at 62 percent trust rating.

Ang punong mahistrado ng Korte Suprema na si Justice Lucas Bersamin ay may 42 percent approval rating at 34 percent trust rating.

Ang resulta ng survey ay may positive-negative 2.8 percent margin of error.

Please follow and like us:
Read More

GAGAMIT NG E-VEHICLES, BIGYAN NG INSENTIBO 

Patrick Aquino

(Ni DANG SAMSON-GARCIA)

IPINANUKALA ng Department of Energy (DOE) na magtayo ang gobyerno ng mga libreng charging stations para sa mga e-vehicles upang mas marami ang mahikayat na lumipat sa paggamit nito.

Ginawa ni DOE Director Patrick Aquino ang panukala sa pagdinig ng Senado sa mga usapin hinggil sa paggamit ng e-vehicles.

“Free charging is something that we should seriously consider. Based on our studies, other jurisdictions were able to jumpstart that with government taking a more proactive role in having and offering free charging facilities, at least at the onset,” saad ni Aquino.

Kabilang sinimulang talakayin ang mga panukala para sa pagbibigay ng insentibo sa paglipat sa electric vehicles, tulad ng Senate Bill No 174 o proposed Electric Vehicles and Charging Stations Act; Senate Bill No. 472 o proposed Green Vehicles Incentives Act; Senate Bill No. 479 o proposed Plug-in Hybrid Electric Vehicles Incentives Act; Senate Bill No. 538 o proposed Green Vehicles Incentives Act; at Senate Bill No. 638 o proposed Electric and Hybrid Vehicles Incentives Act.

Kabilang din sa ikinukunsidera ng DOE ang free parking, exception sa number coding o traffic management scheme at five-year registration.

Kinumpirma naman ng Department of Finance (DOF) na nakapaloob na sa 2017 Investment Priorities Plan ang pagbuo ng free charging stations, kabilang na ang para sa electric vehicles.

Please follow and like us:
Read More

RATING NI CAYETANO MAS MATAAS PA KAY ROBREDO

CAYETANO-ROBREDO

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Naungusan pa ni House Speaker Allan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo sa pinakahuling trust at approval rating survey ng Pulse Asia.

Ito rin ang unang pagkakataon na nasapawan ng isang House Speaker si Robredo pagdating sa trust at approval rating.

Base sa September survey ng Pulse Asia, nakakuha ng 62% ang trust rating ni Cayetano habang 64% naman ang kanyang approval rating na malayong sa nakuhang rating ni Robredo.

Nakakuha lang si Robredo ng 50% approval rating nitong Setyembre kung saan bumagsak pa ito ng 5 points sa naitalang 55% noong Hunyo 2019 habang 6% naman ang ibinaba ng kanyang trust rating dahil umaabot na lamang ito sa 46% mula sa dating 52%.

Bago si Cayetano, hindi rin natatalo ni Robredo sa trust at approval rating ang mga dating House Speaker na sina dating Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arrayo at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Samantala, hindi rin ikinagulat ng kanyang mga kasamahan sa Kamara ang pagkakaroon ng mataas na approval at trust rating ni Cayetano dahil seryoso umano itong magtrabaho kasama ang buong Kapulungan.

“It’s a recognition of Speaker Cayetano’s hard work for the people. He has been doing his best to reciprocate the support extended to him by his colleagues when he was elected Speaker. Like President Duterte, his primary focus is to serve and make better the life of Filipino

people,” ani House deputy speaker Raneo Abu.

“This is the first time that Speaker Cayetano has been rated by the Filipino people through the Pulse Asia’s Ulat sa Bayan survey, and we are collectively proud of our leader’s exemplary trust and approval rating. Truly, nothing warms the heart of public servants more than the appreciation of our constituents,” ayon naman kay House majority leader Ferdinand Martin Romualdez.

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG INSENTIBO SA MGA DAYONG TEACHERS

teachers12

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Magkakaroon ng dagdag na insentibo ang mga public school teachers na nagtuturo sa ibang probinsya o kaya ibang munisipalidad lalo na ang mga tumatawid pa sa mga ilog, sapat at bundok para gampanan lang ang kanilang trabaho.

Sa House Bill (HB) 4864 na inakda ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, panahon na umano para bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga public school teachers na dumadaan sa hirap bago makarating sa eskuwelahan na kanilang pinagtuturuan.

“Public school teachers can be considered as modern day heroes. They continue to perform their task and guide our youth despite the hardship that they encounter,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang panukala.

Partikular na sa mga nahihirapan aniya ay ang mga guro na nadedestino sa labas kanilang barangay o munisipalidad o kaya sa ibang probinsya subalit pareho lang ang kanilang sinasahod sa iba.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may mga guro lalo na sa mga lalawigan na tumawid pa sa mga ilog, sapa at mga bundok bago makarating sa kanilang pinagtuturuang eskuwelahan.

“This is not only entails additional expenses on the part of the teachers but could also result in other negative effects in the life and performances of the teachers,” ani Rodriguez.

Dahil dito, sinabi ni Rodriguez na dapat bigyan na ng dagdag na insentibo tulad ng P2,000 monthly allowance kapag ang destino ng mga ito ay loob ng kanilang probinsya subalit nasa ibang bayan naman.

Tatanggap naman ng P4,000 na monthly allowance ang mga guro na nagtuturo sa ibang probinsya dahil karaniwang nangungupahan na lamang ang mga dahil mahirap sa kanila ang umuuwi araw-araw.

Bukod ang allowance sa iba pang benepisyo na tinatanggap ng lahat ng mga public school teachers na ayon sa mambabatas ay nararapat lamang lalo na’t hindi kalakihan ang sinasahod ng mga ito buwan-buwan.

Please follow and like us:
Read More

PMA DOCTORS NA TUMINGIN KAY DORMITORIO PINATATANGGALAN NG LISENSYA 

Rep Alfredo Garbin-2

(Ni ABBY MENDOZA)

HIND lamang kasuhan kundi dapat tanggalan na ng lisensya bilang mga doktor ng Professional Regulation Commission(PRC) ang dalawang PMA doctors na tumingin kay PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ayn kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, isa sa may-akda ng Anti-Hazing Law, na malinaw na may kapabayaan ang PMA doctors na sina Captain Flor Apple Apostol at Major Ofelia Beloy na nagbigay ng maling diagnosis kay Dormitorio.

“The academy doctors were the last lifeline of Darwin. They failed to save him and stop any harm to his tortured body and mind. Let their peers in the medical profession weigh the facts and circumstances”pahayag ni Garbin.

“Bugbog ang katawan, U.T.I. lang ang diagnosis? Kung hindi sana nagbulag-bulagan ang mga doktor, baka sakaling buhay pa ngayon si Cadet Dormitorio,” dagdag pa ng mambabatas.

Malinaw  na mayroong administrative, professional, civil, at criminal liabilities ang mga doktor ng PMA Station Hospital dahil sa ginawang kapabayaan.

Umaasa si Garbin na kikilos ang PRC sa kaso ni Dormitorio.

“I appeal to the Professional Regulation Commission, hoping the proper steps can be taken, to suspend the license to practice of the doctors under investigation for the hazing, torture, and death of PMA cadet Darwin Dormitorio,” pagtatapos pa nito.

Please follow and like us:
Read More

MTRCB PINAKILOS VS IBA’T IBANG VIDEO STREAMING PLATFORMS

MTRCB

(Ni NOEL ABUEL)

Pinakikilos ng isang senador ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na maging masusi sa pagkaklasipika sa mga pelikula at palabas sa iba’t ibang plataporma, kabilang na ang online streaming providers tulad ng Netflix at Amazon Prime.

Ginawa ni Senador Sherwin Gatchalian ang panawagan matapos mabahala na maraming Filipino ang madaling makapanood ng mga pelikula na mayroong temang labis sa karahasan, bastos na pananalita, at sekswal na nilalaman sa pamamagitan ng video streaming platforms na walang angkop na klasipikasyon at regulasyon.

“Ang MTRCB ang nangangasiwa sa mga pelikula at TV shows na ipinalalabas sa mga sinehan at telebisyon. Ngunit ngayon, may mga makabagong teknolohiya na – Netflix, Apple TV – at ang alam ko ay mayroong ibang apps na nagpapalabas din ng mga pelikula at ibang shows. Kaya’t paano nakakasabay sa teknolohiya ang MTRCB?” tanong ni Gatchalian.

“Itong loophole na kagaya nito ay dapat siyasating mabuti ng regulators. Nais ko lang ilatag ito upang mapag-usapan na ng Board kung paano tayo ngayon makalilipat sa 21st century,” saad ni Gatchalian.

Ginawang halimbawa ni Gatchalian ang drama-crime horror movie na “Eerie” na ipinapalabas sa Netflix. Ang pelikula, na gawa ng Star Cinema, ay tumatalakay sa sensitibong isyu ng mental health, kung saan ang iniimbestigahan ng bidang babae ang pagkamatay ng ng isang estudyante sa kanyang paaralan na ‘di umano’y nagpatiwakal.

Ikinababahala ng senador na ang mga pelikulang tulad ng Eerie ay maaaring makaambag sa “romanticization” ng mental illness, lalung-lalo na ngayong ang mental health ay lumalaking usapin na sa bansa.

Bukod pa rito, may mga grupo umano  tulad ng The Youth for Mental Health Coalition na nagpahayag din ng pagkabahala sa pagpapalabas kamakailan ng Eerie dahil sa napakalinaw na pagsasalarawan ng pananakit sa sarili at pagpapakamatay.

“Sa aking pananaw, ang mental health ay isang lumalaking isyu sa bansa. At ito umaabot na sa sa ating mga paaralan, hanggang sa basic education,” ani Gatchalian.

“Kahit ang mga kabataan ay nakararanas ngayon ng mental health conditions at ayaw nating palalain ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga pelikulang maaaring makapagbigay ng isyu sa kanilang mental health na madaling mapanuod ng kabataan ng walang angkop na babala mula sa mga magulang. Nais ko lang po itong pag-usapan sa board,” dagdag nito.

Please follow and like us:
Read More

ANGKAS: GOBYERNO, PRIBADONG SEKTOR MAGTULUNGAN PARA MASOLUSYUNAN ANG TRAPIK

ANGKAS-2

LUBHA ng malala ang sulilranin sa trapiko sa bansa na hindi kayang solusyunan ng isang ahensya lamang ng pamahalaan kundi ng pagtutulungan ng pribado at pampulikong sector na kinakailangang magbalangkas ng isang komprehensibo at kayang ipatupad na traffic plan.

Ito ang buod ng pahayag ni inclusive mobility champion at Angkas Chief Transport advocate George Royeca sa katatapos na Roads and Traffic Expo, ang kauna-unahang pagpupulong na naglalayong mag-ing plataporma para sa pagtutulungan ng public and pivate sectors kaugnay sa problema ng trapiko.

Lumahok sa nasabing expo ang Angkas, ang kauna-unahang app-based motorcycle ride-hailing service sa bansa, upang talakayin ang mga naangkop na solusyon upang tugunan ang malalang problema sa traffic sa bansa.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Japanese International Cooperation Agency (JICA), tinatayang umaabot sa P5.4 bilyon kada araw ang mawawala sa bansa sa pagsapit ng 2035 kung hindi malulutas ang problema sa trapiko.

Itinampok din sa dalawang araw na Roads and Traffic Expo ang mga nakikitang solusyon mula sa pam-publiko at pribadong partners hindi lamang para sa pagsasaayos ng trapiko kundi para maayos ang ka-buuang sistema sa sektor ng transportasyon.

Kasama ni Royeca sa discussion panel sa expo sina Ariel Lim, dating Presidential Assistant on Public Transport Affairs; Konsehal Winnie Castelo ng ikalawang distrito ng Quezon City at dating congressman at chairman ng Congressional Committee on Metro Manila Development; Atty. Ariel Inton, traffic czar ng Quezon City at dating director ng LTFRB at Amor Maclang, director ng Transport Watch.

Tinalakay ng panel ang best practices sa public-private partnerships upang matugunan ang problema ssa sa transportasyon at ang kakulangan ng maayos na transport options sa Metro Manila.

Sa nasabing talakayan, binigyang-diin ni Royeca ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pampubliko oat pribadong sektor upang matugunan ang problema sa traffic. “Hangarin namin sa Angkas na makapag-bigay ng ligtas, maaasahan at abot-kayang transportasyon para sa lahat at handa kaming gawin ang la-hat upang patuloy naming itong magawa at maibigay para sa publiko,” ani Royeca.

“Ang Angkas ay hindi ang nag-iisa at natatanging solusyon para sa problema sa trapiko- walang anu-mang ahensya o kumpanya ang makapagbibigay ng ganyang solusyon. Subalit dahil sa ating kasalu-kuyang pakikipagtulungan sa DOTr, naipakita naman natin na kaya ng Angkas na makatulong para maibsan ang trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibo na inklusibo,” dagdag pa niya.

Pinahintulutan ng Department of Transportation ang 6-buwang pilot run ng Angkas sa Metro Manila at Cebu kasunod ng rekomendasyon ng Technical Working Group (TWG). Naging isang magandang halimbawa rin ang Angkas ng isang matagumpay na kooperasyon sa pagitan ng pribadong kumpanya at ahensya ng pamahalaan.

Lahat ng 27,000 biker-partners ay masusing sinamay para sa bagong safety protocol alinsunod sa pa-takaran ng DOTr TWG.  Napapanatili naman ng Angkas ang 99.997% safety record nito sa kanila ng mga naunang pagdududa ng ibang ahensya ng gobyerno hinggil sa kaligtasan ng nasabing uri ng trans-portasyon.

“Ito ang dahilan kung bakit patuloy tayong nakikipagtulungan sa lahat ng stakeholders dahil naniniwala tayo na ang problema ng trapiko ay malulutas lamang sa maayos na pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor para sa isang komprehensibong solusyon,” binigyang-diin pa ni Royeca.

“Apektado tayong lahat sa nawawalang oras at kita gawa ng traffic. Bago pa man tayo makarating sa opisina, pagod na tayo sa traffic sa kalsada. Kailangan natin ng mas maayos na sistema. Kahanga-hanga ang pasensya ng mga Pilipino sa araw-araw na pakikibaka sa kalsada subalit umaasa tayo na sa pag-tutulungan ng pampubliko at pribadong sektor, mabibigyan natin ng mas maayos na  buhay ang ating mga komyuter, ang ating mga kapwa Pilipino,” ani Royeca.

Please follow and like us:
Read More

GATCHALIAN SA DOTR: PUV MODERNIZATION PROGRAM PAG-ARALAN

jeepney44

(Ni NOEL ABUEL)

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Transportation na balikan at tingnan muli ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) nito sa gitna ng maligamgam na pagtanggap ng karamihan ng transport groups.

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance (Subcommittee E), hinihimok nito ang DOTr nang pamunuan nito ang pagdinig sa ₱147 bilyon budget ng ahensya para sa 2020 na gawin ang nasabing programa.

Noong pagdinig, ginisa ni Gatchalian ang DOTr sa layunin nitong gawing makabago at ayusin ang public transport system ng bansa, na inilunsad ng gobyerno taong 2015.

Kinuwestiyon ng mambabatas ang mabagal na pagpapatupad ng programa simula noong ito ay simulan, at sinabing ang disbursement rate ng programa ay 4% lamang.

“Ang pinakakaraniwang feedback na nakukuha ko ay napakahirap daw sumunod sa mga dokumento pagdating sa isyu ng pangangapital. Mataas na masyado iyong interest rates na binibigay nu’ng bangko at iyon teknolohiyang kailangan – ‘yung cashless payment – mayroong problema rito,” paliwanag ng senador

“Ibig sabihin, talagang kailangan natin na balikan ang programa. Bukod pa sa muling pag-bisita sa istratehiya, kailangan din natin na muling bisitahin ang programa. Maraming mga sagabal. Kaya yung pagkuha, na makikita sa mga dokumento, ay mabagal na mabagal,” dagdag nito.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Mark Richmund De Leon sa pagdinig ng Senado na tinit-ingnan ng ahensya na palitan ang kalahati ng PUJs sa buong bansa sa susunod na tatlong taon dahil luma at sira-sira na ang mga ito.

Sa datos mula sa DOTr, ang public utility bus (PUBs) at public utility jeepneys (PUJs) ay pi-nupunan ang 67% ng demand ngunit gumagamit lamang ng 28% ng espasyo ng kalsada. Mayroong humigit kumulang 234,739 PUJs sa buong bansa, kung saan halos 90% ay 15 ta-ong gulang pataas.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Arturo Tugade na nagbigay na sila ng subsidiya upang hikayatin ang mga operator ng PUJ na palitan na ang kanilang mga lumang jeepney ng makabago at environment-friendly na mga sasakyan. Pinagpalagay niyang ang ang pina-kamurang unit ay pumapatak ng ₱900,000 na may amortisasyon na ₱500 kada araw. Ang mas malaking mga yunit na nagkakahalagang ₱1.6 milyon, sa kabilang banda, ay mayroong amortisasyon na ₱1,000 kada araw.

Please follow and like us:
Read More